7. Umangat ang impluwensiya at kapanyarihan ng
Simbahan Romano sa pagpasok ng Gitnang Panahon.
Sa simbahan umikot ang lipunan, pamilya, at maging
ang pamahalaan, at ang naging sandigan it ng
paniniwala. Ito ang naging pangunahing institusyon
sa Gitnang Panahon. Bagama't watak- watak ang
lipunan, binigkis ng Simbahan ang mga tao
at tumugon ito sa mga pangunahing pangangailangan
ng taumbayan
8. Anyong tatsulok ang organisasyon ng Simbahan.
Nagsasagawa ng mga misa at sakramento sa tao ayon sa
sumusunod na organisasyon
Santo Papa
Ang pinakamataas na pinuno ng simbahan.
taglay niya ang kapanyarihang
ehetibo,lehislatibo at hudikatura.
Kardinal
Pinili ng Santo Papa. Katuwang ng Papa na
pinili sa hanay ng mga arsobispo, na siyang
pangkat na naghahalal sa Papa.
Arsobispo
Ang pinakamataas na obispo,
Pinamamahalaan niya ang mga dayosis
Obispo
Pinuno ng mga dayosis sa mga
lalawigan.Tungkulin ng mga obispo na lutasin
ang mga sigalot na may kaugnayan sa mga
aral ng simbahan at gabayan ang mga pari.
Pari
Pinuno ng isang parokya
9. • Nagtatatag at nangangasawa
ng mga unibersidad.
• Mga kautusan tungkol sa
doktrinang kristiyano.
• Nagtatakda ng banal na
araw, araw ng pangilin at
pasasaayos sa mga ritwal
ng Simbahan.
• Kumukontrol sa mga ordeng
panrelihiyon.
• Nagkakaloob ng indulhensiya
10. • Nagpapatupad ng mga regulasyon sa pagsamba. Ang
pinakamabigat na parusa na ipinataw ng Simbahan sa mga
nagkakasala ay eskomulgasyon at interdict. Ang eskomulgasyn
ay isang parsuang pag-aalis sa karapatan at pribilehiyo ng isang
tao bilang kasapi ng Simbahn. Kapag ang isang hari ay patuloy
sa pagmamatigas, ipapataw ang interdict. Ang interdict ay
pagtigil sa pagganap ng Simbahan sa sakramento sa isang
kaharian, Ikinagalit ng mga tao ang ganitong parusa kaya
napapasund ang hari sa kagustuhan ng Simbahan.
11.
12. • Umunlad ang ekonomiya sa tulong ng mga tao ng Simbahan.Ang
mga sakahan sa monasteryo ay nagsilbing modelo ng maayos na
sakahan para sa lahat ng magsasaka. Ang Simbahan din ay
tumulong sa pagkakaroon ng tamang presyo sa panahong muling
nabubuhay ang kalakalan at industriya.
• Nag karoon ng kaayusan sa lipunan sapagkat
hinawakan ng Papa ang tungkulin ehekutibo, lehislatura
at hudikatura
• Niyakap ng mga barbarong Aleman ang krisitiyanismo. Sa
pagsisikap ng mga misyonero, unti-unting niyakap ng mga
barbaro ang pananampalatayang Katoliko na naging daan
upang matamo ang katahimikan sa bansa,
Sa kabuuan, malaki ang naitulong ng simabahan sa mga tao noong Gitnang
Panahon sa aspektong espiritwal, kabuhayan, at panlipunan sa pamagitan
ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Narito ang ilang ambag sa Simbahan
noong Gitnang Panahon
13. • Nag silbing guro ang mga pari. Binuksan nila ang mga
simbahan upang maging sentro ng kaalaman. Dagdag pa rito,
naitago nila ang mga kaalamang klasikal. Ang mga paaralan
noong panahong iyon ay itinatag din ng mga
monghe.Iningatan nila ang kaalamang klasikal ng mga
sinaunang Griyego at Romano sa pamamagitan ng
matiyagang pagsusulat muli sa mga aklat ng kanilang
iniingatan sa mga monasteryo.
• Naging bahagi ang Simbahan sa pangangalaga ng kultura. Ang
mga gawain sa sining tulad ng mga manuskrito at pintura ay nasira
dahil sa pagwasak ng mga barbaro. Ngunit dahil sa pagtitiyaga ng
mga monghe at kaalaman nila sa pagbasa at pasulat, kinopya ,
isinulat, at muling binuo ang mga aklat na sinira ng mga barbaro.
14. • Bumalangkas ang Simbahan ng mga batas at nagtatag
ng sariling hukuman na siyang lilitis sa nga nagkakasala
na ang sangkot ay mga pari at mga pangkaraniwang
tao.Ang kaayusan sa lipunan noong panahong
medyibal ay tugon ng Simabahn sa mga
pangangailangan ng tao.
• Sa pamagitan ng mga misyonaryo, naisapuso at naitanim sa mga tao
ang mga aral at salita ng Diyos. Pinalaganap ng misyonaryo ang
Kristiyanismo sa labas Imperyng Romano tulad nina Imlas na nangaral
sa mga taong Gothic. Si ST.Patrick, na isang briton, ay nagtungo sa
ireland upang mapanumbalik (Convert) ang mga Celtic. Si Augustine
ay ipinadala sa Great Britain upang biniyaga ang hari ng Kent.
Samantala, si Boniface naman ay ipindala sa Germany upang
mangaral sa mga salita ng Diyos at nakapagtayo rin siya ng simbahan
at monastery.
15.
16. Ang Banal na
Imperyong Romano
Sa pagbagsak ng Imperyong Romano ay dumagsa
ang mga barbaro buhay sa hilaga ng
Europe.Tuluyan nilang nasakop ang Rome at ang
mga lalawigan nito sa Western Europe. Bumuo sila
ng maliliit na kaharian at namayani mula ika-5 na
siglo at sa ika-7 siglo. Isa sa mga kaharian na ito ay
ang Franks.
18. Franks
Matatagpuan ang kaharian ng Franks sa Gaul na ngayon ay
kilala bilang bansang France. Naging hari nila si Clovis na
naglunsad ng digmaan upang pag-isahin ang lahat ng kahariang
Aleman
Sa pagkanalo niya sa digmaan, tinanggap niya ang
kristiyanismo na ikinalugod ng Simbaha. Sa mga sumunod
na pakikidigma ni Clovis ay sinuportahan siya ng
Simbahan.Napag-isa niya ang buong kaharian at itinatag
ang dinastiyang Merovingian
Sa pagkamatay ni Clovis,Nagkaroon ng agawan sa pwesto
sa kaharian, kung kaya ang pamamahala ay inisa sa
Alkalde ng Palasyo na si Pepin ng Hershal na sinundan ng
kaniyang anak na si Charles Martel. Ang haring
Merovingian ay hari na lamang sa pangalan.
19. Sa labanan sa Tours, tinalo ni Charles Martel ang mga lumusob na
Muslim.Ang posisyong iniwan ni Charles Martel ay napunta sa
kaniyang anak na si Pepin the Short.
.
Aprubad ng Papa ang pagkahirang niya sa puwesto at
dito nagsimula ang dinastiyang Carolingian.
Tinalo niya sa isang labanan ang Lombards na nagbanta sa
kapapahan, isinalin sa Papa bahagi ng teritoryong kontrolado
ng Lombards; ang donasyon na ito ay tinatawag na estado ng
Papa. Noong 751 CE. pinatalsik ni Pepin ang huling hari ng
Merovingian at itinanghali siya hari ng Franks
20. *Pagprotekta sa kapakanan ng Papa
*Pagsakop sa Malawak malawak na lupain sa Europe;
Napasakamay niya ang buong France at malaking bahagi ng
Germany at Italy
*Pagwakas sa pag-aalsa laban sa Santo Papa. dahilan ng pagkorona
sa kaniya ng simbanhan at ni Papa Leo I bilang emperador ng banal
na Imperyong Romano
Dalawang anak ni Pepin,sina Charles at Carloman,ang
nagman asa kaniyang trono.Nang namatay si
Carloman,natira si Charles na naginghari noong 771
CE.Tinawag siyang Charles ang Dakila o Charlemagne. Sa
kaniyang pamumuno,naisagawa ang sumusunod:
21. • Ipinamigay ang malawak na lupain (fief) sa mga
lider militar
• Ipinagkaloob sa maliliit na haring may taglay na
kapangyarihang administratibo,militar, at hudikatura
ang pangngasiwa sa kanilang sariling teritoryo.
• Nagtalalaga ng missi dominici o mga tagasiyasat sa
bawat teritory na nangangasiwa bilang kinatawan
• pinalag ang karunungan sa pamagitan ng
pagtatatag ng paaralan sa loob ng
kaniyang palasyo na matatagpuan sa Aix-
la-Chapelle sa West Germany. Binalak
niyang gawin bagong Rome ang Aachen.
Naghanap siya ng mga guro sa labas ng
kaniyang kaharian. Inastasan niya ang nga
monghe ba nagbukas ng paaralan at
paramihin ang kanilang aklatan
Bilang emperador, nagpatupad si charlemagne ng mga pagbabago sa pamamahala.
Hinati niya ang imperyo sa duchies at counties. Ipinagpatuloy ni charlemagne ang
tradisyon ng dating Imperyng Romano at ipinatupad nila ang:
22. pumanaw si charlemagne noon 814 CE at humalili ang kaniyang
anak na si Louis the Pious
Nang namantay si Louis the Pious, nagkaroon ng digmaaan
sa pagitan ng kaniyang mga anak dahil sa agawan ng
kapanyarihan. Nag-ugat ito sa kung sino ang hahalili bilang
emperador.Nong 843 CE, nabu ang kasunduan sa Verdun,
kung saan ang impery ay hinati sa tatlong magkakapatid.Ang
gitnang bahagi ng imperyo napunta kay Lothair.Sakop nito
ang Lorraine,Alsace, burgundy, Provence, at mga low
Countries. Napunta kay Charles the Bald ang France. Kay
Louis the German naman napunta ang Germany.Humina ang
imperyong dahil sa hindi mahusay na pamumuno,kasabay ng
bantang pananalakay ng Vikings na nag mula sa
Scandinavia.
23.
24. Louis the German
kingdom
Lothair kingdom
charles the Bald
kingdom
Ang kanilang
kaharian
charles the Bald
kingdom
Lothair kingdom
Louis the German
kingdom
51. Malaki ang tungkulin ng asawa ng panginoon my
lupa.Inaasikaso niya ang pagpapatakbo sa
tahanan.Siya ay nagtuturo sa mga batang babae ng
pagluluto,paglalaba,pananahiat pasgbuburda.Kapag
umaalis ang kaniyang asawa upang makipagdigma,
siya ang gumaganap bilang pinuno ng manor at
tagapag-alaga ng kastilyo
52. Bagama't malaki ang tungkulin ng isang babaeng
nasa mataas na anatas,limitado nmn ang kaniyang
karapatan.Hindi siya nakalalabas ng tahanan at ang
kaniyanmg libangan lamang ay musika at paglaro
ng board games.
Samantala, ang panganay na lalaki lamang ang may
karapatang magmana ng lupain.Magkakaroon
lamang lupain ang mga babae kung siya ang
natitirang tagapagmana o kaya ay naging balo ang
asawa ng panginoong maylupa.
53. sa pag sapit ng ika -13 dantaon, ang sistemang piyudalismo ay
humina dulot sa sumusunod na mga dahilan
• Karamihan sa mga panginoong sumama sa
krusada ay hindi na nakabalik.Ang iba namn ay
ang nagbenta ng lupain upang may magamit sa
pagsama sa krusada.
54. • Lumakas ang kapangyarihan ng mga hari sa panahong
ito at kanilang binuwag ang pamamahala ng mga
panginoong may lupa.Isinailalim nila sa estado ang mga
nabawing lupain.
• Ang krusada ay nagbukas sa kalakalan.Ang paglakas
ng kalakalan ay naging dahilan ng pagtatag ng mga
bayan na ang sentro ay komersiyo at industriya.Dahil
dito, nilisan ng mga tao ang bukid at nanirahan sa mga
bayan.Sa pagtatamo ng mga tao bg yaman,nabili nila
ang kanilang kalayaan mula sa panginoong may lupa.
55. • Ang nakasisindak na salot, na tinatawag na black
death, ay nakapagpabago sa pamumuhay sa
bukid.Lumaganap ito sa buong Europe sa
kalagitnaan ng ika-14 na daantaon.Lubhang
nabawasan ang mga manggagawa sa mga estadong
piyudal kung kaya't ang mga buhay na manggawa
ay nakahingi ng bagong kondisyon sa paggawa at
bayaran.Marami sa mga alipin ang nakalaya.
61. Ang mga Italyano ang naging tagapamagitan ng
mga mangangalakal mula sa Asia, Central Europe,
at Northern Europe. Ang mga lungsod-estado ng
Italy-tulad ng Venice, Genoa, at Pisa-ay nagkaroon
ng karapatan sa kalakalan sa Constantinople,
Syria, Palestine, at North Africa. Ang karapatan sa
panahong ito ay binibili o ipinaglalaban.
62. Naging mahalaga sa komersiyo ang rehiyon ng
Flanders na ngayon ay bahagi ng Belgium at
Hilagang France. Ito ang naging tagpuan ng mga
ruta patungo sa ibayong France, pababa sa llog
Rhine sa Germany, English Channel sa England
hanggang sa baybayin ng Baltic Sea.
63. Kaalinsabay ng pagsilang ng komersiyo sa Gitnang Panahon
ay ang paglaki ng bayan at pag-unlad ng kalakalan at mga
bayan na karaniwang nagkakaroon ng interaksiyon. Ang
pangunahing sentro sa pag-unlad sa Northern Italy ay ang
Flanders. Ang pakikipagkalakalan sa Eastern Italy ay
nagpalakas sa daungan ng Venice, Genoa, Milan, at Florence.
Dumagsa rito ang mga produktong idinaraan sa Baltic Sea.
Ang damit na yari sa lana ay ang pangunahing produkto ng
Flanders na naging mabili sa buong Europe. Naging punong
himpilan din ang lungsod. Ang Ghent at Bruges naman ang
naging sentro ng pamayanan at kultura.
64. Mga pagbabagonng dulot ng
pagsigla ng komersiyo
Isa-isang sumulpot ang mga bayan at lungsod sa mga tagpuan no kalakalan,
ngunit hindi naging maganda ang epekto ng mga ito sa karamihan dahil sa
kawalan ng pinuno na magsasaayos ng mga ito.
Ang daanan sa mga bayan at lungsod ay karaniwang makikitid at hindi
sementado, at dahil sa kawalan ng alkantarilya, itinatapon na lamang ng mga tao
ang kanilang basura sa labas ng bintana. Sunog at sakit ang karaniwang
suliranin sa mga bayan at lungsod. Madalas magkaroon dito ng mga epidemya,
tulad ng bulutong, dipterya, at tipus, na pumapatay sa malaking bahagi ng
populasyon. Noong ika-14 siglo, namatay ang halos isang-kapat ng populasyon sa
Europe dahil sa bubonic plague o black death. Dala ito ng mga daga na naglipana
sa mga bayan at lungsod.
65. Epekto at Kontribusyong Dulot
ng mga Bayan at Lungsod
• Nalinang ang kalakalang pandaigdig. Dumagsa
ang mga produkto mula sa Silangan.
• Lumaki ang populasyon sa mga bayan at
lungsod.
66. • Umunlad ang guild system. Ito ang pangkat na
binubuo upang pangasiwaan ang produksiyon at
komersiyo. Binubuo ito ng mga mangangalakal
upang pigilan ang pagpasok ng mga tagalabas
na nagbebenta ng kanilang produkto nang hindi
nagbabayad ng buwis. Ang samahan ng mga
magangalakal ay nanguna sa pamamahala ng
mga bayan at tumulong sa pagkakawanggawa at
pagpapatayo ng mga paaralan.
67. Nagkaroon din ng samahan ng may
espesyalisayon katulad ng crafts guild, na
binubuo ng mga sapatero, platero, gumagawa ng
baril, at iba pa. Ang samahang ito ang kumontrol
sa kalidad at presyo ng mga produktong
ibinebenta sa mga pamilihan.
68. Ang Hanseatic League naman ay binuo upang
mabigyangproteksiyonang mga gawaing
pangkomersiyo. Binubuo ito ng mga lungsod sa
baybayin ng North Sea at Baltic Sea tulad ng
Hamburg. Lubeck, at Bremen. Mayroon itong
mahigit 70 miyembrong lungsod.
69. Nagtataglay ito ng malakas na impluwensiya sa
komersiyo sa Northwestern Europe. Kapag ang
isang kasapi ay lumabag sa anumang kasunduan
ay inaalisan ito ng pribilehiyong pangkalakalan.
Naging sentro din ng kultura ang mga bayan at
lungsod.
70. Umiral ang sistema ng paggamit ng salapi at
pagbabangko. Barter ang ginamit sa kalakalan sa
unang bahagi ng Gitnang Panahon. Dinadala ng
mga magsasaka o ng mga alipin ang mga
produkto ng bukid o gawang bahay sa mga lokal
na pamilihan kung saan nagpapalitan ng
produkto. Ang lokal na pamilihan ay nagaganap
lamang bawat linggo sa malalawak na lugar na
malapit sa palasyo o simbahan.
71. Sa paglawak ng kalakalan, naisip ng mga panginoong
piyudal na magtatag ng taunang perya. Sa perya
nagkatagpo-tagpo ang mga mangangalakal at kumikita
din ang panginoong piyudal dahil siya ang naniningil
ng buwis o multa.
Sa perya nakita ang paggamit ng salapi, ngunit iba-iba ang
ginagamit na barya ng mga tao rito. Naglitawan ang mga
money changer na sa maliit na halaga ay pinapalitan ang
iba't ibang baryang gamit ng mga tao. Sa ganitong palitan
nagsimula ang konsepto ng pagbabangko.
72. Natuklasan din ng mga mangangalakal na maaari
silang magdeposito ng salapi sa isang lungsod at
bibigyan sila ng resibo. Ang depositong ito ay
maaari nilang kolektahin sa ibang lungsod gamit
ang ibinigay na resibo. Naging ligtas ang paglipat ng
salapi dahil sa sistemang ito.
73. Masasabing mahalaga ang pag-unlad ng mga bayan at lungsod dahil
sa sumusunod na mga pamana nito.
Mga Pamana ng mga Bayan at
Lungsod sa Panahong Medyibal
Ang mga bayan at lungsod ang naging sentro ng kalakalan
at industriya, at dahil sa kaunlarang dulot nito, nagbukas at
umunlad ang kalakalang pandaigdig.
Ang mga lungsod ang naging sentro ng kaalaman at
kultura tulad ng pagpipinta, eskultura, at arkitektura.
74. Sumikat ang malayang kaisipan sa mga
bayan at lungsod na naging daan upang
mabuhay ang kilusang Renaissance.