2. Dito mismo kayo sa Modyul
na ito sasagot.
HUWAG kalimutang isulat
ang pangalan mo hindi
kase ako manghuhula XD
3. Sa part na ito, mamimili ka sa
mga nasa kahon at ilalagay mo
ang iyong sagot sa patlang.
Halimbawa sa Number 1,
Kapag binasa mo ito parang
ang sagot ay Pamilya hindi ba?
Pero ang TAMANG sagot diyan
ay Pagmamahal dahil kahit
napapagalitan ka mahal ka
padin ng pamilya mo.
15 lamang ang tamang sagot
HINDI pwedeng maulit ang
mga choices sa itaas.
4. Dito ko malalaman kung
talaga bang binasa mo iyong
modyul mo. Makikita ang sagot
mga tanong sa number 1 at 2
sa page 2 ng iyong modyul.
Basahin ng mabuti at sagutan
ito kahit isang pangungusap ay
ayos lang.
5. Isa itong graphic organizer.
Ang ilalagay sa bawat bilog ay
kahit isang natutunan mo o
pagpapahalagang nakita mo sa
pamilya mo.
Halimbawa:
0-5 Taong gulang: Natutunan ko
na mahalaga ang may
magulang at mga kapatid
upang magbantay sa akin
habang ako ay lumalaki.
12-14 taong gulang: Natutunan
ko na mahalaga ang mga
magulang sa pagtuturo sa akin
sa gawaing bahay.
6. GAWAIN 3
Makikita ang halimbawa sa
inyong modyul mismo. Sa
gagawin ko ilalagay mo ang
gagawin mo base sa sitwasyon
at sa huling column naman sa
Pagpapahalagang Natutuhan
Ko, dito ka maglalagay ng
Values na natutunan mo sa
sitwasyon na iyon.