Ang piyesang ito ay ginamit sa isang paligsahan ng Madulang Diyalogo. Ito ay hango mula sa pelikulang pinamagatang "Magkpatid" na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos at Sharon Cuneta.
1. Madulang Diyalogo
Magkapatid
Eliza: Ate, gusto kong makita si Miguel.
Ate: Natutulog siya.
Eliza: Kahit natutulog, okay lang, sisilipin ko lang naman yong bata eh!
Ate: Nag-aadjust pa siya, nakakasama ‘yon sa bata.
Eliza: Nag-aadjust? Anong nag-aadjust? Anong nakakasama doon?
Ate: Basta umalis ka na!
Eliza: Ate, ako ang ina ng bata. Kahit anong gawin mo, ako ang ina ni Miguel!
Ate: Oo, eh anong klase kang ina?
Eliza: Inang nagkakaanak, hindi nangangamkam!
(Ate/Eliza ---palitan ng sampal)
Eliza: Tama na ate, tigilan na natin ito! Ano ka ba? Gumising ka nga!
Gumising ka utang na loob! Sinisira mong buhay mo! Sinisira mo ang buhay ng
asawa mo! Buhay ko! Buhay ng lahat ng lahat ng mga taong nakapaligid sa’yo!
Gumising ka!
Ate: Magkakaintindihan tayo! Sinira mo ang lahat! Naiintindihan mo iyon? Sinira mo
ang buhay ko! Utang na loob, umalis ka na! Umalis ka’t baka hindi ako makapagpigil!
(Tatalikuran si Eliza)
Eliza: (Susundan ang ate) Hindi ako aalis, harapin mo ako!
Ate: Tika sandali lang!
Eliza: Hindi!
Ate: Umalis ka!
Eliza: Harapin mo ako ate! Tigilan mo na ito!
(Sabay na magkakasagutan)
Ate: Tika sandali! Naiintindihan mo ba kung bakit ako nagkakaganito?
Eliza: Ibalik mo sa akin ang anak ko! Huwag mong idamay ang bata rito ate! Kahit
anong gawin mo, anak ko si Miguel!
Ate: Naiintindihan mo ba kung bakit ako nagkakaganito? Buong-buhay mo…makinig
ka, ako ang nag-alaga sa’yo! Masakit din sa aking nawala si Marco, pero si Justine, si
Justine, bakit mo pinabayaan si Justine. Pinabayaan mo si Justine! Dahil sa’yo
namatay ang anak ko!
Eliza: (Natahimik) Hindi totoo ‘yan! Mahal ko si Justine. Mahal ko siya na parang
tunay kong anak!
Ate: Bakit siya nalunod? Bakit siya namatay?
Eliza: Sinisisi mo ako? Sinisisi mo talaga ako? Ha?
2. Ate: Hindi kita sinisisi Eliza. Pero hindi sana namatay si Justine! Nangako ka sa akin,
sabi mo..”ate, ako ang bahala. Ako ang bahala!” ..Pero hindi mo ginawa! Alam mong
nag-iisang anak ko si Justine. Nag-iisa! Hindi na ako pwedeng magkaanak ulit.
Pinabayaan mo ang anak ko. Pinabayaan mo ang nag-iisang anak ko!
Eliza: Aksidente ‘yon ate! Anong gagawin ko?
Ate: Dahil burara ka! Pati buhay mo burara! Wala ka nang ginawa kundi umasa sa
akin! Buong buhay ko, hindi ako umalis sa tabi mo! Nang namatay si papa at mama
ako nang naging magulang mo! Kahit maaga kang nabuntis at nag-asawa hindi nawala
ang suporta ko sa ‘yo Eliza lalo na sa mga anak mo! Halos buong buhay mo inasa mo
sa akin! Ako, minsan lang, minsan lang akong umasa sa’yo pero hindi mo ginawa!
Wala kang kuwentang kapatid! Alam mong hindi na ako magkakaanak! Your so , so
unfair! (Aktong tatalikod)
Eliza: Ikaw ang unfair! Namatayan din ako ng anak ate at masakit din para sa akin
‘yon! Pero wala akong magawa kundi ang tanggapin ‘yon! Alam kong masakit, pero
‘yon ang dapat! Mahirap bang intindihin ‘yon? Sabihin mo sa akin, mahirap ba? Ate,
hindi mo kailangang isumbat sa akin ang lahat ng pinakain mo, ang mga ibinihis mo ,
ang suporta mo sa pamilya ko, dahil buong buhay ko nang tinatanaw yan na utang na
loob ko sa ‘yo! At kahit paulit-ulit mo akong sisisihin kailan ma’y hindi na maibabalik ang
buhay ng anak mo! Bakit hindi mo intindihin ‘yon ate? Napakaselfish mo kasi! Puro
damdamin mo lang kasi ang iniisip mo! Paano naman ako? Bakit, ano bang gusto
mong gawin ko? Gusto mong magpakamatay ako? Gusto mong patayin ko yong anak
ko para patas na tayo?
Ate: (Tinititigan si Eliza) Hindi ko matatanggap ang pagkawala ng anak ko dahil sa
pagpapabaya ng mga taong inaasahan ko! Pinipilit ko Eliza na huwag isiping wala na
ang anak ko! Na okay lang tayo…Pero hindi! Araw-araw bumabalik sa alaala ko kung
paano ako lumaban para mabuo lamang si Justine sa sinapupunan ko. Alam mo ‘yon
Eliza…Araw-araw nakikita ko ang ngiti niya, ang saya niya, nararamdaman ang yakap
niya….ang lambing ng anak k!. Pero, araw-araw ring sumasagi sa isip ko kung paano
siya namatay…kung paano, paano siya nalunod na hindi ko man lang siya natulungan?
At ang pinakamasakit, pinaasa mo ako, pinaasa mo ako na babantayan mo siya! Na
ikaw ang bahala….at ‘yon ang hindi ko matatanggap Eliza….hindi ko matatanggap! (
Napapahaguhol sa iyak)
Eliza: (Mapapayakap sa ate..umiiyak) Ate… Hindi ko sinasadya ang lahat ate…tama
na….I’m so sorry! Tama na ate, tama na!