Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

13,338 views

Published on

Way Back Home of Star Cinema starring Kathryn Bernardo and Julia Montes

0 Comments
6 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
13,338
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
101
Comments
0
Likes
6
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

  1. 1. Pormalistikong Pagdulogsa PelikulangWay back HomeFELY N. VICENTEMAED-FILIPINOBB. ERNA SALASGURO SA FIL 505PAMANTASAN NG XAVIER-ATENEO DE CAGAYANKOLEHIYO NG SINING AT AGHAMDEPARTAMENTO NG FILIPINO
  2. 2. Balangkas ng PagsusuriI. IntroduksyonII. BuodIII. Sangkap ng DulaIV. Mga Bisa ng AkdaV. Kongklusyon
  3. 3. I. IntroduksyonAng pormalistikong pagsusuri ay isang pagdulogna nagsusuri, nagbibigay-interpretasyon o paglalapat samga napapaloob sa isang akda. Ito ay nakatuon sa paraanng pagkakabuo ng akda, pagpili ng mga salita at wika odayalogong ginamit at ang iba‟t ibang kabuluhan nito.Ang pagdulog na ito ay hindi nakabatay sasino, ano, kailan, saan o bakit kundi sa paano. Ito aytinatawag na ngayon makabagong panunuri o newcriticism.
  4. 4. Sa pagsusuring ito sa pelikulang pinamagatang“Way Back Home”, ang manunuri ay nakatuon sa anyong pagkakagawa nito. Sa kung paano ang mgapangyayari ay nagkawil-kawil, kung paano ang mga pag-uugali ng mga pangunahing tauhan ay nagbago omagbabago sa pagsulpot ng isang suliranin, kung paanoang suliranin ay nagbunga pa ng iba pang suliranin atkung paano binigyang solusyon ang suliranin sa pelikula.
  5. 5. II. BuodIto ay kwento ng dalawang magkapatid, si Joanna(Kathyrn Bernardo) at Jessie (Julia Montes). Nagkahiwalayang dalawa noong sila ay mga bata pa lamang. Disinasadyang nabitawan ni Jessie si Joanna nung siya‟ynagkukumahog na matingnan ang mga maliliit na pagong.Naiwanan sa may dalampasigan si Joanna na nagtungonaman sa ibang direksyon na inaakalang doon pumuntaang kanyang kapatid.
  6. 6. Lumipas ang labing-dalawang taon, nahanap ni Amy(Agot Isidro) si Joanna sa pamamagitan ng “Lukso ngDugo”. Hindi matanggap ni Jessie ang pagbabalik ngkanyang nakababatang kapatid na siya namanginaasahan sana ng kanyang mga magulang. Nabuhaysiyang may dinaramdam na insekyuridad at mgakabiguan. Ginagawa niya lahat magalak lamang angkanyang ina. Nagsimula ang hidwaan nilangmagkapatid, nanatiling mapagkumbaba atmapagpatawad si Joanna, samantalang, mainitin atmalupit si Jessie.
  7. 7. Ang kanyang kalupitan ay nagwakas nang sila‟ynagkasubukan ng paunahang makarating sa paglangoy sa ibayongbundok. Kung matatalo siya ni Joanna ay patatahimikin na niya ito.Sa kasamaang palad, hindi nakasanayan ni Jessie ang paglangoy sadagat. Nalunod si Jessie sa kalagitnaan ng kanilang paglangoy.Nananalo na sana si Joanna, ngunit pinili niyang lumangoy pabalikupang matulungan ang kanyang kapatid. Na ospital si Jessie, atnapagpasyahan ni Joanna na bumalik sa pamilyang kumupkop sakanya sa Zambales. Sa huli, napagtanto ni Jessie ang kanyangpagkakamali at humingi ng kapatawaran sa kanyang kapatid. Nabuoulit ang kanilang pamilya.
  8. 8. III. PagsusuriTagpuanAng naging tagpuan sa pelikulang ito ay sa dalampasigangmay mga maliliit na pagong kung saan aksidenteng nabitawan niJessie ang nakababatang kapatid na si Joanna. Malaki ang nagingkinalaman ng lugar na ito sapagkat dito nagsimulang magkalamatang samahan ng pamilya Santiago.
  9. 9. Julia Montes bilangJessica Lorraine S.SantiagoTauhan Nakatatandang kapatid niJoanna na may malaking inggitrito. Hinahanap-hanap niya angpagmamahal at atensyon ngkanyang mga magulang lalong lalona ang kanyang ina na si Amy. Sakalaunan, nagbago ang kanyangpag-uugali at mas naging mainitinpa ang kanyang ulo nang bumalikang kanyang kapatid.
  10. 10. Kathryn Bernardo bilangAnna Bartolome /Joanna Liezl S. SantiagoNakababatang anak ninaAmy at Ariel at kapatid niJessie na nawala sadalampasigan. Nahirapansiyang makibagay sa mgataong kailan lang niyanakilala. Mas naging mahirapsa kanya ang pakitunguhanang kanyang nakatatandangkapatid na si Jessie.
  11. 11. Agot Isidro bilangAmelia "Amy" SantiagoIna ng magkakapatid na sinaJessie at Joanna. Hindi nawalanng pag-asa na balang arawmakikita niya ang kanyangbunsong anak na nawala sadalampasigan. Sa kagustuhanniyang makita ang anak, ginugolniya ang kanyang atensyon rito athindi inalintana na may mga anakpa siyang nangangailangan ngkalinga at pagmamahal niya.
  12. 12. Tonton Gutierrez bilangAriel SantiagoAsawa ni Amy na siyangwalang sawang umintindi rito.Hindi niya pinapakita na siya‟ynahihirapa‟t napapagod rin. Maspinili niyang ituloy ang kanilangbuhay kahit pa nawala angkanilang bunsong anak.Mapagmahal na ama at pantayang turing sa kanyang mgaanak.
  13. 13. Sam Concepcion bilangAJNanligaw kay Jessie nanung una‟y pinagtawananlamang nito. Itinago niya angkanyang nararamdaman ng saganun hindi na siya mapahiyapang muli. Sa kalaunan ayhindi pa rin niya ito maikublikahit pa napahiya na siya.Nagpatuloy pa rin angkanilang ugnayan.
  14. 14. Enrique Gil bilangMichael Matalik na kaibigan niJoanna na sa pamamagitanng kanyang mga fish jokesnapagagaan niya angpakiramdam nito. Matagalng may lihim na pagtinginkay Joanna ngunit hindilang niya ito masabi sabi sadalaga.
  15. 15. Lotlot De Leon bilangLerma Kinilalang ina ni Joanna nasiyang kumupkop rito‟t itinuringna parang tunay na anak.Inang hindi alintana kung sakanyang sinapupunannanggaling o hindi man siJoanna. Ang mahalaga sakanya ay maipakita rito angkanyang wagas napagmamahal.
  16. 16. Sulyap sa SuliraninSa pamamagitan ngpagbabalik-tanaw oflashback nailahad angnaging sanhi ngpagkawalay ng bunsonganak nina Amy at Ariel nakung saan ay aksidentengnabitawan ni Jessie angkamay ni Joanna dahilanupang magkaiba ang daanna tinungo ng dalawa.Banghay
  17. 17. Saglit na KasiglahanNagkrus ang landas ni Amy at Joanna nang kapwa lumahok sakompetisyon sa paglangoy ang kanyang anak na si Jessie at ang nooy hindi paniya nakikilalang anak na si Joanna. Nagkataon na narinig ni Amy ang pagkantani Joanna na siyang nagpalukso ng kanyang dugo dahil sa iyon ang kantangkanyang inaawit sa tuwing inihehele niya ang kanyang bunsong anak. Agadniyang nabatid na ito na ang matagal niyang hinahanap na nawawalang anak.Hindi naman lubos maisip ni Ana (Joanna) na magkakaroon ng kapalit angkanyang pagkapanalo sa kompetisyon.
  18. 18. Nasambit pa nga niya:“ Kung ang kapalit ng pagkapanaloko, ang pagkawala ng pagkatao atpamilya ko, sana hindi na lang akonanalo”.Sa kabilang dako naman, nagkaroon ng pagtatalo sina Amy at Arieldahil sa paggiit ng una na si Ana ang kanilang nawawalang anak. Narito angbahagi ng kanilang pagtatalo:“At kung hindi siya „yon? Then what? Hindipa ba sapat na minsan ng nawala sayo anganak mo? Paulit-ulit na lang ba tayongaasa‟t masasaktan? Why wouldn‟t you allowyourself to be happy? Why wouldn‟t youallow this family to be happy?” pahayag niAriel.
  19. 19. “ Im sorry kung naging hadlang ako sa kaligayahan ninyo.And im sorry kung hindi ako katulad ninyo na kayang kalimutansi Joanna ng ganun-ganun lang. And im so sorry Ariel, kunghanggang ngayon mahal ko pa rin ang anak ko. At gagawin koang lahat para maibalik lang siya” tugon ni Amy.“So ako? Dahil pinili kong ituloy ang buhay ko, hindi ko naminahal si Joanna? Ganun? Dahil hindi ako umiyak sa harapanninyo hindi ako nasaktan nung nawala si Joanna. Ganun ba „yon?Ganun ba „yon? “ Huling pahayag ni Ariel.
  20. 20. Naging malaking katanungan naman para kay Jessie angpangyayaring iyon at naihayag niya ang kanyang saloobin.Sa kabuuan naging simula „yon ng pag-inog muli ngbuhay ni Amy. Natagpuan niya ang kanyang anak namatagal ng nawala sa kanila. Ngunit ang naging kapalitnaman nito ay ang pagkalamat ng kanilang mga relasyon.“ Dad, kung siya nga po talaga siJoanna, kung pwede pa pong mabuo angpamilya natin, kahit ilang beses pa poniya akong talunin, okey lang po. Dadplease pagbigyan niyo na po si Mommy”.
  21. 21. TunggalianSa pelikulang ito, makikinita natin na tatlo ang nagingtunggulian. Ito ay tao laban sa sarili, tao laban sa tao attao laban sa pagkakataon.Tao laban sa SariliNaging mahirap para sa mga pangunahing tauhan natanggapin ang katotohanan. Lalong lalo na angmagkapatid na sina Jessie at Joanna.
  22. 22. Pinipigilan ko „yong nararamdaman ko. Kaya ako mismo „yong pumilit kayDaddy na sunduin si Joanna. I thought my feelings would change. I wantedmy feelings to change. It never change. Naiinis ako AJ. Naiinis ako kasi nakikitako ang saya-saya ng Mommy ko. She never smiled at me or look at me the wayshe does at Joanna. Galit na galit ako sa kanya nun. Kasi ayaw niyang sumamasa amin. Kasi nakita ko ang lungkot ulit ni Mommy ehh.. Alam mo ba angayokong maramdaman ulit?.. Guilt! Nagiguilty ako kasi natutuwa ako kasi pinilini Joanna na huwag ng bumalik sa buhay namin” Madamdaming pahayag niJessie kay AJ.“ Nakita na si Joanna… Yeah! Dapat…Akala ko nga ehh.. Ilang taon akongnagdarasal na sana makita na naminsiya na makumpleto na kami. So thateverything will be okey again. Perobakit hindi ganun? Alam mo hindi ngaako natuwa nung makita namin siya eh.(akmang iiyak) Ang sama ko no?
  23. 23. “ Pasensya na po huwag ninyo po sanang mamasamain angsasabihin ko sa inyo pero hindi po ako makakasama sa inyo.Nagpapasalamat po ako dahil nagkita tayo ulit. Salamat po dahilhindi ninyo ako nakalimutan. Pero nandito po kasi ang buhay koeh.. nandito po ang pamilya ko” Mahinahong paliwanag ni Joannasa harapan ng kanyang mga magulang.Sa naibigay na dayalogo sa itaas, makikita na nag-aalab angmga damdamin nina Jessie at Joanna. Hindi nila matanggap sakanilang sarili ang katotohanang sila‟y magkapatid. Gusto nilangkumawala sa katotohanan nang sa ganun hindi na silamakaramdam pa ng kahungkagan.
  24. 24. Tao laban sa TaoMalinaw na nailahad sa pelikulang ito ang hidwaan sa pagitan ng magkapatid, mag-ina, mag-asawa at maging sa magkakaibigan.Hidwaang Mag-ina“ Yes Mom can we please don‟t talk about her. Cause they don‟t want to be here”Pagsusumamo ni Jessie.“ Wala rito ang kapatid mo dahil…” Putol na pahayag ni Amy“ Kasalanan ko! Common say it, it‟s my fault. Kung di ko sana kayo sinuway eh disana nandito pa si Joanna. Ako may kasalanan di ba? Eh di sana nandito pa siya hanggangngayon. Ano? Kasalanan ko di ba? Kasalanan ko. No! Sige na! Sabihin niyo na sa akin nakasalanan ko ito! Kasalanan ko kung bakit niya tayo kinalimutan. Kasalanan ko kung bakithindi siya sumama sa atin. Kasalanan ko kung bakit ibang pamilya ang pinili niya. Kasalananko ito! Kasalanan ko „tong lahat! Ayan Mommy inamin ko na. Ehhh „kaw? Kailan mo aamininna ikaw ang dahilan kung bakit nagkandaletsi-letsi ang pamilyang ito?” Naibulalas ni Jessiesa tindi ng nadarama.
  25. 25. Pagkatapos niya iyong maibulalas ay isang sampal angnatanggap niya mula sa ina. Mahihinuha natin sa sagutanng mag-ina na matagal ng ikinukubli ni Jessie ang bigat sadibdib dahil alam niyang siya ang sinisisi ng kanyang ina sapagkawala ni Joanna. Kaya nabigyan siya ng pagkakataongmailabas ang tunay na saloobin sa ina. Sa kabilang bandanaman, ayaw naman direktang sabihin ni Amy sa anak nasiya ang sinisisi nito. Ngunit magkaganun paman, naipakikita naman niya rito sa pamamagitan ngkanyang mga kilos ang matamlay na pagtrato niya rito.
  26. 26. Hidwaang magkaibigan“Hassle ka sa buhay alam mo „yon? Everyone asking me where you are”Saad ni AJ.“ Pasensya ka na huh? There was a time naman na hindi ako hassle sabuhay mo” Tugon ni Jessie.“ Yeah! There was a time that I was foolish enough to think that when I tellyou that I love you, you just say back. Pero pinagtawanan mo lang ako” Giit niAJ.“ AJ” Tawag ni Jessie.“ Am not gonna give you a chance to do that again” Huling pahayag ni AJ.Sa dayalogong iyon nina AJ at Jessie, malalaman natin na may dati nasilang naging alitan. Ang palitan nila ng mga salita ay patama nila sa isa‟t isa.
  27. 27. Hidwaang magkapatid.“ Ana! I told you not to touch my things” pagalit na saad ni Jessie.“ Ate sandali. Ate sorry… gusto ko lang naman…” Putol na pahayag niJoanna.“ Gusto mong agawin lahat sa akin!” ani Jessie.“ Hindi ate! Wala akong balak agawin…” Pagsusumamo ni Joanna.“ Sinungaling ka talaga. Alam mo bang bata pa lang tayo mang-aagawka na hanggang ngayon mang-aagaw ka pa rin!” dagdag ni Jessie.“ Akala ko kasi ate matutuwa ka ehh..” nanginginig na sambit niJoanna.
  28. 28. “ Mukha ba akong natutuwa? Pakialamira ka ehh. Ginugulo molahat. Gusto mo kasama ka sa lahat. You want to be friends with myfriends? You can‟t! Because they don‟t like you. You want to be part ofthe swimming team? You can‟t! Because hindi ka namin kailangan! Youwant to be part of everything I am? You can‟t! Dahil ayoko!” tuloy-tuloyna pahayag ni Jessie.“ Jessie, puwede bang kumalma ka lang? Ganyan ka ba magalitdahil sa isang laruan lang? Ang O.A mong mag-react. Puwede bang easyka lang okey?” Awat ng kanilang nakatatandang kapatid na lalaki.“ Don‟t tell me to take it easy. Because you don‟t know how I feel”Huling pahayag ni Jessie.
  29. 29. Sa batuhan ng mga pahayag ngmagkakapatid, makikita natin ang tindi ng galit nanararamdaman ni Jessie sa kanyang kapatid na si Joannadahil iniisip nitong nais agawin ng huli ang kung ano manang mayroon siya. Mapapansin rin natin na nais lang namansana ni Joanna na mapasaya ang kapatid ngunit iba palaang magiging kapalit nito. Umawat naman ang kanilangkuya sa kanila ng sa ganun maibsan nang kaunti angtensyon sa pagitan nila.
  30. 30. Tao laban sa PagkakataonMakikita rin natin sa pelikula na bunga lamang ngpagkakataon ang mga naging suliranin. Nagkaroon ngpagbabago sa pag-uugali ng mga pangunahing tauhan dalana rin sa katotohanang nais nilang maikubli. Ang nagingdahilan ng suliranin at ang nag-udyok pa sa iba pangsuliranin ay pawang hindi naman inaasahan. Nagkataonlamang na magiging ganun kasalimuot ang kanilang mgabuhay.
  31. 31. Ang naging kasukdulan sa pelikula ay nung magkaroon sila ng retreat samay isla na kung saan nagpustahan ang magkapatid na lumangoy sa dagat.Kung sino ang unang makalangoy patungo sa isla ang siyang mananalo atmaaari makamit ang hiling o gusto. Narito ang bahagi ng kanilang pustahan.“ Ate bakit ba hindi mo ako mapatawad? Ate? Ano ba ang nagingmalaking kasalanan ko sayo?” tanong ni Joanna.“ Nabuhay ka. Nabuhay ka‟t lahat ng pagmamahal ni Mommy binigayniya sayo. Wala na siyang tinira sa akin.” Direktang sagot ni Jessie.Kasukdulan
  32. 32. “ Hindi totoo yan! Mahal ka ni Mommy.” Giit ni Joanna.“ Hindi! Araw-araw pinagbabayaran ko yong pagkawala mo. Araw-araw nakikipagkompetensya ako sa multo mo. At araw-araw natataloako. Sana ako na lang ang nawala. Ang daya daya ehh.. ikaw dalawangnanay ang nagmamahal sayo. Bakit napakadali ng lahat para sayo.”Tugon ni Jessie.“ Akala mo ganun lang kadali yun. Ang iwan ang nakasanayangkong pamilya? Ang isantabi si Ana para maging si Joanna? At subukangmakipagsabayan sa buhay ninyo? At anong kapalit nun ate? Lahat ngpananakit at pang-iinsulto mo sa akin ate. Hindi yon madali. Araw-arawmong pinagbabayaran ang pagkawala ko? Ehh ako? Hanggang kailanmo ako sisingilin sa pagbabalik ko ate? Sabihin mo? Anong kailangankong gawin para mapatawad mo na ako? Ano ang kailangan kong gawinpara matanggap mo na ako?” may pagpapakumbabang sabi ni Joanna.
  33. 33. “ Nakikita mo „yon? Talunin mo ako!” ani ni Jessie.“ Ate hindi ka sanay lumangoy sa dagat, delikado.” Awat niJoanna.“ Wala akong pakialam. Kung matalo mo ako patatahimikinna kita. Kapag nanalo ako maglalaho ka na nang tuluyan sabuhay ko.” Hamon ni Jessie.Sa pustahang yaon ng magkapatid, muntikan ng malunod siJessie dahil nga hindi siya sanay lumangoy sa dagat. Habang siyaay nalulunod na, paulit ulit na nasambit ni Jessie ang pangalan niJoanna upang siya ay matulungan nito.Nangibabaw naman angpagkaawa ng huli sa kanyang kapatid kung kaya‟t iniligtas niyaito.
  34. 34. KakalasanDahil sa muntikang pagkalunod ni Jessie, napagtanto ni Joanna nakailangan na siyang magpakalayo layo upang matahimik na ang kanyang ate.Narito ang bahagi ng kanyang pahayag.“ Sorry po Mommy. Sorry po.” Paumanhin ni Joanna.“ Sorry for what?” tanong ni Amy.“ Hindi po dapat ako pumayag sa hamon ni Ate” Paliwanag ni Joanna.“ Okey na anak. Im just glad you were there to save your sister.” Tugonni Amy.“ Puwede po bang umuwi na ako sa Zambales? Dun na lang po ako.Sana po maintindihan niyo. Gustong gusto ko po kayong makasama. Peroayaw ko na pong nakikitang nasasaktan si Ate” ani Joanna.
  35. 35. “ Labing dalawang taon po tayong nagkahiwalay peromas napalayo po kayo kay ate. Hindi po ako „yong totoongnawala. Si Ate Jessica po. Kasama niyo po siya pero nawalapo siya sa paningin niyo. Kaya baka kailangan po na mawalaulit ako para si Ate Jessica naman po „yong mahanap niyo”Diin ni Joanna.Ito ang nakitang paraan ni Joanna upang nang saganun ay matahimik na ang kanyang buhay. Nais niyangmaipakita naman ng kanyang ina ang pagmamahal atatensyon na ibinibigay nito sa kanya sa kanyang kapatid.
  36. 36. WakasNagtapos ang pelikula ng masaya sapagkat napagtantona ni Jessie ang kanyang pagkakamali at natanggap na niyasi Joanna bilang kapatid. Binigyang-halaga na rin siya ngkanyang inang si Amy. Naipakita na rin nito angpagmamahal at atensyong kanyang hinahanap simula‟tsapol. Naging magkasundo na rin silang magkapatid.Nanumbalik din ang pagtitinginan nina AJ at Jessie, at maslumalim pa ang samahan nina Joanna at Michael. Nabuongmuli ang kanilang pamilya.
  37. 37. Ito yaong palasak na wakas sa mga pelikulangPilipino, ang tinatawag nating “happy ending”. Ito angkinagigiliwan nating uri ng wakas sapagkat nais natin namaging masaya ang mga pangunahing tauhan sa hulimatapos nilang mabigyang-solusyon ang kanilangnaging suliranin. Kung kaya‟t masasabi nating nagingpredictable ito sa mga manonood sapagkat alam nanatin ang kasunod.
  38. 38. IV. Bisa ng AkdaBisang DamdaminPaulit ulit ko nang pinanuod ang pelikulang ito. Nabigyang-katarungan ngmga karakter ang kanilang papel na ginagampanan. Bawat isa sa kanila aymaayos na naipakita ang pag-uugali mayroon ang karakter na kanilangginagampanan. Nailahad rin nila ng mabisa at mahusay ang damdaming naisnilang maipakita at maramdaman ng mga manonood. Ang kanilang mgaemosyon ay akma sa kanilang mga ikinikilos.Naiparating sa akin ang walang kapalit na pagmamahal ng isang ina sakanyang anak. Ang hindi pagkawala ng paniniwala na mahahanap atmahahanap rin niya ang kanyang anak. Para na ring ako ang isa sa mgakarakter sa pelikula dahil naramdaman ko rin ang kanilang naramdaman. Anggalit, tuwa, inis at poot, ilan lamang yan sa mga damdaming nangibabaw sapelikula. Damdaming maging ang mga manonood ay makahinuha rito.
  39. 39. Bisang KaisipanNaipakita sa pelikula ang tinatawag nating close familyties na kung saan isa „yan sa ating pagkakakilanlan bilangmga Pilipino. Nakagawian na natin ang pagiging malapitnatin sa ating pamilya. Pinapahalagahan natin angpananatiling buo ng ating pamilya kahit pa sa mga pagsubokna dumarating sa atin.Naging positibo rin ang pananaw na naipakita ng pelikuladahil sa kabila ng mga suliranin naranasan ng mgapangunahing tauhan ay nananatiling buo ang kanilangpaniniwala na sa huli ay magiging kumpleto rin ang kanilangpamilya.
  40. 40. VI. KongklusyonMabisang nailahad sa pelikula ang totoong nangyayari saating lipunan ngayon lalong lalo na sa suliraning pampamilya. Angmga di maiwasang palitan ng mga maaanghang na mga salita sapagitan ng mga magkakapamilya. Ang mga inggitang nangyayarisa pagitan ng magkakapatid. At ang simpleng away-bati ngmagkakaibigan. Magkagayon man, naipakita pa rin sa pelikula nakahit anong mangyari, ang pagmamahal ng isang ina ay wagas athindi mapapantayan. At ang pananatiling buo ng isang pamilyaang pinakamahalaga sa lahat kahit pa marami ng pagsubok angdumaan.
  41. 41. Ginamit naman nila ang fish jokes upang nang sa ganunmapagaan ang ilang mabibigat na eksena. Ito ang nagsilbingpampagaan ng mga naglalagablab na damdamin ng mga tauhan.Naipakita rin sa pelikula ang pagpapatawad at pagtanggap.Na kung saan maihahalintulad natin sa kasabihang, “Kakambal ngpagpapatawad ay ang paglimot”.Kung tayo ay nagpapatawad ay nangangahulugang ito nanatanggap na natin ang katotohanan at handa tayong lumimot samga masasamang nangyari sa atin at maaari na tayongmakapagsimulang muli.

×