Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyong Akkadian. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Imperyong Akkadian
1. Lesson 9-A: Imperyong Akkadian
Akkadian – Nagmula sa lupain sa pagitan ng Sippar at Kish sa bahaging Euphrates sa Hilagang bahagi ng
Mesopotamia ang sumakop sa Sumer atNagtatag ng imperyo
Politika
Nagtatag ng unang imperyo sa daigdig
Haring Sargon I – unang hari ng Imperyong Akkadian
Nagtatalaga ng mga lokal na pinuno sa mga nasasakupang teritoryo
Monarkiya – uri ng pamahalaan ng Imperyong Akkadian
Lipunan at Kultura
Pinanatili ni Haring Sargon ang kultura at lipunan ng Kabihasnang Sumer
Ang mga kababaihan ay pwedeng lumahok sa anumang kalakalan, maging testigo sa paglilitis, at
magkaroon ng kanilang sariling ari-arian
Ekonomiya
Pinalawak at mas pinaunlad ang pagsasaka, pagpapastol, atpakikipag-kalakalan na nasimulan ng
Kabihasnang Sumer
May organisadong sistema ng kalakalan
Relihiyon
Polytheistic – uri ng relihiyon ng Imperyong Akkadian
Naniniwala sa mga diyos ng kalikasan atpanahon
Ambag sa Kabihasnan
Unang postal system, kung saan ang clay tabletna pinagsulatan ng cuneiform scriptay binalot ng clay
envelop na nakasulat ang pangalan at Tirahan ng pinadalhan ng sulat na may selyo na tanging ang
pinadalhan lamang ang pwedeng magbukas sa pamamagitan ng pagsira sa selyo
Chariot
Mga maayos at dugtong-dugtong ng mga kalsada
Mga Koleksyon sa mga pinakaunang astronomical observations
Mga lenggwaheng Akkadian (tulad ng Hebrew at Arab)