SlideShare a Scribd company logo
Ang Pinagmulan ng Marinduque
Noo'y bago pa lamang kapapadpad sa ating dalampasigan ng mga Kastila. Sa balangay ng
Batangan, ngayo'y Batangas, ay kalakip ang Mindoro at mga lupalop ng timog-kanluran ng
Laguna hanggang Kamarines.
Si Batumbakal ay kilalang datu ng Batangan at mga balangay sa karatig nito. Sila'y mayaman
at makapangyarihan.
Tampok ng Katagalugan ang kanyang kaisa-isang anak na si Mutya Marin. Si Mutya Marin ay
maganda, mahinhin at halos ang lahat ng katangian ng dalagang Silangan ay napisan sa kanya.
Siya'y kayumangging kaligatan. Alun-alon ang buhok na hinabi ng hatinggabi. Mapungay ang
mga mata, matangos angilong, linalik ang baba at may gatla sa leeg. Siya'ymay nunalsa batok.
Balangkinitan ang katawan. Katamtaman ang taas. Ang baywang ay hugis hantik. Manipis ang
alak-alakang nagbabadyang siya ay masipag, ayon sa matandang kasabihan.
Maraming tagahanga si Mutya Marin at kabilang dito ay si Datu Bagal na ubod ng yaman. Ang
kaharianniya'ykilala sa tawagna Mindoro (Mina de Oro). Sina Datu Sagwilng Laguna at Datu
Kawili ng Kamarines ay mga tagahanga rin subali't ang nagpatangi sa lahat kay Marin ay isang
dukhangmang-aawit,si Garduque,manghahabi ng tula at tagahanga ng kalikasan.Siya'ytaga-
Taal at isang mandaragat sa lawang Bunbon.
Isang araw, nagpabalita na magkakaroon ng palaro sa palasyo bilang parangal sa mga anito.
Ang mga manlalaro ng iba't ibang kaharian ay nagsidalo.
Dumating ang palarong pinakahihintay. Natipong lahat ang mga pambato ng sarisaring
palakasan. Angunang labanay pagbinitng palaso. Ang nakatamo ng gantimpala ay bantog na
Mangyan ng Mindoro na si Balindada.
Ang ikalawang paligsahan ay palayuanng pagbato sa ibayong ilog. Ang nagkamit ng karangalan
ay Igorot na kinatawan ng Bulu-bundukin.
Ang karera sa kabayo ay isinunod at sinalihan ng mga prinsipe. Sinumang makatalo kay Mutya
Marin ay siya niyang paka-kasalan. Subali't lahat ay nabigo. Sa bilis, si Mutya Marin ay
kawangis ng limbas. kaya napahiyang lahat ng kanyang tagasuyo.
Sa huli, si Marin ay itinanghal na reyna ng paligsahan at siya'y pinutungan ng korona ng
karangalan. Ang nagkapalad magputong ng korona ay walang iba kundi ang makatang
kasintahan.
Natapos ang parangal sa mga anito at nagsialis ang mga panauhin.
Nagbalik sa kaharian ang mga araw na katulad ng dati.
Dahil sa sina Datu Bagal, Sagwil at Kawili ay mga kapalagayang-loob ng ama ni Marin, sa loob
at labas ng kaharian ay nakapaghahandog sila ng pag-ibig sa mutyang dalaga. Sa kabilang dako
naman, ang binatang makata ay di-mamakailang pinagbawalan ni Datu Batumbakal na huwag
makipagkita sa kanyang butihing anak.
"Bakit ka pumapasok sa loob ng aking kaharian nang wala akong pahintulot?" ang minsa'y
tuligsa sa kaawa-awang makata.
"Ako po'y sumusunod lamang sa utos ng iyong anak."
"Mula ngayo'y di ko gustong makita ang pagmumukhang iyan, pangahas," ang pagbabala ng
datu.
"Hindi po ako pangahas. Hindi ko po masuway si Mutya Marin. Ako po'y pinabibigkas ng mga
tulang kanyang kinagigiliwan."
"Magtigil ka, walang-turing!"
Umalis ang makatang ang mukha'y nasa talampakan.
Hindi na matiis ni Mutya ang paglaitng kanyangama sa minamahal. Kaya minsa'y ipinagtanggol
ni Marin ang binata.
"Hari kong Ama, utang na loob! Huwag ninyong hamakin ang aking kasintahan. Siya ang
tumutugon sa aking mga saligan sa buhay."
Hindipa nakatapossi Marin sapagka'tsi DatuBatumbakalaynagsalita."Ikaw aynabubulagan.
Ipagpaliban natin anghinggil sabagay na iyan. Sa iba nang araw natin pag-usapan."
Napipi si Marin at siya'y hindi na nakaimik kaputok man.
Maluwatdingpanahonanglumipas na di pumapasok angmang-aawitsa palasyo.Likha palibhasa
ng di-matingkalang kapangyarihan ng pag-ibig, si Mutya Marin ay sadyang nagliwaliw sa
kaparangan sa pagbabaka-sakaling matagpuan doon ang abang makata. Nakarating siya sa
matulaing Hog Pansipit. Napadako si Mutya sa panig ng baybaying ilog na mapanganib. Dito'y
maraming mga buwaya na sumisilangtao.
Nang sisilain na lamang at sukat si Marin ng isang mabangis na buwaya, ay siya namang
pagdating ng makatang kasintahan. Sa kabutihang-palad kapagkaraka'ybuminit ang binata sa
palaso. Natudla and buwaya kaya nasagip si Marin sa nakaumang na sakuna.
"Salamat, Mahal! ipinag-aadya pa ako ng ating mga anito!"
"Bakit ka nangahas maglibot sa kagubatan? Di mo ba alam na ikaw ay kagigiliwan ng nuno sa
punso? Kung magkagayon, hindi ka na makababalik sa palasyo."
"Ewan ko ba! Hindi akomapalagay kung hindi kita makita. Maluwat nang hindi mo ako sinisipot.
Kay dali mong makalimot!" ang pagtatampo ng dalaga.
"May babala sa akin ang iyong ama."
"Kung talagang tapat sa akin, kung tunay ang iyong pagmamahal, hahamakin ang lahat. Kahit
kamataya'y iyong susuungin kung dahil sa akin."
"Marin, tunay nga bang ako'y iyong minamahal? Ako'y isang dukha, kumain dili. Bakit mo ako
itatangi? Si Datu Bagal ay mayaman. Si Datu Sagwil ay makapangyarihan. Si Datu Kawili ay
marahas. Bakit ako ang pag-uukulan ng iyong kalinga?"
"Ang puso ko'y iyong sinusugatan," pakli ng dalaga.
"Sundin mo ang iyong mahal na ama. Ang datu ay ayaw sa akin. Ano nga naman ang iyong
mapapala sa isang mang-aawitna tuladko?Maaarika bangpakaininlamangng akingmga tula?"
"Hindi ang pagkain lamang ang nakabubuhay sa tao. Banal ang iyong kaluluwa."
"Salamat, Marin Nalalaman mo bang ang pakikipagkita mong ito sa aki'y ipinagbabawal ng
datu?"
"Oo."
"Nalalaman mo bang ang pakikipagtagpo mo sa aki'y nanga-ngahulugan ng pagtagpas sa aking
ulo? Baka pati ikaw ay maparamay."
"Nababatid ko. Ako'y nakipagtagpo sa iyo upang minsan pa nating sariwain ang sumpaang sa
ating dalawa ay walang mamamagitan kundi kamatayan!"
"Isinusumpa ko. Kita'y mamahalin hanggang langit."
"Magmamahalan tayo hangga't may daigdig. Magsadya ka mamayang gabi sa palasyo, sa
halamanang dati nating tagpuan. Mayroon akong ipagtatapat."
"Umalis ka na at baka hanapin ka ng iyong ama."
"Siya nga. Isa lamang aliping dalaga ang kasama."
Inihatid ng binata ang dalaga hanggang sa tabi ng kabayanan.
Nang kinahapuna'y ipinatawag si Marin ng ama. "Bakit ka ba nakikipagtagpo nang lihim sa
dukha mong kasintahan? Ito'y sinsay sa aking mga kautusan at kaugalian ng balangay. Ang
maharlika ay sa maharlika at ang alipi'y sa alipin. Bukas na bukas din aking papupugutanang
iyong kasintahan."
Hindi nakuhang makapagmatuwid ang dalaga. Alam niya ang bawa't sabihin ng ama'y
masusunod. Napakasungit ng datu! Pinasusian si Mutya Marin sa itaas ng tore. Nang dumating
ang tipanang oras ay walang makitang Marin sa halamanan. Hinanap ng binata ang dalaga.
Nakita niyang maliwanag ang tore kaya sinapantahang naroon ang hinahanap. Sumagi sa
kanyang hinala na namalayan ng datu ang pakana nilang pagtatagpo.
Ang mang-aawitaynagpunta sa paananng tore nguni'tpaano niya maaakyatiyon?Wala siyang
mahagilap na lubid o anumang tali. Siya'y naupo at nag-isip. Namataan niya na may aninong
gumagalaw sa bintanaat ilang saglitpa'y may naglawit ng lampara. Napag-alaman niyang si
Marin ay gising. Nahinuha niyang batid ni Marin na siya'y nasa paanan ng tore at naghihintay.
"Dapat sana siyang mag-ingat sa paglalawit ng ilaw sapagka't baka mahalata ng bantay," ang
bulong ng makata sa sarili.
Samantalangangbinata ay nasa ganitongpagmumuni-muni, bigla siyangnamangha nangmakita
si Marin sa kanyang harapan. Ang dalaga pala'y naghugos sa tore sa pamamagitan ng lubid at
mga piraso ng damit na pinagbuhol-buhol.
"Giliw," ang Simula ni Marin, "bukas ay papupugutan ka."
"Ako'y nakahanda. Pumapayag ka ba?"
"Hindi maaari. Tayo ay magtanan habang may panahon. Mayroon akong kinasabuwat na mga
alipin na gagaod sa ating bangka. Sa Wawa tayo hinihintay."
"Saan tayo tutungo?"
"Tayo'y tatakas. Tayo'y pasasatimog... saan man... doon sa walang amang makapanghihimasok
sa pag-ibig ng anak."
Ang dalawa'y nagtanan. Magdamag silang naglayag sa lawak ng karagatan.
Nag-umaga. Nang mag-aalmusal na, siyang pagkapansin ng datu na si Marin ay wala na. May
nakapagsumbong na siya'y tumakas. Inihanda at iniutos ng datung habulin ng mabilis na batil
pandigma ang magkasintahang tumalikod sa kaugalian ng balangay.
Nagpabalita si Datu Batumbakal sa tatlong datung tagasuyo ni Mutya Marin. Si Datu Sagwil
ay madaling tumugon.
Sa mga nagsihabol ay kasama si Datu Kawili na siyang gustong pagpakasalan kay Marin. Si
Datu Bagal ay sumama rin nang magdaan sa Mindoro ang mga humahabol.
Anong magagawa ng munting sasakyang kinalululanan ng magkasintahan? Walang pagsalang
sila'y aabutin! Lima lamang oras ang nakalipas matapos makapag-almusal ang datu nang abutin
ng dambuhalang sasakyang humahabol ang mga nagsitakas.
Binuo ng magkasintahan sa kanilang sarili na sila'y di pabibihag nang buhay, kaya sinabi na
mangyari na ang dapat mangyari. Bilang pagmamatigas ng binata ay pinagkaisahan nilang
magpatihulog sa karagatan. Pinagtali ang dalawangkamayng matibay na lubid at ito'y ikinabit
sa mabigat na bato upang sila'y magtuloy-tuloy sa kailaliman ng dagat.
Ganito nga ang nangyari.Nangiilan na lamang dipa angagwatng maliit na sasakyansa malaking
sasakyang humahabol, ay magkayapos na tumalon sina Marin at ang binata. Tuloy-tuloy sa
kailaliman ng tubig dahil sa mabigat na pataw na nagsilbing sangkap ng kamatayan.
"Paalam, Batumbakal," ang sabi ni Garduque
"Paalam, Amang," ang sabay ni Marin.
Hindi matagpuan ang magkasintahan. Para manding bulang hinigop ng buhawi.
Kinaumagahan, anong pagtataka ng mga nagsisihanap nang makita ang isang malaking pulo sa
dakong tinalunan ng magsinggiliw. Mula noon ay pinangalanan ang pulo na MARINDUQUE,
galing kina Marin at Duque.
Nagsisi si Datu Batumbakal nguni't huli na. Bilang pagtitika sa kanyang nagawang
pagmamalupit, siya'y nagpakatino. Siya'y naging mapagmahal sa kanyang mga sakop.Ang mga
alipin ay kanyang pinag-ukulan ng pagtingin na higit sa rati. Binago niya ang mga batas na
pinaiiral sa balangay. Ang mga alipin at mga maharlika ay naging pantay-pantaysa dambana ng
mga anito tungkol sa pag-ibig at suliranin sa puso.
Ang Marinduquengayonayisangpulongmaymagaganda atmatulaingtanawin.Pinilasangganda
kay Marin at hiniram ang tula sa dakilang mang-aawit.

More Related Content

What's hot

Modyul (Aginaldo ng mga Mago)
Modyul (Aginaldo ng mga Mago)Modyul (Aginaldo ng mga Mago)
Modyul (Aginaldo ng mga Mago)
Aubrey Arebuabo
 
Dagli
DagliDagli
Kabanata 1 at 2 PPT.pptx
Kabanata 1 at 2 PPT.pptxKabanata 1 at 2 PPT.pptx
Kabanata 1 at 2 PPT.pptx
NymphaMalaboDumdum
 
Noli me tangere kabanata 11
Noli me tangere kabanata 11Noli me tangere kabanata 11
Noli me tangere kabanata 11
Sir Pogs
 
Dahil sa anak
Dahil sa anakDahil sa anak
Dahil sa anak
Jeremiah Castro
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
rommel geanga
 
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-7.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-7.pptxIKATLONG-MARKAHAN-WEEK-7.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-7.pptx
Mark James Viñegas
 
Noli me tangere kabanata 23
Noli me tangere kabanata 23Noli me tangere kabanata 23
Noli me tangere kabanata 23
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 24
Noli me tangere kabanata 24Noli me tangere kabanata 24
Noli me tangere kabanata 24
Sir Pogs
 
Tahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarolTahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarol
SCPS
 
Sundiata
SundiataSundiata
Filipino 8 Epiko ni Bidasari
Filipino 8 Epiko ni BidasariFilipino 8 Epiko ni Bidasari
Filipino 8 Epiko ni Bidasari
Juan Miguel Palero
 
Noli me tangere kabanata 2
Noli me tangere kabanata 2Noli me tangere kabanata 2
Noli me tangere kabanata 2
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 12
Noli me tangere kabanata 12Noli me tangere kabanata 12
Noli me tangere kabanata 12
Sir Pogs
 
Nelson Mandela.pptx
Nelson Mandela.pptxNelson Mandela.pptx
Nelson Mandela.pptx
JoseIsip2
 
ANEKDOTA LESSON.pptx
ANEKDOTA LESSON.pptxANEKDOTA LESSON.pptx
ANEKDOTA LESSON.pptx
PrinceCzarNBantilan
 
Si Mangita at si Larina
Si Mangita at si LarinaSi Mangita at si Larina
Si Mangita at si Larina
Mckoi M
 
KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN
Clarice Sidon
 
NATALO RIN SI PILANDOK PPT.pptx
NATALO RIN SI PILANDOK PPT.pptxNATALO RIN SI PILANDOK PPT.pptx
NATALO RIN SI PILANDOK PPT.pptx
IsabelGuape1
 

What's hot (20)

Modyul (Aginaldo ng mga Mago)
Modyul (Aginaldo ng mga Mago)Modyul (Aginaldo ng mga Mago)
Modyul (Aginaldo ng mga Mago)
 
Dagli
DagliDagli
Dagli
 
Kabanata 1 at 2 PPT.pptx
Kabanata 1 at 2 PPT.pptxKabanata 1 at 2 PPT.pptx
Kabanata 1 at 2 PPT.pptx
 
Noli me tangere kabanata 11
Noli me tangere kabanata 11Noli me tangere kabanata 11
Noli me tangere kabanata 11
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
Dahil sa anak
Dahil sa anakDahil sa anak
Dahil sa anak
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
 
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-7.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-7.pptxIKATLONG-MARKAHAN-WEEK-7.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-7.pptx
 
Noli me tangere kabanata 23
Noli me tangere kabanata 23Noli me tangere kabanata 23
Noli me tangere kabanata 23
 
Noli me tangere kabanata 24
Noli me tangere kabanata 24Noli me tangere kabanata 24
Noli me tangere kabanata 24
 
Tahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarolTahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarol
 
Sundiata
SundiataSundiata
Sundiata
 
Filipino 8 Epiko ni Bidasari
Filipino 8 Epiko ni BidasariFilipino 8 Epiko ni Bidasari
Filipino 8 Epiko ni Bidasari
 
Noli me tangere kabanata 2
Noli me tangere kabanata 2Noli me tangere kabanata 2
Noli me tangere kabanata 2
 
Noli me tangere kabanata 12
Noli me tangere kabanata 12Noli me tangere kabanata 12
Noli me tangere kabanata 12
 
Nelson Mandela.pptx
Nelson Mandela.pptxNelson Mandela.pptx
Nelson Mandela.pptx
 
ANEKDOTA LESSON.pptx
ANEKDOTA LESSON.pptxANEKDOTA LESSON.pptx
ANEKDOTA LESSON.pptx
 
Si Mangita at si Larina
Si Mangita at si LarinaSi Mangita at si Larina
Si Mangita at si Larina
 
KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN
 
NATALO RIN SI PILANDOK PPT.pptx
NATALO RIN SI PILANDOK PPT.pptxNATALO RIN SI PILANDOK PPT.pptx
NATALO RIN SI PILANDOK PPT.pptx
 

Similar to Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx

ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
EDNACONEJOS
 
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaranAralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
Jenita Guinoo
 
Epikong mindanao4
Epikong mindanao4Epikong mindanao4
Epikong mindanao4
Darell Lanuza
 
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
asa net
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02Ryan Pallorina
 
Alamat ng pitong makasalanan
Alamat ng pitong makasalananAlamat ng pitong makasalanan
Alamat ng pitong makasalanan
JonahHeredero
 
Alamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang MayonAlamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang Mayon
Jessie Pedalino
 
413434260-Mga-Akdang-Pampanitikan-Salamin-Ng-Mindanao.pptx
413434260-Mga-Akdang-Pampanitikan-Salamin-Ng-Mindanao.pptx413434260-Mga-Akdang-Pampanitikan-Salamin-Ng-Mindanao.pptx
413434260-Mga-Akdang-Pampanitikan-Salamin-Ng-Mindanao.pptx
RestyHezronDamaso1
 
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Cherry Javier
 
REHIYON 12 (Panitikan at Manunulat)
REHIYON 12 (Panitikan at Manunulat)REHIYON 12 (Panitikan at Manunulat)
REHIYON 12 (Panitikan at Manunulat)
Avigail Gabaleo Maximo
 
Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Epiko ng mga Muslim - sfil 15Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Epiko ng mga Muslim - sfil 15
vaneza22
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)naomimikaelbalderama
 

Similar to Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx (15)

ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
 
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaranAralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
 
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at XKwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
 
Epikong mindanao4
Epikong mindanao4Epikong mindanao4
Epikong mindanao4
 
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
 
Epikong mindanao4
Epikong mindanao4Epikong mindanao4
Epikong mindanao4
 
Alamat ng pitong makasalanan
Alamat ng pitong makasalananAlamat ng pitong makasalanan
Alamat ng pitong makasalanan
 
Alamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang MayonAlamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang Mayon
 
413434260-Mga-Akdang-Pampanitikan-Salamin-Ng-Mindanao.pptx
413434260-Mga-Akdang-Pampanitikan-Salamin-Ng-Mindanao.pptx413434260-Mga-Akdang-Pampanitikan-Salamin-Ng-Mindanao.pptx
413434260-Mga-Akdang-Pampanitikan-Salamin-Ng-Mindanao.pptx
 
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
 
REHIYON 12 (Panitikan at Manunulat)
REHIYON 12 (Panitikan at Manunulat)REHIYON 12 (Panitikan at Manunulat)
REHIYON 12 (Panitikan at Manunulat)
 
Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Epiko ng mga Muslim - sfil 15Epiko ng mga Muslim - sfil 15
Epiko ng mga Muslim - sfil 15
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
 
Alamat.pptx
Alamat.pptxAlamat.pptx
Alamat.pptx
 

More from EDNACONEJOS

First.pptx
First.pptxFirst.pptx
First.pptx
EDNACONEJOS
 
Day 2.pptx
Day 2.pptxDay 2.pptx
Day 2.pptx
EDNACONEJOS
 
Pagbabagong Morpoponemiko.pptx
Pagbabagong Morpoponemiko.pptxPagbabagong Morpoponemiko.pptx
Pagbabagong Morpoponemiko.pptx
EDNACONEJOS
 
TAGAGANAP AT LAYON.pptx
TAGAGANAP AT LAYON.pptxTAGAGANAP AT LAYON.pptx
TAGAGANAP AT LAYON.pptx
EDNACONEJOS
 
PAGSASALINWIKA.pptx
PAGSASALINWIKA.pptxPAGSASALINWIKA.pptx
PAGSASALINWIKA.pptx
EDNACONEJOS
 
antas ng wika.pptx
antas ng wika.pptxantas ng wika.pptx
antas ng wika.pptx
EDNACONEJOS
 
AWITING BAYAN.pptx
AWITING BAYAN.pptxAWITING BAYAN.pptx
AWITING BAYAN.pptx
EDNACONEJOS
 
Q3 IPT.pptx
Q3 IPT.pptxQ3 IPT.pptx
Q3 IPT.pptx
EDNACONEJOS
 
yunit 3 gramatika vs retorika.pptx
yunit 3 gramatika vs retorika.pptxyunit 3 gramatika vs retorika.pptx
yunit 3 gramatika vs retorika.pptx
EDNACONEJOS
 
sanhi at bunga 8.pptx
sanhi at bunga 8.pptxsanhi at bunga 8.pptx
sanhi at bunga 8.pptx
EDNACONEJOS
 
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxQ2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
EDNACONEJOS
 
PAUNANG PAGTATAYA.pptx
PAUNANG PAGTATAYA.pptxPAUNANG PAGTATAYA.pptx
PAUNANG PAGTATAYA.pptx
EDNACONEJOS
 
G8_Week 7 PANANALIKSIK.pptx
G8_Week 7 PANANALIKSIK.pptxG8_Week 7 PANANALIKSIK.pptx
G8_Week 7 PANANALIKSIK.pptx
EDNACONEJOS
 
G8_Week 6 PAGTATALATA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA.pptx
G8_Week 6 PAGTATALATA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA.pptxG8_Week 6 PAGTATALATA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA.pptx
G8_Week 6 PAGTATALATA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA.pptx
EDNACONEJOS
 
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptxIKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
EDNACONEJOS
 
G8_WEEK 5 SANHI AT BUNGA.pptx
G8_WEEK 5 SANHI AT BUNGA.pptxG8_WEEK 5 SANHI AT BUNGA.pptx
G8_WEEK 5 SANHI AT BUNGA.pptx
EDNACONEJOS
 
Filipino 10_Q4_W4.pptx
Filipino 10_Q4_W4.pptxFilipino 10_Q4_W4.pptx
Filipino 10_Q4_W4.pptx
EDNACONEJOS
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
EDNACONEJOS
 
RETORIKA FIL 103.pptx
RETORIKA FIL 103.pptxRETORIKA FIL 103.pptx
RETORIKA FIL 103.pptx
EDNACONEJOS
 
SD_Q1_Filipino8_W6-1.pptx
SD_Q1_Filipino8_W6-1.pptxSD_Q1_Filipino8_W6-1.pptx
SD_Q1_Filipino8_W6-1.pptx
EDNACONEJOS
 

More from EDNACONEJOS (20)

First.pptx
First.pptxFirst.pptx
First.pptx
 
Day 2.pptx
Day 2.pptxDay 2.pptx
Day 2.pptx
 
Pagbabagong Morpoponemiko.pptx
Pagbabagong Morpoponemiko.pptxPagbabagong Morpoponemiko.pptx
Pagbabagong Morpoponemiko.pptx
 
TAGAGANAP AT LAYON.pptx
TAGAGANAP AT LAYON.pptxTAGAGANAP AT LAYON.pptx
TAGAGANAP AT LAYON.pptx
 
PAGSASALINWIKA.pptx
PAGSASALINWIKA.pptxPAGSASALINWIKA.pptx
PAGSASALINWIKA.pptx
 
antas ng wika.pptx
antas ng wika.pptxantas ng wika.pptx
antas ng wika.pptx
 
AWITING BAYAN.pptx
AWITING BAYAN.pptxAWITING BAYAN.pptx
AWITING BAYAN.pptx
 
Q3 IPT.pptx
Q3 IPT.pptxQ3 IPT.pptx
Q3 IPT.pptx
 
yunit 3 gramatika vs retorika.pptx
yunit 3 gramatika vs retorika.pptxyunit 3 gramatika vs retorika.pptx
yunit 3 gramatika vs retorika.pptx
 
sanhi at bunga 8.pptx
sanhi at bunga 8.pptxsanhi at bunga 8.pptx
sanhi at bunga 8.pptx
 
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxQ2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
 
PAUNANG PAGTATAYA.pptx
PAUNANG PAGTATAYA.pptxPAUNANG PAGTATAYA.pptx
PAUNANG PAGTATAYA.pptx
 
G8_Week 7 PANANALIKSIK.pptx
G8_Week 7 PANANALIKSIK.pptxG8_Week 7 PANANALIKSIK.pptx
G8_Week 7 PANANALIKSIK.pptx
 
G8_Week 6 PAGTATALATA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA.pptx
G8_Week 6 PAGTATALATA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA.pptxG8_Week 6 PAGTATALATA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA.pptx
G8_Week 6 PAGTATALATA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA.pptx
 
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptxIKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
IKALAWANG MARKAHAN proyekto.pptx
 
G8_WEEK 5 SANHI AT BUNGA.pptx
G8_WEEK 5 SANHI AT BUNGA.pptxG8_WEEK 5 SANHI AT BUNGA.pptx
G8_WEEK 5 SANHI AT BUNGA.pptx
 
Filipino 10_Q4_W4.pptx
Filipino 10_Q4_W4.pptxFilipino 10_Q4_W4.pptx
Filipino 10_Q4_W4.pptx
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
 
RETORIKA FIL 103.pptx
RETORIKA FIL 103.pptxRETORIKA FIL 103.pptx
RETORIKA FIL 103.pptx
 
SD_Q1_Filipino8_W6-1.pptx
SD_Q1_Filipino8_W6-1.pptxSD_Q1_Filipino8_W6-1.pptx
SD_Q1_Filipino8_W6-1.pptx
 

Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx

  • 1. Ang Pinagmulan ng Marinduque Noo'y bago pa lamang kapapadpad sa ating dalampasigan ng mga Kastila. Sa balangay ng Batangan, ngayo'y Batangas, ay kalakip ang Mindoro at mga lupalop ng timog-kanluran ng Laguna hanggang Kamarines. Si Batumbakal ay kilalang datu ng Batangan at mga balangay sa karatig nito. Sila'y mayaman at makapangyarihan. Tampok ng Katagalugan ang kanyang kaisa-isang anak na si Mutya Marin. Si Mutya Marin ay maganda, mahinhin at halos ang lahat ng katangian ng dalagang Silangan ay napisan sa kanya. Siya'y kayumangging kaligatan. Alun-alon ang buhok na hinabi ng hatinggabi. Mapungay ang mga mata, matangos angilong, linalik ang baba at may gatla sa leeg. Siya'ymay nunalsa batok. Balangkinitan ang katawan. Katamtaman ang taas. Ang baywang ay hugis hantik. Manipis ang alak-alakang nagbabadyang siya ay masipag, ayon sa matandang kasabihan. Maraming tagahanga si Mutya Marin at kabilang dito ay si Datu Bagal na ubod ng yaman. Ang kaharianniya'ykilala sa tawagna Mindoro (Mina de Oro). Sina Datu Sagwilng Laguna at Datu Kawili ng Kamarines ay mga tagahanga rin subali't ang nagpatangi sa lahat kay Marin ay isang dukhangmang-aawit,si Garduque,manghahabi ng tula at tagahanga ng kalikasan.Siya'ytaga- Taal at isang mandaragat sa lawang Bunbon. Isang araw, nagpabalita na magkakaroon ng palaro sa palasyo bilang parangal sa mga anito. Ang mga manlalaro ng iba't ibang kaharian ay nagsidalo. Dumating ang palarong pinakahihintay. Natipong lahat ang mga pambato ng sarisaring palakasan. Angunang labanay pagbinitng palaso. Ang nakatamo ng gantimpala ay bantog na Mangyan ng Mindoro na si Balindada. Ang ikalawang paligsahan ay palayuanng pagbato sa ibayong ilog. Ang nagkamit ng karangalan ay Igorot na kinatawan ng Bulu-bundukin. Ang karera sa kabayo ay isinunod at sinalihan ng mga prinsipe. Sinumang makatalo kay Mutya Marin ay siya niyang paka-kasalan. Subali't lahat ay nabigo. Sa bilis, si Mutya Marin ay kawangis ng limbas. kaya napahiyang lahat ng kanyang tagasuyo. Sa huli, si Marin ay itinanghal na reyna ng paligsahan at siya'y pinutungan ng korona ng karangalan. Ang nagkapalad magputong ng korona ay walang iba kundi ang makatang kasintahan. Natapos ang parangal sa mga anito at nagsialis ang mga panauhin. Nagbalik sa kaharian ang mga araw na katulad ng dati. Dahil sa sina Datu Bagal, Sagwil at Kawili ay mga kapalagayang-loob ng ama ni Marin, sa loob at labas ng kaharian ay nakapaghahandog sila ng pag-ibig sa mutyang dalaga. Sa kabilang dako naman, ang binatang makata ay di-mamakailang pinagbawalan ni Datu Batumbakal na huwag makipagkita sa kanyang butihing anak. "Bakit ka pumapasok sa loob ng aking kaharian nang wala akong pahintulot?" ang minsa'y tuligsa sa kaawa-awang makata. "Ako po'y sumusunod lamang sa utos ng iyong anak."
  • 2. "Mula ngayo'y di ko gustong makita ang pagmumukhang iyan, pangahas," ang pagbabala ng datu. "Hindi po ako pangahas. Hindi ko po masuway si Mutya Marin. Ako po'y pinabibigkas ng mga tulang kanyang kinagigiliwan." "Magtigil ka, walang-turing!" Umalis ang makatang ang mukha'y nasa talampakan. Hindi na matiis ni Mutya ang paglaitng kanyangama sa minamahal. Kaya minsa'y ipinagtanggol ni Marin ang binata. "Hari kong Ama, utang na loob! Huwag ninyong hamakin ang aking kasintahan. Siya ang tumutugon sa aking mga saligan sa buhay." Hindipa nakatapossi Marin sapagka'tsi DatuBatumbakalaynagsalita."Ikaw aynabubulagan. Ipagpaliban natin anghinggil sabagay na iyan. Sa iba nang araw natin pag-usapan." Napipi si Marin at siya'y hindi na nakaimik kaputok man. Maluwatdingpanahonanglumipas na di pumapasok angmang-aawitsa palasyo.Likha palibhasa ng di-matingkalang kapangyarihan ng pag-ibig, si Mutya Marin ay sadyang nagliwaliw sa kaparangan sa pagbabaka-sakaling matagpuan doon ang abang makata. Nakarating siya sa matulaing Hog Pansipit. Napadako si Mutya sa panig ng baybaying ilog na mapanganib. Dito'y maraming mga buwaya na sumisilangtao. Nang sisilain na lamang at sukat si Marin ng isang mabangis na buwaya, ay siya namang pagdating ng makatang kasintahan. Sa kabutihang-palad kapagkaraka'ybuminit ang binata sa palaso. Natudla and buwaya kaya nasagip si Marin sa nakaumang na sakuna. "Salamat, Mahal! ipinag-aadya pa ako ng ating mga anito!" "Bakit ka nangahas maglibot sa kagubatan? Di mo ba alam na ikaw ay kagigiliwan ng nuno sa punso? Kung magkagayon, hindi ka na makababalik sa palasyo." "Ewan ko ba! Hindi akomapalagay kung hindi kita makita. Maluwat nang hindi mo ako sinisipot. Kay dali mong makalimot!" ang pagtatampo ng dalaga. "May babala sa akin ang iyong ama." "Kung talagang tapat sa akin, kung tunay ang iyong pagmamahal, hahamakin ang lahat. Kahit kamataya'y iyong susuungin kung dahil sa akin." "Marin, tunay nga bang ako'y iyong minamahal? Ako'y isang dukha, kumain dili. Bakit mo ako itatangi? Si Datu Bagal ay mayaman. Si Datu Sagwil ay makapangyarihan. Si Datu Kawili ay marahas. Bakit ako ang pag-uukulan ng iyong kalinga?" "Ang puso ko'y iyong sinusugatan," pakli ng dalaga.
  • 3. "Sundin mo ang iyong mahal na ama. Ang datu ay ayaw sa akin. Ano nga naman ang iyong mapapala sa isang mang-aawitna tuladko?Maaarika bangpakaininlamangng akingmga tula?" "Hindi ang pagkain lamang ang nakabubuhay sa tao. Banal ang iyong kaluluwa." "Salamat, Marin Nalalaman mo bang ang pakikipagkita mong ito sa aki'y ipinagbabawal ng datu?" "Oo." "Nalalaman mo bang ang pakikipagtagpo mo sa aki'y nanga-ngahulugan ng pagtagpas sa aking ulo? Baka pati ikaw ay maparamay." "Nababatid ko. Ako'y nakipagtagpo sa iyo upang minsan pa nating sariwain ang sumpaang sa ating dalawa ay walang mamamagitan kundi kamatayan!" "Isinusumpa ko. Kita'y mamahalin hanggang langit." "Magmamahalan tayo hangga't may daigdig. Magsadya ka mamayang gabi sa palasyo, sa halamanang dati nating tagpuan. Mayroon akong ipagtatapat." "Umalis ka na at baka hanapin ka ng iyong ama." "Siya nga. Isa lamang aliping dalaga ang kasama." Inihatid ng binata ang dalaga hanggang sa tabi ng kabayanan. Nang kinahapuna'y ipinatawag si Marin ng ama. "Bakit ka ba nakikipagtagpo nang lihim sa dukha mong kasintahan? Ito'y sinsay sa aking mga kautusan at kaugalian ng balangay. Ang maharlika ay sa maharlika at ang alipi'y sa alipin. Bukas na bukas din aking papupugutanang iyong kasintahan." Hindi nakuhang makapagmatuwid ang dalaga. Alam niya ang bawa't sabihin ng ama'y masusunod. Napakasungit ng datu! Pinasusian si Mutya Marin sa itaas ng tore. Nang dumating ang tipanang oras ay walang makitang Marin sa halamanan. Hinanap ng binata ang dalaga. Nakita niyang maliwanag ang tore kaya sinapantahang naroon ang hinahanap. Sumagi sa kanyang hinala na namalayan ng datu ang pakana nilang pagtatagpo. Ang mang-aawitaynagpunta sa paananng tore nguni'tpaano niya maaakyatiyon?Wala siyang mahagilap na lubid o anumang tali. Siya'y naupo at nag-isip. Namataan niya na may aninong gumagalaw sa bintanaat ilang saglitpa'y may naglawit ng lampara. Napag-alaman niyang si
  • 4. Marin ay gising. Nahinuha niyang batid ni Marin na siya'y nasa paanan ng tore at naghihintay. "Dapat sana siyang mag-ingat sa paglalawit ng ilaw sapagka't baka mahalata ng bantay," ang bulong ng makata sa sarili. Samantalangangbinata ay nasa ganitongpagmumuni-muni, bigla siyangnamangha nangmakita si Marin sa kanyang harapan. Ang dalaga pala'y naghugos sa tore sa pamamagitan ng lubid at mga piraso ng damit na pinagbuhol-buhol. "Giliw," ang Simula ni Marin, "bukas ay papupugutan ka." "Ako'y nakahanda. Pumapayag ka ba?" "Hindi maaari. Tayo ay magtanan habang may panahon. Mayroon akong kinasabuwat na mga alipin na gagaod sa ating bangka. Sa Wawa tayo hinihintay." "Saan tayo tutungo?" "Tayo'y tatakas. Tayo'y pasasatimog... saan man... doon sa walang amang makapanghihimasok sa pag-ibig ng anak." Ang dalawa'y nagtanan. Magdamag silang naglayag sa lawak ng karagatan. Nag-umaga. Nang mag-aalmusal na, siyang pagkapansin ng datu na si Marin ay wala na. May nakapagsumbong na siya'y tumakas. Inihanda at iniutos ng datung habulin ng mabilis na batil pandigma ang magkasintahang tumalikod sa kaugalian ng balangay. Nagpabalita si Datu Batumbakal sa tatlong datung tagasuyo ni Mutya Marin. Si Datu Sagwil ay madaling tumugon. Sa mga nagsihabol ay kasama si Datu Kawili na siyang gustong pagpakasalan kay Marin. Si Datu Bagal ay sumama rin nang magdaan sa Mindoro ang mga humahabol. Anong magagawa ng munting sasakyang kinalululanan ng magkasintahan? Walang pagsalang sila'y aabutin! Lima lamang oras ang nakalipas matapos makapag-almusal ang datu nang abutin ng dambuhalang sasakyang humahabol ang mga nagsitakas. Binuo ng magkasintahan sa kanilang sarili na sila'y di pabibihag nang buhay, kaya sinabi na mangyari na ang dapat mangyari. Bilang pagmamatigas ng binata ay pinagkaisahan nilang magpatihulog sa karagatan. Pinagtali ang dalawangkamayng matibay na lubid at ito'y ikinabit sa mabigat na bato upang sila'y magtuloy-tuloy sa kailaliman ng dagat. Ganito nga ang nangyari.Nangiilan na lamang dipa angagwatng maliit na sasakyansa malaking sasakyang humahabol, ay magkayapos na tumalon sina Marin at ang binata. Tuloy-tuloy sa kailaliman ng tubig dahil sa mabigat na pataw na nagsilbing sangkap ng kamatayan. "Paalam, Batumbakal," ang sabi ni Garduque
  • 5. "Paalam, Amang," ang sabay ni Marin. Hindi matagpuan ang magkasintahan. Para manding bulang hinigop ng buhawi. Kinaumagahan, anong pagtataka ng mga nagsisihanap nang makita ang isang malaking pulo sa dakong tinalunan ng magsinggiliw. Mula noon ay pinangalanan ang pulo na MARINDUQUE, galing kina Marin at Duque. Nagsisi si Datu Batumbakal nguni't huli na. Bilang pagtitika sa kanyang nagawang pagmamalupit, siya'y nagpakatino. Siya'y naging mapagmahal sa kanyang mga sakop.Ang mga alipin ay kanyang pinag-ukulan ng pagtingin na higit sa rati. Binago niya ang mga batas na pinaiiral sa balangay. Ang mga alipin at mga maharlika ay naging pantay-pantaysa dambana ng mga anito tungkol sa pag-ibig at suliranin sa puso. Ang Marinduquengayonayisangpulongmaymagaganda atmatulaingtanawin.Pinilasangganda kay Marin at hiniram ang tula sa dakilang mang-aawit.