3. MGA LAYUNIN:
. Nasusuriang mga dahilan at bunga ng
paglakas ng Simbahang Katoliko bilang
institusyon sa panahon ng Middle Ages;
. Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng mga
Krusada;
. Naibibigay ang dahilan ng Simbahan sa
pagtawag sa Krusada;
. Napapahalagahan ang impluwensya at
ambag sa sangkatauhan ng Simbahang
Katoliko;at
5. ANG PAGLAKAS NG KRISTIYANISMO
. Ang Doktrina ng Kristiyanismo na
pagmamahal sa kapwa ay simple ngunit
makabuluhang kautusan
. Nagbigay ito ng malalim na
pananampalataya at pananalig sa
pagkakaroon ng makapangyarihang diyos.
6. ANG MGA UNANG SIMBAHAN
. Ang mga unang simbahan ay payak na
samahan. Ito ay binubuo ng maliliit nha
grupo.
. Ang bawat isa sa mga ito ay tinatawag na
ecclesia , salitang Greek na ibig sabihin ay
pagpupulong.
. Ang mga unang simbahan ay itinatag sa
Jerusalem,Rome,Alexandria,
Antioch,Constantinople at Corinth.
7. ANG MGA UNANG SIMBAHAN
. Ang simbahan sa Rome ay may mahalagang
papel sa paglago ng kristiyanismo. Ito ay
itinatag ni Pedro, ang pangunahing
apostol ni Hesus.Sinasabi sa tradisyon na si
Pedro ay namatay sa Rome bilang martir.
.Ang paniniwala ng mga obispo ng Rome ay
naging sentro ng Simbahang Katoliko.
8. ANG MGA UNANG SIMBAHAN
. Ang katagang katoliko ay nangangahulugan
na unibersal o pangkalahatan.
. Ibig sabihin, si Hesus ay nasa Simbahang
Katoliko, at ang simbahang ito ay inatasan
ni Hesus ng misyon para sa sanglibutan.
9. ISANG PANLAHAT NA PANANAMPALATAYA
. Ang opisyal na aklat ng mga banal na
kasulatan ng Kristiyanismo ay ang Old
Testament o Lumang Tipan ng mga
Jew at ang 27 na aklat na sinulat nina
Mateo(Matthew),Marcos(Mark),Lucas
(Luke),Juan(John) ang bumubuo sa New
Testament o Bagong Tipan.
10. ISANG PANLAHAT NA PANANAMPALATAYA
. Nakipag-ugnayan si Pablo sa mga iba pang
Kristiyano sa pamamagitan ng mga sulat na
nagtataglay ng mensahe ng pag-asa at payo.
. Ang tawag sa mga sulat na ito ay epistle.
. Ang opisyal na doktrina o theology ng
Simbahang Katoliko ay inilagay sa maayos na
panuntunan ng apat na dalubhasang mga
pari.(Ambrose,Jerome,Augustine at
Gregory).
11. ISANG PANLAHAT NA PANANAMPALATAYA
. Sumulat si Ambrose (circa 397) ng mga
himno na inaawit sa ibang mga
seremonyang Kristiyano.
. Sinulat ni Jerome (circa 340-420 )ang
Bibliya sa Latin mula sa orihinal na Greek
at Hebrew. Ang kanyan bibliya ay tinawag
na Vulgate (natapos circa 383)sapagkat ito
ay nakasulat sa pang-araw-araw na uri ng
wikang Latin.
12. ISANG PANLAHAT NA PANANAMPALATAYA
. Si Augustine (354-430)na isang dating
pagano,ay simbolo ng taimtim sa debosyon sa
diyos.Sinulat niya ang isa sa tatlong
pinakamahalagang aklat tungkol sa
Kristiyanismo. Confessions(circa 397) De
Trinitate(circa399- 419)at De Civitate Dei
(413-426)
. Samantala,hinikayat ni Gregory (cica 329-389)
ang mga tao na manalig sa kapangyarihan at
pagpapala ng Diyos.
13. ANG ORGANISASYON NG SIMBAHAN
. Bagama’t malawak ang sinakop ng
Kristiyanismo,mula Jerusalem hanggang
Great Britain, ang simbahang katolikoay
may organisasyon upang mamahala ng
lahat ng usapin nito.
. Mayroon itong hierarchy o sistema ng
pagkakasunod-sunod ng awtoridad o
kapangyarihan kung saan ang opisyal ng
bawat baitang ay may katapat na tungkulin
14. ANG ORGANISASYON NG SIMBAHAN
. Ang parokya ang pinakamababang
pananampalataya sa herarkiyan ito. Ang
pangangailangang pananampalataya ng
parokya ay ginagampanan ng pari.
. Ang mga parokya ay pinagsama-sama
upang makabuo ng diocese. Ang obispo ay
may sariling simbahan na tinatawag na
cathedral sapagkat naroroon ang
kanyang cathedra o trono
15. ANG ORGENISASYON NG SIMBAHAN
. Ang pinakamahalagang obispo ay nagiging
mas makapangyarihan kaysa sa iba pang
obispo ng ganitong lungsod ay tinatawag
na metropolitan o arsobispo
. Sila ang namamahala sa iba pang obipo ng
archdiocese.
16. ANG BATAS NG SIMBAHAN
. Ang Simbahan ay may mga hukuman upang
ipagtanggol ang mga mahihina at
parusahan ang mga nagkakasala.Isinasakdal
dito ang mga pari kapag sila ay
nagkasala;hinahatulan sila batay sa canon
law o batas ng simbahan.Ang Canon Law
ay hango sa banal na kasulatan ,sa mga
sinulay at batas ng mga Papa,at sa mga
alituntuning gawa ng mga obispo sa
pagpupulong ng Simbahan.
17. ANG BATAS NG SIMBAHAN
. Ang hersey ang pinakamasama sa lahat ng
mga krimen. Ito ay itinuturing na pagkakasala
laban sa Diyos at hindi sa lipunan sapagkat ito
ay lumalaban sa mga aral ng simbahan.
. Ang tawag sa hukuman na itinatag upang
harapin at parusahan ang mga heretic o erehe
ay Inquisition.
. Itinatag ang mga unang korte ng Inquisition
noong 1231 sa Germany at Aragon,Spain.
18. ANG BATAS NG SIMBAHAN
. Ang Spanish Inquisition ay itinatag lamang
noong 1478.
. Umabot ang Inquisition sa Netherlands noong
1523 pati sa Mexico at Peru noong ika-16 na
siglo.
. Ang Roman Inquisition ay itinatag lamang
noong 1542.
. Ang mga sandata na ginamit laban sa mga
lumalabag sa batas nito ay
excommunication o ekskomulgasyon,
interdict at deposition.
19. ANG BATAS NG SIMBAHAN
. Ipinagkait ng exkomulgasyon ang mga
serbisyo ng simbahan kasama ang mga
sakramento, sa isang nagkasala.
. Ang interdict ay pagkakait ng serbisyo ng
simbahan sa lahat ng mga mamamayan sa
isang lugar kahit na isa lang ang nagkasala.
. Ang deposition o pagpapatalsik sa mga hari
upang ipawalang bisa ang pangako ng
katapatan sa kanya.
20. PAGTATATAG NG SAMAHANG PRANSISKANO AT
DOMINIKANO
.Noong Ika-13 na siglo, dalawang samahan ng
mga pari ang itinatag. Sa halip na manirahan
sa mga monasteryo sila ay naging misyonero.
. Ang unang samahang misyonero ay itinatag
noong 1210 ni Francis, anak ng isang
mangangalakal. Ang Samahang itinatag niya
ay ang Order of Friars Minor (OFM). Ang
mga kasapi nito ay tinatawag na pransiskano.
21. PAGTATATAG NG SAMAHANG PRANSISKANO AT
DOMINIKANO
. Ang pangalawang pangkat ng mga
misyonero ay itinatag noong 1216 ni
Dominic,isang paring Espanyol. Ang
pangalan ng samahan na itinatag niya ay
ang Order of Prachers (OP) at ang mga
kasapi nito ay tinatawag na dominikano.
22. PAGTATANGGOL SA BANAL NA LUPAIN
. Sa loob ng maraming panahon ,ang mga
kristiyano ay malayang pumupunta sa
Jerusalem, ang tinaguriang Holy Land o
Banal na Lupain
. Noong 1089 Ceito ay sinakop ng mga Seljuk
Turk. Dahil dito,mahigpit na ipinagbabawal
ang mga Seljuk Turk sa Jerusalem.
23. PANAWAGAN PARA SA MGA KRUSADA
. Humihingi ng tulong si Emperador Alexius
I(1048-1118)kay Papa Urban II upang sagipin
ang imperyong Byzantine at panatilihin ang
Kristiyanismo sa Silangan