SlideShare a Scribd company logo
Ay uri ng sulating sa teknikal na
komunikasyong na ginagamit sa iba’t
ibang komunikasyon.
Ito ay proseso ng pagsulat at
pagbabahaginan ng impormasyon sa
propesyonal na kalagyan.
Ito ay naglalaman ng iba’t ibang
impormasyon hinggil sa isang produkto,
kalakaran sa isang organisasyon o
samahan o kaya’y mga detalyeng
nalilinaw sa proseso, estruktura at iba
pang mga detalyeng nagsisilbing gabay
sa mga magbabasa nito.
A. KOMPREHENSIBO
Komprehensibo o malawak ang nilalaman
ng isang manwal dahil naglalayong itong
magpaliwanag at maglahad ng mga
impormasyon tungkol sa isang bagy o paksa.
B. NAKAAYOS NG PABALANGKAS
Nakaayos nang pabalangkas ang mga
nilalaman ng isang manwal na makikita sa
talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit
na wika.
C. MAY LARAWAN O TSART
Nagtataglay ng mga larawan o di kaya’y
tsart ang isang manwal upang maging
higit na maliwanag ang paglalahad ng mga
impormasyon, gayundin ng mga salitang
teknikal kung hinihingi ng
pangangailangan.
D. APENDISE
Karaniwang mg apendise ang manwal
upang madaling hanapin ang mga paksa
nito.
1. Manwal ng Pagbuo- para sa konstruktsiyon o pagbuo
ng isang gamit, alignment, calibration, testing at
adjusting ng isang mekanismo.
2. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User
Manual o Owner’s Manual) – naglalaman ng gamit ng
mekanismo, routine maintenance o regular na
pangangalaga at pagsasaayos ng mga kagamitan, at mga
pangunahing operasyon o gamit ng isang mekanismo.
3. Manwal na Operasyonal (Operational Manual) – kung
paano gamitin ang mekanismo at kaunting maintenance.
4. Manwal-Serbisyo (Service Manual) – routine
maintenance ng mekanismo, troubleshooting, testing,
pag-aayos ng sira o pagpapalit ng depektibong bahagi.
5. Teknikal na Manwal (Technical Manual) - nagtataglay
ng espesipikasyon ng mga bahagi, operasyon,
calibration, alignment, diagnosis at pagbuo.
6. Manwal para sa Pagsasanay (Tarining Manual)-
ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng
partikular na grupo o indibidwal.
Karaniwang nilalaman ng isang manwal
ang nilalaman sa sumusunod:
1. Tiyak
2. Deskripsiyon ng mga mekanismo
3. Sunod-sunod na hakbang o
instruksiyon; at
4. Pagsusuri ng mga proseso
Narito ang mga bagay sa pagbuo ng mabisang manwal:
1. Madaling basahin at madaling sundan ang mga panuto.
2. May kaakit-akit na disenyo.
3. May mga ilustrasyon upang palawakin ang pag-unawa ng
mambabasa.
4. Magagamit na reperesiya sa hinaharap.
5. Naglalaman ng tungkol sa mga paksa, gawain, pamamaraan,
at iba pang impormasyong nakaayos sa lohikal na
pagkakasunod-sunod.
1. Pabalat na Pahina- kailangang may malinaw
na pamagat. Ang pamagat ay sumasagot sa
tanong na, “Tungkol saan ang manwal na ito?”
o “Ano ang nilalaman ng manwal?” Ang
pamagat ay maaaring may disenyo na angkop
sa larangang pagagamitan nito.
2. Talaan ng Nilalaman – dito itinatala ang mga
pahina at ang pagkakasunod-sunod ng mga
gawain sa loob ng manwal. Mabisa itong
kasangkapan upang madaling mahanap ng
isang mambabasa ang pahina ng paksang
kaniyang hinahanap at makatutulong sa kaniya
upang maisagawa nang mabuti ang anumang
bagay o prosesong kailangan niyang isaayos.
3. Introduksiyon - nagpapaliwanag
tungkol sa Ano-Paano-Sino. Ano ang
nilalaman ng manwal o tungkol saan ang
manwal? Paano gamitin ang manwal? Sino
ang gagamit o para kanino ang manwal?
4. Navigational Tips – pahina na may biswal na simbolo na
magagamit upang unawain ang mga bahagi ng manwal.
a. Gamit at Tungkulin – dito nakalahad kung paano
ginagamit o saan ginagamit ang isang bagay.
b. Prinsipyo ng Operasyon – binabanggit dito kung ano
ang disenyo at kung bakit ito idinisenyo nang gayon.
Kung may iba’t ibang operasyon para sa bawat bahagi
ng kagamitan, inisa-isa itong larawan.
c. Instruksiyon sa Operasyon- dito inilalagay ang
sinusunod na mga panuto at pamamaraan sa paggamit
ng mga bagay o kung paano gagamitin o paaandarin
ang mga ito.
d. Serbisyo at Pagmementena- dito nakasulat ang
mga paraan ng pagsasaayos ng gamit o instrument
kung sakaling magkaroon ng anumang di-
inaaasahang problema sa paggamit dito.
Nakalagay rin dito kung saan ang mga lugar o
opisinang maaaring puntahan upang ipagawa
o mapangalagaan sa maintenance ang gamit o
instrumento.
5. Apendiks – ito ang kalakip ng dokumentong may
kaugnayan sa kabuuan ng nilalaman ng manwal.
a. Glosaryo para sa mga Termino – nakatala nang
paalpabeto ang termino ng mga bagay, proseso,
gamit ng instrumento at kahulugan ng mga ito.
b. Talahanayang Reperensiya – nasa anyong
talahanayan o table ang mga reperensiyang ginamit
sa mga pagsusuri ng datos sa alinmang bahagi
ng papel o manwal.
5. Bibliyograpiya – paalpabetong talaan ng
mga reperensiya o mga binasang
dokumento, lumilitaw o nababanggit man
ang mga ito sa mismong papel ng mawal o
hindi.
1. Gumamit ng payak na salita. Iwasan ang mga
jargon o teknikal sa salita, maliban kung sadyang
kinakailangan. Ipaliwanag ang teknikal na
salita na salita sa unang beses na gagamitin ito.
2. Buuin ang mga akronim sa unang banggit.
3. Maging konsistent sa paggamit ng termilohiya,
tono, at estilo sa pagsulat.
4. Gumamit ng maikling pangungusap at parirala.
5. Gumamit ng numbered lists.
Ito ay karaniwang liham mula sa
isang kompanya, o sa pagitan ng mga
organisasyon o sa kanilang kostumer,
kliyente at iba pang panlabas na
partido.
Karaniwang isinusulat ang liham
pangnegosyo para sa mga tao sa
labas ng organisasyon o kompanya.
May iba’t ibang sitwasyon na
sinasaklaw ang liham pang
negosyo:
1. Paghahanap ng trabaho;
2. Paghingi ng impormasyon;
3. Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw;
4. Promosyon ng mga ibinebenta at/o
serbisyo;
5. Pagkalap ng pondo
6. Pagrerehistro ng reklamo
7. Pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos
ng mga patakaran o sitwasyon;
8. Koleksiyon ng bayad;
9. Pagbibigay ng instruksyon;
10. Pagpapasalamat at pagpapahayag ng
pagpapahalaga o pagkalugod;
11. pag-uulat tungkol sa aktibidad;
12. Pagbibigay ng magandang balita o
positibong mensahe;
13. Pag-aanunsiyo;
14. Talaan o rekord ng mga kasunduan;
15. follow-up tungkol sa mga usapan sa
telepono; at
16. Pagpapadala ng ibang dokumentong
teknikal.
Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na
sulatin. Higit na pormal ito kaysa sa isang personal
na sulat. Sa pagsulat ng isang liham pangnegosyo,
nararapat na sundin ang karaniwang pormat na
margin na isang pulgada (inch) sa bawat gilid ng
papel. Ito ay karaniwang isinusulat sa 8 ½”x11” na
bond paper. May anim (6) na bahagi ang isang liham
na pangnegosyo.
Ang pamuhatan ay mula sa salitang ugat na
“buhat”, ibig sabihin, pinagmulan o pinanggalingan.
Nagtataglay ito ng address ng nagpadala ng liham na
kadalasang nasa dalawa hanggang tatlong linya
lamang. Sa huling linya ng bahaging ito inilalagay ang
petsa. Maaari ding magdagdag ng isa pang linya
matapos ang address o bago ang petsa, para sa
bilang ng telepono, numero ng fax, e-mail address o
iba pang kahintulad nito.
Hindi kailangang ilagay ang pamuhatan
kung ang ginagamit na papel ay tinatawag
na sationery na may nakalimbag nang
pamuhatan at/o pangalan ng kompanya.
Ngunit laging nilalagyan ng petsa ang
liham pangnegosyo.
May Dalawang Uri ng Pamuhatan:
a. Nilimbag na pamuhatan (printed letterhead).
b. Minakinilya (typeset)/Sulat-kamay na pamuhatan.
Ito ang petsa kung kalian isinulat ang liham.
Binubuo ito ng buwan, araw at taon. Karaniwan
nang nauuna ang buwan, sumusunod ang araw
at nahuhuli ang taon. Sa ganitong anyo ay
kailangang lagyan ng kuwit ang pagitan ng
araw at taon.
 Abril 21, 2016
 21 Abril 2016
 Ika- 21 ng Abril, 2016
Nagmula ang katawagan sa bahaging ito ng
liham sa salitang “tungo” o pupuntahan,
patutunguhan o padadalhan ng liham.
Samakatuwid, ito ang address ng pinadadalhan
ng liham. Kumpletuhin and address na ito at
isama ang mga titulo at pangalan ng
padadalhan ng liham. Iwasan ang pagdadaglat
sa pagsulat ng address o direksiyon.
Lagi itong nasa kaliwang bahagi. Mahalaga
ang patunguhan upang matukoy ang
pinadadalhan ng liham kung sakaling
magkaroon ng sira ang sobre o kung sakaling
hindi mabasa ang address. Mag-iwan ng isang
linyang espasyo sa pagitan ng pamuhatan at
patutunguhan. Maglagay rin ng isang linyang
espasyo bago ang pagbati.
Dr. Joy V. Ramos
Pangulo
Asia Pacific Professional Development
& Innovative Global Solution, Inc.
675 Quirino Highway, Novaliches, Quezon City
Ang Pangulo
Asia Pacific Professional Development
& Innovative Global Solutions, Inc.
675 Quirino Highway, Novaliches, Quezon City
Laging pormal ang bating pambungad sa
isang liham pangnegosyo. Karaniwang
nagsisimula sa mga salitang “Mahal na” na
sinusundan naman ng apelyido ng taong
sinusulatan. Karaniwan ding may titulo ng
taong pinadadalhan ng liham.
Ang titulo ay maaaring simpleng G. (Ginoo),
Gng. (Ginang), Bb. (Binibini), o ang mismong
titulo sa propesyon o katungkulang hawak ng
taong pinadadalhan. Halimbawa, Prof. (para sa
Propesor), o Dr. (para sa Doktor). Ang bating
pambungad sa liham pangnenegosyo ay
lagging nagtatapos sa tutuldok (:), at hindi sa
kuwit (,).
Mahal na Ginoo: Mahal na Dekano Guiang:
Ginoo: Mahal na Presidente Anfone:
Mahal na Binibini: Mahal na Propesor Vidad:
Binibini: Dr. Fermin:
Mahal na Ginang: Ginang:
Ginagamit na bantas sa bating pambungad ay
tutuldok (:). Ngunit, kung kapalagayang-loob ang
sinisimulan, maaaring kuwit (,) ang gagamitin tulad
ng kasunod na halimbawa:
Mahal na Aaron, Kaibigang Jubaile,
Nasusulat bilang teksto o talata ang katawan ng
liham pangnegosyo. Tandaan na hindi ito isinusulat-
kamay, palagi itong typewritten o computerized.
Depende sa istilo ng liham na iyong gagamitin,
maaaring may idensiyon ang mga unang linya ng
mga talata. Ano pa naman ang pormat, maglaan ng
isang linyang espasyo sa pagitan ng bawat talata, sa
pagitan ng pagbati at katawan at sa pagitan ng
katawan at ng pangwakas.
Ang katawan ng liham ay naglalaman ng a)
panimula na naglalaman ng maikling
introduksyon sa liham kasama ang
pagpapahayag sa layon ng liham, b) katawan na
kinapapalooban ng mga detalye ng liham, at c)
huling talata na nagsasaad sa inaasahang
aksyon mula sa sinultan.
Mga Dapat Tandaan sa
Pagsulat ng Katawan ng
Liham Pangnegosyo:
 Sa unang talata ng katawan ng liham, nararapat na malinaw
na ipahayag ang punong diwa at ang buod ng nais sabihin;
 Maging magalang;
 Iwasan ang paggamit ng nananakot na pananalita;
 Iwasan ang pagbibigay ng mga negatibong mungkahi;
 Iwasan ang paggamit ng walang
kaugnayan at di-mahalagang pananalita;
 Iwasan ang paggamit ng panghalip sa
unang panauhan lalo na sa unang
pangungusap o talata ng katawan ng
liham;
 Sa gitnang bahagi ng katawan nararapat
isalaysay ang mga pangyayari at/o magbigay
ng mga katibayan hinggil sa pangyayari o
usapin;
 Sa huling pangungusap ng liham, sinasabi
ang aksyong dapat gawin sa mapitagang
pamamaraan.
Ito ay maikling pagbati na nagpapahayag ng
paggalang at pamamaalam. Ito ay nagtatapos sa kuwit
(,) at kadalasang nasa kaliwang gilid (margin) ng liham
depende sa pormat na iyong pinili. Madalas na
ginagamit ang block style na pormat dahil hindi na ito
kinakailangan ang unang indensiyon sa buong liham.
Magalang na sumasainyo, Matapat na sumasainyo,
Maglaan ng dalawang linyang
espasyo bago ilagay ang pangalan ng
taong lalagda. Kadalasang kasama rito
ang panggitnang inisyal ng pangalan,
bagaman hindi naman laging
kinakailangan.
MGA KATANGIANG TAGLAYIN NG
MABISANG LIHAM PANGNEGOSYO
Kailanagan malinaw ang layunin at maingat
ang pananalita sa liham pangnegosyo.
Gumamit ng pormal na pananalita at iwasan
ang personal ang pakikipag-usap sa liham.
Kahit malapit ang pagtuturing o kaugnayan sa
taong pinadadalhan ng liham, hindi ito
nararapat na mabakas sa isang liham
pangnegosyo.
Hindi dapat maging mahaba ang
liham pangnegosyo dahil may
mahahalagang tungkulin ang
transaksiyong nakapaloob dito na
kinakailangan ng agarang aksyon.
Maging tiyak sa gamit ng mga salita.
Kailangang tiyak at tama ang detalye
ng isusulat sa isang liham pangnegosyo.
Beribikahin ang kawastuhan ng mga
detalyeng babanggitin. Huwag nang isama
ang hindi mahahalagang detalye o mga
bagay na walang kaugnayan sa
kasalukuyang inihahain sa liham.
Palaging isaalang-alang ang etika. Etika
ang pamantayan ng lipunan sa kung ano
ang tama at mali. Iwasang may
mapahamak na tao o may pangalang
masira. Maging maingat sa mga pahayag.
Napakahalaga ng tamang gramatika sa pagsulat
ng liham pangnegosyo. Nararapat na tama ang gamit
ng mga salita, sapagkat ang maling gamit ng salita ay
maaaring magdulot ng ibang kahulugan, at kalaunan
ay hindi pagpapakaunawaan sa nilalaman at mesahe
ng liham. Tiyakin ding tama ang pagkakabuo at
pagkakasunod-dunod ng mga pangungusap para sa
tamang pag-unawa ng magbabasa.
DALAWANG
PANGUNAHING PORMAT
NG LIHAM
May dalawang karaniwang
pormat ang pagsulat ng liham-
pang-negosyo: anyong block at
ang anyong may indensyon.
1. Anyong Block (Block Form)- lahat ng bahagi ay
nasa kaliwa maliban sa katawan.
2. Anyong may Indensiyon (Indented Form)-
nakapasok ang unang salita sa bawat talata at
ang patutunguhan ay nasa kaliwang bahagi.
Nasa kanan naman ang pamuhatan at
pamitagang pangwakas.
Sa unang tingin pa lamang ng magbabasa,
nararapat na magand ang liham. Nararapat din
na malinis ito, walang mga bura o alterasyon sa
anumang bahagi, at wala ring dapat itong
anumang dumi. Maayos dapat ang pormat nito,
blocked man o indented.
1. Kailangang ang liham ay maging malinaw na
malinaw at hindi dapat lumikha ng ano mang
alinlangan sa pinadadalahan o babasa nito,
2. Kailangang may tamang pagkasunod-sunod ng
mga salita, pangungusap, talata at mga bahagi ng
liham, at
3. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain,
may angkop na mga salita, banghay at bantas.
 Ito ay uri ng nakasulat na adbertismo o
patalastas na pngunahing layunin ay para
sa malawak na distribusyon at
karaniwang ibinabahagi sa pampublikong
lugar sa mga indibidwal o sa
pamamagitan ng selyo.
Bagama’t nasa panahon na tayo ng impormasyon
at teknolohiya na kompyuter at Internet, nananatiling
mahalaga ang paggamit ng iba pang anyo ng
promotional materials tulad ng flyers at leaflets. Ang
mga ganitong pamamaraan upang ipakilala ang isang
produkto o serbisyo ay epektibong nakahihikayat
sapagkat mas personal ito kumpara sa mga
adbertisment sa Internet, telebisyon o billboard.
Halos walang pinag-iba ang flyer at leaflets maliban sa
sukat na inilalaan para gawin ang mga ito. Ang flyer ay
tinatawag ding handbill. Ito ay isang anyo ng promosyong
nasa papel hinggil sa isang proldukto o serbisyo. Ang flyer ay
karaniwang ipanamamahagi sa mga pampublikong lugar
subalit naipapadala rin sa pamamagitan ng e-mail ang soft
copy nito. Karaniwang sinlaki nito ang isang short o A4 bond
paper at depende sa badyet ng kompanya o organisasyon, ito
ay maaaring naka-photocopy o colored print. Masasabing
cost-effective ang flyer sapagkat mura ito kumpara sa iba
pang anyo ng adbertisment o promosyon.
Halos walang pinag-iba ang isang leaflet sa isang
flyer. Kadalasang isang kapat lamang ng ordinaryong
fyler ang leaflets. Naglala,an din ito ng mga katulad
na impormasyong nasa flyer. Layunin ng isang
leaflets na ipukos ang halaga o marketability ng isang
produkto o serbisyo at kadalasang ipinamumudmod
sa pambublikong lugar o inilalakip sa mga katalogo o
brochure.
Tingnan at suriin ang larawan sa ibaba.
Larawan A Larawan B
Ginagamit ang flyers sa diseminasyon o
pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa
isang personal na gawain o sa isang
negosyo. Karaniwang ginagamit ito bilang
promosyonal na materyal.
Bukod sa mura ang flyers, madali rin itong
gawin. Mabisang paraan ng pagpapakalat ng
impormasyon lalo na kung maraming kopya
ang inilathala at ipamimigay o
ipapaskil.Mahalaga ito para sa mga maliliit o
nagsisismulang negosyo sapagkat nakatutulong
ito na mapansin ng mga tao ang kanilang mga
produkto o serbisyo.
Karaniwang isang maliit na papel
lamang ito na may lamang larawan at
maikling teksto, bagaman may mga
disenyong maaaring isagawa, depende sa
nagpapaklat ng impormasyon.
Maraming aplikasyon ang maaaring
magturo o makatulong kaugnay sa
paggawa ng isang flyer. Kailangan ng
mabisang layout o pagdidisenyo sa flyer
sapagkat nagtataglay ito ng mahalagang
impormasyong nais ipakalat.
Maaaring gamitin ang aplikasyong
Microsoft Publisher o Adobe Photoshop sa
pagbuo nito. Doon ay mayroon nang mga
gabay sa bubuuing layout. Kailangan na
lamang maging maingat at matalino sa
isusulat sa nilalaman.
1. Sumulat ng pamagat. Kailangang simple at malaki ang
pamagat. Hindi ito dapat hihigit sa limang salita, kasya
dapat sa isang linya sa pahina at nakagitna. Dapat mas
malaki kaysa buong teksto ang lettering ng pamagat upang
makikita ito ng mga tao mula sa malayo. Gumamit ng
malalaking titik (all caps) at sans serif font tulad ng Arial.
May serif ang mga pormal na font tulad ng New Times
Roman at Book Antiqua. Mas simple naman ang sans serif
fonts. Maaaring lagyan ng kulay ang pamagat.
2. Gawing simple ang mesahe. Dapat ay hindi
kailanagn basahin ng mambabasa ang kabuuan
ng flyer. Dapat na maunawaan na agad ito ng
titingin o babasa.
3. Magdagdag ng larawan o grapikong
presentasyon. Mas natatandaan ng mga tao ang
mensahe sa tulong ng mga kasamang imahen.
Iwasan ang sobrang daming larawan upang hindi
magmukhang siksik at magulo ang flyer.
4. Maglagay ng deskripsiyon sa ibaba ng larawan. Nararapat na
maikli lamang ito, ngunit detalyado na. Maaari itong dalawa
hanggang tatlong linya. Gumamit ng malalaking titik para sa
mga susing salita. Gumamit ng mapanghikayat na mga salita.
5. Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan ng
mga taong nais tumugon o interesado sa nilalaman ng flyer.
6. Pagsasapubliko ng impormasyon ang pinakamahalagang
bahagi sa pagbuo ng flyer. Mamigay ng kopya nito sa mga
pampubliko o matataong lugar.
Sa paggawa ng flyer at leaflet, nagmungkahi si Austin
(2015) ng ilang mahahalagang bagay na dapat isama:
1. Impormasyong Kontak (Contact Information). Isama ang
mga impormasyon kung papaano makakokonekta o
makikipag-ugnayan ang mga target na kostumer. Mahalaga
ito upang makamit ang layunin ng flyer o leaflet. Kasama sa
mga impormasyong ito ang numero ng telepono o mobile
phone, numero ng fax at e-mail address.
2. Koneksyon sa Social Media (Social Media
Connections). Upang mas mapabilis pa ang
promosyon at pagpapabatid, mahalagang maipaalam
din ang social media connection ng organisasyon o
kompanya upang mas makilala ang produkto o
serbisyo. Dahil limitado lamang ang mga
impormasyon sa flyers at leaflets, mas mailalahad
ang mga detalye sa social media. Kabilang sa mga
social media connection na maaaring gamitin ay ang
Facebook at Twitter.
3. May Susing Impormasyon( Key Facts). Dapat
maisama ang pinakamahalagang impormasyon ukol
sa produkto, serbisyo o event. Kailangang masagot
sa bahaging ito ang mga pangunahing katanungang
nagsisimula sa Ano, Saan, Sino, Kailan, Bakit at
Paano.
4. Mga Larawan (Photographs). Napahuhusay at
napapaganda ang isang materyales sa promosyon
kapag ito ay ginagamitan ng mga de-kalidad at mga
akmang mga larawan. Sabi nga ang mga larawan ay
nangungusap ng ilang libong mga salita. Nabibigyang
anyo din ng mga larawan ang minsang abstraktong
ideya na inihahatid ng mga salita. Maliban pa rito,
monotonous ang materyales kung puro salita lamang
ang makikita rito.
5. Mga Panawag-Pansing Linya (Taglines). Ang
tagline ay tumutukoy sa mga parirala o pangungusap
na ginagamit upang lalong matandaan ang isang
patalastas. Dapat catchy ito sapagkat naiaangat ng
mga tagline ang memory recall ng produkto o
serbisyo. Mahalagang gumamit ng mga tagline na
napapanahon nauugnay sa pinatutungkulang
audience o mga target sa kustomer.
6. Katangiang Ikinaiiba (Difference Among
Others). Sa pagdidisenyo ng materyales
pampromosyon, kailangang bigyang-diin ang
pagkakaiba ng serbisyo o produktong
ipinakikilala sa iba pang katylad na produkto o
serbisyo. Maaaring ipakita ito sa mismong
kalidad ng produkto o serbisyo at mga kaakibat
na benebisyong matatamo kapag pinili ito.
7. Panawagan ng Kilos (Call to Action). Linawin
sa matereyales kung ano ang nais mong
maging tugon ng mga pinatutungkulan nito.
Halimbawa kung ito’y produkto, sabihing
bumili; kung ito’y serbisyo, sabihing mag-avail.
Dapat ding malinaw ang mga prosesong
isinasagawa ng target na kostumer tulad ng
tumatawag, mag-aply o mag log-on.
Pagpapakilala at pagbibigay
katangian sa isang produkto o
serbisyo bago ito tangkilikin ng
isang mamimili.
Isipan ng makatawag-pansing brand name ang kasunod
na patlang ng maikling paglalarawan nito sa paraang
makahihikayat sa target na kostumer upang bilhin ng
produktong ito.
Ayon kay Gerchev (2014) sa artikulo niyang
is Your Product’s Documentation Good Enough?
Na may pormula upang maging matagumpay
ang isang produkto. Ganito ang kanyang
pormula: Great Product+Great
Documentation+Great Support+ Great Success.
Ang deskripsyon ng isang produkto ay maikling sulatin sa
label o kalakip na leaflet nito na nagpapaliwanag sa katangian,
component o gamit ng produkto. Batay sa uri ng produktong
binibigyang- deskripsyon, ibinibigay nito ang
pinakamahalagang impormasyon na kinakailangan ng mamimili
o kokonsumo nito.
Maliban sa layuning magbigay-impormsyon,
nakapanghihikayat din ang mismong deskripsyon ng produkto
upang ibenta ito sa mga target na kostumer. Dahil ditto,
mahalagang maging epektibo ang pamamaraan sa
paglalarawan sa produkto o serbisyong ibibigay sa publiko.
Upang makamit ito, mahalagang isaalang-alang ang ilang
mahalgang mungkahi ni McDonald (2013) sa pagbuo ng
deskripsiyon ng produkto o serbisyo:
Mahalagang malinaw sa isipan ng sino
mang sumusulat ng isang deskripsiyon ng
produkto kung para kanino ang sulating ito.
Ibig sabihin, kailangang kilalanin ang target na
mamimili ng produkto o serbisyo.
Ilahad ang mga benepisyong makukuha sa
produkto at i-highlight ang kaibahan nito sa
iba.
Sa pagbuo ng deskripsiyon, mahusay kung
makagagamit ng mga biswal na salita upang
buhayin ang mga imahinasyon ng nagbabasa.
Tandaang kailangang ilahad ang deskripsiyon
sa paraang kaakit-akit sa mambabasa.
Isang mabisang paraan ng pabnghihikayat
ang pagsasaad ng mga testimonya ng mga
taong gumamit ng produkto o ng syentipikong
katibayan sa bisa nito.
Panatilihing simple at direkta ang
deskripsyon. Iwasan ang mahahaba at maliligoy
na pananalita upang mas madali ang pagbasa
nito.
1. I-define ang persona ng iyong
mamimili. Tiyakin ang iyong target
audience, higit pa sa malabong
deskripsiyon ng demographics.
2. Gumawa ng komprehensibong tala ng features at
benepisyo. Ilista ang features and specs ng produkto,
matapos ay isalin ang mga iyon sa benefits. Ang
feature ay isang katotohanan tungkol sa produkto,
samatlang ang benepisyo ay isang eksplanasyon ng
nagagawa ng feature sa konsumer. Ang benepisyo ay
maaaring ilahad sa paraang positibo (halimbawa,
pinabubuti ang produktibi) o bilang isang
problemang sinosolusyunan (halimbawa,
binabawasan ang stress).
3. Piliin ang tono ng iyong tinig. Ipakita ang
tono sa pagsulat kung sino ka at kung paano
mo pakikitunguhan ang iyong kliyente.
Samakatuwid, sa pagpili ng tono sa pagsulat,
mahalaga ang wastong pagpili ng mga salita.
ARABASHI
Kalidad na Walang Kapantay
Model No. BC 373
Episyente sa Enerhiya
Episyente ang Halaga
Walang Kapantay ang
Kalidad
Ang Arabashi flat iron ay garantisadong matibay.
Mayroon itong 6- level regulator para maiakma sa iba’t
ibang uri ng tela ayon sa inyong pangangailangan.
Hindi tulad ng ibang plantsa, mayroon itong spray
outlet upang mas kumbinyente ang paggamit.
Makatitipid ang kuryente sa paggamit nito sapagkat
energy efficient din ito. Sa katunayan, 75 wats lamang
ang konsumo nito kada oras. Mahigit kalahati ang tipid
ninyo sa paggamit nito kaysa iba pang brand ng
plantsa.
Sa Japan, 80% ng mga tahanan ang gumagamit ng
Arabashi flat iron.
Pag-aaral na isinasagawa bago
lumikha ng isang negosyo o
pryekto.
Ito ay isang ulat sa paraang naratibo o
pasalaysay.
Karaniwang nakikita ang narrative report
mula sa iba’t ibang ahensiya o kompanya na
nagbubuo ng mga ulat hinggil sa gawain o
kaya’y mahalagang pangyayari sa isang
organisayon o institusyon.
Nagbibigay impormasyon sa mga
nakababasa nito.
Nakatutulong ang mga babala upang
maiwasan ang mga sakuna, aksidente o iba
pang hindi kanaisnais na pangyayari sa isang
indibidwal.
Talaan ng mga pagkaing mabibili sa
isang karinderya, fast food o restaurant.
Nakalagay din sa menu ang halaga ng
bawat pagkain upang makapili ang mga
mamimili ng kanilang gusto o kaya’y abot
kaya para sa kanila.

More Related Content

Similar to 437095589-Kahulugan-Kalikasan-at-Katangian-Ng-Iba-t-Ibang.pdf

Korespondensiya Opisyal.pptx
Korespondensiya Opisyal.pptxKorespondensiya Opisyal.pptx
Korespondensiya Opisyal.pptx
JoanMacaumbosTorrere
 
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptx
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptxFilipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptx
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptx
LeahMaePanahon1
 
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptx
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptxPagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptx
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptx
LOURENEMAYGALGO
 
MGA-HAKBANG-SA-PANANALIKSIK-ppt.ppt
MGA-HAKBANG-SA-PANANALIKSIK-ppt.pptMGA-HAKBANG-SA-PANANALIKSIK-ppt.ppt
MGA-HAKBANG-SA-PANANALIKSIK-ppt.ppt
IsabelGuape3
 
grade 8.pptx
grade 8.pptxgrade 8.pptx
grade 8.pptx
AbegailDacanay
 
AKADEMIKO AT DI AKADEMIKO KWARTER 1.pptx
AKADEMIKO AT DI AKADEMIKO KWARTER 1.pptxAKADEMIKO AT DI AKADEMIKO KWARTER 1.pptx
AKADEMIKO AT DI AKADEMIKO KWARTER 1.pptx
NicaHannah1
 
LAYUNIN AT GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT.pdf
LAYUNIN AT GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT.pdfLAYUNIN AT GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT.pdf
LAYUNIN AT GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT.pdf
ParanLesterDocot
 
WEEK-5-PAGBUO-NG-MANWAL-Piling-Larang.pptx
WEEK-5-PAGBUO-NG-MANWAL-Piling-Larang.pptxWEEK-5-PAGBUO-NG-MANWAL-Piling-Larang.pptx
WEEK-5-PAGBUO-NG-MANWAL-Piling-Larang.pptx
chargergaming1124
 
Liham Pangnegosyo at Memorandum
Liham Pangnegosyo at MemorandumLiham Pangnegosyo at Memorandum
Liham Pangnegosyo at Memorandum
League of Legends
 
Dll observation batayang proseso sa pananaliksik
Dll observation batayang proseso sa pananaliksikDll observation batayang proseso sa pananaliksik
Dll observation batayang proseso sa pananaliksik
Marimel Esparagoza
 
2ND QUARTER- MODULE 1-LIHAM PANGNEGOSYO.docx
2ND QUARTER- MODULE 1-LIHAM PANGNEGOSYO.docx2ND QUARTER- MODULE 1-LIHAM PANGNEGOSYO.docx
2ND QUARTER- MODULE 1-LIHAM PANGNEGOSYO.docx
KarenFaeManaloJimene
 
lesson 9 2023.pptx
lesson 9 2023.pptxlesson 9 2023.pptx
lesson 9 2023.pptx
Marife Culaba
 
Prosidyural.pptx
Prosidyural.pptxProsidyural.pptx
Prosidyural.pptx
RosalesKeianG
 
Pananaliksik-shs.pptx
Pananaliksik-shs.pptxPananaliksik-shs.pptx
Pananaliksik-shs.pptx
RosalesKeianG
 
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.docPagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
JONALIZA BANDOL
 
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptxQ2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
gwennesheenafayefuen1
 
Ano ang Adyenda Piling Larang.pptx
Ano ang Adyenda Piling Larang.pptxAno ang Adyenda Piling Larang.pptx
Ano ang Adyenda Piling Larang.pptx
AimeeUyamotGumapac
 
Filipino.pptx
Filipino.pptxFilipino.pptx
Filipino.pptx
AnalynLampa1
 
ABSTRAK-Pangkat-pptx.pptx
ABSTRAK-Pangkat-pptx.pptxABSTRAK-Pangkat-pptx.pptx
ABSTRAK-Pangkat-pptx.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
Pagsulat ng liham pangnegosyo
Pagsulat ng liham pangnegosyoPagsulat ng liham pangnegosyo
Pagsulat ng liham pangnegosyo
SHARINAJOY
 

Similar to 437095589-Kahulugan-Kalikasan-at-Katangian-Ng-Iba-t-Ibang.pdf (20)

Korespondensiya Opisyal.pptx
Korespondensiya Opisyal.pptxKorespondensiya Opisyal.pptx
Korespondensiya Opisyal.pptx
 
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptx
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptxFilipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptx
Filipino_11_Akademikong_Pagsulat_Abstrak.pptx
 
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptx
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptxPagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptx
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptx
 
MGA-HAKBANG-SA-PANANALIKSIK-ppt.ppt
MGA-HAKBANG-SA-PANANALIKSIK-ppt.pptMGA-HAKBANG-SA-PANANALIKSIK-ppt.ppt
MGA-HAKBANG-SA-PANANALIKSIK-ppt.ppt
 
grade 8.pptx
grade 8.pptxgrade 8.pptx
grade 8.pptx
 
AKADEMIKO AT DI AKADEMIKO KWARTER 1.pptx
AKADEMIKO AT DI AKADEMIKO KWARTER 1.pptxAKADEMIKO AT DI AKADEMIKO KWARTER 1.pptx
AKADEMIKO AT DI AKADEMIKO KWARTER 1.pptx
 
LAYUNIN AT GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT.pdf
LAYUNIN AT GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT.pdfLAYUNIN AT GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT.pdf
LAYUNIN AT GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA PAGSULAT.pdf
 
WEEK-5-PAGBUO-NG-MANWAL-Piling-Larang.pptx
WEEK-5-PAGBUO-NG-MANWAL-Piling-Larang.pptxWEEK-5-PAGBUO-NG-MANWAL-Piling-Larang.pptx
WEEK-5-PAGBUO-NG-MANWAL-Piling-Larang.pptx
 
Liham Pangnegosyo at Memorandum
Liham Pangnegosyo at MemorandumLiham Pangnegosyo at Memorandum
Liham Pangnegosyo at Memorandum
 
Dll observation batayang proseso sa pananaliksik
Dll observation batayang proseso sa pananaliksikDll observation batayang proseso sa pananaliksik
Dll observation batayang proseso sa pananaliksik
 
2ND QUARTER- MODULE 1-LIHAM PANGNEGOSYO.docx
2ND QUARTER- MODULE 1-LIHAM PANGNEGOSYO.docx2ND QUARTER- MODULE 1-LIHAM PANGNEGOSYO.docx
2ND QUARTER- MODULE 1-LIHAM PANGNEGOSYO.docx
 
lesson 9 2023.pptx
lesson 9 2023.pptxlesson 9 2023.pptx
lesson 9 2023.pptx
 
Prosidyural.pptx
Prosidyural.pptxProsidyural.pptx
Prosidyural.pptx
 
Pananaliksik-shs.pptx
Pananaliksik-shs.pptxPananaliksik-shs.pptx
Pananaliksik-shs.pptx
 
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.docPagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
 
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptxQ2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
 
Ano ang Adyenda Piling Larang.pptx
Ano ang Adyenda Piling Larang.pptxAno ang Adyenda Piling Larang.pptx
Ano ang Adyenda Piling Larang.pptx
 
Filipino.pptx
Filipino.pptxFilipino.pptx
Filipino.pptx
 
ABSTRAK-Pangkat-pptx.pptx
ABSTRAK-Pangkat-pptx.pptxABSTRAK-Pangkat-pptx.pptx
ABSTRAK-Pangkat-pptx.pptx
 
Pagsulat ng liham pangnegosyo
Pagsulat ng liham pangnegosyoPagsulat ng liham pangnegosyo
Pagsulat ng liham pangnegosyo
 

437095589-Kahulugan-Kalikasan-at-Katangian-Ng-Iba-t-Ibang.pdf

  • 1.
  • 2. Ay uri ng sulating sa teknikal na komunikasyong na ginagamit sa iba’t ibang komunikasyon. Ito ay proseso ng pagsulat at pagbabahaginan ng impormasyon sa propesyonal na kalagyan.
  • 3. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng nalilinaw sa proseso, estruktura at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito.
  • 4.
  • 5.
  • 6.
  • 7.
  • 8.
  • 9.
  • 10.
  • 11. A. KOMPREHENSIBO Komprehensibo o malawak ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayong itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagy o paksa.
  • 12. B. NAKAAYOS NG PABALANGKAS Nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika.
  • 13. C. MAY LARAWAN O TSART Nagtataglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng pangangailangan.
  • 14. D. APENDISE Karaniwang mg apendise ang manwal upang madaling hanapin ang mga paksa nito.
  • 15. 1. Manwal ng Pagbuo- para sa konstruktsiyon o pagbuo ng isang gamit, alignment, calibration, testing at adjusting ng isang mekanismo. 2. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User Manual o Owner’s Manual) – naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine maintenance o regular na pangangalaga at pagsasaayos ng mga kagamitan, at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang mekanismo. 3. Manwal na Operasyonal (Operational Manual) – kung paano gamitin ang mekanismo at kaunting maintenance.
  • 16. 4. Manwal-Serbisyo (Service Manual) – routine maintenance ng mekanismo, troubleshooting, testing, pag-aayos ng sira o pagpapalit ng depektibong bahagi. 5. Teknikal na Manwal (Technical Manual) - nagtataglay ng espesipikasyon ng mga bahagi, operasyon, calibration, alignment, diagnosis at pagbuo. 6. Manwal para sa Pagsasanay (Tarining Manual)- ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng partikular na grupo o indibidwal.
  • 17. Karaniwang nilalaman ng isang manwal ang nilalaman sa sumusunod: 1. Tiyak 2. Deskripsiyon ng mga mekanismo 3. Sunod-sunod na hakbang o instruksiyon; at 4. Pagsusuri ng mga proseso
  • 18. Narito ang mga bagay sa pagbuo ng mabisang manwal: 1. Madaling basahin at madaling sundan ang mga panuto. 2. May kaakit-akit na disenyo. 3. May mga ilustrasyon upang palawakin ang pag-unawa ng mambabasa. 4. Magagamit na reperesiya sa hinaharap. 5. Naglalaman ng tungkol sa mga paksa, gawain, pamamaraan, at iba pang impormasyong nakaayos sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
  • 19. 1. Pabalat na Pahina- kailangang may malinaw na pamagat. Ang pamagat ay sumasagot sa tanong na, “Tungkol saan ang manwal na ito?” o “Ano ang nilalaman ng manwal?” Ang pamagat ay maaaring may disenyo na angkop sa larangang pagagamitan nito.
  • 20. 2. Talaan ng Nilalaman – dito itinatala ang mga pahina at ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa loob ng manwal. Mabisa itong kasangkapan upang madaling mahanap ng isang mambabasa ang pahina ng paksang kaniyang hinahanap at makatutulong sa kaniya upang maisagawa nang mabuti ang anumang bagay o prosesong kailangan niyang isaayos.
  • 21. 3. Introduksiyon - nagpapaliwanag tungkol sa Ano-Paano-Sino. Ano ang nilalaman ng manwal o tungkol saan ang manwal? Paano gamitin ang manwal? Sino ang gagamit o para kanino ang manwal?
  • 22. 4. Navigational Tips – pahina na may biswal na simbolo na magagamit upang unawain ang mga bahagi ng manwal. a. Gamit at Tungkulin – dito nakalahad kung paano ginagamit o saan ginagamit ang isang bagay. b. Prinsipyo ng Operasyon – binabanggit dito kung ano ang disenyo at kung bakit ito idinisenyo nang gayon. Kung may iba’t ibang operasyon para sa bawat bahagi ng kagamitan, inisa-isa itong larawan.
  • 23. c. Instruksiyon sa Operasyon- dito inilalagay ang sinusunod na mga panuto at pamamaraan sa paggamit ng mga bagay o kung paano gagamitin o paaandarin ang mga ito. d. Serbisyo at Pagmementena- dito nakasulat ang mga paraan ng pagsasaayos ng gamit o instrument kung sakaling magkaroon ng anumang di- inaaasahang problema sa paggamit dito. Nakalagay rin dito kung saan ang mga lugar o opisinang maaaring puntahan upang ipagawa o mapangalagaan sa maintenance ang gamit o instrumento.
  • 24. 5. Apendiks – ito ang kalakip ng dokumentong may kaugnayan sa kabuuan ng nilalaman ng manwal. a. Glosaryo para sa mga Termino – nakatala nang paalpabeto ang termino ng mga bagay, proseso, gamit ng instrumento at kahulugan ng mga ito. b. Talahanayang Reperensiya – nasa anyong talahanayan o table ang mga reperensiyang ginamit sa mga pagsusuri ng datos sa alinmang bahagi ng papel o manwal.
  • 25. 5. Bibliyograpiya – paalpabetong talaan ng mga reperensiya o mga binasang dokumento, lumilitaw o nababanggit man ang mga ito sa mismong papel ng mawal o hindi.
  • 26. 1. Gumamit ng payak na salita. Iwasan ang mga jargon o teknikal sa salita, maliban kung sadyang kinakailangan. Ipaliwanag ang teknikal na salita na salita sa unang beses na gagamitin ito. 2. Buuin ang mga akronim sa unang banggit. 3. Maging konsistent sa paggamit ng termilohiya, tono, at estilo sa pagsulat. 4. Gumamit ng maikling pangungusap at parirala. 5. Gumamit ng numbered lists.
  • 27. Ito ay karaniwang liham mula sa isang kompanya, o sa pagitan ng mga organisasyon o sa kanilang kostumer, kliyente at iba pang panlabas na partido.
  • 28. Karaniwang isinusulat ang liham pangnegosyo para sa mga tao sa labas ng organisasyon o kompanya. May iba’t ibang sitwasyon na sinasaklaw ang liham pang negosyo:
  • 29. 1. Paghahanap ng trabaho; 2. Paghingi ng impormasyon; 3. Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw; 4. Promosyon ng mga ibinebenta at/o serbisyo;
  • 30. 5. Pagkalap ng pondo 6. Pagrerehistro ng reklamo 7. Pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon; 8. Koleksiyon ng bayad;
  • 31. 9. Pagbibigay ng instruksyon; 10. Pagpapasalamat at pagpapahayag ng pagpapahalaga o pagkalugod; 11. pag-uulat tungkol sa aktibidad; 12. Pagbibigay ng magandang balita o positibong mensahe;
  • 32. 13. Pag-aanunsiyo; 14. Talaan o rekord ng mga kasunduan; 15. follow-up tungkol sa mga usapan sa telepono; at 16. Pagpapadala ng ibang dokumentong teknikal.
  • 33. Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Higit na pormal ito kaysa sa isang personal na sulat. Sa pagsulat ng isang liham pangnegosyo, nararapat na sundin ang karaniwang pormat na margin na isang pulgada (inch) sa bawat gilid ng papel. Ito ay karaniwang isinusulat sa 8 ½”x11” na bond paper. May anim (6) na bahagi ang isang liham na pangnegosyo.
  • 34. Ang pamuhatan ay mula sa salitang ugat na “buhat”, ibig sabihin, pinagmulan o pinanggalingan. Nagtataglay ito ng address ng nagpadala ng liham na kadalasang nasa dalawa hanggang tatlong linya lamang. Sa huling linya ng bahaging ito inilalagay ang petsa. Maaari ding magdagdag ng isa pang linya matapos ang address o bago ang petsa, para sa bilang ng telepono, numero ng fax, e-mail address o iba pang kahintulad nito.
  • 35. Hindi kailangang ilagay ang pamuhatan kung ang ginagamit na papel ay tinatawag na sationery na may nakalimbag nang pamuhatan at/o pangalan ng kompanya. Ngunit laging nilalagyan ng petsa ang liham pangnegosyo.
  • 36. May Dalawang Uri ng Pamuhatan: a. Nilimbag na pamuhatan (printed letterhead). b. Minakinilya (typeset)/Sulat-kamay na pamuhatan.
  • 37. Ito ang petsa kung kalian isinulat ang liham. Binubuo ito ng buwan, araw at taon. Karaniwan nang nauuna ang buwan, sumusunod ang araw at nahuhuli ang taon. Sa ganitong anyo ay kailangang lagyan ng kuwit ang pagitan ng araw at taon.
  • 38.  Abril 21, 2016  21 Abril 2016  Ika- 21 ng Abril, 2016
  • 39. Nagmula ang katawagan sa bahaging ito ng liham sa salitang “tungo” o pupuntahan, patutunguhan o padadalhan ng liham. Samakatuwid, ito ang address ng pinadadalhan ng liham. Kumpletuhin and address na ito at isama ang mga titulo at pangalan ng padadalhan ng liham. Iwasan ang pagdadaglat sa pagsulat ng address o direksiyon.
  • 40. Lagi itong nasa kaliwang bahagi. Mahalaga ang patunguhan upang matukoy ang pinadadalhan ng liham kung sakaling magkaroon ng sira ang sobre o kung sakaling hindi mabasa ang address. Mag-iwan ng isang linyang espasyo sa pagitan ng pamuhatan at patutunguhan. Maglagay rin ng isang linyang espasyo bago ang pagbati.
  • 41. Dr. Joy V. Ramos Pangulo Asia Pacific Professional Development & Innovative Global Solution, Inc. 675 Quirino Highway, Novaliches, Quezon City
  • 42. Ang Pangulo Asia Pacific Professional Development & Innovative Global Solutions, Inc. 675 Quirino Highway, Novaliches, Quezon City
  • 43. Laging pormal ang bating pambungad sa isang liham pangnegosyo. Karaniwang nagsisimula sa mga salitang “Mahal na” na sinusundan naman ng apelyido ng taong sinusulatan. Karaniwan ding may titulo ng taong pinadadalhan ng liham.
  • 44. Ang titulo ay maaaring simpleng G. (Ginoo), Gng. (Ginang), Bb. (Binibini), o ang mismong titulo sa propesyon o katungkulang hawak ng taong pinadadalhan. Halimbawa, Prof. (para sa Propesor), o Dr. (para sa Doktor). Ang bating pambungad sa liham pangnenegosyo ay lagging nagtatapos sa tutuldok (:), at hindi sa kuwit (,).
  • 45. Mahal na Ginoo: Mahal na Dekano Guiang: Ginoo: Mahal na Presidente Anfone: Mahal na Binibini: Mahal na Propesor Vidad: Binibini: Dr. Fermin: Mahal na Ginang: Ginang:
  • 46. Ginagamit na bantas sa bating pambungad ay tutuldok (:). Ngunit, kung kapalagayang-loob ang sinisimulan, maaaring kuwit (,) ang gagamitin tulad ng kasunod na halimbawa: Mahal na Aaron, Kaibigang Jubaile,
  • 47. Nasusulat bilang teksto o talata ang katawan ng liham pangnegosyo. Tandaan na hindi ito isinusulat- kamay, palagi itong typewritten o computerized. Depende sa istilo ng liham na iyong gagamitin, maaaring may idensiyon ang mga unang linya ng mga talata. Ano pa naman ang pormat, maglaan ng isang linyang espasyo sa pagitan ng bawat talata, sa pagitan ng pagbati at katawan at sa pagitan ng katawan at ng pangwakas.
  • 48. Ang katawan ng liham ay naglalaman ng a) panimula na naglalaman ng maikling introduksyon sa liham kasama ang pagpapahayag sa layon ng liham, b) katawan na kinapapalooban ng mga detalye ng liham, at c) huling talata na nagsasaad sa inaasahang aksyon mula sa sinultan.
  • 49. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katawan ng Liham Pangnegosyo:
  • 50.  Sa unang talata ng katawan ng liham, nararapat na malinaw na ipahayag ang punong diwa at ang buod ng nais sabihin;  Maging magalang;  Iwasan ang paggamit ng nananakot na pananalita;  Iwasan ang pagbibigay ng mga negatibong mungkahi;
  • 51.  Iwasan ang paggamit ng walang kaugnayan at di-mahalagang pananalita;  Iwasan ang paggamit ng panghalip sa unang panauhan lalo na sa unang pangungusap o talata ng katawan ng liham;
  • 52.  Sa gitnang bahagi ng katawan nararapat isalaysay ang mga pangyayari at/o magbigay ng mga katibayan hinggil sa pangyayari o usapin;  Sa huling pangungusap ng liham, sinasabi ang aksyong dapat gawin sa mapitagang pamamaraan.
  • 53. Ito ay maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam. Ito ay nagtatapos sa kuwit (,) at kadalasang nasa kaliwang gilid (margin) ng liham depende sa pormat na iyong pinili. Madalas na ginagamit ang block style na pormat dahil hindi na ito kinakailangan ang unang indensiyon sa buong liham.
  • 54. Magalang na sumasainyo, Matapat na sumasainyo,
  • 55. Maglaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang pangalan ng taong lalagda. Kadalasang kasama rito ang panggitnang inisyal ng pangalan, bagaman hindi naman laging kinakailangan.
  • 56. MGA KATANGIANG TAGLAYIN NG MABISANG LIHAM PANGNEGOSYO
  • 57. Kailanagan malinaw ang layunin at maingat ang pananalita sa liham pangnegosyo. Gumamit ng pormal na pananalita at iwasan ang personal ang pakikipag-usap sa liham. Kahit malapit ang pagtuturing o kaugnayan sa taong pinadadalhan ng liham, hindi ito nararapat na mabakas sa isang liham pangnegosyo.
  • 58. Hindi dapat maging mahaba ang liham pangnegosyo dahil may mahahalagang tungkulin ang transaksiyong nakapaloob dito na kinakailangan ng agarang aksyon. Maging tiyak sa gamit ng mga salita.
  • 59. Kailangang tiyak at tama ang detalye ng isusulat sa isang liham pangnegosyo. Beribikahin ang kawastuhan ng mga detalyeng babanggitin. Huwag nang isama ang hindi mahahalagang detalye o mga bagay na walang kaugnayan sa kasalukuyang inihahain sa liham.
  • 60. Palaging isaalang-alang ang etika. Etika ang pamantayan ng lipunan sa kung ano ang tama at mali. Iwasang may mapahamak na tao o may pangalang masira. Maging maingat sa mga pahayag.
  • 61. Napakahalaga ng tamang gramatika sa pagsulat ng liham pangnegosyo. Nararapat na tama ang gamit ng mga salita, sapagkat ang maling gamit ng salita ay maaaring magdulot ng ibang kahulugan, at kalaunan ay hindi pagpapakaunawaan sa nilalaman at mesahe ng liham. Tiyakin ding tama ang pagkakabuo at pagkakasunod-dunod ng mga pangungusap para sa tamang pag-unawa ng magbabasa.
  • 63. May dalawang karaniwang pormat ang pagsulat ng liham- pang-negosyo: anyong block at ang anyong may indensyon.
  • 64. 1. Anyong Block (Block Form)- lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa katawan. 2. Anyong may Indensiyon (Indented Form)- nakapasok ang unang salita sa bawat talata at ang patutunguhan ay nasa kaliwang bahagi. Nasa kanan naman ang pamuhatan at pamitagang pangwakas.
  • 65. Sa unang tingin pa lamang ng magbabasa, nararapat na magand ang liham. Nararapat din na malinis ito, walang mga bura o alterasyon sa anumang bahagi, at wala ring dapat itong anumang dumi. Maayos dapat ang pormat nito, blocked man o indented.
  • 66. 1. Kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw at hindi dapat lumikha ng ano mang alinlangan sa pinadadalahan o babasa nito, 2. Kailangang may tamang pagkasunod-sunod ng mga salita, pangungusap, talata at mga bahagi ng liham, at 3. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain, may angkop na mga salita, banghay at bantas.
  • 67.
  • 68.
  • 69.
  • 70.  Ito ay uri ng nakasulat na adbertismo o patalastas na pngunahing layunin ay para sa malawak na distribusyon at karaniwang ibinabahagi sa pampublikong lugar sa mga indibidwal o sa pamamagitan ng selyo.
  • 71. Bagama’t nasa panahon na tayo ng impormasyon at teknolohiya na kompyuter at Internet, nananatiling mahalaga ang paggamit ng iba pang anyo ng promotional materials tulad ng flyers at leaflets. Ang mga ganitong pamamaraan upang ipakilala ang isang produkto o serbisyo ay epektibong nakahihikayat sapagkat mas personal ito kumpara sa mga adbertisment sa Internet, telebisyon o billboard.
  • 72. Halos walang pinag-iba ang flyer at leaflets maliban sa sukat na inilalaan para gawin ang mga ito. Ang flyer ay tinatawag ding handbill. Ito ay isang anyo ng promosyong nasa papel hinggil sa isang proldukto o serbisyo. Ang flyer ay karaniwang ipanamamahagi sa mga pampublikong lugar subalit naipapadala rin sa pamamagitan ng e-mail ang soft copy nito. Karaniwang sinlaki nito ang isang short o A4 bond paper at depende sa badyet ng kompanya o organisasyon, ito ay maaaring naka-photocopy o colored print. Masasabing cost-effective ang flyer sapagkat mura ito kumpara sa iba pang anyo ng adbertisment o promosyon.
  • 73. Halos walang pinag-iba ang isang leaflet sa isang flyer. Kadalasang isang kapat lamang ng ordinaryong fyler ang leaflets. Naglala,an din ito ng mga katulad na impormasyong nasa flyer. Layunin ng isang leaflets na ipukos ang halaga o marketability ng isang produkto o serbisyo at kadalasang ipinamumudmod sa pambublikong lugar o inilalakip sa mga katalogo o brochure.
  • 74.
  • 75.
  • 76.
  • 77.
  • 78.
  • 79.
  • 80.
  • 81. Tingnan at suriin ang larawan sa ibaba. Larawan A Larawan B
  • 82. Ginagamit ang flyers sa diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang personal na gawain o sa isang negosyo. Karaniwang ginagamit ito bilang promosyonal na materyal.
  • 83. Bukod sa mura ang flyers, madali rin itong gawin. Mabisang paraan ng pagpapakalat ng impormasyon lalo na kung maraming kopya ang inilathala at ipamimigay o ipapaskil.Mahalaga ito para sa mga maliliit o nagsisismulang negosyo sapagkat nakatutulong ito na mapansin ng mga tao ang kanilang mga produkto o serbisyo.
  • 84. Karaniwang isang maliit na papel lamang ito na may lamang larawan at maikling teksto, bagaman may mga disenyong maaaring isagawa, depende sa nagpapaklat ng impormasyon.
  • 85. Maraming aplikasyon ang maaaring magturo o makatulong kaugnay sa paggawa ng isang flyer. Kailangan ng mabisang layout o pagdidisenyo sa flyer sapagkat nagtataglay ito ng mahalagang impormasyong nais ipakalat.
  • 86. Maaaring gamitin ang aplikasyong Microsoft Publisher o Adobe Photoshop sa pagbuo nito. Doon ay mayroon nang mga gabay sa bubuuing layout. Kailangan na lamang maging maingat at matalino sa isusulat sa nilalaman.
  • 87. 1. Sumulat ng pamagat. Kailangang simple at malaki ang pamagat. Hindi ito dapat hihigit sa limang salita, kasya dapat sa isang linya sa pahina at nakagitna. Dapat mas malaki kaysa buong teksto ang lettering ng pamagat upang makikita ito ng mga tao mula sa malayo. Gumamit ng malalaking titik (all caps) at sans serif font tulad ng Arial. May serif ang mga pormal na font tulad ng New Times Roman at Book Antiqua. Mas simple naman ang sans serif fonts. Maaaring lagyan ng kulay ang pamagat.
  • 88. 2. Gawing simple ang mesahe. Dapat ay hindi kailanagn basahin ng mambabasa ang kabuuan ng flyer. Dapat na maunawaan na agad ito ng titingin o babasa. 3. Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon. Mas natatandaan ng mga tao ang mensahe sa tulong ng mga kasamang imahen. Iwasan ang sobrang daming larawan upang hindi magmukhang siksik at magulo ang flyer.
  • 89. 4. Maglagay ng deskripsiyon sa ibaba ng larawan. Nararapat na maikli lamang ito, ngunit detalyado na. Maaari itong dalawa hanggang tatlong linya. Gumamit ng malalaking titik para sa mga susing salita. Gumamit ng mapanghikayat na mga salita. 5. Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan ng mga taong nais tumugon o interesado sa nilalaman ng flyer. 6. Pagsasapubliko ng impormasyon ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo ng flyer. Mamigay ng kopya nito sa mga pampubliko o matataong lugar.
  • 90. Sa paggawa ng flyer at leaflet, nagmungkahi si Austin (2015) ng ilang mahahalagang bagay na dapat isama: 1. Impormasyong Kontak (Contact Information). Isama ang mga impormasyon kung papaano makakokonekta o makikipag-ugnayan ang mga target na kostumer. Mahalaga ito upang makamit ang layunin ng flyer o leaflet. Kasama sa mga impormasyong ito ang numero ng telepono o mobile phone, numero ng fax at e-mail address.
  • 91. 2. Koneksyon sa Social Media (Social Media Connections). Upang mas mapabilis pa ang promosyon at pagpapabatid, mahalagang maipaalam din ang social media connection ng organisasyon o kompanya upang mas makilala ang produkto o serbisyo. Dahil limitado lamang ang mga impormasyon sa flyers at leaflets, mas mailalahad ang mga detalye sa social media. Kabilang sa mga social media connection na maaaring gamitin ay ang Facebook at Twitter.
  • 92. 3. May Susing Impormasyon( Key Facts). Dapat maisama ang pinakamahalagang impormasyon ukol sa produkto, serbisyo o event. Kailangang masagot sa bahaging ito ang mga pangunahing katanungang nagsisimula sa Ano, Saan, Sino, Kailan, Bakit at Paano.
  • 93. 4. Mga Larawan (Photographs). Napahuhusay at napapaganda ang isang materyales sa promosyon kapag ito ay ginagamitan ng mga de-kalidad at mga akmang mga larawan. Sabi nga ang mga larawan ay nangungusap ng ilang libong mga salita. Nabibigyang anyo din ng mga larawan ang minsang abstraktong ideya na inihahatid ng mga salita. Maliban pa rito, monotonous ang materyales kung puro salita lamang ang makikita rito.
  • 94. 5. Mga Panawag-Pansing Linya (Taglines). Ang tagline ay tumutukoy sa mga parirala o pangungusap na ginagamit upang lalong matandaan ang isang patalastas. Dapat catchy ito sapagkat naiaangat ng mga tagline ang memory recall ng produkto o serbisyo. Mahalagang gumamit ng mga tagline na napapanahon nauugnay sa pinatutungkulang audience o mga target sa kustomer.
  • 95. 6. Katangiang Ikinaiiba (Difference Among Others). Sa pagdidisenyo ng materyales pampromosyon, kailangang bigyang-diin ang pagkakaiba ng serbisyo o produktong ipinakikilala sa iba pang katylad na produkto o serbisyo. Maaaring ipakita ito sa mismong kalidad ng produkto o serbisyo at mga kaakibat na benebisyong matatamo kapag pinili ito.
  • 96. 7. Panawagan ng Kilos (Call to Action). Linawin sa matereyales kung ano ang nais mong maging tugon ng mga pinatutungkulan nito. Halimbawa kung ito’y produkto, sabihing bumili; kung ito’y serbisyo, sabihing mag-avail. Dapat ding malinaw ang mga prosesong isinasagawa ng target na kostumer tulad ng tumatawag, mag-aply o mag log-on.
  • 97.
  • 98.
  • 99.
  • 100.
  • 101.
  • 102. Pagpapakilala at pagbibigay katangian sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilikin ng isang mamimili.
  • 103. Isipan ng makatawag-pansing brand name ang kasunod na patlang ng maikling paglalarawan nito sa paraang makahihikayat sa target na kostumer upang bilhin ng produktong ito.
  • 104. Ayon kay Gerchev (2014) sa artikulo niyang is Your Product’s Documentation Good Enough? Na may pormula upang maging matagumpay ang isang produkto. Ganito ang kanyang pormula: Great Product+Great Documentation+Great Support+ Great Success.
  • 105. Ang deskripsyon ng isang produkto ay maikling sulatin sa label o kalakip na leaflet nito na nagpapaliwanag sa katangian, component o gamit ng produkto. Batay sa uri ng produktong binibigyang- deskripsyon, ibinibigay nito ang pinakamahalagang impormasyon na kinakailangan ng mamimili o kokonsumo nito. Maliban sa layuning magbigay-impormsyon, nakapanghihikayat din ang mismong deskripsyon ng produkto upang ibenta ito sa mga target na kostumer. Dahil ditto, mahalagang maging epektibo ang pamamaraan sa paglalarawan sa produkto o serbisyong ibibigay sa publiko. Upang makamit ito, mahalagang isaalang-alang ang ilang mahalgang mungkahi ni McDonald (2013) sa pagbuo ng deskripsiyon ng produkto o serbisyo:
  • 106. Mahalagang malinaw sa isipan ng sino mang sumusulat ng isang deskripsiyon ng produkto kung para kanino ang sulating ito. Ibig sabihin, kailangang kilalanin ang target na mamimili ng produkto o serbisyo.
  • 107. Ilahad ang mga benepisyong makukuha sa produkto at i-highlight ang kaibahan nito sa iba.
  • 108. Sa pagbuo ng deskripsiyon, mahusay kung makagagamit ng mga biswal na salita upang buhayin ang mga imahinasyon ng nagbabasa. Tandaang kailangang ilahad ang deskripsiyon sa paraang kaakit-akit sa mambabasa.
  • 109. Isang mabisang paraan ng pabnghihikayat ang pagsasaad ng mga testimonya ng mga taong gumamit ng produkto o ng syentipikong katibayan sa bisa nito.
  • 110. Panatilihing simple at direkta ang deskripsyon. Iwasan ang mahahaba at maliligoy na pananalita upang mas madali ang pagbasa nito.
  • 111. 1. I-define ang persona ng iyong mamimili. Tiyakin ang iyong target audience, higit pa sa malabong deskripsiyon ng demographics.
  • 112. 2. Gumawa ng komprehensibong tala ng features at benepisyo. Ilista ang features and specs ng produkto, matapos ay isalin ang mga iyon sa benefits. Ang feature ay isang katotohanan tungkol sa produkto, samatlang ang benepisyo ay isang eksplanasyon ng nagagawa ng feature sa konsumer. Ang benepisyo ay maaaring ilahad sa paraang positibo (halimbawa, pinabubuti ang produktibi) o bilang isang problemang sinosolusyunan (halimbawa, binabawasan ang stress).
  • 113. 3. Piliin ang tono ng iyong tinig. Ipakita ang tono sa pagsulat kung sino ka at kung paano mo pakikitunguhan ang iyong kliyente. Samakatuwid, sa pagpili ng tono sa pagsulat, mahalaga ang wastong pagpili ng mga salita.
  • 114. ARABASHI Kalidad na Walang Kapantay Model No. BC 373 Episyente sa Enerhiya Episyente ang Halaga Walang Kapantay ang Kalidad
  • 115. Ang Arabashi flat iron ay garantisadong matibay. Mayroon itong 6- level regulator para maiakma sa iba’t ibang uri ng tela ayon sa inyong pangangailangan. Hindi tulad ng ibang plantsa, mayroon itong spray outlet upang mas kumbinyente ang paggamit. Makatitipid ang kuryente sa paggamit nito sapagkat energy efficient din ito. Sa katunayan, 75 wats lamang ang konsumo nito kada oras. Mahigit kalahati ang tipid ninyo sa paggamit nito kaysa iba pang brand ng plantsa. Sa Japan, 80% ng mga tahanan ang gumagamit ng Arabashi flat iron.
  • 116.
  • 117.
  • 118.
  • 119. Pag-aaral na isinasagawa bago lumikha ng isang negosyo o pryekto.
  • 120.
  • 121.
  • 122.
  • 123.
  • 124.
  • 125. Ito ay isang ulat sa paraang naratibo o pasalaysay. Karaniwang nakikita ang narrative report mula sa iba’t ibang ahensiya o kompanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang organisayon o institusyon.
  • 126. Nagbibigay impormasyon sa mga nakababasa nito. Nakatutulong ang mga babala upang maiwasan ang mga sakuna, aksidente o iba pang hindi kanaisnais na pangyayari sa isang indibidwal.
  • 127.
  • 128.
  • 129.
  • 130.
  • 131. Talaan ng mga pagkaing mabibili sa isang karinderya, fast food o restaurant. Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat pagkain upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o kaya’y abot kaya para sa kanila.