Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang: Kabanata 1 ng Noli Me Tangere. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Nakikilala ang mga Tauhan batay sa Napakinggang Pahayag ng bawat isa)
1. PAGBASA NG BIBLIYA:
(ISAIAS 3: 9-10)
Nilay-Karunungan:
Ang mga masasamang tao ay nagdulot
ng kapahamakan sa kanyang sarili
habang ang mga mabubuting tao ay
matutuwa sa kanilang matatamo dahil sa
kanilang mabuting hangarin
3. Ang pagkilala sa mga tauhan ng
isang kuwento o anumang akdang
pampanitikan ay masasalamin sa
kanyang ayos o kasuotan, tindig,
galaw, kaugalian at ang kanyang
pananalita.
5. GAWAING-UPUAN:
1. Ako ay hinog na sa karanasan para
paniwalaan. Magdadalawamput-tatlong
taon na akong kumakain ng kanin at
saging. Huwag ninyo akong gamitan ng
kung ano-ano at mabulaklak na mga
salita. Si Padre Damaso ay _________.
6. GAWAING-UPUAN:
2. Tama! Wala kayong makikitang
sinuman sa daigdig na hihigit pa sa
ugaling iyan ng mga Indio. Ang pandak
na Espanyol ay nagpapakita ng ugaling
__________.
7. GAWAING-UPUAN:
3. Hindi ko mapapayagan ito. Ang kanyang
kamahalan ay kinatawan ng kataas-taasang
Hari! Bawiin ninyo ang lahat ng iyan at kung
hindi ay makakarating ito sa kanyang
kamahalan bukas na bukas din. Ang
tenyente ay ___________.
8. GAWAING-UPUAN:
4. Mga Ginoo! Iwasan nating magbigkas
ng isasama ng loob ng bawat isa nang
walang dahilan. Iba ang sinasabi ni Padre
Damaso bilang pari kaysa sa kanyang
personal na kahulugan. Si Padre Sibyla
ay __________.
9. GAWAING-UPUAN:
5. Mapapatunayan din ninyo habang
nagtatagal kayo rito, maniniwala kayo sa
akin na ibang-iba ang pamamahala sa
Madrid kaysa paninirahan sa Pilipinas. Si
Padre Damaso ay __________.