2. Noong unang panahon, may nakatirang mag ina sa
isang mapayapang lugar. Ang ina ay si Aling Rosa at
ang anak nitong si Pinang. Maaga mang nawalang
nang ama si Pinang ay masaya Namang syang
namumuhay kasama ang kanyang inay.
3. Si Pinang bilang nagiisang anak ay lumaking
walang ibang alam gawin kindi ang kumain at
matulog. Nais ni Aling Rosa na matuto si Pinang
nang mga gawaing bahay upang mapagaan man
lang ang mga gawaing bahay
4. Isang araw nagkaroon nang sakit si Aling Rosa
kaya hindi muna sya nakakagawa nang mga
gawaing bahay. Napilitan si Pinang na gumawa
nang mga gawaing bahay.Tumagal ang sakit ni
Aling Rosa kaya napahaba din ang paggawa ni
Pinang nang mga trabaho sa bahay
5. At dahil may sakit si Aling Rosa ay si
Pinang ang gumagawa nang mga
trabaho sa bahay tulad nang
paghahanda nang pagakain at
paghuhugas nang mga plato.
6. Palaging nagtatanung si Pinang kung saann nakalagay ang
mga gamit sa bahay.Isang araw nang magluluto na si
Pinang ay hindi nya nalaman kung saann nakalagay ang
sandok. Tinanung nya si Aling Rosa tungkol sa
sandok."Inay nasan ba yung sandok hindi ko kase makita
sa kusina?" tanong nya. "Naku Pinang sana'y makaroon ka
nang madaming mata para mahanap mo" sagut ni Aling
Rosa
7. Isang umaga nagtataka si Aling Rosa kung bakit wala
si Pinang sa bahay. Nung araw na iyon ay medyo
mabuti na ang pakiramdam ni Aling Rosa kaya agad
syang bumangon sa kanyang higaan.Hinanap agad
nya si Pinang, sa kanyang paghahanap ay may nakita
syang isang kakaibang bagay sa kanilang bakuran.
8. Ito ay hugis ulo nang tao na may madaming mata. Biglang
naalala ni Aling Rosa ang mga sinabi nya kay Pinang at
siya'y nabalot nang kalungkutan
Mula noon tinawag na Pinang ni Aling Rosa ang kakaibang
halaman. Sa paglipas nang panahon ito ay tinawag na
Piña.