MODYUL SA PAGKATUTO
Pangkalahatang Ideya
Nakitaninyo sa sinundang aralin na dahil sa mga patakarangpananakop
ay naglunsad ng mga pag-aalsa ang mga Pilipino sa iba-ibang isla.Bukod sa mga
pangyayaring itomula sa ika-16 na siglo ay dumami at lumawak ang mga
pagbabago sa ika-19 na siglo. Pinayagan, halimbawa, ng gobyernong Espanyol
ang mga Ingles at iba pang dayuhang mangangalakal na magtayo ng kumpanya
at industriya sa iba-ibang parte ng Pilipinas, matapos tumigil ang kalakalang
galleonnoong 1815. Nadebelop ang mga produktong pang-eksport katulad ng
asukal, abaka at tabako, at naitayo ang unang bangko, ang Banco EspañolFilipino, noong 1851.Sa madaling salita, makikita sa kolonya ang mga tanda ng
progreso sa ika-19 na siglo, kasama ang tren at iba pang modernong pasilidad.
Sa kontekstong ito ay umusbong ang iba-ibang pagtingin sa progreso at
kung paano isusulong ang Pilipinas. Alalahanin na ang mga kolonyang Espanyol
sa Latin Amerika ay halos nakalaya na, samantalang hawak pa ng Espanya ang
kanyang mga kolonya sa Pilipinas, Puerto Rico at Cuba. Sa modyul na ito tatlong
perspektibo ang ilalahad: kay Sinibaldo de Mas, isang Espanyol na administrador;
Gregorio Sancianco, isa sa mga unang Pilipinong nag-aral sa Espanya; at Juan
Luna, Pilipinong pintor na hanggang ngayon ay kinikilalang isa sa pinakamahusay
sa bansa. Importanteng maunawaan ang mga ideya nila ukol sa progreso dahil
nagbigay daano nakaapekto ang mga ito sa mga layunin at kaisipan ng kilusang
reporma napinangunahan nina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar.
Layunin, Tema at Pamantayan sa Pagkatuto
Nilalayong ipakilala ng modyul ang mga sumusunod:
• Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian
• Pagkakaiba at limitasyon ng mga uri ng sanggunian
• Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian sa sariling
buhay at sa kasaysayan
Kaugnay ng mga paksang ito ang dalawang tema ng kurikulum sa Araling
Panlipunan: Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago; at Kultura, Pagkakakilanlan at
Pagkabansa.
Layunin, Tema at Kakayahan
Layunin ng modyul na maunawaan ang mga ideya ng progreso o pagunlad mula sa iba’t ibang pananaw—ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba—
base sa mga nakasulat at biswal na sanggunian. Bibigyang interpretasyon ang
mga pananaw nina Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna, at
ilalahad ang mga ito sa isang talumpati matapos suriin ang kanilang mga akda.
Itong mga paksa ay kaugnay sa sumusunod na tema ng Araling Panlipunan.
• Tao, Lipunan at Kapaligiran
• Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago
• Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahal
• Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo
• Nakababasa sa mapanuring pamamaraan upang
maunawaan ang historikal na konteksto ng
sanggunian at ang motibo at pananaw ng mayakda
• Nakikilala ang historikal na perspektibo ng awtor
o manlilikha
Describes the two kinds of Philippine government initiated by Emilio Aguinaldo under his rule.
Note. This is a simplified version and not advisable for any scholarly endeavor. (in Tagalog/Filipino)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNANLiGhT ArOhL
Learning materials / modules in Araling Panlipunan for Grade 7, Module 1 to 5. I combined the 5 modules. it was separated by a blank blue page for the module 3,4,5. hope it will help so u will download the whole modules. i will upload the revised module 3. check it in my slideshare.
BASAHIN: Ang pagiging kasapi ng (pamilya, barkada), paaralan, simbahan, o anumang organisasyon ay hindi gawang (biro, masaya) sapagkat ito ay nangangailangan ng kaukulang responsibilidad at pananagutan.
Ang mga iniatang na (utos, gawain) sa iyo bilang kasapi ng pamilya, paaralan, o anumang samahan ay nagpapakita ng malaking (hiya, tiwala) sa iyong kakayahan kung kaya ay dapat mo itong (ipagmalaki, itago) kanino man.
Panuto: Iguhit ang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng damdaming may katatagan at naman kung hindi.
______1. Kakikitaan ng katatagan ang batang nakikilahok sa larangan ng sports.
______2. Ang batang marunong humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa
ay tanda ng katatagan.
______3. Matatag ang batang hindi nahihiyang makipag-usap pulis, mayor,
abogado at iba pang may mataas na tungkulin sa lipunan.
______4. Alam ni frontliner na nakakatakot si Covid-19 pero patuloy niya pa rin
itong nilalabanan.
______5. Ikinasasama ng loob ni Harold ang mga puna ng kaniyang ama.
Panuto: Sagutan nang TAMA kung ang pahayag ay may kinalaman sa nabasang seleksyon at MALI kung ang pahayag ay walang kinalaman sa balita. Isulat ang sagot sa malinis na papel.
______1. Ang COVID – 19 ay nagmula sa Wuhan, China.
______2. Ang mga sintomas ng COVID-19 ay ubo, lagnat at pilay.
______3. Takpan ang bibig kapag uubo upang hindi makahawa.
______4. Sundin ang mga alituntunin ng Kagawaran ng Transportasyon upang maging ligtas ang sarili sa virus.
______5. Mahalaga ang paghugas ng kamay parati upang makaiwas sa paglaganap ng sakit.
PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. MALI naman ang isulat kung ang pangungusap ay walang katotohananan.
_____ 1. Viva Laguna ang dating katawagan sa Laguna.
_____ 2. Ang Morong ay bahagi ngayon ng Quezon.
_____ 3. CALABARZON ang rehiyon na kinabibilangan ng mga lalawigang Quezon, Laguna, Zamboanga, Rizal at Batangas.
_____ 4. Ang lalawigan ng Rizal ay hango sa pangalan ng pambansang bayani ng ating bansa na nagmula sa Laguna.
_____ 5. Kung ikaw ay nakatira sa Cainta, Rizal, ikaw ay mamamayan na nabibilang sa rehiyon ng CALABARZON.
PANUTO: Pag-aralan ang hinahanap na impormasyon sa bawat bílang. Piliin at isulat sa iyong kuwardeno ang letra ng tamang sagot.
_____1. Ang sumusunod ay mga lungsod sa Laguna maliban sa ____________.
A. Biñan B. San Pedro C. Nagcarlan D. San Pablo
_____ 2. Ang sumusunod ay mga sinaunang lalawigan sa rehiyon na kinabibilangan mo maliban sa _______________.
A. La Laguna B. Morong C. Rizal D. Batangas
_____ 3. Ang sumusunod ay kasalukuyang katawagan sa mga lalawigan sa CALABARZON maliban sa _______________.
A. Laguna B. Morong C. Rizal D. Batangas
_____ 4. Noong 1979, ilan ang lalawigan sa Rehiyon IV?
A. 10 B. 11 C. 12 D. 13
_____ 5. Ang sumusunod ay ilan lámang sa mga bayan sa Laguna maliban sa _______________.
A. Taytay B. Pagsanjan C. Nagcarlan D. Bai
PANUTO: Punan ang mga patlang sa mga talata ng mga angkop na detalye upan
1.
1
Grado 7 Mga Saksi sa Kasaysayang Pilipino
Markahan 2 Pagsibol ng kamalayang Pilipino
Modyul 4 Himagsikan para sa Kalayaan
Gawain 1. Ang Katipunan at ang pagmamahal sa bayan
2. Deklarasyon ng kalayaan sa Kawit
3. Saligang Batas ng Malolos
Oras Walo (8)
MODYUL SA PAGKATUTO
Pangkalahatang Ideya
Napag-aralan mo na ang mga ideya ng progreso at reporma sa huling
bahagi ng ika-19 na siglo. Kung reporma ang layunin ng Kilusang Propaganda, sa
hangaring makamit ng mga Pilipino ang lahat ng mga karapatan at pribilehiyong
tinatamasa ng mga Espanyol, nilayon naman ng Katipunan ang pagkamit ng
kalayaan sa pamamagitan ng himagsikan, sa kadahilanang walang pagbabagong
makukuha mula sa Espanya. Nakatuon ang modyul na ito sa pagmamahal sa
bayan at sa kahulugan ng kalayaan mula sa pananaw ng rebolusyon, simula sa
mga aral ng Katipunan na itinatag noong 1892 hanggang sa Saligang Batas ng
Malolos noong 1899. Ang mga primaryang sanggunian sa modyul na ito ay sinulat
ng mga Pilipinong rebolusyonaryo. Sa pagsusuri ng mga ito ay inaasahang
maunawaan ang kahalagahan ng kanilang simulain para sa Pilipinas at ang
kaugnayan nito sa kasalukuyan.
Gawain 1. Ang Katipunan at ang Pagmamahal sa Bayan
1. Magkunwaring nabubuhay ka noong huling bahagi ng ika-19 na
siglo; may 18 na taon kang gulang. Batid mo ang kahirapang tinalakay sa mga
naunang modyul at hinahangad mo ang kalayaan ng Pilipinas bilang sariling
bansa. Nais mong sumapi sa Katipunan, isang patagong samahang
naghahandang lumaban para sa kalayaan. Ngunit bago ka sumanib dito,
kinakailangan mong masagot ang tatlong tanong bilang bahagi ng paggiging
miyembro (initiation) ng Katipunan.
Ano ang
kalagayan ng
Pilipinas bago
dumating ang
mga Espanyol?
2.
2
Ano ang kalagayan ng Pilipinas Ano ang kalagayan ng Pilipinas
sa panahon ng Espanyol? ang pamahalaang Espanyol?
2. Talakayin sa klase ang mga sagot.
3. Pumili ng isang pangalan na gagamitin mo bilang Katipunero na ang
kahulugan ay may kinalaman sa isang katangian o layunin na iyong hinahangad, o
ang pangalan ng iyong paboritong bayani o idolo. Halimbawa, ang pangalang pinili
ni Andres Bonifacio, na nagtatag ng Katipunan, ay ‘maypag-asa.’ Gamitin ang
sumusunod na dokumento ng panunumpa sa Katipunan at punuin ang mga
patlang.
K. K. K.
N. M. A. N. B
BRGY. _________________________
Aking ipinahahayag na sa kadahilanan ng pagkapasuk ko sa K. K.
K. NG MGA A. N. B. ay naghandog ako ng isang mahalagang
panunumpa sa ngalan ng Bayang tinubuan, at sa harap ng isang
kagalanggalang na kapulungan nitong katipunan, na gugugulin ang
lahat ng maigugugol at lahat ng minamahal ko sa buhay, sa
pagtatangol ng kaniyang banal na Kadahilanan, hanggang sa
abuting magdiwang, sukdang ikalagot ng hininga. Sa bagay na ito,
isinumpa ko ring lubos na tutupad at susunod sa kaniyang
Patnugutan at mga kautusan.
Sa katunayan nito, aking itinala ang aking pangalan ng tunay na
dugong tumatagbo sa aking mga ugat sa pahayag na ito.
Ika ____________ araw ng buan ng ______________ ng
taong 189__.
Tinaglay ko ang pamagat na __________________________.
3.
3
Adrian E. Cristobal, The Tragedy of the Revolution (Makati City:
Studio 5 Publishing Inc., 1997), p. 48.
Glosari
Ikalagot – maputol, tumigil
Patnugutan – pamahalaan, pangasiwaan
Sukdang – kahit na
4. Sabihin sa klase ang ginamit mong pangalan.
5. Ang pagmamahal sa bayan ang siyang motibo ng pagsapi sa
Katipunan. Balikan ang panunumpa ng bagong miyembro. Salungguhitan ang
mga pangungusap na tumutukoy sa pangangailangan ng pagmamahal sa bayan.
6. Basahin ang ilang talata mula sa tula ni Andres Bonifacio, “Pag-ibig
sa Tinubuang Lupa.”
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Andres Bonifacio
(a) Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
(b) Walang mahalagang hindi
inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang
nagkupkop
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
(c) Kung ang bayang ito’y
nasasapanganib
At siya ay dapat ipagtangkilik
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
(d) Kayong mga dukhang walang
tanging [palad]
Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap
Ampunin ang Bayan kung nasa ay
lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Andres Bonifacio, “Pag-ibig sa TInubuang Lipa,” sa Teodoro A. Agoncillo
(ed.), The Writings and Trial of Bonifacio (Manila: Manila Bonifacio
Centennial Commission and University of the Philippines, 1963), pp. 72-74.
7. Sumali sa grupo at suriin ang tula ni Bonifacio. Gamitin ang gabay sa
ibaba. Sa bawat sagot, tukuyin ang titik ng talata na pinagmulan o nagsilbing
basehan ng iyong sagot.
Para kay
Bonifacio…
Sagot sa Sariling Salita Talata
a. Ano ang ibig
sabihin ng
pagamamahal sa
bayan?
4.
4
Para kay
Bonifacio…
Sagot sa Sariling Salita Talata
b. Paano
ipinapakita ang
pagmamahal sa
bayan?
c. Bakit
mahalagang
mahalin ang
sariling bayan?
8. Ibahagi sa klase ang mga sagot at sumali sa talakayan.
9. Alamin, bilang bagong miyembro ng Katipunan, ang batayang
prinsipyo ng kapatiran. Mula ito sa “Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.” (Anak
ng Bayan), na sinulat ni Emilio Jacinto, na minsa’y tawag din na “Kartilya.” Bilang
grupo, suriin ang iniatas na sipi.
Grupo 1
a. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na
kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi man damong
makamandag.
b. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at
hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di
kabaitan.
c. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng
ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring KAHALILI NG
DIOS, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa. Wagas
at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang
nababatid kundi ang sariling wika; yaong may magandang
asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di
napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at
marunong lumingap sa bayang tinubuan.
Grupo 2
a. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig
sa kapwa, at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap
sa talagang Katuiran.
5.
5
b. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y
magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong,
sa yaman, sa ganda, ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
c. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng
ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring KAHALILI NG
DIOS, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa. Wagas
at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang
nababatid kundi ang sariling wika; yaong may magandang
asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di
napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at
marunong lumingap sa bayang tinubuan.
Grupo 3
a. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa
sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa
sarili kaysa puri.
b. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.
c. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng
ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring KAHALILI NG
DIOS, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa. Wagas
at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang
nababatid kundi ang sariling wika; yaong may magandang
asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di
napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at
marunong lumingap sa bayang tinubuan.
Grupo 4
a. Huwag mong sasayangin ang panahon: ang yamang mawala’y
mangyayaring magbalik; nguni’t panahong nagdaan na’y di na
muli pang magdadaan.
b. Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi.
c. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng
ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring KAHALILI NG
DIOS, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa. Wagas
at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang
nababatid kundi ang sariling wika; yaong may magandang
asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di
napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at
marunong lumingap sa bayang tinubuan.
Grupo 5
a. Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; at
matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
6.
6
b. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng
asawa’t mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang
patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.
c. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng
ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring KAHALILI NG
DIOS, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa. Wagas
at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang
nababatid kundi ang sariling wika; yaong may magandang
asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di
napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at
marunong lumingap sa bayang tinubuan.
Grupo 6
a. Ang babae ay huwag mong tignang isang bagay na libangan
lamang, kundi isang katuang at karamay sa mga kahirapan
nitong kabuhayan; gamitan mo nang buong pagpipitagan ang
kanyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata’t nag-
iwi sa iyong kasanggulan.
b. Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid ay huwag
mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba.
c. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng
ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-paring KAHALILI NG
DIOS, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa. Wagas
at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang
nababatid kundi ang sariling wika; yaong may magandang
asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di
napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at
marunong lumingap sa bayang tinubuan.
Emilio Jacinto, “Mga Aral ng Katipunan,” sa Virgilio S. Almario,
Panitikan ng Rebolusyon(g 1896) (Maynila: Sentrong Pangkultura ng
Pilipinas, 1993), pp. 157-158.
Glosari
Kabakahin – kalabanin
Makamandag – nakakalason
Pagpipita – pagpupuri
Patnugot
Nag-iwi – nag-alaga
Wagas
10. Sagutin ang tsart sa ibaba.