1. Yugto/Kabanata
ng Aralin
1. layunin
2. pangganyak na tanong sa
panitikan
3. pag-alis ng balakid
(talasalitaan)
4. pagbasa at pagtalakay
5. paghango ng balarila mula sa
panitikan
2. LAYUNIN:
- Nagagamit nang wasto ang
mga pangngalan sa pakikipag-
usap sa iba’t ibang sitwasyon.
- Nahahango ang mga
pangngalan sa pabulang binasa.
- Natutukoy nang wasto ang uri
ng pangngalan ayon sa katangian
at tungkulin.
8. 1889- inilathala ni Jose Rizal sa
Trubner’s Record ng London (Two
Eastern Fables)-pagtutulad sa
kuwentong-bayan ng Pilipinas at
Japan.
- kasama dito ang “Ang Pagong at
Ang Matsing” na sinulat mismo ni
Rizal
9. Isang araw, may nakita ang
magkaibigang Pagong at Matsing
na isang puno ng saging na
inaanod ng tubig-ilog. Tila
maikling panahon pa lamang ang
lumipas nang mabuwal ang puno.
Nakita ng dalawa na maganda ang
puno, malaki at luntian pa ang
kulay ng mga dahon nito, at may
pag-asa pang mabuhay!
10. Iminungkahi ni Pagong na iahon
ang puno at muli nilang itanim .
Ngunit dahil mas malakas si
Matsing, siya na ang lumusong
para isalba ang puno.
11. “Para pantay, hatiin natin ang puno
sa dalawang bahagi!” mungkahi ni
Matsing.
Nasa isip niya na ang bahaging
madahon ang madaling tumubo
kayat inangkin ng tusong Matsing
ang itaas na bahagi ng puno.
Pumayag naman ang
mapagparayang si Pagong sa
maugat na bahagi.
12. Ilang araw ang lumipas at
nagkitang muli ang magkaibigan.
Kinumusta ng isa’t isa ang naging
kapalaran ng itinanim na bahagi ng
puno.
“Sayang ang lakas ko!”sabi ni
Matsing. “Niligtas ko pa sa ilog,
hindi naman pala tutubo! Walang
pakinabang! ‘Yung sa iyo?”
13. “Tumubo nang husto,
napakaraming bunga!” puno ng
siglang sagot ni Pagong. “Kaya lang
hindi ko rin mapakinabangan ang
bunga dahil hindi ko kayang
umakyat ng puno.” Nakaisip ng
maitim na balak ang mapanlinlang
na si Matsing. “Ganito,” simula nito,
“aakyatin ko ang puno mo at
pipitasin ko ang mga bunga nito
para sa iyo!”
14. “Talaga? Isa kang tunay na
kaibigan, Matsing!” tuwang-tuwang
sagot ni Pagong. Tinungo ng
magkaibigan ang bahay ni Pagong
at agad inakyat ni Matsing ang
puno. Ngunit nang makapitas na
ng bunga, dali-daling kinain ng
masibang Matsing ang bunga ng
puno.
15. “Kaibigan, pahagis naman ng isang
bunga!” sigaw ni Pagong mula sa
ibaba. Tiningnan ni Matsing si
Pagong mula sa itaas at sa
nangungutyang sagot, “Kahit na
balat ng saging, hindi kita
bibigyan! Bahala ka sa buhay mo!”
16. Napikon ang nalokong Pagong.
Bilang paghihiganti, nanguha siya
ng matutulis na suso at ipinalibot
ang mga ito sa katawan ng puno.
Kaya’t nang bumaba na si Matsing,
tumusok sa buong katawan nito
ang patibong na inumang ni
Pagong. Matagal na hinanap ng
nasaktang Matsing ang
naghiganting Pagong.
17. “Aha! Nagtatago ka lang pala riyan,
a!” nagbabantang sinabi ni Matsing
nang Makita si Pagong. “Dahil sa
likas na mapagbigay ako kahit sa
nanakit sa akin, papipiliin kita.
Anong kapalaran ang iyong nais-
ang bayuhin sa lusong o ang ihagis
sa ilog? ”
18. Nanghihilakbot na tumangis ang
Pagong, “Naku, kaibigang Matsing!
Huwag sa ilog, hindi ako marunong
lumangoy!”
“Gano’n? Puwes, sa ilog ka
nararapat!” sigaw ni Matsing at
buong-lakas na inihagis nito sa
ilog ang nagmamakaawang si
Pagong.
19. Ihambing ang dalawang uri ng
tauhan. Pumili ng isang miyembro
ng pangkat na mag-uulat ng
inyong sagot.
21. 1. Ito’y isang magandang puno,
may malalaki’t luntiang dahon at
may mga ugat pang wari’y
kabubuwal lamang pagkatapos ng
bagyo.
a. kalilipad c.
kalulutang
b. katutumba d.
kahahagis
22. 2. Iniahon nila sa pampang ang
punong saging.
a. kinuha mula sa bakuran at itinago
sa bahay
b. kinuha mula sa bahay at itinapon
sa ilog
c. kinuha mula sa ilog at inilagay sa
pampang
d. kinuha mula sa pampang at ibinalik
sa ilog
23. 3. Ang matsing ay higit na malakas
kaysa sa pagong kaya naari niyang
kunin ang gawing dulong itaas na
sa pag-aakalang ang may
maraming dahon ang madaling
tumubo.
a. nagawang angkinin
b. nagawang ipamigay
c. nagawang alisin
d. nagawang aminin
24. 4. Napunta sa mahinang pagong
ang gawing ibaba na sa tingin ay
pangit ngunit nagtataglay naman
ng maraming ugat.
a. wala c. may kaunti
b. mayroon d. marami
25. 5. “Naku,” ang himutok ng Matsing,
“matagal nang patay! At ang iyo,
Bb. Pagong?”
a. putok c. hinaing
b. iyak d. tawa
26. 6. “Bayaan mo,” ang wika ng
mapanlinlang na matsing, “ako ang
aakyat at mamimitas para sa iyo.”
a. mabait c. masungit
b. mapanloko d.
mapanghusga
27. 7. Matuling namitas at kumain
nang kumain ang matsing.
a. mabilis c. matulis
b. mabagal d. masaya
28. 8. Nasaktang lubha ang matsing at
nasugatan ang katawan nang
bumaba.
a. kaunting-kaunti c. bahagya
b. katamtaman d. sobra-sobra
29. 9. “Narito ka pala, hamak na
pagong,” ang sabi niya.
a. nakatutuwa c.
nakatatakot
b. nakaaawa d.
nakabibilib
30. 10. “Babayuhin ba kita sa lusong o
itatapon sa ilog?”
a. kukurutin c. dudurugin
b. kikilitiin d. pipilitin
31. Pabula:
kuwentong gumagamit ng mga
hayop na nagsasalita at gumagalaw
na tulad ng sa tao upang
makapagbigay ng aral o
makapaglahad ng katotohanan.
- Diksyonaryo ng Wikang Filipino, 1989
32. Elemento ng Maikling Kuwento:
Tauhan
Tauhan- nagpapagalaw sa kabuuan
1. Bilog (round)- kapag husto o
sapat ang pagkakabuo sa karakter
2. Lapad(flat)- kapag hindi husto o
kulang ang pagkakabuo ng
karakter
41. Yugto/Kabanata
ng Aralin
1. layunin
2. pangganyak na tanong sa
panitikan
3. pag-alis ng balakid
(talasalitaan)
4. pagbasa at pagtalakay
5. paghango ng balarila mula sa
panitikan
42. LAYUNIN:
- Nagagamit nang wasto ang
mga pangngalan sa pakikipag-
usap sa iba’t ibang sitwasyon.
- Nahahango ang mga
pangngalan sa pabulang binasa.
- Natutukoy nang wasto ang uri
ng pangngalan ayon sa katangian
at tungkulin.
43. - NANG MULING MAGKITA SINA
PAGONG AT
MATSING
PAGONG: G. Matsing, kumusta na
iyong
punong saging?
MATSING: Naku, matagal nang patay!
At
iyong sa iyo, Bb. Pagong?
PAGONG: Mabuti, napakabuti! Hindi
lamang ako makaakyat sa
puno
44. MATSING: Hayaan mo, ako ang ang
aakyat
at mamimitas ng bunga.
PAGONG: “Lalong mabuti, G.
Matsing,”
49. Iba pang
Halimbawa: Pangngalan
ngalan ng tao Benjamin, Anna
ngalan ng hayop manok, baboy
ngalan ng bagay pisara, papel
ngalan ng pook bansa, India
ngalan ng gawa katapatan, pag-
aaral
50. •-ay salitang tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, pook,
hayop, pangyayari, at mga
gawa.
Pangngalan
64. Magsadula ng maikling pag-uusap
gamit ang mga pangngalang
pantangi at pambalana. (tagpuan-
paaralan) Isulat ang inyong bubuuing
pag-uusap(dialogue) sa isang
kalahating papel na pahalang. Ang
paghahanda at pagsusulat ay
gagawin sa loob ng sampung
minuto. Ang pagtatanghal ay hindi
bababa ng tatlumpung segundo at
hindi lalampas ng isang minuto.
Editor's Notes
Mga bata sa araw na ito, ito ang mga layunin.
Mga bata sa araw na ito, ito ang mga layunin.
Paghambingin ang dalawang larawan
Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang larawan.
Tayo ay babasa ng panitikanng Pinamagatang si Pagongat
Si Matsing Ito ang mga gabay na tanong na ating sasagutin matapos nating basahin ang pabula.
Sino-sno ang mga tauhan sa pabula?
Ano ang sanhi ng pagtatalo ng mga tauhan?
Saan nangyari ang kuwento?
Kailan-kung kinakailangan
Bakit nagawa ni Matsing na lamangan si Pagong
Paano mo wawakasan ang pabula kung babaguhin mo ang bersyon?
ISAMA ANG KUWENTO
Pangganyak na tanong
Bago ang pagbasa,
Ito ang mga malalalim na salitang inyong makikita sa pabula. Ngunit sa bahaging ito ay pwede kayong magpalaro.
Hal. Pagpapares ng salita at kahulugan. –hugis-pares
Tayo ay babasa ng panitikanng Pinamagatang si Pagongat
Si Matsing Ito ang mga gabay na tanong na ating sasagutin matapos nating basahin ang pabula.
Sino-sno ang mga tauhan sa pabula?
Ano ang sanhi ng pagtatalo ng mga tauhan?
Saan nangyari ang kuwento?
Kailan-kung kinakailangan
Bakit nagawa ni Matsing na
Paano mo wawakasan ang pabula?
Ano ang aral na mapupulot sa pabula?
Proverbs 27:6 Do not take advantage of each other, but fear your God. I am the LORD your God.
-huwag manlalamang ng kapwa
Tayo ay babasa ng panitikanng Pinamagatang si Pagongat
Si Matsing Ito ang mga gabay na tanong na ating sasagutin matapos nating basahin ang pabula.
Sino-sno ang mga tauhan sa pabula?
Ano ang sanhi ng pagtatalo ng mga tauhan?
Saan nangyari ang kuwento?
Kailan-kung kinakailangan
Bakit nagawa ni Matsing na
Paano mo wawakasan ang pabula?
Ano ang aral na mapupulot sa pabula?
Proverbs 27:6 Do not take advantage of each other, but fear your God. I am the LORD your God.
-huwag manlalamang ng kapwa
Tayo ay babasa ng panitikanng Pinamagatang si Pagongat
Si Matsing Ito ang mga gabay na tanong na ating sasagutin matapos nating basahin ang pabula.
Sino-sno ang mga tauhan sa pabula?
Ano ang sanhi ng pagtatalo ng mga tauhan?
Saan nangyari ang kuwento?
Kailan-kung kinakailangan
Bakit nagawa ni Matsing na
Paano mo wawakasan ang pabula?
Ano ang aral na mapupulot sa pabula?
Proverbs 27:6 Do not take advantage of each other, but fear your God. I am the LORD your God.
-huwag manlalamang ng kapwa
Tayo ay babasa ng panitikanng Pinamagatang si Pagongat
Si Matsing Ito ang mga gabay na tanong na ating sasagutin matapos nating basahin ang pabula.
Sino-sno ang mga tauhan sa pabula?
Ano ang sanhi ng pagtatalo ng mga tauhan?
Saan nangyari ang kuwento?
Kailan-kung kinakailangan
Bakit nagawa ni Matsing na
Paano mo wawakasan ang pabula?
Ano ang aral na mapupulot sa pabula?
Proverbs 27:6 Do not take advantage of each other, but fear your God. I am the LORD your God.
-huwag manlalamang ng kapwa
Malinaw ba ang proseso?
Ngayon makikita natin na nagawa na natin ang apat na domain ng pag-aaral maliban sa isa. Ang panonood.
May mga tanong ba kayo o klaripikasyon?
Sa tingin nyo ba mga bata, nagawa ba natin ang ating mga layunin?
Tumayo at umikot