Noong Hulyo 4, 1946, naibalik ang kalayaan ng Pilipinas matapos ang pangako ng pagbabalik ng mga Amerikano. Sa kabila ng pagkakalaya, humina ang ekonomiya at naging sagabal ang mga gerilyang may komunismong pagkiling sa pambansang kaunlaran. Ang panitikan ng mga Pilipino ay muling sumigla, na may mga akdang nagsasalamin sa karanasan ng digmaan at pamumuhay sa ilalim ng mga Hapon.