1. Banghay Aralin sa Mother Tongue
Ikatlong Baitang
I.Layunin:
1. Natutukoy at nagagamit nang wasto ang mga panghalip panaklaw. (MT CG
3G-IIe-f-2.2.4)
2.Nakapagbibigay ng reaksyon sa kwentong napakinggan sa pamamagitan ng
pagsasadula ,pagtula at pagguhit. (MT 3RC-IIf-g-11.1)
3. Naipapakita ang pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng
masinsinang pakikinig habang binabasa ang kwento. (MT 3A-IIa-1-4.2)
II.Paksang Aralin:
a.Panghalip Panaklaw
1. Pagtukoy at Paggamit nang Wasto sa mga Panghalip Panaklaw.
2. Pagbibigay ng Reaksyon sa Kuwentong Napakinggan sa
Pamamagitan ng Pagsasadula ,Pagtula at Pagguhit.
3. Pagpapakita ng Pagmamahal sa Pagbabasa sa Pamamagitan ng
Masinsinang Pakikinig Habang Binabasa ang Kuwento.
b.Sanggunian:
MT B MLE Curriculum Guide p. 137
www.google.com
www.wikipedia.com
c. Kuwento:
Ang Bagyong Yolanda (Sariling Likha ng Guro)
d. Kagamitan:
video ng mga pangyayari noong Bagyong Yolanda,
larawan, mga parirala, tsart ng mga gawain, show me board
e. Pagpapahalaga:
Pagiging handa sa panahon ng kalamidad.
III. Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Punan ng wastong panghalip pananong ang bawat patlang
1.__________ ang pangalan ng pinakahuling bagyo na dumating
sa bansa?
2.__________ ang unang inililikas ng ating pamahalaan sa
tuwing magkakaroon ng mataas na pagbaha dulot ng bagyo?
3 ._________ nakakaranas ng malalakas na bagyo ang ating bansa?
4. __________ tayo dapat pumunta kapag alam natin na hindi
tayo ligtas sa ating sariling tahanan sa tuwing may malakas na bagyo?
2. Pagganyak:
Awit :Himig ng Magtanim ay Di Biro(sariling likha)
May bagyo, may bagyo
Tayo na at humanda
Gamit ay ayusin na
Tayo ay lumikas na
La…la…la..la..
La…la…la..la..
La…la…la..la..
La..la…la..la..
B.Panlinang na Gawain:
1. Pagpapayaman ng Talasalitaan:
Panuto: Piliiin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
1 .Walang naisalbang kahit anong kagamitan ang aming kapitbahay
nang tangayin ng tubig baha ang kanilang bahay.
2. a. nailigtas c. naitago
b. nahabol d. naipamigay.
2 . Nagdulot nang matinding kalungkutan sa mag-anak ni Mang Pedro
ang pagkawasak ng kanilang bahay sanhi ng bagyo.
a. nagbigay c. nagwala
b. nagtago d. naging dahilan
3 . Ang mga mamamayan ay ginulantang ng napakataas na
tubig baha, kaya wala na silang naisalbang mga kagamitan.
a. ginulat c. tinangay
b. natuwa d. lumangoy
2. Paglalahad ng Aralin
> Panonood sa maikling video ng mga pangyayari pagkatapos ng
bagyong Yolanda.
> Pagbabasa ng guro ng maikling kuwento tungkol sa bagyong
Yolanda.
Bagyong Yolanda
akda ni: Editha T.Honradez
Sa darating na ika- 8 ng Nobyembre ay isang taon na ang Bagyong
Yolanda, na nagdulot ng malungkot na pangyayari na kahit kailan hindi
malilimutan ng lahat ng mga naninirahan sa Visayas. Ang balana ay ginulantang
sa nakakatakot na napakalakas na hangin at ang mataas na tubig na ikinagulat ng
lahat ng mga naninirahan sa lugar sa Visayas. Sinuman sa mga naroroon ay may
kanya-kanyang di-malilimutang karanasan na dulot ng bagyong Yolanda. Walang
anuman naisalbang gamit ang mga kababayan natin na naninirahan roon.
Nakakalungkot na hanggang sa ngayon marami pa rin sa ating mga kababayan
ang humihingi ng tulong dahil sa sinapit nila sa lupit ng Bagyong Yolanda. Laman sa
alinmang mga balita sa telebisyon at radyo ang mga pangyayaring iyon.Ang
sinuman reporter na naghatid ng mga balita ay hinangaan ng marami dahil hindi
ligtas kaninuman ang pumunta sa lugar na iyon.
2.Pagsagot sa mga tanong tungkol sa kuwento.
1. Ano ang pangalan ng bagyong kumitil ng buhay ng marami nating mga
kababayan?
2. Kailan nangyari ang trahedya sa marami nating mga kababayan .
3. Saan lugar sa bansa naranasan ang napakalakas na bagyo?
4. Sinu-sino ang ginulantang ng nakakatakot na sobrang lakas na hangin
at napakataas na tubig baha?
5. Sinu-sino ang may hindi malilimutang karanasan dulot ng Bagyong
Yolanda?
6. Ano ang madalas ibinabalita noong panahon na iyon sa alinman mga
istasyon ng telebisyon?
7. Sa iyong palagay napaghandaan ba ng ating mga kababayan ang
dumating na trahedya sa kanila dulot ng bagyong Yolanda?
8. Para maiwasan na maulit muli ang pangyayaring iyon,ano ang dapat
3. nating gawin?
3.Pagsasanib sa Wika:
Ipabasa ang mga pangungusap mula sa kuwento.
1. Sa ika-8 ng Nobyembre ay isang taon na ang Bagyong Yolanda na
nagdulot ng trahedya sa lahat ng naninirahan sa Visayas.
2. Ang marami ay ginulantang nang nakakatakot na sobrang lakas ng hangin
3. Sinuman sa mga naroroon ay may kanya-kanyang hindi malilimutang
karanasan na dulot ng bagyong Yolanda.
4. Sa mga balita sa alinman mga istasyon ng telebisyon, ng panahong iyon,
mas marami ang hindi magagandang balita.
5. Walang anuman naisalbang gamit ang karamihan sa mga tao na
naninirahan sa lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
sa lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
(Ipabasa ng guro ang mga salitang may salungguhit. Ipatukoy ang tawag sa
mga salitang may salungguhit.)
3.Pagsasanay:
Panuto: Isulat ang wastong panghalip panaklaw para mabuo ang
pangungusap.
1. Sa tuwing may darating na malakas na bagyo ang ( lahat, ilan) ay
pinaghahanda nang ating pamahalaan.
2. (Marami ,Ilan ) sa ating mga kababayan ang nagsipaghanda na para
lumipat sa mas ligtas na lugar.
3. (Sinuman, Anuman )sa mga nakapanood ng pangyayari ay nahabag sa
sa lunus-lunos na nangyari sa ating mga kababayan.
4. Ang (bawat isa, ilan) ay gumawa ng paraan para makatulong sa mga
kababayan natin na naging biktima ng bagyo.
5. Hindi ligtas sa (kaninuman, anuman) ang pumunta sa lugar na iyon.
4. Paglalahat:
Ang panghalip panaklaw ay tumutukoy sa tao o bagay na walang
katiyakan kung sino o ano ang mga ito.
5. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat nating gawin para hindi na natin muling maranasan ang
trahedya na nangyari noong Bagyong Yolanda?
6. Pangkatang Gawain:
Hahatiin ng guro ang klase sa 4 na pangkat:
Pangkat I:
Panuto: Basahin ang dula-dulaan nang may damdamin at ikahon ang
wastong panghalip panaklaw.
Pangkat II:
Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pangyayari noong
Bagyong Yolanda. Sumulat ng pangungusap tungkol sa larawan
na ginagamitan ng panghalip panaklaw.Ikahon ang panghalip
panaklaw na ginamit.
Pangkat III:
Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na parirala upang makabuo ng
isang panawagan ng paghahanda sa darating na bagyo.Lagyan ng
highlights ang ginamit na panghalip panaklaw.
(Ang lahat ay pinakikiusapan ng ating pamahalaan lungsod na
maghanda sa darating na malakas na bagyo. Walang sinuman ang
pinahihintulutan na manatili sa kani-kanilang tahanan. )
Pangkat IV:
Panuto: Bigkasin ang tula ng may damdamin.Bilugan ang mga
panghalip panaklaw.Bilugan ang mga panghalip panaklaw.
4. O Yolanda, tingnan mo ang bakas ng iyong bagsik
Ang sinuman sa mga kababayan ko’y di alam kung saan sisiksik
Lahat ng kanilang bahay ay iyong sinira,
Marami sa kanilang mahal sa buhay ang iyong kinuha.
7. Paglalapat:
Panuto: Tukuyin ang wastong panghalip panaklaw sa bawat pangungusap.
1. Ang (kaninuman, lahat ) ay pinaghahanda para sa darating na malakas na
bagyo.
2. (Marami ,Ilan ) ang humanga sa maagap na pagresponde at pagbibigay
ng tulong ng mga taga ibang bansa.
3. Walang (sinuman, kaninuman) ang pinahihintulutan na manatili pa sa kani-
kanilang tahanan sa tuwing may paparating na malakas na bagyo.
4. Wala ( ilan, anuman) naisalbang gamit ang mga naging biktima ng bagyong
Yolanda.
5. Walang (sinuman, alinman) ang nakababatid ng maaring mangyari sa atin
sa panahon ng kalamidad kaya dapat itong paghandaan.
8. Pagtataya:
Panuto: Punan ang patlang. Piliin ang wastong panghalip panaklaw para
mabuo ang pangungusap.
1. Ang ___________________ ay ginulantang ng nakakatakot na lakas ng hangin.
( lahat kaninuman ilan )
2. Mapanganib sa _________________ ang lumabas ng bahay sa tuwing may
malakas na bagyo.
( alinman sinuman anuman )
3. Ang ________________ sa mga programa sa telebisyon ay pansamantalang
inihihinto upang magbalita ng mga mahahalagang pangyayari tungkol sa
bagyo.
( sinuman kaninuman alinman )
4. ________________ mga kagamitan na naiwan ng mga lumikas na mga
mamamayan ay hindi dapat pakialaman.
( anuman sinuman saanman )
5. Ang ________ay dapat laging maging handa sa panahon ng kalamidad .
( bawat isa marami alinman )
IV.Takda:
Sumulat ng inyong sariling karanasan tungkol sa bagyo.
Binigyan pansin ni:
Gng.Lilibeth S. Gozo