1. ANG PAGSILANG NG ATING PANGINOONG HESU-KRISTO
The birth of our Lord Jesus Christ – Tagalo - Pilipino
2. ang anunsyo
Lk 1,26 26 Nang ikaanim na
buwan,[d] sinugo ng Diyos ang
anghel na si Gabriel sa isang bayan
ng Galilea, na tinatawag na
Nazaret,
27 sa isang birheng nakatakdang
ikasal sa isang lalaki, na ang
pangalan ay Jose, mula sa
sambahayan ni David. Ang
pangalan ng birhen ay Maria.
28 Lumapit ang anghel sa kanya,
at sinabi, “Magalak ka, ikaw
na pinagpala! Ang Panginoon
ay sumasaiyo.”[e]
29 Subalit siya'y lubhang naguluhan
sa sinabing iyon at inisip niya sa
kanyang sarili kung anong uri ng
pagbati kaya ito.
3. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakatagpo ka ng
paglingap sa Diyos. 31 At ngayon, maglilihi ka sa iyong sinapupunan at agsisilang ka ng
isang anak na lalaki, at tatawagin mo siya sa pangalang Jesus. 32 Siya'y magiging dakila
at tatawaging Anak ng Kataas-taasan at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang
trono ng kanyang amang si David. 33 Siya'y maghahari sa sambahayan ni Jacob
magpakailanman at hindi magwawakas ang kanyang kaharian.”
4. 34 Sinabi ni Maria sa
anghel, “Paanong
mangyayari ito,
samantalang ako'y
wala pang
nakikilalang lalaki.”
35 At sumagot ang anghel
sa kanya, “Bababa sa iyo
ang Espiritu Santo at
lililiman ka ng
kapangyarihan ng
Kataas-taasan. Kaya't
ang batang banal ay
tatawaging Anak
ng Diyos.
5. 36 Si Elizabeth na iyong kamag-anak ay naglihi
rin ng isang anak na lalaki, bagama't siya'y
matanda na. Ito ang ikaanim na buwan niya,
na dati'y tinatawag na baog. 37 Sapagkat sa
Diyos ay walang salitang hindi mangyayari.”
6. 38 At sinabi ni Maria, “Narito ako na
alipin ng Panginoon; mangyari sa akin
ang ayon sa iyong salita.” Pagkatapos,
iniwan siya ng anghel.
7. ang pagdalaw - Lk 1,39 39 Nang mga araw na iyon ay tumindig si
Maria at nagmadaling pumunta sa isang bayan ng Judea, sa lupaing
maburol. 40 Pumasok siya sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elizabeth.
8. 41 Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, gumalaw ang sanggol
sa kanyang sinapupunan at napuno si Elizabeth ng Espiritu Santo.
42 Sumigaw siya nang malakas at sinabi, “Pinagpala ka sa mga babae,
at pinagpala ang bunga ng iyong sinapupunan! 43 Bakit nangyari ito sa
akin, na ako ay dapat dalawin ng ina ng aking Panginoon?
9. 44 Sapagkat nang ang tinig ng iyong pagbati ay aking nadinig, gumalaw sa tuwa
ang sanggol sa aking sinapupunan. 45 Mapalad ang babaing sumampalataya
na matutupad ang mga bagay na sinabi sa kanya ng Panginoon.”
10. ang kapanganakan
ni Hesus
Lk 2,1 Nang mga araw
na iyon ay lumabas ang
isang utos mula kay
Augusto Cesar upang
magpatala ang
buong daigdig.
… 4 Umahon din si Jose
mula sa Galilea mula sa
bayan ng Nazaret,
patungo sa Judea, sa
lunsod ni David, na
tinatawag na Bethlehem,
sapagkat siya'y mula sa
sambahayan at lipi ni David,
5 upang magpatalang
kasama ni Maria na
kanyang magiging
asawa, na noon ay
malapit nang manganak.
11. 6 Samantalang sila'y naroroon, dumating ang panahon ng kanyang
panganganak. 7 At kanyang isinilang ang kanyang panganay na anak
na lalaki, binalot niya ito ng mga lampin, at inihiga sa isang sabsaban
sapagkat walang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.
12. 8 Sa lupaing iyon ay may mga
pastol ng tupa na nasa
parang na nagbabantay sa
kanilang kawan sa gabi.
9 Tumayo sa tabi nila ang
isang anghel ng Panginoon
at ang kaluwalhatian ng
Panginoon ay nagliwanag
sa palibot nila, at sila'y
lubhang natakot.
10 Kaya't sinabi sa kanila ng
anghel, “Huwag kayong
matakot, sapagkat narito,
dala ko sa inyo ang
magandang balita ng
malaking kagalakan para
sa buong bayan.
11 Sapagkat ipinanganak sa
inyo ngayon sa lunsod ni
David ang isang
Tagapagligtas, na siya ang
Cristo, ang Panginoon.
13. 12 Ito ang magiging palatandaan
ninyo: Matatagpuan ninyo ang isang
sanggol na balot ng lampin at
nakahiga sa isang sabsaban.”
13 At biglang sumama sa anghel ang
isang malaking hukbo ng langit na
nagpupuri sa Diyos at nagsasabi,
14 “Luwalhati sa Diyos sa kataas-
taasan, at sa lupa'y kapayapaan sa
mga taong kinalulugdan niya.”
14. ang pagdalaw ng mga pastol - 15 Nang iwan sila ng mga anghel
patungo sa langit, sinabi ng mga pastol sa isa't isa, “Pumunta tayo
ngayon sa Bethlehem at tingnan natin ang nangyaring ito na ipinaalam
sa atin ng Panginoon.” 16 At sila'y nagmamadaling pumunta at kanilang
natagpuan sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
15. 17 Nang makita nila ito,
ipinaalam nila sa
kanila ang mga sinabi
tungkol sa sanggol
na ito;
18 at lahat nang
nakarinig nito ay
namangha sa mga
bagay na sinabi sa
kanila ng mga pastol.
16. 19 Subalit
iningatan ni Maria
ang lahat ng mga
salitang ito, na
pinagbulay-bulay
sa kanyang puso.
20 Pagkatapos ay
bumalik ang mga
pastol na
niluluwalhati at
pinupuri ang Diyos
dahil sa lahat ng
kanilang narinig at
nakita, ayon sa
sinabi sa kanila.
.
17. ang pagsamba sa mga Magi
Mt 2,1 Nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem ng Judea sa
kapanahunan ng haring si Herodes, may mga Pantas na lalaki
mula sa silangan na dumating sa Jerusalem, 2 na
nagtatanong, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga
Judio? Sapagkat nakita namin ang kanyang bituin sa
silangan, at naparito kami upang siya'y sambahin.”
18. 3 Nang marinig ito ni Haring Herodes, siya ay nabahala, pati ang buong Jerusalem. 4 Nang matipon niyang
lahat ang mga punong pari at mga eskriba ng bayan, nagtanong siya sa mga ito kung saan isisilang ang
Cristo. 5 Sinabi nila sa kanya, “Sa Bethlehem ng Judea, sapagkat ganito ang isinulat ng propeta:
19. 6 ‘At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda, sa anumang
paraan ay hindi ka pinakamaliit sa mga pangunahing
bayan ng Juda; sapagkat sa iyo manggagaling ang isang
pinuno, na magiging pastol ng aking bayang Israel.’”
20. 7 Pagkatapos, lihim na ipinatawag ni Herodes
ang mga Pantas at inalam sa kanila kung kailan
lumitaw ang bituin.8 Kanyang pinapunta sila sa
Bethlehem at sinabi sa kanila, “Humayo kayo at
hanapin ninyong mabuti ang sanggol; kapag siya
ay inyong natagpuan na, ipagbigay-alam ninyo
sa akin, upang ako rin ay makaparoon at siya
ay aking sambahin.”
21. 9 Pagkatapos nilang
makinig sa hari ay
lumakad na sila; at
naroon, ang bituin
na kanilang nakita
sa silangan ay
nanguna sa kanila
hanggang sa tumigil
sa tapat ng
kinaroroonan ng
sanggol. 10 Labis
silang nagalak
nang makita nila
ang bituin.
22. 11 Pagpasok nila sa bahay ay nakita nila
ang sanggol na kasama ng kanyang inang
si Maria. Nagpatirapa sila at sumamba sa
kanya. Nang buksan nila ang kanilang
mga kayamanan ay inihandog nila sa
kanya ang mga kaloob na ginto,
kamanyang at mira.
23.
24. 12 Palibhasa'y binalaan sa pamamagitan ng
panaginip na huwag na silang babalik kay Herodes,
nag-iba sila ng daan pauwi sa kanilang lupain.
25. paglipad papasok
sa Egypt
13 Nang makaalis na sila,
ang isang anghel ng
Panginoon ay nagpakita
kay Jose sa panaginip, na
nagsasabi, “Bumangon ka
at dalhin mo ang sanggol
at ang kanyang ina, at
tumakas kayo patungo sa
Ehipto. Manatili kayo roon
hanggang sabihin ko sa
iyo, sapagkat hahanapin ni
Herodes ang sanggol
upang siya ay patayin.”
26. 14 Kaya't siya ay bumangon at dinala ang sanggol at ang ina nito nang
gabing iyon, at pumunta sila sa Ehipto. 15 Nanatili sila roon hanggang sa
pagkamatay ni Herodes. Ito ay upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa
pamamagitan ng propeta: “Mula sa Ehipto ay tinawag ko ang aking anak.”
27. 16 Nang malaman ni
Herodes na siya'y dinaya
ng mga Pantas, siya ay
labis na nagalit. At
ipinag-utos niyang
patayin ang lahat ng
mga batang lalaki sa
Bethlehem at sa karatig-
pook na may gulang na
dalawang taon pababa,
ayon sa panahon na
kanyang tiniyak mula
sa mga Pantas.
17 Kaya't natupad ang
sinabi sa pamamagitan
ni propeta Jeremias:
28. 18 “Isang tinig ang narinig sa Rama, pananangis at malakas
na panaghoy, tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga
anak; ayaw niyang paaliw, sapagkat wala na sila.”
29. bumalik sa Nazareth - 19 Ngunit pagkamatay ni Herodes, ang isang anghel ng Panginoon ay
nagpakita sa panaginip kay Jose sa Ehipto, na nagsasabi, 20 “Bumangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang
kanyang ina, at pumunta kayo sa lupain ng Israel, sapagkat patay na ang mga naghahangad sa buhay ng
sanggol.” 21 Kaya't bumangon siya at dinala ang sanggol at ang ina nito at pumunta sa lupain ng Israel.
30. 22 Ngunit nang mabalitaan niya na si Arquelao ang naghahari sa Judea na kahalili ng ama nitong si
Herodes, natakot siyang pumunta roon. Dahil pinagsabihan siya sa pamamagitan ng panaginip,
nagtungo siya sa nasasakupan ng Galilea. 23 Siya ay nanirahan sa isang bayang tinatawag na
Nazaret upang maganap ang sinabi ng mga propeta na “siya ay tatawaging Nazareno.”
31. LIST OF PRESENTATIONS IN ENGLISH
Revised 27-5-2020
Advent and Christmas – time of hope and peace
Amoris Laetitia – ch 1 – In the Light of the Word
Amoris Laetitia – ch 2 – The Experiences and Challenges of Families
Amoris Laetitia – ch 3 - Looking to Jesus, the Vocation of the Family
Amoris Laetitia – ch 4 - Love in Marriage
Amoris Laetitia – ch 5 – Love made Fruitfuol
Amoris Laetitia – ch 6 – Some Pastoral Perspectives
Amoris Laetitia – ch 7 – Towards a better education of children
Amoris Laetitia – ch 8 – Accompanying, discerning and integrating weaknwss
Amoris Laetitia – ch 9 – The Spirituality of Marriage and the Family
Beloved Amazon 1ª – A Social Dream
Beloved Amazon 2 - A Cultural Dream
Beloved Amazon 3 – An Ecological Dream
Beloved Amazon 4 - An Ecclesiastical Dream
Carnival
Christ is Alive
Familiaris Consortio (FC) 1 – Church and Family today
Familiaris Consortio (FC) 2 - God’s plan for the family
Familiaris Consortio (FC) 3 – 1 – family as a Community
Familiaris Consortio (FC) 3 – 2 – serving life and education
Familiaris Consortio (FC) 3 – 3 – mission of the family in society
Familiaris Consortio (FC) 3 – 4 - Family in the Church
Familiaris Consortio (FC) 4 Pastoral familiar
Football in Spain
Haurietis aquas – devotion to the Sacred Heart by Pius XII
Holidays and Holy Days
Holy Spirit
Holy Week – drawings for children
Holy Week – glmjpses of the last hours of JC
Inauguration of President Donald Trump
Juno explores Jupiter
Laudato si 1 – care for the common home
Laudato si 2 – Gospel of creation
Laudato si 3 – Human roots of the ecological crisis
Laudato si 4 – integral ecology
Laudato si 5 – lines of approach and action
Laudato si 6 – Education y Ecological Spirituality
Love and Marriage 1-
Love and Marriage 2 – growing up to sexual maturity
Love and Marriage 3 – psychological differences and complimentarity
Love and Marriage 4- causes of sexual attraction
Love and Marriage 5- freedom and intimacy
Love and Marriage 6 - human love
Love and Marriage 7 - destiny of human love
Love and Marriage 8- marriage between Christian believers
Love and Marriage 9 – sacrament of marriage
Lumen Fidei – ch 1,2,3,4
Medjugore Pilgrimage
Misericordiae Vultus in English
Mother Teresa of Calcuta – Saint
Pope Franciss in Thailand
Pope Francis in Japan
Pope Francis in Sweden
Pope Francis in America
Pope Francis in the WYD in Poland 2016
Querida Amazonia
Resurrection of Jesus Christ –according to the Gospels
Russian Revolution and Communismo 3 civil war 1918.1921
Russian Revolution and Communism 1
Russian Revolution and Communismo 2
Saint Joseph
Saint Patrick and Ireland
Sunday – day of the Lord
Thanksgiving – History and Customs
The Body, the cult – (Eucharist)
Valentine
Vocation – mconnor@legionaries.org
Way of the Cross – drawings for children
For commentaries – email – mflynn@legionaries.org
Fb – Martin M Flynn
Donations to - Congregación Legionarios de Cristo
IBAN: ES3700491749852910000635
Swift Code (BIC): BSCHESMMXXX
Dirección banco: Plaza de Parma, 8, Montequinto. CP 41700 Dos Hermanas,
Sevilla. España.
32. LISTA DE PRESENTACIONES EN ESPAÑOL
Revisado 27-5-2020
Abuelos
Adviento y Navidad, tiempo de esperanza
Amor y Matrimonio 1 - 9
Amoris Laetitia – ch 1 – A la luz de la Palabre
Amoris Laetitia – ch 2 – Realidad y Desafíos de las Familias
Amoris Laetitia – ch 3 La mirada puesta en Jesús: Vocación de la Familia
Amoris Laetitia – ch 4 - El Amor en el Matrimonio
Amoris Laetitia – ch 5 – Amor que se vuelve fecundo
Amoris Laetitia – ch 6 – Algunas Perspectivas Pastorales
Amoris Laetitia – ch 7 – Fortalecer la educacion de los hijos
Amoris Laetitia – ch 8 – Acompañar, discernir e integrar la fragilidad
Amoris Laetitia – ch 9 – Espiritualidad Matrimonial y Familiar
Carnaval
Cristo Vive
Domingo – día del Señor
El camino de la cruz de JC en dibujos para niños
El Cuerpo, el culto – (eucarisía)
Espíritu Santo
Familiaris Consortio (FC) 1 – iglesia y familia hoy
Familiaris Consortio (FC) 2 - el plan de Dios para la familia
Familiaris Consortio (FC) 3 – 1 – familia como comunidad
Familiaris Consortio (FC) 3 – 2 – servicio a la vida y educación
Familiaris Consortio (FC) 3 – 3 – misión de la familia en la sociedad
Familiaris Consortio (FC) 3 – 4 - participación de la familia en la iglesia
Familiaris Consortio (FC) 4 Pastoral familiar
Fátima – Historia de las Apariciones de la Virgen
Feria de Sevilla
Haurietis aquas – el culto al Sagrado Corazón
Hermandades y cofradías
Hispanidad
Laudato si 1 – cuidado del hogar común
Laudato si 2 – evangelio de creación
Laudato si 3 – La raíz de la crisis ecológica
Laudato si 4 – ecología integral
Laudato si 5 – líneas de acción
Laudato si 6 – Educación y Espiritualidad Ecológica
Lumen Fidei – cap 1,2,3,4
Madre Teresa de Calcuta – Santa
María y la Biblia
Medjugore peregrinación
Misericordiae Vultus en Español
Papa Francisco en Bulgaria
Papa Francisco en Rumania
Papa Francisco en Marruecos
Papa Francisco en México
Papa Francisco – mensaje para la Jornada Mundial Juventud 2016
Papa Francisco – visita a Chile
Papa Francisco – visita a Perú
Papa Francisco en Colombia 1 + 2
Papa Francisco en Cuba
Papa Francisco en Fátima
Papa Francisco en la JMJ 2016 – Polonia
Queridas Amazoznia 1 un sueños social
Queridas Amazoznia 2 un suepo cultural
Queridas Amazoznia 3 un seuños ecologico
Queridas Amazoznia 4 un sueño eclesial
Resurrección de Jesucristo – según los Evangelios
Revolución Rusa y Comunismo 1
Revolución Rusa y comunismo 2
Revolución Rusa y Comunismo 3
San José
Santiago Apóstol
Semana santa – Vistas de las últimas horas de JC
Vacaciones Cristianas
Valentín
Vocación – www.vocación.org
Para comentarios – email – mflynn@lcegionaries.org
fb – martin m. flynn
Donativos a - Congregación Legionarios de Cristo
IBAN: ES3700491749852910000635
Swift Code (BIC): BSCHESMMXXX
Dirección banco: Plaza de Parma, 8, Montequinto. CP 41700 Dos
Hermanas, Sevilla. España.