PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
7PAGWAWASTO NG SIPI at ng ilang teksto sa pahayagan.pptx
1. GODOFREDO S. GILE II, LPT
College Instructor
godogile284@gmail.com
ST. LOUISE DE MARILLAC COLLEGE OF SORSOGON, INC.
Higher Education Department
2. • Ang kaayusan at kalinawan ng sipi ay
nakasalalay sa tagapagwasto ng kopya.
• Iniwawasto ang kabuoan ng sipi na may
kamalian sa baybay, bantas, balarila,
pagkakasulat at estilo.
• Mabusising pinag-aaralan ng tagapagwasto ang
buong artikulo upang lumabas itong maayos at
maganda.
3. 1. May malawak na kaalaman sa paksa o nilalaman ng artikulong
iniwawasto.
2. Mahusay sa gramatika, pagbabantas, at may sapat na kaalaman
o bihasa sa Filipino at English.
3. Kabisado ang lahat ng mga simbolong ginagamit sa
pagwawasto ng mga artikulo.
4. Marunong sumulat o bumuo ng mga salita.
5. May kakayahang magwasto sa mga kamalian ng mga datos
batay sa naisulat na artikulo.
4. 6. Matiyaga sa pagwawasto ng alinmang sipi ng artikulo.
7. Malawak ang bokabularyo.
8. May sapat na kaalaman sa mga nangyayari sa paligid
upang maiwasto ang mga artikulo sakaling may
maling impormasyong nakapaloob dito.
9. Alam ang batas hinggil sa libelo.
10.Hindi nagpapadala o nagpapadaig sa nilalaman ng
mga artikulong iniwawasto.
5. 1. Tinitiyak na wasto ang pangalan, lugar, pamagat, posisyon at
iba pang datos sa artikulo.
2. Tinitiyak na wasto ang gramatika at baybay ng mga salita bago
ipalilimbag.
3. Ang mga mahahabang pangungusap ay pinaiikli ayon sa
estado at pamamaraan ng pagsulat ng pahayagan.
4. Kinakaltas ang mga walang kabuluhang datos.
5. Pinapalitan ang mga salitang may kahirapang unawain.
6. 6. Tinitiyak na walang libelo at nakapaninira ng tao ang
anumang naisulat na artikulo.
7. Sumusulat ng ulo ng balita.
8. Tinitiyak na may mabisang pamatnubay na ginamit.
9. Tinitiyak na walang nagsasaad ng opinyon ng sumulat kung
ito ay balita.
10. Nagbibigay ng tagubilin sa tagapaglimbag hinggil sa
gagamiting tipo, bilang ng kolum, laki ng font.