2. O Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang
meso na nangangahulugang “Gitna”
O Noong ika-13 siglo BCE umusbong ang kauna-
unahang kabihas nan sa America ---ang mga olmec
sa kasalukuyang Mexico.
O Ang Mesoamerica O central America ang rehiyon sa
pagitan ng Sinalao River Valley sa gitnang Mexico at
Gulf of Fonseca sa katimugang ng El Salvador. Sa
hilaga hangganan nito matagtagpuan ang mga ilog
ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang
hangganan ay mula sa baybayin ng honduras sa
Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa
Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River.
3. O Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang
malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El
salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
O Ang katagang Olmec ay nangangahulugang rubber
people dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit
ng dagta ng punong rubber o goma.
O Paniniwalang Olmec ay may malaking impluwensiya
sa kultura ng mga sumunod na Kabihasnan, tulad ng
Maya at Aztec.
4. Kulturang Olmec
Larong Pok-a-tok Panrituwal na laro na tila kahalintulad ng larong
basketbol. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na
ang ilang mga manlalaro ay ginagawang
sakripisyo matapos ang nasabing laro.
Lilok ng anyong ulo
mula sa mga bato
Ang pinakamalaking ulo ay may taas na siyam na
talampakan at may bigat na 44 libra. Sila rin ay
nakagawa ng mga templong hugis piramide sa
ibabaw ng mga umbok na lupa para gawing lugar-
sambahan.
Hayop na jaguar Ito ay nagpapakita ng lakas, katusuhan, at
kakayahang manirahan saanmang lugar. Ito rin ay
agresibo at matapang. Sinasamba ng mga olmec
ang espiritu ng jaguar.
5. O Ang pinakamahalagang diyos sa dakilang
lungsod ng Teotihuacan ay si
Quetzalcoatl, ang Feathered Serpent
God. Tinawag na diyos ng kabihasnan,
pinaniniwalaang sa kaniya nagmula ang
ibat ibang elemento ng kabihasnan ng
Teotihuacan. Kinatawan din niya ang
puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin
ang diyos ng hangin.