1. Habang ako’y naglalakad sa gitna ng daanang animo’y may mga taong tila
asong nakatali sa kani-kanilang mga hinahawakang celfon, napagtanto kong iba na
talaga ang ikot ng mundo sapagkat naging malawak na ang sakop social media.
Nauubos na nito ang ating oras na dapat ay mailaan sa mas mahahalagang bagay
at marami pang ibat-ibang negatibong nahahatid nito sa buhay ng tao. Oo nga’t
naging mabilis ang komunikasyon ng bawat magkaibiga’t pamilyang nasa
malalayong lugar, nakaligtaan namang may mga tao pa palang malapit sa atin na
nangangailangan din ng ating oras at atensyon.
Ako’y napatigil sa paglalakad ng mapagtanto kong may isang matandang
nahihirapan sa pagtawid sa kalsada at nang akma ko na itong tulunga’y napakurap
ako’t nanginig at nanlamig na tila’y nawalan ng lakas sa aking nasaksihan. Ako’y
nakabalik sa aking diwa ng aking marinig ang malakas na sigawan ng mga tao at
animo’y nagmamadaling tunog ng ambulansya.
Mag-aalasiete na ng gabi ng ako’y nakarating sa aming mumunting tahanan
ngunit hindi pa rin mawala sa aking isipan ang aking nasaksihan. Habang ako’y
kumakain ng hapunan, ako’y tila isang papel na palutang-lutang. Hindi ko lubos
maisip ang nangyari sa matandang akma ko na sanang tutulungan sa pagtawid.
Siya’y nasagasaan ng isang malaking sasakyan habang tumatawid sa
kalsadang animo’y isang kulungan. Ngunit ang mas pinagtataka ko’y imbis na
tulungan ng mga taong nakasaksi,masinuna pa nilang kunin ang kani-kanilang mga
celfon upang makuhanan ng video o litrato ang nangyari. Huli na nang dumating
ang ambulansya, nalagutan na nang hininga ang matandang kaawa-awa, huli na
2. kasinakatawagng ambulansya,masnauna pang nalaman ng mga netizens sa social
media kasi panay ang live at kuha ng litrato ng mga taong walang konsenya.
Hindi daw kasi nakita ng driver ang matanda sapagkat ito’y gumagamit ng
celfon habang nagmamaneho, pinapanood daw kasinito ang kaniyang paboritong
tiktoker na sumasayaw.
Balak ko na sana itong ikwento sa aking pamilya, ngunit kahit kami’y sabay-
sabay sa hapagkainan, magkaka-iba naman ang mundo ng bawat isa. Si Kuya’y
panayang videocallsa kaniyangkasintahan,siate nama’ynawiwilisa tiktok habang
nagla-livepara sa kaniyangmga followers.Si mama nama’ynagpi-facebookhabang
si papa’y nanonood ng youtube replay ng nakaligtaan niyang basketball game
kanina.
Napagdesisyunankongtapusinnaang aking pagkainatdumiretso nasa aking
kwarto. Ako’y nalulungkot, wala akong maka-usap. Wala akong pagsasabihan ng
aking sama nang loob sa mga taong nakita ko kanina. Wala akong mabahagian ng
aking lungkot tungkol sa masamang nagyari sa matandang nasagasaan sa kalsada.
Kung mas maaga ko sana siyang nakita ay natulungan ko pa siya. Tumulo ang aking
luha, naisip kong ito na talaga ang hindi magandang bunga ng social media. Mas
Mabuti na lang sigurongako’yisa sa mga followersni ate sa tiktok upangmasilayan
ko siya habang kinukwento niya sa amin ang kanyang mga kinakain. Mas Mabutipa
nga ang kasintahan ni kuya, binibigyan niya ng oras at atensyon, ako wala. Mas
Mabuti pa ang facebook, ina-updatenimama, ako ni hindi manlang natanong kung
kamusta ang aking araw sa paaralan at mas Mabuti na lang sigurong maging
youtube kasi mas updated pa doon si papa. Tuluyan na nga akong nilamon ng
kalungkutan at hindi ko na namalayang malakas na pala ang aking iyak.
3. Krinnnggg. Kringggg ….. “Ana, anaaaa… hoy, gising! Mag-aalasyete na.
papasok ka pa sa paaralan”. Ang sambitng aking ina. Panaginip lang pala ang lahat,
Mabuti na lamang at ito’y hindi totoo kasi kung nagkataon, araw-araw na akong
malulungkot sa aking buhay.
“Tara na Ana, kain na tayo” ang sambit ng aking kuyang walang jowa.
“Masarap itong pritong talong ana hali ka, ipaghahanda kita” ang turan ng aking
ateng may 3 followers sa tiktok. “Kamusta ang tulog o anak?” ang tanong ng aking
amang hindi marunong gumamit ng celfon. “Ayon, muntik na siyang tinanghali
nang gising. Haha” ang sagot naman ng aking inang noon pa’y ayaw na talaga
matuto mag-facebook. Ito ako ngayon naglalakad papuntang paaralan kasama ng
aking mga kapatid. Dala-dala ko ang ngiti sa aking mga labi at dala pati ang pag-
asang hindi pa huli ang lahat para sa wastong disiplina sa sarili at sa responsibleat
mapanagutang paggamit ng social media.