SlideShare a Scribd company logo
1 of 51
Ang kabihasnang Griyego
HEOGRAPIYA NG
GREECE
 Sumibol ang kabihasnang Griyego sa lupaing matatagpuan sa Timog-
silangang Europe. Binunuo ito ng mga kalupaan na karugtong ng Balkans,
ng tangway ng Peloponnese, at mga pulo tulad ng Crete at Rhodes.
Nakapalibot naman sa Greece ang mga dagat na Aegean sa silangan,
ang Miditeraneo sa timog, at Ionian sa kanluran. Ang mga katubigang ito
ang humubog upang maging mahusay na mandaragat ang mga Griyego.
Ang mga lagusang ito ay nagsilbing landas ng transportasyon,
komunikasyon, at komersiyo sa iba’t-ibang kabihasnan sa Asya at Africa.
Gayundin, ito ang nagsilbing daanan ng mga kaalaman at kultura mula sa
mga kalapit na kabihasnang Mesopotamia at Egypt.
 Katamtaman ang klima sa greece kaya mainam ang pagsasaka. Ang
pangunahing itinatanim ng mga Griyego ay olibo, ubas, at trigo at nga-
aalaga rin sila ng mga hayop. Gayunman maliit na bahagdan lamang ng
lupain sa Greece ang mga lambak at kapatagan ginagamit sa pagsasaka
dahil ang malaking bahagi nito ay kabundukan.
- Ang Kasaysayan ng greece ay kuwento
ng mga Griyego na nag-ambag sa mga
kabihasnan ng daigdig ng mga
pagbabago sa larangan ng pamahalaan,
agham, sining, at pilosopiya. Sa kabila
ng digmaan at pananalakay napanatili ng
mga Griyego ang katangi-tangi nilang
kultura kung kaya hanggang sa
kasalukuyan ay makikita ang bakas at
impluwensya ng kanilang kabihasnan sa
sangkatauhan.
Ang kabihasnang Minoan
 Sumibol ang unang kabihasnan ng
greece mula sa isla ng crete. Tinawag
ang kabihasnan na minoan na hango sa
pangalan ng maalamat na si haring
Minos, ang sinasabing nagtatag ng
kaharian sa crete.
 Ang mga minoan ay may matataas na kalinangan sa
arkitektura at mahusay na mga inhinyero. Ang labing
natuklasan nila ay nagpapakita ng kahusayan sa
paggawa ng palasyo.
 Ang isang palasyo ay nagsisilbing sentro ng kanilang
kaharian na nagtagpuan sa lungsod knossos.
Binubuo ang nasabing palasyo ng maraming silid na
tirahan ng hari at nakalaan para sa gawaan ng
produkto (workshop) at para lagkan ng mga
produktong pangangalakal. Gumawa rin sila ng
tubong gawa sa luad para sa paghahatid ng malinis
na tubig at mga kanal na naglalabas ng maruming
tubig mula sa palasyo.
KABUHAYAN
Ang pangunahing kabuhayan ng mga
minoan ay agrikultura. Nag-aalaga ng mga
hayop tulad ng baka, tupa, at kambing.
Nagtatanim din sila ng trigo, ubas, at barley.
Para ibenta ang kanilang produkto tulad ng
pulot, alak, langis ng oliba, at mga alahas ay
pumunta sila sa Cyprus, Egypt, Anatolia,
Asia Minor, at Mesopotamia. Ang artisanong
minoan ay mahusay lumikha ng ginto at
cooper.
PAGBAGSAK
 Sinasabing ang matinding pagsabog ng
bulkan sa isla ng thera ang naging
dahilan nito noong 1400 BCE. Pagkaraan
rin ng ilang taon, sumalakay naman ang
mga Mycenaean mula sa Peloponnese
at pinamahalaan ang isla ng crete.
Ang Kabihasnang Mycenaean
 Ang mga mycenaean ay una munang
nanirahan sa mga steepe ng Eurasia bago
nanirahan sa Peloponnesus noong 1900 BCE.
Tinawag silang Mycenaean mula sa pangalan
ng kanilang pangunahing lungsod ang
mycenae. ``Panahon Homeriko’’ ang
pagkakakilanlan sakanila dahil sa maraming
kaalaman tungkol dito ang mababasa sa mga
epikong llad at Odyssey na isinulat ni Homer.
Pinatunayan ito ng mga labing nahukay sa
lungsod ng troy na tulad ng mga inilarawan
sa nasabing mga epiko.
LUNGSOD ESTADO
 Binubuo ng iba’t-ibang lungsod estado
ang organisasyong politkal ng mga
Mycenaean. Pinamumunuan sila ng mga
mandirigmang hari na nakatira sa isang
citadel na napapalibutan ng mga pader.
Sa ibaba ng citadel ay ang mga nayon at
sakahan ng mga mamamayan. Namayani
ang ganitong organisasyon ng mga citadel
mula sa katimugang bahagi ng Greece
tulad ng tiryens at athens mula 1600
hanggang 1200 BCE.
 Citadel
 Kuta
KABUHAYAN
 Ang pagtatanim ng trigo, barley, oliba, at ubas at ang
pagpapastol ng mga hayop ang kabuhayan ng maraming
Mycenaean. Mayroon din silang industriya ng pagpapanday
ng bronse at ginto, paghahabi ng tela, paglikha ng mga
palayok, paggawa ng pabango, at pagkuha ng langis mula sa
oliba. Iniluwas nila ang kanilang produkto sa Asia Minor,
Egypt, Sicily, Phoenicia at Mesopotamia. Ang sistema ng
pagsulat ay hiniram nila sa Minoan at hinango rin nila sa mga
minoan ang mga disenyo nila sa mga ipinintang fresco,
alahas, at palayok.
 Fresco
 Paraan o sining ng pagpipinta sa basa at bagong lagay na plaster
upang manuot ang kulay.
PAGBASAK
 Humina ang kaabihasnang Mycenaean nang
manirahan sa Peloponnese ang mga Griyegong
porlanbna mula sa hilagang Greece. Nagkaroon ng
digmaan sa pagitan ng mga Dorian at Mycenaean na
humantong sa pagkasira ng mga tao patungo sa
ibang lugar. Tumigil ang kalakalan at pati ang sining
at ang pagsulat rin ay nakalimutan ng mga tao.
Tinawag ang panahong ito na panahon ng kadiliman
o Dark Ages na nagsimula 1100 BCE at tumagal
hanggang 800 BCE.
 Tumagal din ng ilang dantaon ang panahon ng
kadiliman sa loob ng mga taong ito, unti-unting nabuo
ang isang mga polis na isa sa mga pangunahing
humubog sa kabihasnang Helleniko.
KABIHASNANG
HELLENIKO
 Nagsimula mamayapag ang kabihasnang
Helleniko at maging ang pangalan ng
kanilang lupain na Hellenes ay hango sa
maalamat na si Hellen, ang itinuturing na
ina ng lahat ng mga Griyego.
LUNGSOD ESTADO
 Sa lungsod estado ng Greece, nagtatag
ang griyego ng mga bagong kolonya sa
Anatolia, Italy, at katimugang France
nakatulong upang lalong lumawak sa
iba’t- ibang lupain ang impluwensyang
Helleniko sa larangan ng wika,pagsulat,
relhiyon, at sining.
PAMUMUHAY
 Noong 800 BCE nagwakas ang panahon ng
kadiliman dahil nagkaroon ng panibagong
sigla ang mga lunsod estado ng Greece.
Muling bumuti ang agrikultura at industriya
kasabay ng paglaki ng popolasyon at sa
pakikipagkalakalan naman ay muling
nabuhay ang pakikipag-ugnayan ng mga
Griyego sa ibang mga kabihasnan tulad ng
Phoenicia, Egypt, at mga kaharian sa Asia
Minor.
PAGSIBOL NG MGA POLIS O
MGA LUNGSOD -
ESTADO
 Pasapit ng 600 BCE, nabuo bilang pangunahing yunit politikal ang mga polis o lungsod estado sa
Greece. Ang polis ay binubuo ng tatlong bahagi.
 ACROPOLIS
 makikta sa acropolis ang mga templo at gusaling panrelihiyon karaniwang itinatayo ang mga
ito sa matatas na pook tulad ng burol at panalilibutan pa ng mga pader.
 TAHANAN AT NG AGORA O PAMILIHAN
matatagpuan ang mga ito sa ibaba ng acropolis.
 NAKAPALIGID NA KANAYUNAN
kadalasan ang lawak ng teritoryo ng polis ay tinatayang nasa 50 hanggang 500 milya kwadrado
at tinitirahan ng mahigit 20,000 na mamamayan.
o POLIS
 Malayang pamayanan na may sariling pamahalaan.
PAMAMAHALA
May ilan na nasa ilalim ng pamahalaang monarkiya at may ilan na nasa aristokrasya.
 Aristokrasya
pinamamahalaan ng maliit na pangkat ng pamilyang maharlika na nagmamay-ari ng
mga lupain.
Kalaunan, umusbong ang pangkat ng mayayamng mangangalakal sa ibang
lungsod at nakikipagalyansa sa mga aristokratikong pinuno upang mamahala sa
lunsod estado. Ang nabuong urii ng pamahalaan ay tinawag na oligarkiya na
pinamumunuan ng lang makapangyarihang tao.
TIRANYA
Isang pamahaalaan ng isaang tao na tinawag na tirano. Ang pamumuno ng
isang tirano ay hindi namamana o nakakamit sa pamamagitan ng posisyon sa
lipunan,bagkus ay nagmumula sa kanyang personal na lakas. Sa uri ng
pamahalaang ito, sumulong ang mga pagbabago bg pamamahal na nagbigay-daan
sa pagsilang ng demokrasya
TIRANIYA
 Pamahalaang naitatag gamit ang sapilitang pagkuha ng kapangyarihan na taliwas sa
nakasanayang pagmana ng katungkulan.
ANG PANIBAGONG AANYO
NG PAKIKPAGLABAN
 Noong panahon ng dorian,nagkaroon ng panibagong estratehiya
ang mga Griyego, tanging mayayaman lamang ang may
kakayahan na mag-armas ng mga sibat, kalasag, baluti, at
sumakay sa karwahe na yari sa bronse. Ngunit sa pagkalat ng
kaalaman sa pagpapanday ng bakal, maging ang mga
karaniwang mamamayan ay nakaroon ng pagkakataon na
makagamit ng armas at nakatulong sa pangangalaga ng kanilang
polis.
 Kabilang noon sa hanay ng mga manirigmag Griyego ang mga
Hoplites na may dalang sibat at kalasag. Phalanx o maayos at
dikit-dikit na pagkakahilera ng kanilang mga sundalo at ito ay
kinatakutan noon ng mga kalaban ng mga griyego. Ang
nagsisilbing depensa at opensa ng mga griyego sa paglupig ng
kanilang mga kalaban ay ang mga magkakatabing kalasag at
nakausling mga sibat .
ANG DALAWANG
MAGKARIBAL NA POLIS
 Dalawang polis noon ang nagunguna sa
kabuuan ng greece ang Sparta at ang
Athens. Malaki ang kaibahan sa isa’t-isa ng
dalawang lungsod-estado na ito kung
pagbabatayan ang pamahalaan at lipunan.
Sinasabing kung ang pag-uusapan ay
lakas ng hukbong militar,nahihigpitan ng
Sparta ang athens. Ngunit kung ang pag-
uusapan naman ay ang larawan ng
karunungan, sining at kultura, sinasabing
nahihigpitan ng Athens ang Sparta.
SPARTA
Matatagpuan sa katimugan ng Peloponnesus ang polis ng sparta. Natatangi
ang mga spartan dahil nagtayo sila ng isang militariskong pamahalaan.
Ang pamhalaan ng Sparta ay binubuo ng dalawang pangkat, ang Asemblea
at ang Konseho ng matatanda ( Council of Elders).
Asemblea
 Binubuo ng kalalakihan at mga hinirang na opisyal na boboto sa
mahahalagang isyu at patakaran.
 Konseho ng Matatanda
 nagpapanukula ng mga batas sa Asemblea. Mayroon ding limang hinirang
na opisyal na tinawag na ephors.
 Ephors
 Sila ang nagpapatupad ng mga ipinasang batas at sila rin ang may kontrol
sa edukasyon at paglilitis ng mga kaso.
 Hindi nagtayo ng mga kolonya ang Sparta sa ibang mga
isla. Sa halip sinakop nila ang Messenia sa Peloponnese
nooong 725 BCE at ang mamamayan nito ay naging mga
helot. Nagsilbing mga magsasaka ang mga helot at ang
kalahati ng kanilang ani ay ibinibigay nila sa mga spartan.
Noong 600 BCE tinangka ng mga Messenian na mag alsa
laban sa mga spartan ngunit natalo rin sila sa huli. Mula
noon, itinuon na ng mga pinunong Spartan ang pagtatayo ng
isang matatag at malakas na lungsod.
LIPUNAN
 Nahahati sa iba’t-ibang antas ang lipunan ng mga Spartan ang
spartiatai, perioeci, at helot.
 Spartiatai
• Mga mamamayang inapo ng mga orihinal na nanirahan sa Sparta.
Sila ang mga nagmamay-ari ng lupa at sila rin ang mga opisyal ng
pamahalaan.
• Perioeci
 ay yaong mga hindi mamamayan ng sparta ngunit malaya.
Nakatuon ang kanilang kabuhayan sa komersiyo at industriya.
 Helot
• ang pinakamahabang antas sa lipunang Spartan. Maari silang
magsilbi bilang kasambahay o kaya ay mapalibang sa mga
mandirigmang hoplite.
EDUKASYON
 Sa larangan ng edukasyon, nakasentro ang pang-araw-araw
na buhay ng kalalakihang Spartan sa mga militar na pagsanay.
Sa gulang pa lamang na pito, naninirahan na ang mga
kabataang lalaki sa mga kuwartel ng hukbo upang masimulan
ang pagsasanay sa pagkasundalo. Bumabalik lamang sila sa
kanilang tahanan pagtuntong nila sa gulang 21 upang mag-
asawa. Ang mga pagsasanay na ito ay nagbunga ng matitikas
at matatapang na sundalong Spartan.
 Samantala ang kababaihan ay nakaranas din ng mahigpit na
pagtuturo. Bagama’t hindi sila sa isinasali sa pagsasanay-
militar, inihahanda sila sa pamamagitan ng pagtakbo, pagbuno
( wrestling) at iba pang palakasan. Pinahahalagahan sakanila
ang pagmamahal sa Sparta higit pa sa pamilya at sarili. Sa
pagtanda ang kababaihan ang nagpapalakad ng kabuhayan
samantalang ang kanilang mga asawa ay nagsisilbi sa polis.
ATHENS
 Matatagpuan sa kapatagan ng Attic ang polis na
kilala sa tawag na Athens. Bantog ang mga Athenian
sa pagtatag ng isang pamahalaan na tumatalima sa
demokrasya.
 Sa ilalim ng demokratikong pamahalaan, binigyan ng
karapatan ang mga mamamayan na makilahok sa
paglikha ng desisyon sa pamahalaan. Gayunman
tanging malalayangh kalalakihan lamang ang
kinikilala bilang mamamayan ng Athens. Ang
kababaihan, dayuhan, at mga alipin ay hindi
kinikilala bilang mga mamamayan at mayroon
lamang kaunting karapatan.
REPORMANG PAMPOLITIKA
AT PANGKABUHAYAN
 Katulad ng ibang polis nagkaroon din ng sigalot ang
mayayaman at mahihirap na athenian. Ikinagalit ng mga
magsasaka at ang mga mangangalakal ang hindi maayos na
pamamahala ng mga archon (opisyal na pamhalaan) na
humantong sa kaguluhan. Naiwasan lamang ng mga Athenian
ang digmaang sibil nang magkaroon ng mga reporma sa
pamahalaan.
 Noong 621 BCE, inilibas ang kodigo ng mga batas na nilikha ni
Draco. Naniniwala si Draco na ang mga batas na may
mabibigat na kaparusahan ay pipigil sa anumang krimen at
kaguluhan. Isang halimbawa ng kaniyang batas ay kapag
nakapatay ang isang tao, ang karampatang parusa ay
pagpapatapon (exile) sa ibang lupain. Debt Slavery isang
patakaran na hinahayaan ang mga magsasaka na manilbihan
para mabayaran ang klanilang pagkakautang. Gayunman ang
ganitong patakaran ay muling nagtulak sa mga athenian sa
bingit ng isang digmaang sibil.
 Pagsapit ng 594 BCE hinirang ang mambabatas na si Solon upang
isaayos ang pamamahala sa Athens. Binuwag nya ang patakarang debt
slavery kasaby ng pagpapalaya sa mga inalipin dahil sa pagkakautang.
Sa ganitong paraan, naiwasan ang digmaang sibil.
 Nagpalabas din ng batas si Solon na ang lahat ng mga mamamayan ng
Athens ay makibahagi sa mga debate sa pagbuo ng mga patakaran sa
Elesia (Asemblea). Binigyan din nya ng karapatan ang mga mamamayan
na ihabla ang sinumang lumalabag sa batas. Hinimok niya ang mga
magsasaka na magtanim ng mga ubas at oliba upang mailuwas sa ibang
mga bayan nang sa gayon ay mapalaki ang kita.
 Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong pampolitika at pangkabuhayan,
hindi pa rin natigil ang hidwaan ng mayayaman at mahihirap. Mas
pinaburan ng mga patakaran ni Solon ang mahihiorap kaysa sa
mayayaman. Nagalit sa huli at nagkaroon ng kaguluhan na naging
dahilan sa pagpapatalsik kay Solon at pinalitan siya ni Pisistratus.
 Noong 546 BCE, nagwakas ang mga kaguluhan at kinilala si Pisistratus
bilang unang tirano ng Athens. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno,
pinagbuti niya ang pagsasaka sa pamamagitan ng pagsasaayos sa
irigasyon at pamamahagi sa mga magsasakla ng mga kagamitang
pang-agrikultura. Nagpatayo si Pisistratus ng mga gusali, templo, at
pagsuporta sa sining na nagpaganda at nagbigay trabaho sa mahihirap
na nakdagdag sa suporta sa kaniyang pamamahala. Ngunit dahil
malupit na pinuno si pisistratus at hindi sya nakikinig sa kaniyang mga
mamamayan, kalaunan ay muling humingi ng pagbabago sa kanilang
pamumunuan ang mga Athenian.
 Hinirang na pinuno si Cleisthenes noong 508 BCE na nagpatupad ng
reorganisasyon sa pamahalaan. Binuwag niya ang apat na tribu ng mga
maharlika na may kontrol sa Eklesia sa pagpapahintulot sa sinumang
mamamayan na makibahagi sa pagsumite, pagdebate, at pagpasa ng
batas. Binuo rin ni Cleisthenes ang Konseho ng 500 ( Council of 500) na
ang tungkulin ay magpanukala ng batas at magpayo sa Eklesia.
Nakilala rin ang kaniyang pamunuan na sa patakarang ostrasismo na
ipinatatapon sa ibang lugar ang sinumang mamammayan na banta sa
kaayusan ng pamahalaan at lipunan.
 Unti-unting lumawak ang mga teritoryong nasasakupan ng Persia sa ilalim ng
pamumuno ni Cyrus II. Sinakop ng mga Persyano ang mga kaharian at mga
kolonya ng mga polis ng Greece sa Asia Minor. Sapagpanaw ni Cyrus II,
ipinagpatuloy ng kanyang anak na si Cambyses ang pagsakop sa Egypt. Noong
522 BCE nasawi Cambyses habang naglalakbay sa Syria.
 Humalili kay Cambyses bilang hari si Darius I.Ipinagpatuloy ni Darius I ang
patakaran ng mga naunang hari sa imperyong persyano. Pinanatili niya ang
katutubong kultura at pananampalataya ng mga tao upang mapanatili ang
kapayapaan sa imperyo at maiwasan ang anumang pag-aalsa.
 Hinati ni Darius I ang imperyong Persyano sa 20 satrapy ( lalawigan) na
pinamamahalaan ng mga satrap (gobernador). Mayroon din siyang mga espiya na
nagmamasid at nag-uulat sa kaniyang mga pangyayari sa bawat satrapy.
 Natalo ang puwersang Griyego sa Digmaan sa Lade noong 494 BCE. Dahil sa pag-
alsa ng mga lungsod-estado ng Greece sa Asia Minor noong 499 hanggang 494
BCE pinagunahan ng lungsod ng Ionia ang pakikipaglaban sa persyano. Suportado
ng mga Athenian ang Ionian. Nagkaroon ng kasunduang pangkapayapaan ang mga
Ionian sa mga Persyano na nagwakas sa rebelyon ng mga Griyego sa Asia Minor.
LABANAN SA
MARATHON
 Ang pakikialam ng Athens sa mga lupaing sakop ng Persia ang
nagtulak kay Darius I na salakayin ang polisng Athens bilang
paghihiganti sa pagtulong nito sa mga rebeldeng Ionian. Noong 490
BCE, isang plotang Persyano ang sumalaky sa kapatagan ng
Marathon. Doon, hinarap sila ng hukbong Athenian na nakaayos sa
mga phalanx at pinamunuan ni Heneral Militiades. Sa labanang
naganap, natalo ng mga athenian ang mga Persyano.
 Ayon sa tradisyong pasalita, matapos ang labanan ay inututusan ng
isang opisyal ng hukbo ng Athens ang mananakbo (runner) na si
Philippides upang ibalita sa Athens ang tagumpay ng Hukbong
Athenian sa Marathon. Bahagi rin sa mensaheng ipinarating ng opisyal
ang pagbilin sa mga naiwang nagtatanggol ng Athens na huwag
isusuko ang lungsod s paparating na hukbo ng Persia.
LABANAN SA
THERMOPYLAE
Pagsapit ng 480 BCE, muling tinangka ng mga persyano na
salakayin ang Athens. Pinamumunuan ni Xerxes, anak ni
Darius I, ang isang malaking plota ng mga barko at mga
mandirigma na sasalakay sa Greece.Tinawid ng hukbo ni
Xerxes ang Hellespont at naglakbay sa mga kabundukan sa
hilagang Greece patungong Athens.
Sa paglalakbay ng Hukbong ni Xerxes, knailangan nilang
tawirin ang isang paso (pass) sa Thermopylae na hinarangan
ng mga mandirigmang Griyego kabilang na ang 300 Spartan.
Sa pamumuno ni Haring Leonidas Spartan, hindi nakatawid sa
paso ang mga Persyano sa tatlong araw . Ngunit may isang
taksil na nagbunyag na lihim na daanan sa itaas ng lagusan.
Muling sumalakay ang mga Persyano at sa naganap na
labanan, nasawi ang mga mandirigmang Spatan kasam ang
kanilang hari na si Leonidas. Nagpatuloy ang hukbong
Persyano patungong Athens na kanilang kinubkob at sinunog.
LABANAN SA
SALAMIS
Bagama’t nalupig ang hukbong
Griyego sa Thermopylae at
naakop ang Athens, hindi pa rin
sumuko ang mga Griyego at
hinanda nila ang kanilan dagat
laban sa puwersa ng Persia.
Nagharap ang puwersa ng mga
Griyegong at Persyano sa isang
kipot sa isla ng Salamis noong
480 BCE. Sa pamumuno ni
Themistocles, sinugod ng mga
Tireme (mga galley ng Athens)
ang plota ng mga Persyano at
kanila itong pinalubog.
o Dahil sa pagkatalong ito n mga Persyano
napilitang bumalik sa Asia Minor si Xerxes at
iniwan ang pamamahala ng hukbong lupa sa
kaniyang na si Mardonius.
o Sa digmaang ito, makikitang bagama’t
magkasalungat ang Athens at Spata,
Nagkaisa ang mga Polis na it upang labanan
ang mga Persyano. Natalo sila sa labanang
kanilang pinagunahan laban sa mga persyano,
at sa huli ay ang mga Athenian ang
nagtatagpo at nagpanalo ng Digmaan.
MGA ALYANSA
 Umatras ang mga Persyano pagkaraan ng mga pagkatalo nito
sa mga labanan tulad nang naganap sa Salamis. Nangamba
ang ibang polis sa Griyego sa banta na muling pagsalakay ng
Persia.Dahil sa pangambang ito nagpulong noong 478 BCE sa
isla ng Delos ang kinatawan ng 140 polis ng Greece maliban sa
Sparta. Napagkasunduan nilang bumuo ng isang alyansa na
may layuning kalabanin ang Persia. Ang alyansang nabuo ay
tinawag na Delian League o Confederation Of Delos.
 Sa pamamagitan ng Delian League, naitaboy ang mga
Persyano sa mga teritoryong malapit sa Greece. Nagpagawa
rin ang liga ng mga barkong pandigma na mangangalaga sa
mga polis mula sa oagsalaky ng mga Persyano. Maituturing iton
simula ng pagbabagong anyo ng Athens mula sa isang Polis
patungo sa isang imperyo. Sa pamamagitan din ng liga,
nakamit ng Athens ang ginintuan nitong panahon.
DIGMAANG
PELOPONNESIAN
Walang nagawa ang Sparta sa pagsikat at paglakas ng Athens. Subalit nang nagsimulang panghimasukan ng
Athens ang mga interes ng Sparta, nagsimula na ring magkaroon ng hindwaan ang
dalawang lungsod-estado. Ito ang nagbunsod sa Digmaang Peloponnesian.
Ang dahilan ng digmaang Peloponnesian ay ang panggigipit ng athens sa kalakalan ng
mga Polis ng Corinth at Megara na kaalyado ng Sparta. Sinalakay ng sparta ang Athens
dahil batid ni Pericles, pinuno ng Athens, ang kahusayan ng hukbong panlupa ng Sparta,
kaagad niyang ipinag-utos sa kaniyang mga mamamayan na manirahan sa moog ng
lungsod ng Athens. Malyang nakapaglalayag doon ang mga barko ng Athens para
makakuha ng pagkain mula sa kolonya at kaalyadong lungsod.
Ipinatupad ni Pericles ang estratehiyang iiwasan ng hukbong Athens ang Direktang
pakikipaglaban sa hukbong Sparta at sa halip ay pakubling sasalakayin ang mga kaalyado
ng mga Spartan mula sa karagatan. Epiktibo sana ang plano ni Pericles ngunit may
kumalat na sakit sa Athens na ikinasawi ng mga maraming tao at kabilang na rin si
Pericles kung kaya nawalan ng mahusay na lider ang mga Athenian.
Tumagal pa nang siyam na taon ang Digmaang Peloponnesian bago tuluyang sumuko ang
athens noong 404 BCE Matapos ang digmaan,nawala ang kapangyarihan at yaman ng
Athens. Hindi natugunan ng mga naging pinuno nito ang pangangailangan ng mga
mamamyan kaya tuluyang humina ang kanilang pamahalaang demokratiko.
AMBAG NG KABIHASNANG
GRIYEGO
 Napakalaki ng pamana ng kabuhasnang
Griyego sa sangkayauhan. Nagmula ang
konsepto ng demokratikong pamamahala na
tinutularan ng maraming bansa sa ngayon.
Ang husay nila sa sining, pilosopiya, at
panitikan, ay patuloy na nagsilbing gabay at
inspirasyon ng mga tao iba’t-ibang panig ng
mundo.
SINING AT ARKITEKTURA
PAGLILILOK
 Noong ginintuang panahon ng Athens, nakamit
ng mga Griyego ang kahusayan sa sining ng
paglililok. Lumikha ang mga eskultor ng mga
estatwa na maayos at perpekto ang
pangangatawan at may masining na porma
ngunit walang emosyon. Ang estatwa ni Athena
sa loob ng Partheno at ang estatwa ni Zeus sa
templo sa Olympia ay nilikha ni Phidas, ang
itinuturing na pinakmahusay na eskultor sa
buong Greece noon.
PAGPINTA
Mula sa mga
palayok,makikita ang
nalalabing halimbawa ng
sining ng pagpinta ng
mga Griyego. Ipininta nila
ang buhay ng mga
karaniwang tao, tagpo
mula sa mga digmaan,
labanan ng mga atleta at
mga pangyayari mula sa
mga epiko.
ARKITEKTURA
 Ang pinakatanyag na gusaling itinayo ng mga Griyego ay ang Parthenon na
magtatagpuan sa Acropolis ng Athens. Ito ay isang templong nilaan para sa diyosang si
Athena. Ang disenyong ng Parthenon ay sumusunod sa prinsipyo ng balanc,
proportion, at harmony. Ginamit ng mga Griyego ang marmol bilang materyales sa
pagtayo ng parthenon mula sa mga pader, kolum, at mga palamuting nililok sa gusali
 Mayroong tatlong disenyo ang kolumn ng mga Griyego ang Doric, Ionic, at Corinthian.
 Doric
 Ang pinakasimple sa mga disenyo ng mga haliging Griyego. Wala itong base at bilugan
ang tuktuok nito.
 Ionic
 Haliging na may disenyong vulutes o hugis ng nirolyong manuskrito.
 Corinthian
 Haliging may disenyo ng mga halaman at nirolyong manuskrito at mayroon itong
simpleng base.
PANITIKAN
 Epiko
 Nagsimula ang panitikang Griyego mula sa mga epiko na naglalahad ng kabayanihan ng kanilang
lahi sa panahon digmaan. Kinikilala bilang pangunahing kuwentista ang isang bulag na Griyego na
nagngangalang Homer. Sinasabing ang kaniyang dalawang epiko, ang Iliad at Odyssey, ay nalikha sa
mga taong 750 hanggang 700 BCE.
 Ginamit ng tagpo ni Homer ang Troy para sa kaniyang unang epiko na Iliad. Patungkol ito sa pagbawi
ng mga Griyego kay Reyna Helen ng Sparta na itinakas ni Prinsipe Paris at dinala sa Troy. Upang
maibangon ang puri ni Haring Menelaus ng Sparta, nagkaisa ang mga kahariang ng Greece na
salakayin ang Troy upang mabawi si Helen. Nagwakas ang epiko sa tagumpay ng mga Griyego at
pagkalupil sa mga Trojan.
 Patungkol naman sa paglalakbay ni Odysseus ang ikalawang epikong tinawag na Odyssey. Sa
epikong ito, inilahad ang iba’t-ibang pagsubok at panganib na kinaharap ni Odysseus makabalik
lamang sa kaniyang bayan ng Ithaca. Tumagal nang 10 taon ang paglalakbay ni Odysseus bago siya
nakabalik sa kaniyang bayan.
 Bukod sa mga epiko, lumikha rin ang mga makatang Griyego ng mga tula bilang parangal sa kanilang
mga natatanging mamamayan, mga bayani, at mahuhusay na atleta. Ang mga sinulat na tula ni Pindar
tulad ng Pythian odes ay pagpupugay sa husay ng mga atleta. Mayroon ding mga bumuo ng berso
patungkol sa pag-ibig at pakikipaglaban tul;ad ng mga gawa ng makatang si Sappho.
DRAMA
 Ang sining ng pag-arte sa pamamagitan ng drama ay pinasimulan ng mga Griyego. Nagsimula
ang drama bilang bahagi ng mga pistang panrelihiyon na itinatanghal sa mga teatro.
Kalimitang tema sa mga drama ay patungkol sa pamumuno, katarungan, at tungkulin sa diyos.
Kalaunan, sumibol ang dalawang anyo ng Drama ang Trahedya at ang Komedya.
 Trahedya
 Seryosong drama na patungkol sa tema ng pag-ibig, poot, digmaan, o pagtaksil, kadalasan,
ang bida ay isang taong may natatanging kakayahan at ang sanhi ng kaniyang pagbagsak o
kabiguan ay hubris o pagmamalaki (pride).
 Ilan sa mga kilalang manunulat ng Trahedya ay sina Aeschylus, Sophoclaes, at Euripides.
Sinulat ni Aeschylus ang dramang Orestia na patungkol sa buhay ng pamilya ni Agamemnon,
pinuno ng hukbonh Griyegong na sumalakay sa Troy. Si Sophocles naman ang sumulat ng
dramang Oedipus Rex at Antigone. Isinulat naman ni Euripides ang dramng Medea na
patunkol sa kalagayan ng kababaihan.
• Katatawanan o anyo ng komedya
 Kadalasan, satiriko ang anyo ng pagtatanghal na ginawang katawa-tawa ang mga kostumbre,
kasaysayan, at politika ng mga Griyego. Ilan sa mga halimbawa ng komedta ay ang isinulat ni
Aristophanes na Lysistrata, Ornithes (The Birds), at Sphekes (The Waps).
PAGSULAT NG
KASAYSAYAN
 Ang mga Griyego ang naglagay ng pamatayan sa wastong
pagsusulat ng kasaysayan. Sinuri nila ang mga pangyayari at
inalam ang mga dahilan na nagbunsod nito. Binigyang halaga rin
ng mga Griyego ang pagsasaliksik at ang pagiging patas o walng
kinikilingan sa pagsulat ng kasaysayan.
 Kinilala bilang `` Ama ng kasayasayan ‘’ si Herodotus dahil sa
kaniyang isinulat na The Histories. Inilahad sa naturang aklat ang
mga dahilan at pangayayring naganap sa digmaan ng Greece at
Persia. Nakapaloob din sa aklat ang pananaliksik nu Herodotus sa
sinaunang kasasayan at alaman ng mga lluoain na kaniyang
pinuntahan. Ang mga detalyeng nilikom ni Herodotus ay mula sa
kaniyang pakikipagpanayam sa mga saksi.
 Si Thucydides naman ay nagsulat ng patungkol sa digmaang
Pelopponesian. Isinalaysay niya ang kabangisan at paghihirap sa
panahon ng digmaan. Bagama’t isa siyang Athenian, iniwasan
niyang paboran ang Athens ay naging patas suya sa paglalahad
ngmga pangyayari sa naturing digmaan.
PILOSOPIYA
 Ang mga Griyego ay masisigasig na naghanap ng mga
kasagutan kung paano maipapaliwanag ang kalikasan at ang
tungkulin n tao sa mundo. Ang pagsikap na ito ay humantong
sa paglago ng pilosopiya. Sa simula, nakatuon ang atensyon
ng mga pilosopo sa pagbibigay-linaw sa pisikal na
kapaligiran. Ngunit sa paglipas ng panahon, natuon na ang
kanilang pagsusuri sa kalikasan ng tao (nature of man).
 Pilosophy
 Hango ito sa katagang Griyego na philo na
nangangahulugang ``nagmamahal’’ at sophia na
nangangahulugang ``karunungan’’.
Thales
Si Thales. Na mula sa Miletus,
ang isa sa mga naunang
pilosopong Griyego. Naniniwala
siya na ang lahat ng mga bagay
ay nagmula sa tubig. Ang
pinagbatayan ng kaniyang
paniniwala ay ang obserbasyon
na ang tubig ay nagbibigay-
buhay at nakabubuo ng mga
bagay. Ang kahalagahan ng
ginawa ni Thales ay ang
paggamit ng obserbasyon at
lohika upang bigang-linaw ang
bagay-bagay.
Pythagoras
Si Pythagoras, na mula
Samos, ay bantog sa
kaniyng malaking ambag sa
matematika. Siya ang bumuo
ng Pythagorean Theorem na
patungkol sa mga right
angle. Naniniwala si
Pythagoran na lahat ng mga
pangyayari (phenomene) ay
naipapaliwanag sa
pamamagitan ng numero.
Democritus
Ayon kay democritus ng
Abdera, ang mundo ay
binubuo ng maliliit at
solidong bgay na tinatawag
na atoms. Ayon sa kaniya,
ang kulay, hugis, at anyo ng
isang bagay ay nakabase sa
laki at pagsama-sama ng
mga karunungan ay hindo
nagmula sa paggamit ng
limang pandama bagkus ay
mula salikas na kaalaman ng
tao.
Mga Sophist
 Tinawag na Sophist ang ilang mga guro sa
Greece noong ika-5 at ika-4 na sigli BCE.
Tinuruan ng mga Sophist ang kanilang
mga mag-aaral ng retorika, musika,
matetematika, at ang mga asal na
kailangan sa politka. Si Protagoras isa sa
mgatanyag ng Sophist, ang nagpahayag
na `` walang pangkahalatang pamantayan
ng katotohanan’’ Ibig iparating ni
Protagoras na may sariling opinyon ang
bawat tao, na ang tama sa isa ay maaaring
mali sa iba.
Socrates
Mula sa Athens ang pilosopong si Socrates.
Hinimok ni Socrates ang kapuwa niya Athenia na
tanungin ang kanilang sarili at suriin ang kanilang
moralidad. Sinabi ni Socrates na ``ang buhay na
hindi sinuri ay hindi dapat isabuhay’’ (the
unexamined life is not worth living). Hangad ni
Socrates na pagbutihin ang moralidad ng mg
Griyego. Si Socrates din ay bumuo ng isang
paraan ng pagsisiyasat na tinawag na Socratic
Method. Iyo ang paraan ng pagtatanong at
pagsagot ng dalawang tao upang humantong sa
isang pangkahalatang kasagutan o ideya.
Noong 399 BCE, nilitis ang 70 taong gulang na
pilosopo sa kasong pagsira sa kaisaipan ng
kabataang Athenian at pagtuligsa sa mga diyos
ng lungsod. Ipinagtanggol ni Socrates ang sarili at
sinabi niya na ang kaniyang mga aral ay
nakabubuti sa Athens dahil sa inuudyok nito ang
mga tao na pagisipan ang kanilang mga kaasalan
at pagkilos. Gayunaman, hindi ito sinang-ayunan
ng mga hukom at hinatulan siya ng kamatayan.
Plato
Isinulat ni plato, mag-aaral ni
Socrates, ang mga pakikipag-
usap niya sa kaniyang guro. Ito
ay tinawag na Dialogues. Mula
385 at 380 BCE, tinapos ni plato
ang kaniyang akdang may
titulong The Republic na
naglalman ng ideyal na lipunan
at pamahalaan. Naniniwala si
plato na ang dapat na maging
hari ay isang pilosopo upang
matugunan ang
pangangailangan ng kaniyang
mga mamamayan.
Aristotle
Ang mag-aaral ni Plato na si Aristotle ay
isang pilosopo na masigasig na pinag-
aralan ang pisika, politika,lohika,retorika
etika, biolohiya, at zoolihiya. Binigyang-diin
niya ang paggamit ng obserbasyon at
pagsuri upang makabuo ng isang
kongklusyon. Sa kasalukuyan, ang paraang
ito ang basehan ng scientific method na
ginamit ng mga siyentista.
Ang ilan sa mga natatanging isinulat ni
Aristotle ay ang politics na tumatalakay sa
iba’t-ibang uri ng pamahalaan,
konstitusyon, at mga salik na bumuo sa
isang pamayanang pulitikal. Sa akda
naman niyang Physics, ipinapaliwanag ang
mga sanhi ng pagkilos o paggalaw ng mga
bagay. Patungkol sa etika ang mga akdang
Magna Moralia, Nicomachean Ethics, at
Eudemian Ethics,
Palakasan
 Malaki rin ang naiambag ng mga Griyego sa
larangan ng mga palakasan. Pinahalagahan ng
mga Griyego ang maayos na pangangatawan
kung kaya nagtayo sila ng mga gymnasium. Sa
loob ng gymnasium , maaaring tumakbo,mag-
ehersisyo, at mag-wrestling ang mga tao upang
palakasin ang kanilang mga katawan. Nagmula
rin sa Greece ang Olympic Games, isang
palarong ginaganap tuwing ikaapat na taon
bilang pagparangal sa diyos na si Zeus .
Nagpadala ang mga polis ng kanilang
pinakamahusay na atleta upang lumaban sa
pagtakbo, discus,throw,javelin, at wrestling.
Paniniwalang Griyego
 Politiestikong ang paniniwala ng mga Griyego. Mayroon silang iba’t-ibang
diyos na pinaniniwalaan nilang may kapangyarihan sa kalikasan na
tumutulong sa kanilang pamumuhay. Bilang pasasalamat sa kanilang mga
diyos, nagpatayo ang mga Griyego ng mga templo at nagdaraos sila ng
mga seremonya at mga pista para sa mga ito.
 Itinulad din ng mga Griyego ang kanilang mga diyos sa mga tao na
marunong magpalit. Magmahal, matuwa, maiggit, o mapoot.
Pinaniniwalaan na madalas na nag-aaway ang mga diyos at ang mga tao
ang ginagamit nilang pain sa kanilang mga alitan.
 Naniniwala ang mga Griyego na makatira sa bundok Olynpus ang
kanilang mga diyos. Si Zeus ang kinikilala bilang hari ng mga diyos at ang
asawa niyang si Hera ang diyos ng kababaihan at pagpapakasal. Ang
kanilang mga anak may sina Aphrodite, ang diyosa ng kagandahan at
pag-ibig; Apollo, ang diyos ng digmaan; Artemis ang birheng mangangaso
at diyosa ng buwan; at athena, ang diyosa ng karunungan at sining. Mga
kapatid naman ni Zeus sina Poseidon, ang diyos ng karagatan.

More Related Content

What's hot

Athens at Sparta
Athens at SpartaAthens at Sparta
Athens at Spartaedmond84
 
Modyul 05 republika at imperyong romano
Modyul 05   republika at imperyong romanoModyul 05   republika at imperyong romano
Modyul 05 republika at imperyong romano南 睿
 
Imperyong Persian o Achaeminid
Imperyong Persian o AchaeminidImperyong Persian o Achaeminid
Imperyong Persian o AchaeminidJillian Barrio
 
Batayanngsinaunangkabihasnan 100711212400-phpapp02
Batayanngsinaunangkabihasnan 100711212400-phpapp02Batayanngsinaunangkabihasnan 100711212400-phpapp02
Batayanngsinaunangkabihasnan 100711212400-phpapp02Louie Vosotros
 
Kabihasnang Roman
Kabihasnang RomanKabihasnang Roman
Kabihasnang RomanJelai Anger
 
Heograpiya ng indus kabihasnang indus - pagbuo ng mga kaharian
Heograpiya ng indus   kabihasnang indus - pagbuo ng mga kaharianHeograpiya ng indus   kabihasnang indus - pagbuo ng mga kaharian
Heograpiya ng indus kabihasnang indus - pagbuo ng mga kahariankelvin kent giron
 
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang AsyaAng Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asyaeliasjoy
 
Ang banta ng persia powerpoint(3-2 group 3)
Ang banta ng persia powerpoint(3-2 group 3)Ang banta ng persia powerpoint(3-2 group 3)
Ang banta ng persia powerpoint(3-2 group 3)Angel Frias
 
Ang Kabihasnang Egypt
Ang Kabihasnang EgyptAng Kabihasnang Egypt
Ang Kabihasnang EgyptDesiree Joyce
 
Kabihasnang Mycenaean
Kabihasnang Mycenaean Kabihasnang Mycenaean
Kabihasnang Mycenaean edmond84
 

What's hot (20)

Athens at Sparta
Athens at SpartaAthens at Sparta
Athens at Sparta
 
Athens And Sparta
Athens And SpartaAthens And Sparta
Athens And Sparta
 
Emperyong akkadian
Emperyong akkadianEmperyong akkadian
Emperyong akkadian
 
Modyul 05 republika at imperyong romano
Modyul 05   republika at imperyong romanoModyul 05   republika at imperyong romano
Modyul 05 republika at imperyong romano
 
Kabihasnang Greek
Kabihasnang GreekKabihasnang Greek
Kabihasnang Greek
 
Imperyong Persian o Achaeminid
Imperyong Persian o AchaeminidImperyong Persian o Achaeminid
Imperyong Persian o Achaeminid
 
Batayanngsinaunangkabihasnan 100711212400-phpapp02
Batayanngsinaunangkabihasnan 100711212400-phpapp02Batayanngsinaunangkabihasnan 100711212400-phpapp02
Batayanngsinaunangkabihasnan 100711212400-phpapp02
 
Gresya
GresyaGresya
Gresya
 
Kabihasnang Roman
Kabihasnang RomanKabihasnang Roman
Kabihasnang Roman
 
Heograpiya ng indus kabihasnang indus - pagbuo ng mga kaharian
Heograpiya ng indus   kabihasnang indus - pagbuo ng mga kaharianHeograpiya ng indus   kabihasnang indus - pagbuo ng mga kaharian
Heograpiya ng indus kabihasnang indus - pagbuo ng mga kaharian
 
Ang Lungsod-estado ng GResya
Ang Lungsod-estado ng GResyaAng Lungsod-estado ng GResya
Ang Lungsod-estado ng GResya
 
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang AsyaAng Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
 
Ang banta ng persia powerpoint(3-2 group 3)
Ang banta ng persia powerpoint(3-2 group 3)Ang banta ng persia powerpoint(3-2 group 3)
Ang banta ng persia powerpoint(3-2 group 3)
 
Ang Kabihasnang Egypt
Ang Kabihasnang EgyptAng Kabihasnang Egypt
Ang Kabihasnang Egypt
 
4 ang athens
4 ang athens4 ang athens
4 ang athens
 
Kabihasnang Mycenaean
Kabihasnang Mycenaean Kabihasnang Mycenaean
Kabihasnang Mycenaean
 
Ang Kabihasnang greek
Ang Kabihasnang greekAng Kabihasnang greek
Ang Kabihasnang greek
 
Sparta
SpartaSparta
Sparta
 
Phoenician
PhoenicianPhoenician
Phoenician
 
Athens VS Sparta
Athens VS SpartaAthens VS Sparta
Athens VS Sparta
 

Similar to Ang kabihasnang Griyego.pptx

Aralin 4: Ang Klasikal na Europa
Aralin 4: Ang Klasikal na EuropaAralin 4: Ang Klasikal na Europa
Aralin 4: Ang Klasikal na EuropaSMAP_G8Orderliness
 
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copyKabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copyReyesErica1
 
Aralin 4: ANG KLASIKAL NA EUROPE
Aralin 4: ANG KLASIKAL NA EUROPEAralin 4: ANG KLASIKAL NA EUROPE
Aralin 4: ANG KLASIKAL NA EUROPESMAP Honesty
 
Module 1 Quarter 2-With quiz.pptx
Module 1 Quarter 2-With quiz.pptxModule 1 Quarter 2-With quiz.pptx
Module 1 Quarter 2-With quiz.pptxJuliusRomano3
 
greece12-190107012752 (1).pdfbrjdjfnrnrm
greece12-190107012752 (1).pdfbrjdjfnrnrmgreece12-190107012752 (1).pdfbrjdjfnrnrm
greece12-190107012752 (1).pdfbrjdjfnrnrmIrishAbrematia
 
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...M.J. Labrador
 
kabihasnang klsikal sa Mediterranean
kabihasnang klsikal sa Mediterraneankabihasnang klsikal sa Mediterranean
kabihasnang klsikal sa Mediterraneanflordelizians
 
Gimang s group presentation
Gimang s group presentationGimang s group presentation
Gimang s group presentationflordelizians
 
Mgarehiyongekolohikalsaafrica 120918012735-phpapp02
Mgarehiyongekolohikalsaafrica 120918012735-phpapp02Mgarehiyongekolohikalsaafrica 120918012735-phpapp02
Mgarehiyongekolohikalsaafrica 120918012735-phpapp02Naneth Perez
 
Mga rehiyong ekolohikal sa africa
Mga rehiyong ekolohikal sa africaMga rehiyong ekolohikal sa africa
Mga rehiyong ekolohikal sa africaJared Ram Juezan
 
G8_M1_Q2_PPT(minoan_mycenaean_greece).pptx
G8_M1_Q2_PPT(minoan_mycenaean_greece).pptxG8_M1_Q2_PPT(minoan_mycenaean_greece).pptx
G8_M1_Q2_PPT(minoan_mycenaean_greece).pptxTeacherTinCabanayan
 
Kabihasnang Mesopotamia- nitz
Kabihasnang Mesopotamia- nitzKabihasnang Mesopotamia- nitz
Kabihasnang Mesopotamia- nitzNitz Antiniolos
 
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...SMAP_G8Orderliness
 
Aralin 9 Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece.pptx
Aralin 9 Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece.pptxAralin 9 Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece.pptx
Aralin 9 Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece.pptxJayjJamelo
 
Mga unang kabihasnan sa mesopotamia
Mga unang kabihasnan sa mesopotamiaMga unang kabihasnan sa mesopotamia
Mga unang kabihasnan sa mesopotamiaCynthia Labiaga
 
Ang Sinaunang Gresya (Araling Panlipunan III)
Ang Sinaunang Gresya (Araling Panlipunan III) Ang Sinaunang Gresya (Araling Panlipunan III)
Ang Sinaunang Gresya (Araling Panlipunan III) Chin Chan
 

Similar to Ang kabihasnang Griyego.pptx (20)

Aralin 4: Ang Klasikal na Europa
Aralin 4: Ang Klasikal na EuropaAralin 4: Ang Klasikal na Europa
Aralin 4: Ang Klasikal na Europa
 
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copyKabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
 
Aralin 4: ANG KLASIKAL NA EUROPE
Aralin 4: ANG KLASIKAL NA EUROPEAralin 4: ANG KLASIKAL NA EUROPE
Aralin 4: ANG KLASIKAL NA EUROPE
 
Module 1 Quarter 2-With quiz.pptx
Module 1 Quarter 2-With quiz.pptxModule 1 Quarter 2-With quiz.pptx
Module 1 Quarter 2-With quiz.pptx
 
greece12-190107012752 (1).pdfbrjdjfnrnrm
greece12-190107012752 (1).pdfbrjdjfnrnrmgreece12-190107012752 (1).pdfbrjdjfnrnrm
greece12-190107012752 (1).pdfbrjdjfnrnrm
 
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
 
Ap report
Ap reportAp report
Ap report
 
kabihasnang klsikal sa Mediterranean
kabihasnang klsikal sa Mediterraneankabihasnang klsikal sa Mediterranean
kabihasnang klsikal sa Mediterranean
 
Gimang s group presentation
Gimang s group presentationGimang s group presentation
Gimang s group presentation
 
Mgarehiyongekolohikalsaafrica 120918012735-phpapp02
Mgarehiyongekolohikalsaafrica 120918012735-phpapp02Mgarehiyongekolohikalsaafrica 120918012735-phpapp02
Mgarehiyongekolohikalsaafrica 120918012735-phpapp02
 
Mga rehiyong ekolohikal sa africa
Mga rehiyong ekolohikal sa africaMga rehiyong ekolohikal sa africa
Mga rehiyong ekolohikal sa africa
 
ANG MGA MINOANS.docx
ANG MGA MINOANS.docxANG MGA MINOANS.docx
ANG MGA MINOANS.docx
 
Ap
ApAp
Ap
 
G8_M1_Q2_PPT(minoan_mycenaean_greece).pptx
G8_M1_Q2_PPT(minoan_mycenaean_greece).pptxG8_M1_Q2_PPT(minoan_mycenaean_greece).pptx
G8_M1_Q2_PPT(minoan_mycenaean_greece).pptx
 
Kabihasnang Mesopotamia- nitz
Kabihasnang Mesopotamia- nitzKabihasnang Mesopotamia- nitz
Kabihasnang Mesopotamia- nitz
 
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...
 
Aralin 9 Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece.pptx
Aralin 9 Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece.pptxAralin 9 Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece.pptx
Aralin 9 Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece.pptx
 
SINAUNANG_APRIKA.pptx
SINAUNANG_APRIKA.pptxSINAUNANG_APRIKA.pptx
SINAUNANG_APRIKA.pptx
 
Mga unang kabihasnan sa mesopotamia
Mga unang kabihasnan sa mesopotamiaMga unang kabihasnan sa mesopotamia
Mga unang kabihasnan sa mesopotamia
 
Ang Sinaunang Gresya (Araling Panlipunan III)
Ang Sinaunang Gresya (Araling Panlipunan III) Ang Sinaunang Gresya (Araling Panlipunan III)
Ang Sinaunang Gresya (Araling Panlipunan III)
 

Ang kabihasnang Griyego.pptx

  • 2. HEOGRAPIYA NG GREECE  Sumibol ang kabihasnang Griyego sa lupaing matatagpuan sa Timog- silangang Europe. Binunuo ito ng mga kalupaan na karugtong ng Balkans, ng tangway ng Peloponnese, at mga pulo tulad ng Crete at Rhodes. Nakapalibot naman sa Greece ang mga dagat na Aegean sa silangan, ang Miditeraneo sa timog, at Ionian sa kanluran. Ang mga katubigang ito ang humubog upang maging mahusay na mandaragat ang mga Griyego. Ang mga lagusang ito ay nagsilbing landas ng transportasyon, komunikasyon, at komersiyo sa iba’t-ibang kabihasnan sa Asya at Africa. Gayundin, ito ang nagsilbing daanan ng mga kaalaman at kultura mula sa mga kalapit na kabihasnang Mesopotamia at Egypt.  Katamtaman ang klima sa greece kaya mainam ang pagsasaka. Ang pangunahing itinatanim ng mga Griyego ay olibo, ubas, at trigo at nga- aalaga rin sila ng mga hayop. Gayunman maliit na bahagdan lamang ng lupain sa Greece ang mga lambak at kapatagan ginagamit sa pagsasaka dahil ang malaking bahagi nito ay kabundukan.
  • 3. - Ang Kasaysayan ng greece ay kuwento ng mga Griyego na nag-ambag sa mga kabihasnan ng daigdig ng mga pagbabago sa larangan ng pamahalaan, agham, sining, at pilosopiya. Sa kabila ng digmaan at pananalakay napanatili ng mga Griyego ang katangi-tangi nilang kultura kung kaya hanggang sa kasalukuyan ay makikita ang bakas at impluwensya ng kanilang kabihasnan sa sangkatauhan.
  • 4.
  • 5. Ang kabihasnang Minoan  Sumibol ang unang kabihasnan ng greece mula sa isla ng crete. Tinawag ang kabihasnan na minoan na hango sa pangalan ng maalamat na si haring Minos, ang sinasabing nagtatag ng kaharian sa crete.
  • 6.  Ang mga minoan ay may matataas na kalinangan sa arkitektura at mahusay na mga inhinyero. Ang labing natuklasan nila ay nagpapakita ng kahusayan sa paggawa ng palasyo.  Ang isang palasyo ay nagsisilbing sentro ng kanilang kaharian na nagtagpuan sa lungsod knossos. Binubuo ang nasabing palasyo ng maraming silid na tirahan ng hari at nakalaan para sa gawaan ng produkto (workshop) at para lagkan ng mga produktong pangangalakal. Gumawa rin sila ng tubong gawa sa luad para sa paghahatid ng malinis na tubig at mga kanal na naglalabas ng maruming tubig mula sa palasyo.
  • 7. KABUHAYAN Ang pangunahing kabuhayan ng mga minoan ay agrikultura. Nag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka, tupa, at kambing. Nagtatanim din sila ng trigo, ubas, at barley. Para ibenta ang kanilang produkto tulad ng pulot, alak, langis ng oliba, at mga alahas ay pumunta sila sa Cyprus, Egypt, Anatolia, Asia Minor, at Mesopotamia. Ang artisanong minoan ay mahusay lumikha ng ginto at cooper.
  • 8. PAGBAGSAK  Sinasabing ang matinding pagsabog ng bulkan sa isla ng thera ang naging dahilan nito noong 1400 BCE. Pagkaraan rin ng ilang taon, sumalakay naman ang mga Mycenaean mula sa Peloponnese at pinamahalaan ang isla ng crete.
  • 9. Ang Kabihasnang Mycenaean  Ang mga mycenaean ay una munang nanirahan sa mga steepe ng Eurasia bago nanirahan sa Peloponnesus noong 1900 BCE. Tinawag silang Mycenaean mula sa pangalan ng kanilang pangunahing lungsod ang mycenae. ``Panahon Homeriko’’ ang pagkakakilanlan sakanila dahil sa maraming kaalaman tungkol dito ang mababasa sa mga epikong llad at Odyssey na isinulat ni Homer. Pinatunayan ito ng mga labing nahukay sa lungsod ng troy na tulad ng mga inilarawan sa nasabing mga epiko.
  • 10. LUNGSOD ESTADO  Binubuo ng iba’t-ibang lungsod estado ang organisasyong politkal ng mga Mycenaean. Pinamumunuan sila ng mga mandirigmang hari na nakatira sa isang citadel na napapalibutan ng mga pader. Sa ibaba ng citadel ay ang mga nayon at sakahan ng mga mamamayan. Namayani ang ganitong organisasyon ng mga citadel mula sa katimugang bahagi ng Greece tulad ng tiryens at athens mula 1600 hanggang 1200 BCE.  Citadel  Kuta
  • 11. KABUHAYAN  Ang pagtatanim ng trigo, barley, oliba, at ubas at ang pagpapastol ng mga hayop ang kabuhayan ng maraming Mycenaean. Mayroon din silang industriya ng pagpapanday ng bronse at ginto, paghahabi ng tela, paglikha ng mga palayok, paggawa ng pabango, at pagkuha ng langis mula sa oliba. Iniluwas nila ang kanilang produkto sa Asia Minor, Egypt, Sicily, Phoenicia at Mesopotamia. Ang sistema ng pagsulat ay hiniram nila sa Minoan at hinango rin nila sa mga minoan ang mga disenyo nila sa mga ipinintang fresco, alahas, at palayok.  Fresco  Paraan o sining ng pagpipinta sa basa at bagong lagay na plaster upang manuot ang kulay.
  • 12. PAGBASAK  Humina ang kaabihasnang Mycenaean nang manirahan sa Peloponnese ang mga Griyegong porlanbna mula sa hilagang Greece. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Dorian at Mycenaean na humantong sa pagkasira ng mga tao patungo sa ibang lugar. Tumigil ang kalakalan at pati ang sining at ang pagsulat rin ay nakalimutan ng mga tao. Tinawag ang panahong ito na panahon ng kadiliman o Dark Ages na nagsimula 1100 BCE at tumagal hanggang 800 BCE.  Tumagal din ng ilang dantaon ang panahon ng kadiliman sa loob ng mga taong ito, unti-unting nabuo ang isang mga polis na isa sa mga pangunahing humubog sa kabihasnang Helleniko.
  • 13. KABIHASNANG HELLENIKO  Nagsimula mamayapag ang kabihasnang Helleniko at maging ang pangalan ng kanilang lupain na Hellenes ay hango sa maalamat na si Hellen, ang itinuturing na ina ng lahat ng mga Griyego.
  • 14. LUNGSOD ESTADO  Sa lungsod estado ng Greece, nagtatag ang griyego ng mga bagong kolonya sa Anatolia, Italy, at katimugang France nakatulong upang lalong lumawak sa iba’t- ibang lupain ang impluwensyang Helleniko sa larangan ng wika,pagsulat, relhiyon, at sining.
  • 15. PAMUMUHAY  Noong 800 BCE nagwakas ang panahon ng kadiliman dahil nagkaroon ng panibagong sigla ang mga lunsod estado ng Greece. Muling bumuti ang agrikultura at industriya kasabay ng paglaki ng popolasyon at sa pakikipagkalakalan naman ay muling nabuhay ang pakikipag-ugnayan ng mga Griyego sa ibang mga kabihasnan tulad ng Phoenicia, Egypt, at mga kaharian sa Asia Minor.
  • 16. PAGSIBOL NG MGA POLIS O MGA LUNGSOD - ESTADO  Pasapit ng 600 BCE, nabuo bilang pangunahing yunit politikal ang mga polis o lungsod estado sa Greece. Ang polis ay binubuo ng tatlong bahagi.  ACROPOLIS  makikta sa acropolis ang mga templo at gusaling panrelihiyon karaniwang itinatayo ang mga ito sa matatas na pook tulad ng burol at panalilibutan pa ng mga pader.  TAHANAN AT NG AGORA O PAMILIHAN matatagpuan ang mga ito sa ibaba ng acropolis.  NAKAPALIGID NA KANAYUNAN kadalasan ang lawak ng teritoryo ng polis ay tinatayang nasa 50 hanggang 500 milya kwadrado at tinitirahan ng mahigit 20,000 na mamamayan. o POLIS  Malayang pamayanan na may sariling pamahalaan.
  • 17. PAMAMAHALA May ilan na nasa ilalim ng pamahalaang monarkiya at may ilan na nasa aristokrasya.  Aristokrasya pinamamahalaan ng maliit na pangkat ng pamilyang maharlika na nagmamay-ari ng mga lupain. Kalaunan, umusbong ang pangkat ng mayayamng mangangalakal sa ibang lungsod at nakikipagalyansa sa mga aristokratikong pinuno upang mamahala sa lunsod estado. Ang nabuong urii ng pamahalaan ay tinawag na oligarkiya na pinamumunuan ng lang makapangyarihang tao. TIRANYA Isang pamahaalaan ng isaang tao na tinawag na tirano. Ang pamumuno ng isang tirano ay hindi namamana o nakakamit sa pamamagitan ng posisyon sa lipunan,bagkus ay nagmumula sa kanyang personal na lakas. Sa uri ng pamahalaang ito, sumulong ang mga pagbabago bg pamamahal na nagbigay-daan sa pagsilang ng demokrasya TIRANIYA  Pamahalaang naitatag gamit ang sapilitang pagkuha ng kapangyarihan na taliwas sa nakasanayang pagmana ng katungkulan.
  • 18. ANG PANIBAGONG AANYO NG PAKIKPAGLABAN  Noong panahon ng dorian,nagkaroon ng panibagong estratehiya ang mga Griyego, tanging mayayaman lamang ang may kakayahan na mag-armas ng mga sibat, kalasag, baluti, at sumakay sa karwahe na yari sa bronse. Ngunit sa pagkalat ng kaalaman sa pagpapanday ng bakal, maging ang mga karaniwang mamamayan ay nakaroon ng pagkakataon na makagamit ng armas at nakatulong sa pangangalaga ng kanilang polis.  Kabilang noon sa hanay ng mga manirigmag Griyego ang mga Hoplites na may dalang sibat at kalasag. Phalanx o maayos at dikit-dikit na pagkakahilera ng kanilang mga sundalo at ito ay kinatakutan noon ng mga kalaban ng mga griyego. Ang nagsisilbing depensa at opensa ng mga griyego sa paglupig ng kanilang mga kalaban ay ang mga magkakatabing kalasag at nakausling mga sibat .
  • 19. ANG DALAWANG MAGKARIBAL NA POLIS  Dalawang polis noon ang nagunguna sa kabuuan ng greece ang Sparta at ang Athens. Malaki ang kaibahan sa isa’t-isa ng dalawang lungsod-estado na ito kung pagbabatayan ang pamahalaan at lipunan. Sinasabing kung ang pag-uusapan ay lakas ng hukbong militar,nahihigpitan ng Sparta ang athens. Ngunit kung ang pag- uusapan naman ay ang larawan ng karunungan, sining at kultura, sinasabing nahihigpitan ng Athens ang Sparta.
  • 20. SPARTA Matatagpuan sa katimugan ng Peloponnesus ang polis ng sparta. Natatangi ang mga spartan dahil nagtayo sila ng isang militariskong pamahalaan. Ang pamhalaan ng Sparta ay binubuo ng dalawang pangkat, ang Asemblea at ang Konseho ng matatanda ( Council of Elders). Asemblea  Binubuo ng kalalakihan at mga hinirang na opisyal na boboto sa mahahalagang isyu at patakaran.  Konseho ng Matatanda  nagpapanukula ng mga batas sa Asemblea. Mayroon ding limang hinirang na opisyal na tinawag na ephors.  Ephors  Sila ang nagpapatupad ng mga ipinasang batas at sila rin ang may kontrol sa edukasyon at paglilitis ng mga kaso.
  • 21.  Hindi nagtayo ng mga kolonya ang Sparta sa ibang mga isla. Sa halip sinakop nila ang Messenia sa Peloponnese nooong 725 BCE at ang mamamayan nito ay naging mga helot. Nagsilbing mga magsasaka ang mga helot at ang kalahati ng kanilang ani ay ibinibigay nila sa mga spartan. Noong 600 BCE tinangka ng mga Messenian na mag alsa laban sa mga spartan ngunit natalo rin sila sa huli. Mula noon, itinuon na ng mga pinunong Spartan ang pagtatayo ng isang matatag at malakas na lungsod.
  • 22. LIPUNAN  Nahahati sa iba’t-ibang antas ang lipunan ng mga Spartan ang spartiatai, perioeci, at helot.  Spartiatai • Mga mamamayang inapo ng mga orihinal na nanirahan sa Sparta. Sila ang mga nagmamay-ari ng lupa at sila rin ang mga opisyal ng pamahalaan. • Perioeci  ay yaong mga hindi mamamayan ng sparta ngunit malaya. Nakatuon ang kanilang kabuhayan sa komersiyo at industriya.  Helot • ang pinakamahabang antas sa lipunang Spartan. Maari silang magsilbi bilang kasambahay o kaya ay mapalibang sa mga mandirigmang hoplite.
  • 23. EDUKASYON  Sa larangan ng edukasyon, nakasentro ang pang-araw-araw na buhay ng kalalakihang Spartan sa mga militar na pagsanay. Sa gulang pa lamang na pito, naninirahan na ang mga kabataang lalaki sa mga kuwartel ng hukbo upang masimulan ang pagsasanay sa pagkasundalo. Bumabalik lamang sila sa kanilang tahanan pagtuntong nila sa gulang 21 upang mag- asawa. Ang mga pagsasanay na ito ay nagbunga ng matitikas at matatapang na sundalong Spartan.  Samantala ang kababaihan ay nakaranas din ng mahigpit na pagtuturo. Bagama’t hindi sila sa isinasali sa pagsasanay- militar, inihahanda sila sa pamamagitan ng pagtakbo, pagbuno ( wrestling) at iba pang palakasan. Pinahahalagahan sakanila ang pagmamahal sa Sparta higit pa sa pamilya at sarili. Sa pagtanda ang kababaihan ang nagpapalakad ng kabuhayan samantalang ang kanilang mga asawa ay nagsisilbi sa polis.
  • 24. ATHENS  Matatagpuan sa kapatagan ng Attic ang polis na kilala sa tawag na Athens. Bantog ang mga Athenian sa pagtatag ng isang pamahalaan na tumatalima sa demokrasya.  Sa ilalim ng demokratikong pamahalaan, binigyan ng karapatan ang mga mamamayan na makilahok sa paglikha ng desisyon sa pamahalaan. Gayunman tanging malalayangh kalalakihan lamang ang kinikilala bilang mamamayan ng Athens. Ang kababaihan, dayuhan, at mga alipin ay hindi kinikilala bilang mga mamamayan at mayroon lamang kaunting karapatan.
  • 25. REPORMANG PAMPOLITIKA AT PANGKABUHAYAN  Katulad ng ibang polis nagkaroon din ng sigalot ang mayayaman at mahihirap na athenian. Ikinagalit ng mga magsasaka at ang mga mangangalakal ang hindi maayos na pamamahala ng mga archon (opisyal na pamhalaan) na humantong sa kaguluhan. Naiwasan lamang ng mga Athenian ang digmaang sibil nang magkaroon ng mga reporma sa pamahalaan.  Noong 621 BCE, inilibas ang kodigo ng mga batas na nilikha ni Draco. Naniniwala si Draco na ang mga batas na may mabibigat na kaparusahan ay pipigil sa anumang krimen at kaguluhan. Isang halimbawa ng kaniyang batas ay kapag nakapatay ang isang tao, ang karampatang parusa ay pagpapatapon (exile) sa ibang lupain. Debt Slavery isang patakaran na hinahayaan ang mga magsasaka na manilbihan para mabayaran ang klanilang pagkakautang. Gayunman ang ganitong patakaran ay muling nagtulak sa mga athenian sa bingit ng isang digmaang sibil.
  • 26.  Pagsapit ng 594 BCE hinirang ang mambabatas na si Solon upang isaayos ang pamamahala sa Athens. Binuwag nya ang patakarang debt slavery kasaby ng pagpapalaya sa mga inalipin dahil sa pagkakautang. Sa ganitong paraan, naiwasan ang digmaang sibil.  Nagpalabas din ng batas si Solon na ang lahat ng mga mamamayan ng Athens ay makibahagi sa mga debate sa pagbuo ng mga patakaran sa Elesia (Asemblea). Binigyan din nya ng karapatan ang mga mamamayan na ihabla ang sinumang lumalabag sa batas. Hinimok niya ang mga magsasaka na magtanim ng mga ubas at oliba upang mailuwas sa ibang mga bayan nang sa gayon ay mapalaki ang kita.  Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong pampolitika at pangkabuhayan, hindi pa rin natigil ang hidwaan ng mayayaman at mahihirap. Mas pinaburan ng mga patakaran ni Solon ang mahihiorap kaysa sa mayayaman. Nagalit sa huli at nagkaroon ng kaguluhan na naging dahilan sa pagpapatalsik kay Solon at pinalitan siya ni Pisistratus.
  • 27.  Noong 546 BCE, nagwakas ang mga kaguluhan at kinilala si Pisistratus bilang unang tirano ng Athens. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, pinagbuti niya ang pagsasaka sa pamamagitan ng pagsasaayos sa irigasyon at pamamahagi sa mga magsasakla ng mga kagamitang pang-agrikultura. Nagpatayo si Pisistratus ng mga gusali, templo, at pagsuporta sa sining na nagpaganda at nagbigay trabaho sa mahihirap na nakdagdag sa suporta sa kaniyang pamamahala. Ngunit dahil malupit na pinuno si pisistratus at hindi sya nakikinig sa kaniyang mga mamamayan, kalaunan ay muling humingi ng pagbabago sa kanilang pamumunuan ang mga Athenian.  Hinirang na pinuno si Cleisthenes noong 508 BCE na nagpatupad ng reorganisasyon sa pamahalaan. Binuwag niya ang apat na tribu ng mga maharlika na may kontrol sa Eklesia sa pagpapahintulot sa sinumang mamamayan na makibahagi sa pagsumite, pagdebate, at pagpasa ng batas. Binuo rin ni Cleisthenes ang Konseho ng 500 ( Council of 500) na ang tungkulin ay magpanukala ng batas at magpayo sa Eklesia. Nakilala rin ang kaniyang pamunuan na sa patakarang ostrasismo na ipinatatapon sa ibang lugar ang sinumang mamammayan na banta sa kaayusan ng pamahalaan at lipunan.
  • 28.  Unti-unting lumawak ang mga teritoryong nasasakupan ng Persia sa ilalim ng pamumuno ni Cyrus II. Sinakop ng mga Persyano ang mga kaharian at mga kolonya ng mga polis ng Greece sa Asia Minor. Sapagpanaw ni Cyrus II, ipinagpatuloy ng kanyang anak na si Cambyses ang pagsakop sa Egypt. Noong 522 BCE nasawi Cambyses habang naglalakbay sa Syria.  Humalili kay Cambyses bilang hari si Darius I.Ipinagpatuloy ni Darius I ang patakaran ng mga naunang hari sa imperyong persyano. Pinanatili niya ang katutubong kultura at pananampalataya ng mga tao upang mapanatili ang kapayapaan sa imperyo at maiwasan ang anumang pag-aalsa.  Hinati ni Darius I ang imperyong Persyano sa 20 satrapy ( lalawigan) na pinamamahalaan ng mga satrap (gobernador). Mayroon din siyang mga espiya na nagmamasid at nag-uulat sa kaniyang mga pangyayari sa bawat satrapy.  Natalo ang puwersang Griyego sa Digmaan sa Lade noong 494 BCE. Dahil sa pag- alsa ng mga lungsod-estado ng Greece sa Asia Minor noong 499 hanggang 494 BCE pinagunahan ng lungsod ng Ionia ang pakikipaglaban sa persyano. Suportado ng mga Athenian ang Ionian. Nagkaroon ng kasunduang pangkapayapaan ang mga Ionian sa mga Persyano na nagwakas sa rebelyon ng mga Griyego sa Asia Minor.
  • 29. LABANAN SA MARATHON  Ang pakikialam ng Athens sa mga lupaing sakop ng Persia ang nagtulak kay Darius I na salakayin ang polisng Athens bilang paghihiganti sa pagtulong nito sa mga rebeldeng Ionian. Noong 490 BCE, isang plotang Persyano ang sumalaky sa kapatagan ng Marathon. Doon, hinarap sila ng hukbong Athenian na nakaayos sa mga phalanx at pinamunuan ni Heneral Militiades. Sa labanang naganap, natalo ng mga athenian ang mga Persyano.  Ayon sa tradisyong pasalita, matapos ang labanan ay inututusan ng isang opisyal ng hukbo ng Athens ang mananakbo (runner) na si Philippides upang ibalita sa Athens ang tagumpay ng Hukbong Athenian sa Marathon. Bahagi rin sa mensaheng ipinarating ng opisyal ang pagbilin sa mga naiwang nagtatanggol ng Athens na huwag isusuko ang lungsod s paparating na hukbo ng Persia.
  • 30. LABANAN SA THERMOPYLAE Pagsapit ng 480 BCE, muling tinangka ng mga persyano na salakayin ang Athens. Pinamumunuan ni Xerxes, anak ni Darius I, ang isang malaking plota ng mga barko at mga mandirigma na sasalakay sa Greece.Tinawid ng hukbo ni Xerxes ang Hellespont at naglakbay sa mga kabundukan sa hilagang Greece patungong Athens. Sa paglalakbay ng Hukbong ni Xerxes, knailangan nilang tawirin ang isang paso (pass) sa Thermopylae na hinarangan ng mga mandirigmang Griyego kabilang na ang 300 Spartan. Sa pamumuno ni Haring Leonidas Spartan, hindi nakatawid sa paso ang mga Persyano sa tatlong araw . Ngunit may isang taksil na nagbunyag na lihim na daanan sa itaas ng lagusan. Muling sumalakay ang mga Persyano at sa naganap na labanan, nasawi ang mga mandirigmang Spatan kasam ang kanilang hari na si Leonidas. Nagpatuloy ang hukbong Persyano patungong Athens na kanilang kinubkob at sinunog.
  • 31. LABANAN SA SALAMIS Bagama’t nalupig ang hukbong Griyego sa Thermopylae at naakop ang Athens, hindi pa rin sumuko ang mga Griyego at hinanda nila ang kanilan dagat laban sa puwersa ng Persia. Nagharap ang puwersa ng mga Griyegong at Persyano sa isang kipot sa isla ng Salamis noong 480 BCE. Sa pamumuno ni Themistocles, sinugod ng mga Tireme (mga galley ng Athens) ang plota ng mga Persyano at kanila itong pinalubog.
  • 32. o Dahil sa pagkatalong ito n mga Persyano napilitang bumalik sa Asia Minor si Xerxes at iniwan ang pamamahala ng hukbong lupa sa kaniyang na si Mardonius. o Sa digmaang ito, makikitang bagama’t magkasalungat ang Athens at Spata, Nagkaisa ang mga Polis na it upang labanan ang mga Persyano. Natalo sila sa labanang kanilang pinagunahan laban sa mga persyano, at sa huli ay ang mga Athenian ang nagtatagpo at nagpanalo ng Digmaan.
  • 33. MGA ALYANSA  Umatras ang mga Persyano pagkaraan ng mga pagkatalo nito sa mga labanan tulad nang naganap sa Salamis. Nangamba ang ibang polis sa Griyego sa banta na muling pagsalakay ng Persia.Dahil sa pangambang ito nagpulong noong 478 BCE sa isla ng Delos ang kinatawan ng 140 polis ng Greece maliban sa Sparta. Napagkasunduan nilang bumuo ng isang alyansa na may layuning kalabanin ang Persia. Ang alyansang nabuo ay tinawag na Delian League o Confederation Of Delos.  Sa pamamagitan ng Delian League, naitaboy ang mga Persyano sa mga teritoryong malapit sa Greece. Nagpagawa rin ang liga ng mga barkong pandigma na mangangalaga sa mga polis mula sa oagsalaky ng mga Persyano. Maituturing iton simula ng pagbabagong anyo ng Athens mula sa isang Polis patungo sa isang imperyo. Sa pamamagitan din ng liga, nakamit ng Athens ang ginintuan nitong panahon.
  • 34. DIGMAANG PELOPONNESIAN Walang nagawa ang Sparta sa pagsikat at paglakas ng Athens. Subalit nang nagsimulang panghimasukan ng Athens ang mga interes ng Sparta, nagsimula na ring magkaroon ng hindwaan ang dalawang lungsod-estado. Ito ang nagbunsod sa Digmaang Peloponnesian. Ang dahilan ng digmaang Peloponnesian ay ang panggigipit ng athens sa kalakalan ng mga Polis ng Corinth at Megara na kaalyado ng Sparta. Sinalakay ng sparta ang Athens dahil batid ni Pericles, pinuno ng Athens, ang kahusayan ng hukbong panlupa ng Sparta, kaagad niyang ipinag-utos sa kaniyang mga mamamayan na manirahan sa moog ng lungsod ng Athens. Malyang nakapaglalayag doon ang mga barko ng Athens para makakuha ng pagkain mula sa kolonya at kaalyadong lungsod. Ipinatupad ni Pericles ang estratehiyang iiwasan ng hukbong Athens ang Direktang pakikipaglaban sa hukbong Sparta at sa halip ay pakubling sasalakayin ang mga kaalyado ng mga Spartan mula sa karagatan. Epiktibo sana ang plano ni Pericles ngunit may kumalat na sakit sa Athens na ikinasawi ng mga maraming tao at kabilang na rin si Pericles kung kaya nawalan ng mahusay na lider ang mga Athenian. Tumagal pa nang siyam na taon ang Digmaang Peloponnesian bago tuluyang sumuko ang athens noong 404 BCE Matapos ang digmaan,nawala ang kapangyarihan at yaman ng Athens. Hindi natugunan ng mga naging pinuno nito ang pangangailangan ng mga mamamyan kaya tuluyang humina ang kanilang pamahalaang demokratiko.
  • 35. AMBAG NG KABIHASNANG GRIYEGO  Napakalaki ng pamana ng kabuhasnang Griyego sa sangkayauhan. Nagmula ang konsepto ng demokratikong pamamahala na tinutularan ng maraming bansa sa ngayon. Ang husay nila sa sining, pilosopiya, at panitikan, ay patuloy na nagsilbing gabay at inspirasyon ng mga tao iba’t-ibang panig ng mundo.
  • 36. SINING AT ARKITEKTURA PAGLILILOK  Noong ginintuang panahon ng Athens, nakamit ng mga Griyego ang kahusayan sa sining ng paglililok. Lumikha ang mga eskultor ng mga estatwa na maayos at perpekto ang pangangatawan at may masining na porma ngunit walang emosyon. Ang estatwa ni Athena sa loob ng Partheno at ang estatwa ni Zeus sa templo sa Olympia ay nilikha ni Phidas, ang itinuturing na pinakmahusay na eskultor sa buong Greece noon.
  • 37. PAGPINTA Mula sa mga palayok,makikita ang nalalabing halimbawa ng sining ng pagpinta ng mga Griyego. Ipininta nila ang buhay ng mga karaniwang tao, tagpo mula sa mga digmaan, labanan ng mga atleta at mga pangyayari mula sa mga epiko.
  • 38. ARKITEKTURA  Ang pinakatanyag na gusaling itinayo ng mga Griyego ay ang Parthenon na magtatagpuan sa Acropolis ng Athens. Ito ay isang templong nilaan para sa diyosang si Athena. Ang disenyong ng Parthenon ay sumusunod sa prinsipyo ng balanc, proportion, at harmony. Ginamit ng mga Griyego ang marmol bilang materyales sa pagtayo ng parthenon mula sa mga pader, kolum, at mga palamuting nililok sa gusali  Mayroong tatlong disenyo ang kolumn ng mga Griyego ang Doric, Ionic, at Corinthian.  Doric  Ang pinakasimple sa mga disenyo ng mga haliging Griyego. Wala itong base at bilugan ang tuktuok nito.  Ionic  Haliging na may disenyong vulutes o hugis ng nirolyong manuskrito.  Corinthian  Haliging may disenyo ng mga halaman at nirolyong manuskrito at mayroon itong simpleng base.
  • 39. PANITIKAN  Epiko  Nagsimula ang panitikang Griyego mula sa mga epiko na naglalahad ng kabayanihan ng kanilang lahi sa panahon digmaan. Kinikilala bilang pangunahing kuwentista ang isang bulag na Griyego na nagngangalang Homer. Sinasabing ang kaniyang dalawang epiko, ang Iliad at Odyssey, ay nalikha sa mga taong 750 hanggang 700 BCE.  Ginamit ng tagpo ni Homer ang Troy para sa kaniyang unang epiko na Iliad. Patungkol ito sa pagbawi ng mga Griyego kay Reyna Helen ng Sparta na itinakas ni Prinsipe Paris at dinala sa Troy. Upang maibangon ang puri ni Haring Menelaus ng Sparta, nagkaisa ang mga kahariang ng Greece na salakayin ang Troy upang mabawi si Helen. Nagwakas ang epiko sa tagumpay ng mga Griyego at pagkalupil sa mga Trojan.  Patungkol naman sa paglalakbay ni Odysseus ang ikalawang epikong tinawag na Odyssey. Sa epikong ito, inilahad ang iba’t-ibang pagsubok at panganib na kinaharap ni Odysseus makabalik lamang sa kaniyang bayan ng Ithaca. Tumagal nang 10 taon ang paglalakbay ni Odysseus bago siya nakabalik sa kaniyang bayan.  Bukod sa mga epiko, lumikha rin ang mga makatang Griyego ng mga tula bilang parangal sa kanilang mga natatanging mamamayan, mga bayani, at mahuhusay na atleta. Ang mga sinulat na tula ni Pindar tulad ng Pythian odes ay pagpupugay sa husay ng mga atleta. Mayroon ding mga bumuo ng berso patungkol sa pag-ibig at pakikipaglaban tul;ad ng mga gawa ng makatang si Sappho.
  • 40. DRAMA  Ang sining ng pag-arte sa pamamagitan ng drama ay pinasimulan ng mga Griyego. Nagsimula ang drama bilang bahagi ng mga pistang panrelihiyon na itinatanghal sa mga teatro. Kalimitang tema sa mga drama ay patungkol sa pamumuno, katarungan, at tungkulin sa diyos. Kalaunan, sumibol ang dalawang anyo ng Drama ang Trahedya at ang Komedya.  Trahedya  Seryosong drama na patungkol sa tema ng pag-ibig, poot, digmaan, o pagtaksil, kadalasan, ang bida ay isang taong may natatanging kakayahan at ang sanhi ng kaniyang pagbagsak o kabiguan ay hubris o pagmamalaki (pride).  Ilan sa mga kilalang manunulat ng Trahedya ay sina Aeschylus, Sophoclaes, at Euripides. Sinulat ni Aeschylus ang dramang Orestia na patungkol sa buhay ng pamilya ni Agamemnon, pinuno ng hukbonh Griyegong na sumalakay sa Troy. Si Sophocles naman ang sumulat ng dramang Oedipus Rex at Antigone. Isinulat naman ni Euripides ang dramng Medea na patunkol sa kalagayan ng kababaihan. • Katatawanan o anyo ng komedya  Kadalasan, satiriko ang anyo ng pagtatanghal na ginawang katawa-tawa ang mga kostumbre, kasaysayan, at politika ng mga Griyego. Ilan sa mga halimbawa ng komedta ay ang isinulat ni Aristophanes na Lysistrata, Ornithes (The Birds), at Sphekes (The Waps).
  • 41. PAGSULAT NG KASAYSAYAN  Ang mga Griyego ang naglagay ng pamatayan sa wastong pagsusulat ng kasaysayan. Sinuri nila ang mga pangyayari at inalam ang mga dahilan na nagbunsod nito. Binigyang halaga rin ng mga Griyego ang pagsasaliksik at ang pagiging patas o walng kinikilingan sa pagsulat ng kasaysayan.  Kinilala bilang `` Ama ng kasayasayan ‘’ si Herodotus dahil sa kaniyang isinulat na The Histories. Inilahad sa naturang aklat ang mga dahilan at pangayayring naganap sa digmaan ng Greece at Persia. Nakapaloob din sa aklat ang pananaliksik nu Herodotus sa sinaunang kasasayan at alaman ng mga lluoain na kaniyang pinuntahan. Ang mga detalyeng nilikom ni Herodotus ay mula sa kaniyang pakikipagpanayam sa mga saksi.  Si Thucydides naman ay nagsulat ng patungkol sa digmaang Pelopponesian. Isinalaysay niya ang kabangisan at paghihirap sa panahon ng digmaan. Bagama’t isa siyang Athenian, iniwasan niyang paboran ang Athens ay naging patas suya sa paglalahad ngmga pangyayari sa naturing digmaan.
  • 42. PILOSOPIYA  Ang mga Griyego ay masisigasig na naghanap ng mga kasagutan kung paano maipapaliwanag ang kalikasan at ang tungkulin n tao sa mundo. Ang pagsikap na ito ay humantong sa paglago ng pilosopiya. Sa simula, nakatuon ang atensyon ng mga pilosopo sa pagbibigay-linaw sa pisikal na kapaligiran. Ngunit sa paglipas ng panahon, natuon na ang kanilang pagsusuri sa kalikasan ng tao (nature of man).  Pilosophy  Hango ito sa katagang Griyego na philo na nangangahulugang ``nagmamahal’’ at sophia na nangangahulugang ``karunungan’’.
  • 43. Thales Si Thales. Na mula sa Miletus, ang isa sa mga naunang pilosopong Griyego. Naniniwala siya na ang lahat ng mga bagay ay nagmula sa tubig. Ang pinagbatayan ng kaniyang paniniwala ay ang obserbasyon na ang tubig ay nagbibigay- buhay at nakabubuo ng mga bagay. Ang kahalagahan ng ginawa ni Thales ay ang paggamit ng obserbasyon at lohika upang bigang-linaw ang bagay-bagay.
  • 44. Pythagoras Si Pythagoras, na mula Samos, ay bantog sa kaniyng malaking ambag sa matematika. Siya ang bumuo ng Pythagorean Theorem na patungkol sa mga right angle. Naniniwala si Pythagoran na lahat ng mga pangyayari (phenomene) ay naipapaliwanag sa pamamagitan ng numero.
  • 45. Democritus Ayon kay democritus ng Abdera, ang mundo ay binubuo ng maliliit at solidong bgay na tinatawag na atoms. Ayon sa kaniya, ang kulay, hugis, at anyo ng isang bagay ay nakabase sa laki at pagsama-sama ng mga karunungan ay hindo nagmula sa paggamit ng limang pandama bagkus ay mula salikas na kaalaman ng tao.
  • 46. Mga Sophist  Tinawag na Sophist ang ilang mga guro sa Greece noong ika-5 at ika-4 na sigli BCE. Tinuruan ng mga Sophist ang kanilang mga mag-aaral ng retorika, musika, matetematika, at ang mga asal na kailangan sa politka. Si Protagoras isa sa mgatanyag ng Sophist, ang nagpahayag na `` walang pangkahalatang pamantayan ng katotohanan’’ Ibig iparating ni Protagoras na may sariling opinyon ang bawat tao, na ang tama sa isa ay maaaring mali sa iba.
  • 47. Socrates Mula sa Athens ang pilosopong si Socrates. Hinimok ni Socrates ang kapuwa niya Athenia na tanungin ang kanilang sarili at suriin ang kanilang moralidad. Sinabi ni Socrates na ``ang buhay na hindi sinuri ay hindi dapat isabuhay’’ (the unexamined life is not worth living). Hangad ni Socrates na pagbutihin ang moralidad ng mg Griyego. Si Socrates din ay bumuo ng isang paraan ng pagsisiyasat na tinawag na Socratic Method. Iyo ang paraan ng pagtatanong at pagsagot ng dalawang tao upang humantong sa isang pangkahalatang kasagutan o ideya. Noong 399 BCE, nilitis ang 70 taong gulang na pilosopo sa kasong pagsira sa kaisaipan ng kabataang Athenian at pagtuligsa sa mga diyos ng lungsod. Ipinagtanggol ni Socrates ang sarili at sinabi niya na ang kaniyang mga aral ay nakabubuti sa Athens dahil sa inuudyok nito ang mga tao na pagisipan ang kanilang mga kaasalan at pagkilos. Gayunaman, hindi ito sinang-ayunan ng mga hukom at hinatulan siya ng kamatayan.
  • 48. Plato Isinulat ni plato, mag-aaral ni Socrates, ang mga pakikipag- usap niya sa kaniyang guro. Ito ay tinawag na Dialogues. Mula 385 at 380 BCE, tinapos ni plato ang kaniyang akdang may titulong The Republic na naglalman ng ideyal na lipunan at pamahalaan. Naniniwala si plato na ang dapat na maging hari ay isang pilosopo upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang mga mamamayan.
  • 49. Aristotle Ang mag-aaral ni Plato na si Aristotle ay isang pilosopo na masigasig na pinag- aralan ang pisika, politika,lohika,retorika etika, biolohiya, at zoolihiya. Binigyang-diin niya ang paggamit ng obserbasyon at pagsuri upang makabuo ng isang kongklusyon. Sa kasalukuyan, ang paraang ito ang basehan ng scientific method na ginamit ng mga siyentista. Ang ilan sa mga natatanging isinulat ni Aristotle ay ang politics na tumatalakay sa iba’t-ibang uri ng pamahalaan, konstitusyon, at mga salik na bumuo sa isang pamayanang pulitikal. Sa akda naman niyang Physics, ipinapaliwanag ang mga sanhi ng pagkilos o paggalaw ng mga bagay. Patungkol sa etika ang mga akdang Magna Moralia, Nicomachean Ethics, at Eudemian Ethics,
  • 50. Palakasan  Malaki rin ang naiambag ng mga Griyego sa larangan ng mga palakasan. Pinahalagahan ng mga Griyego ang maayos na pangangatawan kung kaya nagtayo sila ng mga gymnasium. Sa loob ng gymnasium , maaaring tumakbo,mag- ehersisyo, at mag-wrestling ang mga tao upang palakasin ang kanilang mga katawan. Nagmula rin sa Greece ang Olympic Games, isang palarong ginaganap tuwing ikaapat na taon bilang pagparangal sa diyos na si Zeus . Nagpadala ang mga polis ng kanilang pinakamahusay na atleta upang lumaban sa pagtakbo, discus,throw,javelin, at wrestling.
  • 51. Paniniwalang Griyego  Politiestikong ang paniniwala ng mga Griyego. Mayroon silang iba’t-ibang diyos na pinaniniwalaan nilang may kapangyarihan sa kalikasan na tumutulong sa kanilang pamumuhay. Bilang pasasalamat sa kanilang mga diyos, nagpatayo ang mga Griyego ng mga templo at nagdaraos sila ng mga seremonya at mga pista para sa mga ito.  Itinulad din ng mga Griyego ang kanilang mga diyos sa mga tao na marunong magpalit. Magmahal, matuwa, maiggit, o mapoot. Pinaniniwalaan na madalas na nag-aaway ang mga diyos at ang mga tao ang ginagamit nilang pain sa kanilang mga alitan.  Naniniwala ang mga Griyego na makatira sa bundok Olynpus ang kanilang mga diyos. Si Zeus ang kinikilala bilang hari ng mga diyos at ang asawa niyang si Hera ang diyos ng kababaihan at pagpapakasal. Ang kanilang mga anak may sina Aphrodite, ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig; Apollo, ang diyos ng digmaan; Artemis ang birheng mangangaso at diyosa ng buwan; at athena, ang diyosa ng karunungan at sining. Mga kapatid naman ni Zeus sina Poseidon, ang diyos ng karagatan.