2. 'I, ________________ , solemnly swear (or affirm) that I recognize and accept the supreme authority of the United States of America in the Philippine Islands and will maintain true faith and allegiance thereto; that I impose upon myself this obligation voluntarily, without mental reservation or purpose of evasion. So help me God.‘ Hulyo 4, 1902 komika, 1898
3. A. Apolinario Mabini B. Andres Bonifacio C. Jose Rizal D. Gregorio Del Pilar
Magandang Hapon po sa inyo, Tita Thess at Joe. Salamat sa inyong pagpapakinig at pakikihalok sa aking presentasyon sa araw na ito. Ititutoy nating tatalakayin ang ating mga tema galing sa nakaraang linggo… tulad ng nasyolanismo, kolonisasyon, at demokrasiya sa Pilipinas. Ang ating bandila ay itinayo noong Hunyo 12, 1898 (ika-labingdalawa ng hunyo) bilang isang simbolo ng ating kalayaan mula sa Espanya. Si General Emilio Aguinaldo ay inihalal na unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas ngunit ito ay hindi nagtagal. Ulit nagsimula ang pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas sa susunod na taon – na alam natin na Philippine-American War. Siempre alam natin ang pagkatalo at pagkasuko ng Pilipinas sa mga Amerikano na nagbigay daan sa okupasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas hanggang sa dekada kuwarenta. Noong Hulyo 4, 1902, (ika-apat ng hulyo) inihayag ni Presidente Theodore Roosevelt ang wakas ng rebolusyong Pilipino. Nakapaloob sa pahayag ni Presidente Roosevelt ang sumpa at tanggap sa kataas-taasan, karapatan at kapangyarihan ng Estados Unidos sa Pilipinas para sa mga rebolusyonaryo na binigyan ng amnestiya.
E.U. Presidente William McKinley ay ipinapakita na hinahawak ang Pilipinas. Ipinahiwatig ang mga opsyon para sa Estados Unidos: una, panatilihin ang Pilipinas o ibalik sa Espanya, na naihahambing sa pagkahagis ng isang bata sa isang bangin. Ang opsyon na pagbibigay ng kalayaan tila hindi na naisip ng mga Amerikano.
Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Bayan [ The Katipunan was a Philippine revolutionary society founded by anti-Spanish Filipinos in Manila in 1892, which aimed primarily to gain independence from Spain through revolution . The society was initiated by Filipino patriots Andrés Bonifacio , Teodoro Plata , Ladislao Diwa , and others on the night of July 7, when Filipino writer José Rizal was to be banished to Dapitan . Initially, Katipunan was a secret organization until its discovery in 1896 that led to the outbreak of Philippine Revolution .
Kahit na sa pagkatalo ng mga Pilipino, malinaw sa mga obra ng mga Pilipinong manunulat ang kanilang pag-ibig sa bansa at ang pangarap ng kalayaan. Sa panahon ng mga Amerikano, ginamit ang lahat ng porma ng panitikan tulad ng mga balita, tula, kuwento, plays?, sanaysay, at nobela.
Florante At Laura ni Francisco Balagtas at Urbana AT FELISA ng Modesto de Castro ang naging inspirasyon ng mga manunulat na Tagalog.
Si Lope K. Santos ay isa sa mga dakilang manunulat sa wikang Tagalog. Siya ay nobelista, makata, abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na “Ama ng Balarila.” Si Santos ay isinilang sa Pasig, dating sakop ng Rizal, noong 25 Setyembre 1879. Namatay si Santos noong 1 Mayo 1963. Pinalitan ni Santos ang unang titik ng kaniyang panggitnang pangalan upang aniya'y isunod sa bigkas ng Tagalog. Pinagdaanan ni Lope K. Santos ang tatlong panahon ng panitikan Tagalog - Amerikano, Hapon, at sa kapanahon
Siya ay tinatawag ding "Apo" ng mga manunulat na Tagalog. Ang BANAAG AT SIKAT ay ang kanyang obra maestra.
Kaunting natikman ko ang tanyag na nobela “Banaag at Sikat” ni Santos sa unang kabanata na may pamagat na ‘Sa Batis ng Antipolo.’ Ang ganda at linis siguro noon ng “batis ng antipolo” kung saan nag-lalakbay ang mga banal na tao.
Sa kabanatang ito, nakilala natin ang mga tauhan. Ang nobela ay pumapaligid sa dalawang magkaibigan na si Delfin at Felipe. Si Delfin ay isang sosyalista at isang pobreng tao. Nagtatrabaho siyang isang manunulat at nagaaral para maging abogado. Si Felipe ay may adhiaking anarkismo. Ibig niyang pawiin ang mga abusadong maykapangyarian katulad ng kanyang sariling ama. At saka, dito natin nakita ang panliligaw o pag-ibig ni Delfin kay Meni, anak ni Don Ramon, na amain ni Felipe. Sa buod na ating nabasa, nalaman natin na nabuntis si Meni, at itinakwil ito ni Don Ramon. Sumama si Meni sa kasintahang si Delfin at namuhay bilang isang mahirap. Dahil sa ginawang ito ni Meni, nilisan ni Don Ramon ang bansang Pilipinas, kasama ang isang tinatangkilik at kinakasamang katulong sa bahay. Napatay si Don Ramon habang nasa New York , kaya't binalik ang kaniyang bangkay sa Pilipinas. Si Ruperto , ang dating nawawalang kapatid ni Tentay, ang nagbunyag ng dahilan kung bakit pinaslang si Don Ramon: ang kalupitan nito sa kaniyang mga utusan. Nagtapos ang nobela sa pagpapaiwan nina Felipe at Delfin sa may puntod ni Don Ramon.
Ang pinakatanging hiling niya ang maging wikang pambansa ang Tagalog Ang sikat na salita galing sa Banaag at Sikat ay “Ang pagkaramdam ay isinisigaw din ng nakakaramdam at di ng mga nanonood lang” Ayon sa pauunawa ni Macario Adriatico, dapat daw nating isipin na ang BANAAG at SIKAT ay isang nilalayon ng isang anak-bayang uhaw sa kalayaan at katwiran, na bagahagyang ganapin sa mga sinupil ng yaman at puhunan.
Ang litratong ito ay kinuha ni Gabriel Mistral noong ika-apat ng Hulyo, 2002 malapit sa Embahada ng E.U. sa Maynila. Sinunog ng mga protesters ang bandila ng Estados Unidos na may karikatura ng Presidenteng Gloria Macapagal Arroyo. Tinutol nila ang araw ng kalayaan ng Estados Unidos at ang Filipino American Friendship Day o Araw ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano. Ayon sa mga protesters, masyadong sunud-sunuran daw ang Pilipinas sa Estados Unidos tulad ng pagkakabalik sa bansa ng mga Amerikano para daw tumulong sa paglaban ng terorismo.
Sa palagay ko, halos lahat ng karangalan ng mga pinoy ay nagmumula sa mga maraming pakikabaka salungat sa mga ibat-ibang dayuhan ng ating mga bayani. Sa palagay ko, ngayon ang pinakamahirap na hamon natin ay ang kolonisyasyong panloob. Gayon pa man, nanatili ang mithi at mga laban para sa tunay na kalayaan ng mga Pilipino.