4. #PusongCanossian
#WeFormHearts
FILIPINO 11
Deskripsyon ng Kurso
Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa
kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at
paggamit ng Wikang Filipino sa mga
sitwasyong komunikatibo at kultural sa
lipunang Pilipino.
5. #PusongCanossian
#WeFormHearts
FILIPINO 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Pagkatapos ng unang semestre ang mga mag-aaral sa ika-
11 Baitang ay inaasahang:
Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at
pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong
kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino
6. #PusongCanossian
#WeFormHearts
Pagpapahusga ng mga maaaring mangyari kung walang wika
Magbibigay ang guro ng sitwasyon at ipapahayag ito ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pag-arte o pagkilos o galaw
Mga Sitwasyon
a. Nais mong maipaalam sa isang tao na mahal mo siya (maaaring magulang,
kaibigan o taong malapit sa puso mo)
b. Ayaw mo o di ka sumasang-ayon sa opinyon ng iyong kamag-aral.
c. Nais mong humingi ng tulong sa iba para sa isang mahirap na problema o
kalagayang mayroon ka.
7. #PusongCanossian
#WeFormHearts
d. Nais mong humingi ng paumanhin sa iyong mga magulang sapagkat
may mali kang nagawa.
e. Masaya ka sapagkat unti-unti ng bumabalik sa normal ang pagpasok sa paaralan
PAMPROSESONG TANONG
Batay sa mga naging kasagutan, mahirap bang mawala ang wika?
Ano-ano ang posibleng mangyari kung walang wikang nauunawaan ng lahat?
10. #PusongCanossian
#WeFormHearts
-isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon
-kalipunan ng mga simbolo, tunog, at kaugnay na mga bantas
upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan
-isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon
Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1)
-ito ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang
anumang minimithi o pangangailangan natin
11. #PusongCanossian
#WeFormHearts
Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr.
-masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.
Alfred North Whitehead
-ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.
-bawat wika ay naglalaman ng kinaugalian ng lahing lumikha
nito.
-salamin ng lahi at kanyang katauhan
12. #PusongCanossian
#WeFormHearts
Ayon kay Noam Chomsky
-ito ay isang prosesong mental. May unibersidad na
gramatika at mataas na abstrak na antas;
Ayon kay Dell Hymes
-ito ay isang buhay at bukas sa sistema ng nakikipag-
interaksyon
Ayon kay Michael Alexander Kirkwood Halliday
-nagagamit ang wika sa pagpapangalan, pagpapahayag na
berbal, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos at pakikipag-
usap.
14. #PusongCanossian
#WeFormHearts
Taong 1934
-Ito ay binubuo ng mga delegado mula sa iba’t ibang parte ng
Pilipinas. Dito pinag-usapan ng mabuti kung anong wika ang itatag
bilang wikang pambansa. Nagkakaroon ng pagtatalo kung wikang
katutubo ba o wikang ingles ang gagamitin
-iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang
pambansa ay dapat ibatay sa isa sa umiiral na wika sa
Pilipinas
-sinang-ayunan naman ito ni Manuel L. Quezon- pangulo ng
pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
15. #PusongCanossian
#WeFormHearts
Taong 1935
Dito ay itinadhana na ang Kongreso ay gumawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
pangkalahatang Wikang Pambansa na batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika.
Base sa pag-aaral na ginawa ng Surian, napili ang
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil ang
nasabing wika ay tumutugma sa mga pamantayang
kanilang binuo
16. #PusongCanossian
#WeFormHearts
a. Wika ng sentro ng pamahalaan
b. Wika ng sentro ng edukasyon
c. Wika ng sentro ng kalakalan
d. Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat sa
panitikan
Taong 1937
Sa bisa ng saligang batas 1935 pinahayag ni Pangulong
Manuel Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa
wikang Tagalog. Magkakabisa ito pagkatapos ng dalawang
taon.
17. #PusongCanossian
#WeFormHearts
Taong 1940
Pinalabas ni Pangulong Manuel Quezon ang Kautusang Taggaganap
Blg. 203 . Ito ay nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng talatinigang
Tagalog-Ingles at Bararila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan nito
ang paguturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng paaralan sa buong
bansa.
Taong 1946
Sa panahong ito ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng mga
Pilipino. Ipinahayag na ang opisyal na wika ng bansa ay Tagalog at
Ingles na binatay sa Batas Komonwelt blg. 570
18. #PusongCanossian
#WeFormHearts
Taong 1959
Pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay
naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg.7 na
ipinalabas ng lihim ng Edukasyon noon na si Jose E. Romero.
Sa panahong ito higit na binibigyang halaga at lumalaganap ang
paggamit ng wikang Pilipino
Subalit sa kabila nito ay may mga sumasalungat sa pagkakapili ng
Taglog bilang batayan ng wikang pambansa.
19. #PusongCanossian
#WeFormHearts
Taong 1972
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensyong Konstitusyunal
kaugnay ng usaping pangwika Sa huli, ito ang naging probisyong
pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3,blg.2.
“Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na
magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na
wikang pambanasang kikilalaning FILIPINO.”
20. #PusongCanossian
#WeFormHearts
Taong 1987
Dito nadeklara ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni
dating Pangulong Cory Aquino na ang Wikang Pambansa
ng Pilipinas ay kikilalaning Wikang Filipino.
Ayon naman sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81,
nagtakda ng Alpabetong Filipino na binubuo ng 28 letra .
21. #PusongCanossian
#WeFormHearts
a.Bakit kinakailangan ng ating bansa na magkaroon ng isang
pambansang wikang magagamit at mauunawaan ng nakararaming
Pilipino?
b. Ano ang iyong napagtanto matapos talakayin ang kasaysayan ng
wikang pambansa?
22. #PusongCanossian
#WeFormHearts
Matapos matalakay ang kasaysayan ng wika, maglalahad ang mga mag-
aaral ng isang poster islogan na hihikayat sa iba lalo na sa mga kabataang
katulad mo na ipagmalaki, gamitin,at mahalin ang ating wika na kung
saan nakapaloob ang iba’t ibang konseptong pang wika na natutunan sa
pagtalakay
(Iwawasto muna ng guro ang mga kasagutan ng mag-aaral bago i-
post)
Ang gawain ay magsisilbing pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika
Gawain