SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
Sitti Nurhaliza: Ginintuang 
Tinig at Puso ng Asya 
ni Jan Henry M. Choa Jr. 
Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti 
Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng 
iba’t ibang parangal sa pag-awit hindi lamang sa kaniyang 
bansa kundi maging sa pang-internasyunal na patimpalak. 
Isa na rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya 
ang Grand Prix Champion mula sa Voice of Asia Singing 
Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan. 
Labing-anim na taong gulang siya nang pumasok sa 
larangan ng pag-awit. Dahil sa likas na talento sa pag-awit, 
narating niya ang rurok ng tagumpay bilang multiple-platinum 
selling artists sa Malaysia. Sinundan ito ng mga 
di-mabilang na pagkilala mula sa mga prestihiyosong 
gawad-parangal tulad ng MTV Asia, Channel V, Anugerah 
Juara Lagu Malaysia. 
Hindi lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay 
isang manunulat ng awit, record producer, presenter o 
modelo at mangangalakal. Sa katunayan, siya ay 
nagmamay-ari ng produktong Ctea, isang tsaa sa Malaysia. 
Mayroon din siyang sariling production company, Sitti 
Nurhaliza Production na nasa larangan ng entertainment.
Siya rin ay itinuturing na isa sa 
pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang artista sa 
Malaysia.. Sa kabila ng pagiging sikat at mayaman ay hindi 
nalilimutan ni Sitti Nurhaliza ang magkawanggawa. 
Nakikibahagi at nakikiisa siya sa maraming gawaing-kawanggawa 
sa loob at labas ng Malaysia. Ito ay isa sa 
maganda niyang katangian. Marunong siyang tumulong sa 
kaniyang kapuwa bilang pagbabalik-biyaya sa kaniyang 
mga tinatamasa. 
Tunay na ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliz ang 
kaniyang mga kababayan bilang Asyano na may sadyang 
husay sa pagkanta at may natatanging kontribusyon sa 
larangan ng musika. Ang kaniyang magandang tinig at 
mabuting kalooban bilang isang babaeng Muslim na mang-aawit 
ay isa lamang sa mga katangiang nagugustuhan ng 
kaniyang mga tagatangkilik. Isang idolo na may ginintuang 
tinig at ginintuang puso ng Asya.

More Related Content

What's hot

Hambingan ng pang uri
Hambingan ng pang uriHambingan ng pang uri
Hambingan ng pang uriJenita Guinoo
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagAllan Lloyd Martinez
 
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng KahuluganIba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng KahuluganRosemarie Gabion
 
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng AsyaAP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng AsyaJuan Miguel Palero
 
Filipino 7 2nd quarter
Filipino 7  2nd quarterFilipino 7  2nd quarter
Filipino 7 2nd quarterGraceJoyObuyes
 
Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Jenita Guinoo
 
Presentasyon-ng-Ikalawang-Pangkat (1).pptx
Presentasyon-ng-Ikalawang-Pangkat (1).pptxPresentasyon-ng-Ikalawang-Pangkat (1).pptx
Presentasyon-ng-Ikalawang-Pangkat (1).pptxREFERINDARAMOS1
 
Iba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong IsyuIba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong IsyuJaime jr Añolga
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaPRINTDESK by Dan
 
Malayang Taludturan
Malayang TaludturanMalayang Taludturan
Malayang Taludturanrosemelyn
 
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salitaDenotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salitaOliverSasutana
 

What's hot (20)

Hambingan ng pang uri
Hambingan ng pang uriHambingan ng pang uri
Hambingan ng pang uri
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
 
Popular na babasahin
Popular na babasahinPopular na babasahin
Popular na babasahin
 
Elemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysayElemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysay
 
Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng KahuluganIba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
 
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng AsyaAP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
AP 7 Lesson no. 4: Suliraning Pangkapaligiran ng Asya
 
Filipino 7 2nd quarter
Filipino 7  2nd quarterFilipino 7  2nd quarter
Filipino 7 2nd quarter
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
 
Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7
 
Konsensya
KonsensyaKonsensya
Konsensya
 
Masusing banghay aralin sa araling panlipunan
Masusing banghay aralin sa araling panlipunanMasusing banghay aralin sa araling panlipunan
Masusing banghay aralin sa araling panlipunan
 
Presentasyon-ng-Ikalawang-Pangkat (1).pptx
Presentasyon-ng-Ikalawang-Pangkat (1).pptxPresentasyon-ng-Ikalawang-Pangkat (1).pptx
Presentasyon-ng-Ikalawang-Pangkat (1).pptx
 
Aralin 1.1
Aralin 1.1Aralin 1.1
Aralin 1.1
 
elehiya ppt.pptx
elehiya ppt.pptxelehiya ppt.pptx
elehiya ppt.pptx
 
Iba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong IsyuIba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuya
 
Malayang Taludturan
Malayang TaludturanMalayang Taludturan
Malayang Taludturan
 
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salitaDenotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
 
Ang mahiwagang tandang fil 7
Ang mahiwagang tandang fil  7Ang mahiwagang tandang fil  7
Ang mahiwagang tandang fil 7
 

Siti nurhaliza

  • 1. Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya ni Jan Henry M. Choa Jr. Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng iba’t ibang parangal sa pag-awit hindi lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa pang-internasyunal na patimpalak. Isa na rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan. Labing-anim na taong gulang siya nang pumasok sa larangan ng pag-awit. Dahil sa likas na talento sa pag-awit, narating niya ang rurok ng tagumpay bilang multiple-platinum selling artists sa Malaysia. Sinundan ito ng mga di-mabilang na pagkilala mula sa mga prestihiyosong gawad-parangal tulad ng MTV Asia, Channel V, Anugerah Juara Lagu Malaysia. Hindi lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay isang manunulat ng awit, record producer, presenter o modelo at mangangalakal. Sa katunayan, siya ay nagmamay-ari ng produktong Ctea, isang tsaa sa Malaysia. Mayroon din siyang sariling production company, Sitti Nurhaliza Production na nasa larangan ng entertainment.
  • 2. Siya rin ay itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang artista sa Malaysia.. Sa kabila ng pagiging sikat at mayaman ay hindi nalilimutan ni Sitti Nurhaliza ang magkawanggawa. Nakikibahagi at nakikiisa siya sa maraming gawaing-kawanggawa sa loob at labas ng Malaysia. Ito ay isa sa maganda niyang katangian. Marunong siyang tumulong sa kaniyang kapuwa bilang pagbabalik-biyaya sa kaniyang mga tinatamasa. Tunay na ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliz ang kaniyang mga kababayan bilang Asyano na may sadyang husay sa pagkanta at may natatanging kontribusyon sa larangan ng musika. Ang kaniyang magandang tinig at mabuting kalooban bilang isang babaeng Muslim na mang-aawit ay isa lamang sa mga katangiang nagugustuhan ng kaniyang mga tagatangkilik. Isang idolo na may ginintuang tinig at ginintuang puso ng Asya.