2. Kabihasnang Olmec (1500 BCE -500
BCE)
Ang salitang Olmec ay nangangahulugang
rubber people dahil sila ang kauna-unahang
gumamit ng dagta ng mga puno ng rubber
o goma.
Ang Olmec ay isang pamayanang
agrikultural.
Ginamit nila ang Sistema ng irigasyon
upang masaka ang kanilang mga lupain.
Gumawa rin sila ng kalendaryo.
3. Kabihasnang Olmec (1500 BCE -500
BCE)
Gumamit rin ang mga taga-Olmec ng Sistema ng
pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics.
Mayroon din silang pang ritwal na laro na tinatawag
na Pok-a-tok na may pagkakatulad sa larong
basketball subalit ang mga manlalaro ay hindi
maaaring gumamit ng kamay ay ang bola ay yari sa
goma.
Kilala rin sila sa paglililok ng mga anyong ulo mula
sa mga malalaking baton na umaabot sa 18 tonelada
at may taas na 14 na talampakan.
4. Kabihasnang Olmec (1500 BCE -500
BCE)
Ang kanilang sambahan ay mga istrukturang hugis
pyramide sa ibabaw ng umbok na lupa.
Ang lugar ng San Lorenzo at ang La Venta ay ang
dalawang sentro ng Kabihasnang Olmec. Ang
dalawang ito ay naging sentro ng pangkalakalan ng
mga produkto gaya ng jade, obsidian at serpentine
na nagmumula pa sa malayong lugar gaya ng Costa
Rica.
Ang kabihasnan ng Olmec ay bumagsak at humina.
Sinasabing sila ay nakihalubilo sa mga sumakop sa
kanila.
5. Ang mga Teotihuacan (200 BCE - 750
CE)
Ang salitang Teotihuacan ay
nangangahulugang tirahan ng Diyos.
Noong 200 BCE, ilan sa mga lugar sa
Valley of Mexico ay mas naging
maunlad dahil sa pakikipagkalakalan
nito at paglakas ng kanilang ekonomiya.
Ang Teotihuacan ay isa sa pinakamalaki
at dakilang lungsod sa panahong iyon.
6. Ang mga Teotihuacan (200 BCE - 750
CE)
Mayroon silang mga piramide, liwasan at
lansangan na nagbigay ng karangyaan,
kapangyarihan at kadakilaan sa lungsod.
Nagawang kontrolin ng mga pinuno ng Teotihuacan
ang malaking bahagi ng Valley of Mexico.
Nagkaroon at naging sentro ng pagawaan ang
lungsod at nagkaroon ng monopolyo sa
mahahalagang produkto.
Ang mga nobilidad o nobles ay pinamunuan ang
malaking bahagi ng populasyon.
7. Ang mga Teotihuacan (200 BCE - 750
CE)
Ang pinakamahalagang Diyos ng mga Teotihuacan
ay si Quetzalcoatl, kilala rin bilang ang Feathered
Serpent God at pinaniniwalang sa kanya nagmula
ang iba’t ibang elemento ng kanilang kabihasnan.
Noong taong 600 CE, ang mga tribo sa hilaga ay
sinalakay at sinunog ang lungsod ng Teotihuacan.
650 CE, mabilis na bumagsak ang lungsod, ang
paghina ng lugar ay dulot ng mga banta sa karatig
lugar, tagtuyot at pagkasira ng kalikasan.