Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
FILIPINO Q4 WEEK 1.pptx
1. FILIPINO 5
WEEK 1 Ugnayang Sanhi at
Bunga at Uri ng
Pangungusap ayon sa Gamit
2. SANHI
Ang Sanhi ay ang pagbibigay dahilan o
paliwanag sa mga pangyayari.
• dahil sa/dahilan sa,
• palibhasa,
• kasi at
• Naging
3. BUNGA
Ang Bunga naman ay ang resulta o kinalabasan
ng pangyayari.
• kaya/kaya naman,
• kung/kung kaya,
• bunga nito at
• tuloy
4. CONCEPT MAP
Halimbawa:
Dahil sa polusyon,
maraming tao ngayon
ang may sakit. Puro usok
ang hangin at lason itong
sumisira awain. Hindi
kataka-takang marami
ngayon ang may sakit na
hika o asthma, hapo o
emphysema,
tuberculosis, at iba pa.
SANHI
BUNGA
USOK SA
HANGIN
tuberculosis
asthma
emphysema
5. CAUSE AND EFFECT CHART
Halimbawa:
Dahil sa polusyon,
maraming tao ngayon
ang may sakit. Puro usok
ang hangin at lason itong
sumisira awain. Hindi
kataka-takang marami
ngayon ang may sakit na
hika o asthma, hapo o
emphysema,
tuberculosis, at iba pa.
SANHI BUNGA
Dahil sa
Polusyon
Maraming tao
ngayon ang may
sakit
Usok sa hangin Nagkakaroon ng
sakit tulad ng
asthma,
tuberculosis at
emphysema
6. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
1. Paturol o Pasalaysay – nagbibigay ito ng
impormasyon o naglalahad ng isang
katotohanan. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa:
Ang pagpila sa community pantry ay
nagsisimula ng alas singko ng madaling araw.
7. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
2. Patanong – Nagtatanong ito o humihingi ng
kasagutan. Nagtatapos sa tandang pananong
(?).
Halimbawa:
Bakit pansamantalang ipinatigil ang
community pantry sa ilang lugar sa bansa?
8. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
3. Pautos – Nag-uutos o nakikiusap ito.
Nagtatapos din sa tuldok (.).
Halimbawa:
Sumunod at makiisa sa mga patakaran habang
nakapila sa community pantry. (Nag-uutos)
Pakitapon ang mga plastic at iba pang basura sa
tamang lagayan bilang pakikiisa sa community
pantry. (Nakikiusap)
9. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
4. Padamdam – Nagsasaad ito ng matinding
damdamin tulad ng tuwa, lungkot,
pagkagulat, at iba pa. Nagtatapos ito sa
tandang padamdam (!).
Halimbawa:
Naku! Tambak ang basura nang lumisan
ang mga pumila para sa ayuda.
10. Ayon sa isinasaad ng mga pangyayari sa inyong mapapakinggan, punan ang concept
map sa ibaba. Ilagay ang sanhi at ang mga bunga sa bawat bilang. Piliin ang angkop na
mga salita sa kahon.
community
garden
Kapaki-pakinabang
sa komunidad
Nakatutulong sa
mahihirap
Nakapagbibigay ng
pagkain sa pamilya
Makapag-ambag sa
community pantry
Makapag-ambag sa
community pantry
Kapaki-pakinabang sa
komunidad
Nakapagbibigay ng
pagkain sa pamilya
Nakatutulong sa
mahihirap
11. PAGLALAHAT
Madaling maunawaan ang kuwentong binasa o
napakinggan kung mapag-uugnay natin ang
____________at_______________ng mga pangyayari.
Ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit
ay ang _______________, _________________,
________________ at _______________________________.
13. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Itambal ang Sanhi sa angkop na Bunga upang mabuo ang
pahayag. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
Sanhi Bunga
_____1. Dahil pag-init na ito A. mailigtas ang
daigdig
_____2. Kung may tagtuyot sa Timog Amerika B. El Niño
_____3. Ang pagkilos ng mainit na tubig C. maaapektuhan
ang ekonomiya
_____4. Pagkatuyot ng kagubatan D. nababago ang
panahon
_____5. Pagpigil sa paglabas ng carbon dioxide E. hindi napigil ang
sunog
14. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit kung ito ay paturol, patanong,
pautos o padamdam. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Kailangang pigilin ang mga bansa sa paglalabas ng
maraming carbon dioxide upang mailigtas ang daigdig.
_____2. Pagkatuyot ang dahilan kaya hindi napigil ang sunog sa
kagubatan ng Indonesia.
_____3. Ano ang dahilan ng tagtuyot sa mga bansa sa Asya?
_____4. Naku! Tiyak na may pagbaba sa ekonomiya sanhi ng
tagtuyot.
_____5. Ang tag-init at tag-ulan lamang ang mga panahon sa
Pilipinas.
Editor's Notes
May mga pang-ugnay o hudyat na nagpapahayag ng dahilan o sanhi tulad ng
May mga pang-ugnay o hudyat na nagpapahayag ng resulta tulad ng:
Madaling maunawaan ang kuwentong binasa o napakinggan kung mapag-uugnay natin ang dahilan at kinalabasan ng mga pangyayari. Sa pag-uugnay ng sanhi at bunga sa tekstong napakinggan, maaari nating gamitin ang ilang mga dayagram upang mas mapadali at mas mapabilis ang pagkakaunawa dito. Ano ano ba ang mga ito:
Ang community garden ay kapaki-pakinabang sa komunidad. Ito ay nakatutulong sa mahihirap at nakapagbibigay ng pagkain sa bawat pamilya, maari ring makapag-ambag sa mga community pantries.
Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo ang diwang nais ipahatid. Iliin ang sagot sa kahon sa ibaba
Ang Global Warming
Ang global warming ay ang labis na pag-init sa daigdig. Dahil sa pag-init na ito, nababago ang panahon sa ilang
panig ng daigdig. Ang tag-init at tag-ulan lamang ang mga panahon sa Pilipinas samantalang apat ang panahon sa
kanluraning kontinente tulad ng Amerika at Europa. Ayon sa mga siyentipiko, ang El Niño ang pagkilos ng mainit na
tubig mula kanluran pasilangan sa Pasipiko. Dahil dito, nababago ang direksiyon ng hangin at panahon sa mahigit na
kalahating panig ng mundo. El Niño ang dahilan kaya may tagtuyot sa mga bansa sa Asya. Pagkatuyot ang dahilan
kaya hindi napigil ang sunog sa kagubatan ng Indonesia. Kung may tagtuyot at bagyo sa mga bansa sa Timog Amerika,
maaapektuhan ang ekonomiya. Kailangang pigilin ang mga bansa sa paglalabas ng maraming carbon dioxide upang
mailigtas ang daigdig. Pinipigil ng carbon dioxide ang paglabas ng init sa himpapawid kaya patuloy na nagpapainit ito
sa mundo.
Ang Global Warming
Ang global warming ay ang labis na pag-init sa daigdig. Dahil sa pag-init na ito, nababago ang panahon sa ilang
panig ng daigdig. Ang tag-init at tag-ulan lamang ang mga panahon sa Pilipinas samantalang apat ang panahon sa
kanluraning kontinente tulad ng Amerika at Europa. Ayon sa mga siyentipiko, ang El Niño ang pagkilos ng mainit na
tubig mula kanluran pasilangan sa Pasipiko. Dahil dito, nababago ang direksiyon ng hangin at panahon sa mahigit na
kalahating panig ng mundo. El Niño ang dahilan kaya may tagtuyot sa mga bansa sa Asya. Pagkatuyot ang dahilan
kaya hindi napigil ang sunog sa kagubatan ng Indonesia. Kung may tagtuyot at bagyo sa mga bansa sa Timog Amerika,
maaapektuhan ang ekonomiya. Kailangang pigilin ang mga bansa sa paglalabas ng maraming carbon dioxide upang
mailigtas ang daigdig. Pinipigil ng carbon dioxide ang paglabas ng init sa himpapawid kaya patuloy na nagpapainit ito
sa mundo.