Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyong Phoenician. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Imperyong Phoenician
1. Lesson 9-G: Imperyong Phoenician
Phoenician – Ang mga Phoenician ay nakatira sa makitid na kalupaang baybayin ng Mediterranean Sea.
Ang bundok ng Lebanon sa silangan ang naghihiwalay sa kanila sa iba pang pangkatng mga tao sa Gitnang
Silangan. Ang mga tao doon ay gumagawa ng mga matitibay na bangka.
Politika
Hindi pinag-isa ang kanilang bansa kundi nagtatag ng mga estadong-lungsod na pinamamahalaan ng
hari ang bawat isa
Mayroon silang isang konseho ng mga matatanda at tagapamahala ng bawat estadong-lungsod
Lipunan at Kultura
Inaangkop nila ang kanilang pamumuhay sa kulturang Babylonian
Ang mga Phoenician ay ang unang pangkatng tao na gumamit ng alpabeto. Ang mga alpabeto ay may
anyong Vowel at Consonant.
May apat na dibisyon sa lipunang Phoenician: Ang Hari, Social Class, Middle Class atWorking Class
Ekonomiya
Pakikipag-kalakalan ang pangunahing hanapbuhay
Gumagawa din sila ng mga barko
Nagtatag ng kolonya upang gawing himpilan ng kalakal at mapagkukunan ng likas na yaman
Carthage – pinakamahalagang himpilan ng Imperyong Phoenician sa DagatMediterranean
Relihiyon
Polytheistic – uri ng relihiyon ng Imperyong Phoenician
Ginaya nila ang relihiyon ng Sinaunang Canaanite na may kaunting modipikasyon
Baal – Diyos ng fertility, panahon, ulan, hangin, kidlatat digmaan
Ambag sa Kabihasnan
Unang gumamit ng mga bagay na babasagin
Konsepto ng pananakop para pagkuhaan ng likas na yaman at himpiling kalakalan
Alpabeto na binubuo ng 22 na titik
Purple Dye