Basahin ang mga sumusunod
na pangugusap.
• Ako ay Pilipino.
• Saan ka pupunta?
• Akin ang saranggolang ito.
• Ang iyong damit ay bago.
• Sa kanya ang payong na ‘to.
• Ilan ang itlog sa basket?
• Iyon ang nawawalang aso ni Ramil.
• Lumapit ka dito.
• Ligtas diyan ang alaga mong ibon.
Ang panghalip o pronoun sa wikang
Ingles ay ang salitang humahalili o
pamalit sa ngalan o pangngalan na
nagamit na sa parehong pangungusap
o kasunod na pangungusap.
PANGHALIP
PANAO
- Mga panghalip na ipinapalit o
inihahalili sa ngalan ng tao.
Ang panghalip panao ay may
panauhan, kaukulan, kailanan.
Panauhan na Panghalip
Panao
 Unang panauhan - Ako, ko, akin,
kita, tayo, kami, naming, natin,
atin, at amin
 Ikalawang panauhan - ikaw, ka,
mo, iyo, kayo, ninyo, at inyo
 Ikatlong panauhan - Siya, niya,
kanya, sila, nila, at kanila
Kailanan ng Panghalip
Panao
• Isahan
• Maramihan
Kaukulan ng Panghalip
Panao
1. Kaukulang Palagyo - kung ang panghalip
ay ginagamit bilang paksa o simuno ng
pangungusap.
Mga Halimbawa:
Tayo ang nagwagi sa patimpalak.
Siya ay mahusay umawit.
Tayo ay magtipid ng tubig
Kaukulan ng Panghalip
Panao
2. Kaukulang Paari - nagsasaad ito ng pang-
aangkin ng isang bagay sa loob ng
pangungusap.
Mga Halimbawa:
Ang bag na asul ay kaniya.
Puntahan ninyo si Alex.
Akin ang sinturong itim sa kabinet.
Kaukulan ng Panghalip
Panao
3. Kaukulang Palayon o Paukol – ginagamit
ito bilang layon ng pang-ukol at
sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng
balintiyak. Kung minsan ay ginagamitan ito
ng palatandaang ‘sa’.
Mga Halimbawa:
Ang batas na ito ay makakabuti sa lahat.
Si Elaine ay papuntahin mo sa amin.
Ang bahay ni Magda ay malapit sa inyo.
Kailanan Kaukulan
Palagyo Paukol Paari
Isahan
 Una
 Ikalawa
 Ikatlo
ako
ikaw, ka
siya
Ko
mo
niya
akin
iyo
kanya
Dalawahan/
Maramihan
 Una
 Ikalawa
 Ikatlo
kita, tayo,
kami
kayo
sila
namin, natin
ninyo
nila
atin, amin
inyo
kanila
Ang panghalip pamatlig o demonstrative
pronoun sa wikang Ingles ay inihalili sa
pangngalang nagtuturo ng lugar na
kinalalagyan ng pangngalan. Ito ay
inihahalili rin sa pangngalan na malapit
o malayo sa nagsasalita, kinakausap, o
nag-uusap.
Panauhan
Uri
Pronominal
Panawag-
pansin
Patulad Panlunan
Una – malapit sa
taong
nagsasalita
ito, nito, dito (h) eto
Ganito
narito/
nandito
Ikalawa –
malapit sa taong
kausap
iyan ,niyan,
diyan
(h) ayan ganyan
nariyan/
nandiyan
ikatlo – malapit
sa taong pinag-
uusapan
iyon, noon,
doon
(h) ayun
ganoon,
ganon
naroon/
nandoon
Ang panghalip panaklaw na tinatawag na
indefinite pronoun sa Ingles ay salitang
panghalili o pamalit sa pangngalan na
sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang, o
kalahatan. Ilan sa mga halimbawa ng
panghalip na panaklaw ang mga salitang
lahat, madla, sinuman, bawat isa, alinman,
anuman, saanman, at ilan.
• Mga Halimbawa:
Ang sinumang hindi sumunod sa utos
ng hari ay parurusahan.
Bawat isa ay may tatanggaping tulong
mula sa gobyerno.
Ang ilan sa inyo ay sumama sa akin.
Alinman sa mga prutas ay maaari
mong kainin.
Ang panghalip pananong na kilala sa Ingles
bilang interrogative pronoun ay mula sa
salitang ‘tanong’, kaya’t may pakahulugan itong
‘pantanong’.
Ang mga halimbawa ng salitang pananong sa
isahan ay ang ano, sino, nino, alin, ilan, magkano,
gaano, at kanino. Sa maramihan naman ay ang
mga salitang anu-ano, sinu-sino, ninu-nino, alin-
alin, ilan-ilan, magka-magkano, gaa-gaano, at
kani-kanino.
•Bilang isang mag-aaral,
paano makatutulong ang
iba’t ibang uri ng
panghalip sa pagbuo ng
pahayag?
• Sa kabuuan, ang panghalip ay isa sa
mga susi sa pagpapayaman ng ating
mga pangungusap. Sa pagkaunawa sa
kahalagahan, gamit, at iba’t ibang uri
ng panghalip, mas magiging matatas
tayo sa paggamit ng ating sariling
wika. Ang panghalip ay hindi lamang
basta salita na pampalit, ito rin ay
isang makapangyarihang
kasangkapan sa pagsasabi ng ating
mga saloobin at kaisipan na hindi na
kailangang ulit-ulitin ang pangngalan.
Gamitin sa pangungusap ang bawat
panghalip na nakatala.
• Kami
• Iyo
• Dito
• Heto
• Kalian
Kumuha ng isang kalahating papel at sagutan ang mga
sumusunod. Salungguhitan ang panghalip sa bawat
pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri nito.
1. Saan ka magtutungo?
2. Nakita ko silang dumaan dito kanina.
3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng
lola mo.
4. Akin ang pantasang iyan!
5. Marami ang pumunta sa Mabini Shrine
noong nakaraang Sabado.
Kumuha ng isang kalahating papel at sagutan ang mga
sumusunod. Salungguhitan ang panghalip sa bawat
pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri nito.
6. Tiyak na mahuhulog ka sa kanya kapag
nagpatuloy pa iyan.
7. Ito ba ang pinamumukha mo sa akin?
8. Huwag kang makulit dahil may ginagawa ako.
9. Sila ay sama-samang magsisismba sa Linggo.
10. Tayo’y magpasalamat sa Diyos sa mga
biyaya Niya sa atin.

panghalip2.pptx

  • 3.
    Basahin ang mgasumusunod na pangugusap. • Ako ay Pilipino. • Saan ka pupunta? • Akin ang saranggolang ito. • Ang iyong damit ay bago. • Sa kanya ang payong na ‘to. • Ilan ang itlog sa basket? • Iyon ang nawawalang aso ni Ramil. • Lumapit ka dito. • Ligtas diyan ang alaga mong ibon.
  • 4.
    Ang panghalip opronoun sa wikang Ingles ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap.
  • 6.
    PANGHALIP PANAO - Mga panghalipna ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao. Ang panghalip panao ay may panauhan, kaukulan, kailanan.
  • 7.
    Panauhan na Panghalip Panao Unang panauhan - Ako, ko, akin, kita, tayo, kami, naming, natin, atin, at amin  Ikalawang panauhan - ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, at inyo  Ikatlong panauhan - Siya, niya, kanya, sila, nila, at kanila
  • 8.
    Kailanan ng Panghalip Panao •Isahan • Maramihan
  • 9.
    Kaukulan ng Panghalip Panao 1.Kaukulang Palagyo - kung ang panghalip ay ginagamit bilang paksa o simuno ng pangungusap. Mga Halimbawa: Tayo ang nagwagi sa patimpalak. Siya ay mahusay umawit. Tayo ay magtipid ng tubig
  • 10.
    Kaukulan ng Panghalip Panao 2.Kaukulang Paari - nagsasaad ito ng pang- aangkin ng isang bagay sa loob ng pangungusap. Mga Halimbawa: Ang bag na asul ay kaniya. Puntahan ninyo si Alex. Akin ang sinturong itim sa kabinet.
  • 11.
    Kaukulan ng Panghalip Panao 3.Kaukulang Palayon o Paukol – ginagamit ito bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak. Kung minsan ay ginagamitan ito ng palatandaang ‘sa’. Mga Halimbawa: Ang batas na ito ay makakabuti sa lahat. Si Elaine ay papuntahin mo sa amin. Ang bahay ni Magda ay malapit sa inyo.
  • 12.
    Kailanan Kaukulan Palagyo PaukolPaari Isahan  Una  Ikalawa  Ikatlo ako ikaw, ka siya Ko mo niya akin iyo kanya Dalawahan/ Maramihan  Una  Ikalawa  Ikatlo kita, tayo, kami kayo sila namin, natin ninyo nila atin, amin inyo kanila
  • 13.
    Ang panghalip pamatligo demonstrative pronoun sa wikang Ingles ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Ito ay inihahalili rin sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap, o nag-uusap.
  • 14.
    Panauhan Uri Pronominal Panawag- pansin Patulad Panlunan Una –malapit sa taong nagsasalita ito, nito, dito (h) eto Ganito narito/ nandito Ikalawa – malapit sa taong kausap iyan ,niyan, diyan (h) ayan ganyan nariyan/ nandiyan ikatlo – malapit sa taong pinag- uusapan iyon, noon, doon (h) ayun ganoon, ganon naroon/ nandoon
  • 15.
    Ang panghalip panaklawna tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles ay salitang panghalili o pamalit sa pangngalan na sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang, o kalahatan. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang lahat, madla, sinuman, bawat isa, alinman, anuman, saanman, at ilan.
  • 16.
    • Mga Halimbawa: Angsinumang hindi sumunod sa utos ng hari ay parurusahan. Bawat isa ay may tatanggaping tulong mula sa gobyerno. Ang ilan sa inyo ay sumama sa akin. Alinman sa mga prutas ay maaari mong kainin.
  • 17.
    Ang panghalip pananongna kilala sa Ingles bilang interrogative pronoun ay mula sa salitang ‘tanong’, kaya’t may pakahulugan itong ‘pantanong’. Ang mga halimbawa ng salitang pananong sa isahan ay ang ano, sino, nino, alin, ilan, magkano, gaano, at kanino. Sa maramihan naman ay ang mga salitang anu-ano, sinu-sino, ninu-nino, alin- alin, ilan-ilan, magka-magkano, gaa-gaano, at kani-kanino.
  • 19.
    •Bilang isang mag-aaral, paanomakatutulong ang iba’t ibang uri ng panghalip sa pagbuo ng pahayag?
  • 20.
    • Sa kabuuan,ang panghalip ay isa sa mga susi sa pagpapayaman ng ating mga pangungusap. Sa pagkaunawa sa kahalagahan, gamit, at iba’t ibang uri ng panghalip, mas magiging matatas tayo sa paggamit ng ating sariling wika. Ang panghalip ay hindi lamang basta salita na pampalit, ito rin ay isang makapangyarihang kasangkapan sa pagsasabi ng ating mga saloobin at kaisipan na hindi na kailangang ulit-ulitin ang pangngalan.
  • 21.
    Gamitin sa pangungusapang bawat panghalip na nakatala. • Kami • Iyo • Dito • Heto • Kalian
  • 22.
    Kumuha ng isangkalahating papel at sagutan ang mga sumusunod. Salungguhitan ang panghalip sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri nito. 1. Saan ka magtutungo? 2. Nakita ko silang dumaan dito kanina. 3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng lola mo. 4. Akin ang pantasang iyan! 5. Marami ang pumunta sa Mabini Shrine noong nakaraang Sabado.
  • 23.
    Kumuha ng isangkalahating papel at sagutan ang mga sumusunod. Salungguhitan ang panghalip sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri nito. 6. Tiyak na mahuhulog ka sa kanya kapag nagpatuloy pa iyan. 7. Ito ba ang pinamumukha mo sa akin? 8. Huwag kang makulit dahil may ginagawa ako. 9. Sila ay sama-samang magsisismba sa Linggo. 10. Tayo’y magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya Niya sa atin.

Editor's Notes

  • #8 - taong tinutukoy sa panghalip
  • #9 tumutukoy sa dami o bilang ng taong tinutukoy ng panghalip
  • #10 tumutukoy sa gamit ng paghalip sa pangungusap.
  • #11 tumutukoy sa gamit ng paghalip sa pangungusap.
  • #12 tumutukoy sa gamit ng paghalip sa pangungusap.
  • #16 Mula ito sa salitang ‘saklaw’ kaya’t may pahiwatig na ‘pangsaklaw’ o ‘pangsakop’. Tumutukoy ito sa isang pangngalan na di tiyak o walang katiyakan kung sino o ano ito.