1. Araling Panlipunan 8 – Pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnan saAsya 1
PAMAHALAANG SUMERYO
Sa paniniwala ng mga Sumeryo, ang pamahalaang
sibil o estado ay pag-aari ng mga bathala. Ang mga
bathalang ito ay kinakailangang magkaroon ng mga temple
atlupain na pinamumunuan ng mga pari na tanging tagasilbi
sa kanila.
Mataas ang pagtingin ng mga tao sa mga pari at ang
pinakapinuno sa kanila, ang ENSI, ay may tungkuling
pangalagaan ang kapayapaan ng Sumerya.
Ang pamahalaan ng mga Sumeryo ay pamahalaang
teokratiko. Simpleng demikrasya ang sinusunod. Ang
karaniwang gawain at ipinauubaya sa isang lupon ng mga
nakatatanda, at ang isa rito ay maaaring mapili bilang
pansamantalang hari kung may krisis sa hinaharap.
Ang kababaihan, kabataan, at mga alipin ay hindi kasali
sa pagpapatakbo ng pamahalaan, ngunit sa kabilang
kaisipan, lahat ng mga tao at hayop, pati na mga bagay na
walang buhay, mga kababalaghan sa kalikasan, atkahit na
mga katotohanang mahirap unawain ay kabahagi ng
estado at may buhay at katauhan.
Ang estadong-siyudad sa kalaunan ay
pinamumunuan ng isang nilalang na nagtagumpay laban sa
kaaway, tagumpay na ipinagkaloob ng mga bathala. Ang
nagtagumpay na ito ay tinaguriang hari o lugal at ang bahala
ng lupaing kanyang pagsasakop.
AKKADIA
Sa kalaunan, ang mga Sumeryo ay nalupig ng mga
Akkadiano sa hilaga.
Ayon sa mga sabi-sabi, si Sargon ay anak ng isang
babaeng mula sa mababang uri athindi kilala angkanyang
ama. Gayunman, siya ay pinagpala ng diwatang si Ishtar
at naging hari ng halos limapu’t anim na taon. Sa kanyang
pamumuno, nakilala ang kapanyarihan ng Akkad na
lumawak hanggang sa Syria at Cyprus. Kinilala siyang
bathala pagkamatay niya.
BABILONYA
Ang pamahalaang Sumerya ay nilupig ng mga Amorito,
isang bansang Semita, na nagtayo ng kabesera sa Babilon.
Hammurabi – ikaanim na hari ng dinastiyang Babilonya,
kinilalang mambabatas, ang namuno sa Sumerya at
Akkad – na naging Babilonya na nang mahigit
apatnapung taon.
Kabihasnang Babilonya
Kumalat ang kaalaman sa agham, sining, atpaniniwala ng
Babilonya sa malaking bahagi ng unang mundo.
Ang kanilang kaisipan at sining, lalo na ang pagsulat ng
cuneiform ay nakarating sa Syria, at ang wikang
Babilonya hanggang Asya at Europa.
Natutuhan ng mga Etruskano sa Babilonya ang paggamit
ng arko at dibinasyon, isang paraan ng panghuhula sa
hinaharap sa pamamagitan ng pagbasa sa mga pangitain,
at ipinasa naman ang mga ito sa mga Romano.
Hiniram ng mga Griyego ang kanilang sistema sa
timbang, kalendaryo, at astronomiya.
Tumanggap ang mga Hudyo ng mga sangkap
panrelihiyon. Galing din sa Babilonya ang paghahati ng
araw sa dalampu’t apat na oras at ang labindalawang
senyal na zodiac.
Lipunan ng Babilonya
May tatlong antas pamlipunan sa Babilonya. Sa itaas ms
antas ay naron ang hari, mga opisyal na sibil, mga
sundalo, mga pari, mga may-lupa, at mayayamang
negosyante.
Sumunod na antas – mga alipin, mga taong nadakip sa
digmaan o naging alipin dahil sa hindi nakabayad ng
utang.
Bagama’t maaari silang ipagbili, may mga karapatan din
ang mga alipin. Maaari silang magkaroon ng pag-aari at
maaarinilang bilhin ang kanilang kalayaan. Maaarisilang
mag-asawa ng babaing malaya at ang magiging anak nila
ay kinikilalang malaya rin.
Ang batayan ng lipunan ay ang pamilya at mahalaga sa
lipunang ito ang posisyon ng kababaihan. Sila ay
kinikilalang malayang mamamayan-maaaring magkaroon
ng ari-arian, mag-asawa nang legal, at makipagdeborsyo.
Arkitektura
Ang mga tahanan ng karaniwang mamamayan ay
nakatayo sa makikitid na kalye. Bagama’t sa labas ay
mukhang pangkaraniwan lamang ang anyo ng mga bahay
at pare-parehong gawa sa stucco,maganda at maginhawa
naman ito sa loob. May bukas na payo sa gitna, at
kadalasan dalawang palapag ang taas.
Ang mga silid-tulugan ay nasa itaas na palapag
samantalang ang sala ay nasa ibaba, pati ang kapilya na
may nitsong libingan.
Ang bubungan ay patag na nakapatong sa barakilang
galing sa punong cedar.
Maringal ang mga palasyo at templo. Ang mga artistikong
Babilones ay marunong gumamit ng haligi, arko at vault.
Ang malalaking gusali ay kadalasang nakapatong sa
malalaking plataporma o lupang teresa upang hindi
masira sa maumidong lupa.
Relihiyon
Patakaran o alituntunin sa pagsamba, mga uri ng
salamangka upang itaboy ang masasamang espiritu, at
mga dasal sa mga bathala upang sila ay di magalit o kaya
ay magbigay ng pabor sa nagdarasal.
Bawat pangyayari sa buhay ay kinakailangang bigyang
kahulugan at baka sakaling may ipahihiwatig ang mga
bathala.
Ito ay malalaman sa pamamagitan ng dibinasyon, gaya ng
pagbasa sa atay ng hayop na handog sa bathala. Ang mga
panaginip, at pati ang mga kilos ng mga ibon at hayop ay
kailangan ding ipaliwanag.
Naniniwala rin sila na maaaring malaman ang
kinabukasan sa pag-aaral ng mga araw, bituin, at ang
limang planetang alam noong panahong iyon.
Sa kanila nanggaling ang pag-aaral ng astrolohiya.
Marami ring mga sulatin tungkol sa matematika at
medisina, gayundin ang mga mapa at plano ng siyudad na
nakatatak sa mga luwad na tableta.
Ang Kodigo ni Hammurabi
Ito ay naglalaman ng 282 batas na nakatatak sa isang itim
na tipak na bato (diorite) na walong piye ang taas.
Natagpuan ito sa Sosa (ngayon ay Khuzestan, Iran) ng
isang arkeologong Pranses,siJacques De Morgan, noong
1901. Ito ngayon ay nasa museo ng Louvre sa Paris.
2. Araling Panlipunan 8 – Pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnan saAsya 2
Halos lahat ng patakaran sa buhay ay nasa kodigong sibil
at criminal ni Hammurabi, kasama ang mga palakad
tungkol sa ari-ariang personal, lupain, negosyo, kalakal,
pagsasaka, pamana, at pag-aampon.
May kautusan din tungkol sa halaga ng paggawa at ng
mga hayop, bilihin, mga kontra at paupa.
Ang mga karapatan ng kababaihan, kabataan, at mga
alipin ay pinapangalagaan dito.
May parusa kung may pagkakasala sa ari-arian o sa tao n
gang kabigatan ng parusa ay nakabatay sa tatlong uring
panlipunan.
Ang isang taong mahirap na nagkasala sa isang taong mas
mataasang katayuan sa lipunan ay tumatanggap ng lalong
mabigat na parusa, ngunit hindi ito nangyayari sa
kabaligtaran.
Ang pangunahing prinsipyo ng kodigo ay ang tinatawag
na lex taliones – “mata sa mata, ngipin sa ngipin”. Kaya
kung ang isang tao ay nakapinsala ng mata ng kapwa niya,
ang mata niya ang dapat pinsalain bilang kabayaran.
MGA HETEO
Pamahalaan
Ang kaharian ng mga Heteo ay isang kompederasyon na
kinabibilangan ng Cappadocia na siyang sentro ng estado,
kasama ng mga kaanib na sakop at estado sa Asya Menor
at karatig nito.
Ang hari ang punong opisyal ng pamahalaan, noong una
pinipili ng isang sanggunian ng matatanda na galing sa
kanilang pamilya.
Nang kalaunan at lumaki na ang impluwensiya ng
kaharian, naging malupit ang hari kagaya ng kanayang
kapanahong mga hari sa Silangan.
Ang hari ay kinikilalang banal. Sagisag niya ang araw na
may pakpak na galing sa Ehipto.
Bukod sa reyna, mayroon din siyang harem o pangkat ng
iba pang asawa.
Nakaalalay sa hari ang mga maharlika at mga pari na
malamang ay mga Heteo.
Mataasangtingin sa mga sundalo, atsumusunod sa kanila
ang artesano at sa pinakamababang antas ay ang mga
magbubukid na mistulang alipin o busabos.
Ekonomiya
Nakasalalay sa pagpapastol ng mga kawan ng mga hayop.
Mahalaga rin sa kanila ang pagtatanim.
Sila ay tanyag di sa pagmimina, lalo nan g bakal na
ginagamit sa paggawa ng mga sandata.
Ang kanilang kalakal ay nakararating sa malalayong
lugar, sa timog patungong Tarsus at sa kanluran
patungong Bosporus.
Gumagamit sila ng kabayo hindi lamang sa paghakot ng
kanilang produkto, ginagamit din iyon para sa larangang
pang military at sa larong karera ng karwahe.
Kultura
Hiniram ng mga Heteo ang cuneiform na galing sa
Babilonya.
Ang kanilang kodigong batas ay di tulad ng s Babilonya,
ay hindi gaanong malupit. Sa halip na parusahan ng
kamatayan ang maysala, ito ay pinagmumulta na lamang.
Marami silang bathala sa kanilang relihiyon na galing sa
kanilang pagiging lagalag.
Sinasamba nila ang dakilang Inang Diwata ng Fertilidad
na taal sa Asya Menor at ang mga diwata ng araw at
buwan.
Ang kanilang mga temple at palasyo ay hindi kasing-
rangya ng sa Tebes at Babilonya.
Sa kanilang lilok, makikita na ang mga Heteo ay mga
taong mataas ang noo at hugis tuka ang ilong.
Gumagamit sila ng sandatang bakal, kabayo at karwahe.
Ang kanilang kabesera ay napaliligiran ng malaki at
matibay na moog.
Pagkaraan ng 1200 B.K., lumubog ang pamayanan ng
mga Heteo, pati na rin ang ibang mga kaharian noong
panahong iyon.
Sumuko sila sa kapangyarihan ng Ehipto, Asiria, Caldea,
at Persiya. Ito ay nagbigay daan sa paglitaw ng maliliit na
estado sa Syria at Palestina.
ASSYRIAN
Ang Assyria ay lupaing maburo sa itaas ng Ilog Tigris na
patungong Babilonya.
Ang katamtamang klima nito ay nagpapalakas ng
katawan.
Mga sinakop ng Assyrian:
-Babilonya, Judah, Israel, at pati ang Ehipto
Masasabing ang ganitong tagumpay ay mga Asirio ay
bunga ng kanilang pagkakaisa bilang isang bansa, ng
kanilang masiglang masiglang karakter bilang
mandirigma, at kahusayan ng kanilang mga opisyal at
sunud-sunod na mabubuting hari.
Kabihasnang Assyria
Ang Assyria ay isang bansa ay hindi katipunan ng ilang
tribu o estadong-siyudad.
Karamihan sa mga Asirio ay magbubukid sa mga lupain
na pag-aari ng mga maharlika.
May panggitnang uri sa kanila na kinabibilangan ng mga
artesano. Ito ay ang mga bangkero, negosyante,
manunulat, karpintero, manghahabi at Platero na may
kani-kanilang tirahan sa siyudad.
Karaniwang ipinamamana ng ama ang kanayang
kasanayan sa anak na lalaki o sa isang manggagawa
nagsasanay.
Ang pangunahig gawain sa Assyria ay pandirigma, at
sinusundan ito ng pagsasaka o agrikultura.
Kadalasan na ang mga alipin ay mga bihag mula sa
digmaan ngunit sila ay maaaring magkaroon ng ari-arian.
Ang wikang opisyal sa Assyria ay Assyrian, ngunit ang
kadalasang ginagamit ay wikang Arameo.
Ang mga lupang sakop ay hinahati sa mga distrito o
lalawigan at kinakailangan silang magbayad ng buwis sa
pamahalaang sentral.
Ang kabihasnang Assyria ay ay kinuha sa Sumerya at
Babilonya. Malaki ang utang nito sa Babilonya lalo na sa
larangan ng relihiyon. Pareho ang kanilang bathala
maliban sa kanilang bathalagn pambansa na si Ashur,
isang bathalang manidirigma na nakalarwang may pakpak
na pabilog.
Ang mga Asirio ay mapamahiing mga tao na
naniniwalang sila ay palaging inaapi ng masasamang
puwersa. Kaya ang relihiyon nila ay nakasalalay sa takot
sa tao at masamang espiritu na kinakailangang kalabanin.
Kailangan nilang gumamit ng anting-anting at tulong ng
mga pari. Importante sa kanila ang ipaliwanag ang
3. Araling Panlipunan 8 – Pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnan saAsya 3
kahulugan ng paglalaho ng buwan o ng araw kaya sila ay
interesado sa pag-aaral ng astrolohiya.
CALDEA
Noong 612 B.K., sinalakay at sinira ng mga Caldeo,
Mediano, at Sitiyano ang Nineveh. Ang Caldea at Medea
ang humalili sa imperyo ng Assyria.
Hari ng Caldeo – Nebuchadnezzar
Sinalakay at winasak ni Nebuchadnezzar ang Jerusalem
(dahil sa isang malaking rebelyon doon) at tinangay niya
ang mga Hudyo. Ito ang tintawag na Babylonian
Captivity.
Upang hindi malungkot ang reynang taga-Medea ni
Nebuchadnezzar, nagpatayo siya ng isang malaking
ziggurat at tinamnan ang mga baiting na lupa nito ng mga
punongkahoy at palumpong upang magmukhang mga
bundok. Ito ang kinikilalang Hanging Gradens of
Babylon na tinaguriang isa sa “pitong kababalaghan ng
sinaunang mundo”. Karamihan sa mga gusaling ito ay
gawa sa pader na ladrilyo na pinapalamutian ng
makukulay na tisa na naglalarawan ng leon, griffin, at iba
pang hayop.
Sining ng mga Caldea
Ang mga Persiyano ay sanay sa payak na pamumuhay, di
tulad ng kinagawiang karangyaan sa ibang bahagi ng
Asya.
Sila ay matitipunong lahing tagabundok.
Ayon kay Herodotus, isang historyador na Griyego, ang
kabataang Persiyano ay tinuturuan ng tatlong bagay
lamang: mangabayo, mamana, at magsalita ng
katotohanan.
Sa araling pangsining, marami silang hiniram sa Assyria,
Babilonya, Ehipto, at pati na rin sa mga Griyego.
Galing sa Babilonya ang terasa o bai-baitang na lupa para
sa kanilang arkitektura.
Ang mga haliging matataas at magaganda ay galing sa
Gresya. Gumamit din sila ng makukulay at makikintab na
tisa para sa mga palasyo.
Relihiyon
Ang mga Persiyano ay sumasamba sa maraming bathala
at sa lakas ng kalikasan.
Mayrron din silang grupo ng propesyunal na mga pari na
tinatawag na mago. Sila at matatalino o paham. Bilang
mga pari sila ang pumapayapa sa mga bathala at
nagtataboy ng masasamang espiritu.
Zoroaster – isang dakilang guro sa Medea, na ngaral at
nagtatag ng isang relihiyon, ang Zoroastriyanismo, na
sumasamba sa isang bathala lamang, si Ahura Mazda, na
siyang lumikha ng langit, lupa, at sangkatauhan.
Si Ahura Mazda – ay isang pantas at banal na bathala at
itinatangi niya ang katotohanan, kabutihan, at
katapangan.
Dahil bathala ang liwanag, lagi niyang kalaban ang lakas
ng dilim at kasamaan na pinamumunuan ni Ahriman.
Ang mga naniniwala kay Ahura Mazda ayon sa turo ni
Zoroaster ay makatatanggap ng masayang buhay na
walang hanggan samantalang ang masasama ay
mahuhulog sa bangin ng mga demonyo.
Si Ahura Mazda ay sinasamba sa itaas ng burol sa
pamamagitan ng apoy, dasal at paghahandog ng alay na
mga inumin. Ang kalipunan ng mga banal na himno at
dasal ng relihiyon na galing mismo kay Zoroaster ay
tinatawag na Avesta.