Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
The history of holy roman empire
1. THE HISTORY OF HOLY
ROMAN EMPIRE
IPINASA NG: PYTHON SNAKE
2. ANG HOLY ROMAN EMPIRE
Charles Martel- Isa sa mayor ng palasyo at siya rin ang
nagsikap na pag isahin ang France.
Pepin the Short- ang unang hinirang na hari ng France.
Charlemagne o Charles the Great- Isa sa pinakamahusay na
hari sa Medieval Period.
Alcuin- Pinakamahusay na iskolar ng panahon, kinuha siya ni
Charles The Great upang magpaturo ng ibat-ibang wika.
Taong 800- Kinoronahan si Charles The Great bilang
emperador ng banal ng imperyong Romano (holy roman
empire)
Louis the Religious- Siya ang humalili nang namatay si
Charlemagne noong 814.
3. Ang simbahan ang isa sa mahahalagang institusyon
na nakatulong sa pag usbong ng Europe, lalong
lalo na ang organisasyon ng kapapahan o papacy.
Tumutukoy ang kapapahan sa tungkulin, panahon
ng panunungkulan at kapangyarihang
panrelihiyon ng papa bilang pinuno ng simbahang
Katoliko,gayundin sa kapangyarihang pampolitika
bilang pinuno ng estado ng vatican
4. MGA SALIK NA NAKATULONG SA
PAGPAPALAWAK NG
KAPANGYARIHAN NG KAPAPAHAN
Pangunahing salik na nagbigay daan sa pag lakas
ng kapangyarihang ng papa sa Rome.
1.Pagbagsak ng imperyong romano
476CE-pagbagsak ng imperyo ng Rome,tuluyan
itong bumagsak sa kamay ng mga barbaro na
dati nang nakatira sa loob ng imperyo mula pa
noong ikatlong siglo ng kristiyanismo.
Silvian-isang pari,nakalooban ng mga Romano ang
bunga ng kanilang mga kasamaan.
5. 2.Matatag at Mabisang Organisasyon Ng Simbahan
Diyosesis-kongregasyon ng mga kristiyano sa bawat
lungsod na pinamunuan ng obispo.
Arsobispo- eto ang mga nakatira sa malalaking lungsod
na naging unang sentro ng kristiyanismo.
Papa- kinilalang kataas-taasang pinuno ng simbahang
katoliko sa kanlurang Europe.
Ika-11 Siglo-Pinipili ang mga papa ng Kolehiyo ng mga
Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang.
1719-pinag pasyahan ng mayorya ang pag halal ng papa.
6. 3.Uri Ng Pamumuno Sa Simbahan
Maraming Mga Naging Pinuno ng Simbahan
Ang Nakatulong Sa Pag papalakas ng
Pundasyon Ng Simbahang Katoliko,Romano,At
kapapahan.
Ilan Lamag sa Mahahalagang Tao Ng Simbahan
At ang kanilang mga nagawa ang makikita sa
Talahanayan sa susunod na Pahina.
7. MGA PINUNO/PAPA AT ANG KANILANG
PARAAN NG PAMUMUNO
CONSTANTINE THE GREAT
- pinagbuklod buklod niya ang lahat ng mga
kristiyano sa buong imperyo ng Rome at
ang konseho ng Nicea na kanyang
tinawag.
- Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa
pamamagitan ng Konseho ng
Constantinople.
PAPA LEO THE GREAT
- binigyang diin niya ang Petrine Doctrine,
ang doktrinang nagsasabing ang obispo ng
Rome.
- Kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa lahat
ng mga kristiyano sa kanlurang Europe.
PAPA GREGORY I
- Iniukol niya ang kanyang buong kakayahan
at pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno
ng lungsod at patnubay ng simbahan sa
buong kanlurang Europe.
- Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng
tagumpay nang mapasampalataya niya
ang iba’t ibang mga barbarong tribu at
lumaganap ang Kristiyanismo sa
malalayong lugar sa kanlurang Europe.
PAPA GREGORY VII
- sa kanyang pamumuno naganap ang
labanang sekular at eklesyastikal ukol sa
power of investiture o sa karapatang
magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng
simbahan noong kapanahunan ni Haring
Henry IV ng Germany.
8. 4. PAMUMUNO NG MGA MONGHE
Monghe- isang pangkat na mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa
mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina.
- Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil
dito, malaki ang kanilang impluwensya sa pamumuhay ng tao noong Panahong Midyibal.
- Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang
Griyego at Romano.
- Ang lahat ng mga libro na kanilang pinsg-iingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang kanilang
matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop.
- Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa kanlurang Europe ay nakatulong din sa lawak
ng katanyagan at kapangyarihan ng simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa.
9. ANG MGA KRUSADA
- dahil sa pagpapalaganap ng Islam, maraming kaharian ang kanilang nasakop.
- Nakbahala sa simbahanang Katoliko ang pagkasakop ng banal na pook ng
Jerusalem, ang pagwasak ng Holy Sepulchre at ang mabilis na pagpapalaganap
ng Islam.
- Upang iligtas ang Holy Sepulchre sa kamay ng mga turkong muslim, naglunsad
ang mga maka-diyos na Europeo ng iba’t ibang uri ng banal na labanan na
tinatawag na krusada.
- Ayon sa mananalaysay na si Edward Gibbon, pinakanaiibang pangyayari sa
kasaysayan ang mga krusada.
- Sa isang tawag ni Papa Urban II, ang mga hari, pari, maharlika, magsasaka,
manggagawa atmga alipin ay handang iwan ang kanilang gawain at mag-anak
upang hawakan ang krus at espada at tubusin ang Jerusalem sa kamay ng mga
Muslim.
10. MGA KRUSADA
UNANG KRUSADA (1096- 1099)
- Pagsalakay/ pagsakop ng mga Turk mula sa Gitnang Asia noong 1000 sa Asia Minor, Palestine at Syria kung
saan matatagpuan ang mga lugar na banal ng mga Jerusalem.
Mga Labanan
Niceae- tinalo ang mga muslim ng magkasamang pwersa ng Byzantine a mga Krusador.
Antioch sa Hilagang Syria- pinakamatinding labanan patungong Jerusalem.
Resulta
- Nakuha ng mga Europeo ang Jerusalem noong 1099.
IKALAWANG KRUSADA (1147- 1149)
- Paghina ng pwersang Kristiyano sa Jerusalem.
Resullta
- Natalo ang mga pwersa ng mga kristiyano dahil hindi nkipagtulungan ang mga hukbong Pranses at Aleman
sa dalawang pinuno.
IKATLONG KRUSADA (1189- 1192)
- Pagbagsak ng Jerusalem sa kamay ni Saladin, sultan ng Egypt at Syria, noong 1183.
Resulta
- Nakuha ng mga Europeo noong 1191 ang mga lungsod ng Acre at Jaffa sa Palestine.
11. IKAAPAT NA KRUSADA (1202- 1204)
- Patuloy na kabiguan ng mga Kritiano na makuha ang Jerusalem.
Mga labanan
Egypt- inatake ng mga Kristiyano ito upang mahati ang kapangyarihang Muslim.
Resulta
- Nasali ang mga krusada sa mga suliranin ng imperyong Byzantine at hindi nagawa ang orihinal na
layunin nito.
CHILDREN’S CRUSADE (1212)
- itinuring na pinakamatrahedyang krusada.
Resulta
- Wala ni isa man sa mga kabataang ito ang nakarating sa Jerusalem.
IKALIMANG KRUSADA (1217- 1221)
- Sakupin ang Egypt sa instigasyon ni Papa Innocent III
Mga Labanan
- Pasakamay ng mga kristiyano ang bayan ng Damietta sa Egypt.
Resulta
- bigo
12. IKAANIM NA KRUSADA (1228- 1229)
- Tinawag na krusada ng Diplomasya.
Resulta
- Nakuha ang Jerusalem sa mga Muslim hindi sa pamamagitan ng lbanan kundi sa
pamamagitan ng isang negossyon at kasunduan nina Frederick at mga Muslm tungkol sa
pagbabalik ng Jerusalem sa mga Kristiyano.
IKAPITONG KRUSADA (1248- 1254)
- Muling pagbagsak ng Jerusalem sa mga kamay ng mga Muslim noong 1244.
Resulta
- Nabg mga muslim si Louis IX at ang kanyang hukbo.
IKAWALONG KRUSADA (1270)
- Muling pagtatangkang agawin ang Jerusalem.
Resulta
- Namatay si Louis IX matapos na makarating sa Tunis dahil sa isang peste na dumapo sa
kanyang hukbo.