1. HAMON
LlyregZeraus
Ang pamilya bilang isang pundasyon ng isang komunidad ay ang pinakamaliit na yunit sa
institusyong sosyal na pinoprotektahan ng gobyerno. Ang relasyon ng pamilya ay dapat matibay at
ginagawa at ipinapakita ang kahalagahan ng iasang pamilya sa tahanan. Ang relasyon ng ama at ina,
kung saan sila ang modelo sa kanilang mga anak. Ang relasyon ng magulang at mga anak,
kailangang may respeto at pagmamahal sa bawat isa at ang relasyon ng magkakapatid. Ang bawat
isa ay kailangang may pagmamalasakit, respeto, pagpapahalaga at pagmamahal sa bawat isa. Kung
mangyari mang may karahasang mangyari sa isang miyembro ng pamilya kung saan isa rin sa
miyembro ng pamilya ang may pakana, ito ay sasagutin ng kinauukulan, sapagkat ang pamilya ay
pinoprotektahan ng kinauukulan at ang bawat isa ay may karapatang pantao para sa kanyang sarili
kung saan sakaling siya man ay inabuso.
Karapatan ng mga magulang na itaguyod ang kanilang mga anak. Kung mangyari mang hindi
nila ito magawa, ano ang magiging maaaring mangyari?
Diane: “ Ma, makakapasok po ba ako sa grade three ngayong pasukan?”
Aling Nina: “ Anong pasok ka diyan? Hindi! Wala tayong pera. Huwag ka nang mag-aral. Sayang
lang sa pera iyan. Isa pa, kailangan mong magtrabaho kasi panganay ka. Iyan ang isipin
mo!”
Amado: “ Tama naman ang iyong ina. May apat na kapatid ka pang kailangan mong tulungan. Tama
na ‘yang pag-iilusyon mong mag-aral. Ambisyosa!”
Diane: “ Pa, Ma, paano naman po ako magkatrabaho, eh, labing-isang taong gulang pa po ako?
Hindi po ba, karapatan po ninyong gampanan ang inyong tungkulin bilang magulang? Ma, Pa, hindi
sa sinasagot ko po kayo, ako po ang pinagtatrabaho ninyo, samantalang kayo ay nasa bahay
lang, kung hindi naman ay sa sugalan. Ni hindi n’yo man lang inaalala kung may kinakain pa ba
ang inyong mga anak, basta kayo ay busy sa pagsusugal.”
Aling Nina: “ Ay, sumasagot ka na, ha. Walanghiya ka!”
Dahil sa sinabi ng anak, sinaktan nila ito nang sobra-sobra. Sabunot dito sabunot doon.
Sampal dito at sampal din doon. Hinahablot, tinutulak, at tinatadyakan pa. Parang hindi pa nagkasya
angmag-asawa’y nilatigo pa ang anak dahil sa inis nila rito.
Nangyaring mainit ang ulo ng mag-asawaay dahil talunan pala sila sa sugal at nagkautang pa
dahil nagbabakasakaling maipanalo nila ang nahiram na pera at makabawi sa pagkatalo, ngunit ang
panginoon ay may paraan upang mangyari ang mga bagay. Hindi nakabawi ang mag-asawa sa
pagkatalo sa kanilang pagsusugal.
Alam natin na hindi tama ang ginawa ng mga magulang ni Diane. Pagkatapos ng
pangyayaring iyon, umabot ito sa kaalaman ng DSWD at kinuha ng mga ito ang karapatan nila sa
kanilang mga anak at kinasuhan sila. Nasa pangangalaga ng gobiyerno ngayon ang mga bata at ang
mga magulang ng mga ito’y binayaran nila ang abusong kanilang nagawa.
2. Pagkatapos ng maraming taon, nakapagtapos na rin si Diane sa pag-aral sa kursong kanyang
ginusto mula pagkabata, ang maging isang guro balang araw. Ang mga kapatid niya ay nakapag-
aral na rin dahil nakakuha rin naman siya kaagad ng trabaho. Ngayon ay ikalimang taon na niya sa
pagtuturo sa isang pampublikong paaralan sa kanilang probinsiya. Ipinagpatuloy ng kanyang mga
kapatid ang pag-aaral. Ang ikalawang kapatid ay nasa ikaapat na taon, ikatlong taon naman ang
pangatlo, ikalawa ang pang-apat, at unang taon naman ng sekundarya ang bunso.
Sa loob ng apat na taon ay nagtiis ang magkapatid sa bahay-ampunan. Sinikap nilang
magkakapatid na hindi magkahiwalay. Patuloy pa rin ang kanilang pag-aaral dahil sa libreng
paaralan doon para sa mga batang tulad nila. Nang makatapos ng elementarya si Diane ay
napagdesisyunan nilang magworking student na lang siya. Babalikan niya ang kanyang kapatid
kapag nakapagtapos na siya. Sa awa naman ng panginoon ay nakahanap ng mabuti at mababait na
amo si Diane. Pinapaaral siya nito at sinabihang pwede niya ring dalhin ang kanyang mgakapatid
doon para masigurong hindi sila magkakahiwalay. Ang mag-asawa ay walang anak kung kaya’t
ganoon na lang ang malasakit nila sa magkapatid. Upang pormal at talagang makalabas ang
magkapatid ay naghain ang mag-asawa ng adoption paper. Dahil na rin sa maykaya ang mag-asawa
at napatunayang maganda ang kanilang intensyon ay naaprubahan ang adoption na kanilang
inihain.
Masaya ang magkapatid at nagpasalamat sila sa mag-asawang may malasakit sa kanila.
Ikalawampung taon na ngayon mula noong nangyari ang isang masaklap na pangyayari sa buhay ng
magkaptid. Dahil mga magulang pa rin nila ang mga iyon ay wala silang karapatang magtanim ng
galit sa mga ito. Matagal na nila itong napatawad at nangungulila na rin sila sa mga ito. Sa taon ding
itoay nakapag-asawa na rin si Diane. Ang sumunod na kapatid naman ay nakatapos na rin sa pag-
aaral sa kinuhang kurso na Business Administration at kasalukuyang nagsasanay na sa negosyo ng
mag-asawang umampon sa kanila.
Pagkatapos ng tatlumpung taon, sa hindi sinasdyang pagkakataon. Ang magkapatid ay
namasyal pagkatapos nilang magsimba.
Diane: “Caroline, kumain na muna tayo bago tayo maglakwatsa.”
Caroline: “Buti pa nga, ate. Gutom na rin kami.”
Shantelle: “Gusto kong magkanin talaga. Hindi na ‘to kaya ng junkfoods o burger lang.”
Tristan: “Ate, karinderya tayo. Namiss ko nang magkarinderya. Mas safe at may sustansya pa ang
pagkain doon kaysa sa Fastfood.”
Kathy: “Ano pa’ng hinihintay n’yo, tara na!”
Masayang naghanap ng bakanteng lugar ang magkapatid. Pagkatapos kumain ay hiningi na
nila ang bill ng kanilang kinain. Ngunit hindi sila pinabayad ng may-ari nito kahit pa man sa laki ng
babayaran sana nila. Nagtaka ang magkapatid.
“Ano ’to, promotional ng karinderya at tayo ang maswerteng costumer?” Ang wika ni Shantelle.
Lumapit ang isang matandang lalaki. Nanlaki ang mata nina Diane at Caroline. Nagkatinginan lang
ang dalawa at hindi makapagsalita.
3. “Ate! Anong nangyari sa inyo? Bakit ganyan ang reaksyon n’yo sa kanya?” Sabay turo sa matanda.
“Siya ang may-ari nitong karinderya. Palagi nga kami ng mga kaklase ko rito dahil palaging may
discount.” Sabay ngiti sa matanda.
“Oh, ate, bakit?” tanong ni Kathy na kagagaling lang ng CR. Paglingon niya sa matanda, “Itay?! Kayo
po ‘yan? Kayo po ‘yan, hindi ba?”
“Sandali! Ano ‘to? Kilala n’yo siya?” tanong ng naguguluhang si Tristan.
“Siya ang tatay, bunso,” wika ni Diane.
“Tatay? Paanong naging siya? Baka kamukha lang ni itay.”
“Hindi. Kilala ko si itay. Siya si itay. Siya talaga si itay,” naluluhang si Caroline.
“Batang-bata ka pa kasi noong iniwan namin kayo. Ang lalaki n’yo na,” sabi ng nakahikbing ama.
“Nasaan ang nanay?” ang singit ni Shantelle.
“Wala na ang nanay ninyo. Noong nasa kulungan palang kami ay isa siya sa nadapuan ng malalang
sakit at pagkatapos ay namahinga na ri siya pagkataos ng dalawang lingo sa ospital. Sinabi ng nanay
ninyobago siya namatay ay ihingi ko raw siya ng tawad sa inyo kung sakaling magkita man tayo. Una
kong kita kay Tristan ay nakilala ko agad siya na anak ko siya dahil sa balat na nasa kanyang braso
noong unang kain niya rito na nakadamit pambasketbol. Hindi akonaglakas-loob na tanungin siya
tungkol sa inyo at hindi rin ako nagpakilala dahil sa takot ko na kinamuhian ninyo ako. Mga anak,
patawarin ninyo ako sa lahat ng pagkukulang ko sa inyo,” ang sabi ng humahagulgol na ama.
Niyakap nila nang mahigpit ang ama at sinabing, “Itay, hindi namin kayo kinamumuhian.
Hindi kami nagtanim ng galit sa inyo kailanman. Matagal namin kayong hinintay sa bumalik kayo ni
Inay, tay. Salamat sa Diyos at nagkita tayong muli.”
Sa pagkikitang ito ay hindi pa huli ang lahat upang magsimula sa bagong buhay. Ang
magkapatid ay laking pasalamat nila sa Panginoon dahil sa mga karanasang kanilang naranasan.
Kung hindi dahil sa mga karanasang ito ay hindi sila magiging malakas sa pagharap sa mga
pagsubok sa kanilang buhay.
Ang pananalig sa Diyos ang kanilang sandata upang malampasan ang anumang pagsubok na
dumarating sa kanilang buhay. Sa pakikipaglaban ay kapitkamay ang bawat isa upang wala ni isa
man ang mahiwalay. Ang suporta ng bawat isa ay isa ring bagay na lalong lumakas ang kapit nila sa
isa’t isa para sa tagumpay sa hamon ng buhay.