1. Magandang umaga sa iyo aking mag-aaral. Kamusta ka
na?
Ngayon araw na ito ay magkakaroon tayo ng pagtatasa sa
pagbasa. Nais kong maging komportable ka sa iyong
pagsagot. Alisin mo ang takot dahil tayo ay magkaibigan .
Ako ay handang tumulong sa iyong mga kahinaan kung
sakaling may makita ako. Ang aking layunin ay tulungan
ka at lalo pang mapaunlad ang iyong kakayahan sa
larangan ng pagbasa. Ang iyo lamang gagawin ay
sumunod mabuti sa mga panuto na aking ibibigay.
Nakahanda ka na ba? Atin ng pasisimulan ang pagtatasa.
17. Basahin mo nang wasto sa
abot ng iyong makakaya ang
mga salita
18. 1 2 3 4 5
anak ang at ay bulate 5
basura dahil galing gamit ginawa 10
hindi kahirapan kalsada kaniyang Kay 15
kaya kinikita klase kulang lingid 20
lumiban madalas mahirap makikita makitid 25
na naman natuto ng nina 30
hanapbuhay pagtitinda pamilya paaralan pandesal 35
panganay nangolekta sa si saya 40
23. Makinig kang mabuti sa aking
babasahin maikling kuwento.
Pagkatapos ay sasagutin mo ang
mga tanong batay sa iyong
narinig. Handa ka na ba?
24. Sa loob ng bakuran isang
umaga, ay sumigaw si Pedro dahil
tinangay ng aso ang kaniyang
tsinelas. Kagat-kagat niya ito sa
kaniyang bibig. Dali-daling
iwinasiwas ni Pedro ang kaniyang
kamay upang itaboy ang aso.
25. Nagmamadaling tumakbo ang aso
papalayo.“Salamat!”humihingal niyang
sambit sa sarili. Nakaramdam din siya
ng takot subalit isinagawa niya ito nang
buong tapang. At dahil duon ay
nabitawan ng aso ang tsinelas.
26. Sa loob ng bakuran isang umaga, ay napasigaw
si Pedro dahil tinangay ng aso ang kaniyang
tsinelas.
Bakit sumigaw si Pedro?
__correct ___incorrect
___ no response
Kagat-kagat niya ito sa kaniyang bibig. Ano ang ginawa ng aso sa kaniyang tsinelas?
__correct ___incorrect
___ no response
Dali-daling iwinasiwas ni Pedro ang kaniyang
kamay upang itaboy ang aso.
Paano ang ginawa ni Pedro sa pangyayari?
__correct ___incorrect
___ no response
27. Nagmamadaling tumakbo ang aso
papalayo.“Salamat!”humihingal niyang sambit sa
sarili.
Bakit humihingal mabuti si Pedro?
__correct ___incorrect
___ no response
Nakaramdam din siya ng takot subalit isinagawa
niya ito nang buong tapang. At dahil duon ay
nabitawan ng aso ang tsinelas.
Ano ang naramdaman ni Pedro sa kaniyang
ginawa? Kung ikaw ba si Pedro gagawin mo rin
ba ang kaniyang ginawa ? Bakit?
29. Ngayon naman ay ikaw ang
magbabasa ng kuwento. Unawain
mong mabuti at basahin nang tama
ang nilalaman ng kuwento
30. Si Rene ay batang mag-aaral sa
ikalawang baitang. Mahirap lamang
sila kung kaya’t hindi maibigay ng
kaniyang mga magulang ang
pangangailangan niya. Dahil sa
kakapusan ng pera ay wala silang
maibigay na baon kay Rene.
31. Sa sitwasyong ito ay madalas na
lumiban si Rene sa paaralan. Ayaw
niyang pumasok dahil wala siyang
baon. Dahil dito ay kinausap siya ng
guro upang makatulong. Nagbago si
Rene sa kaniyang pag-uugali. Araw-
araw ay pumapasok na siya sa
paaralan.
32. 1. Sino ang ayaw ng
pumasok sa paaralan?
___Correct ___incorrect
_____ no response
2. Ano ang dahilan bakit
ayaw niyang pumasok?
___Correct __incorrect ____
no response
3. Ano ang ginawa ng
kaniyang guro? Sa palagay mo
ba tama si Rene na kapag
walang baon ay hindi na
papasok?
___Correct ___incorrect
_____ no response
37. Maraming salamat sa iyong
pakikiisa sa ating pagtatasa .
Ipakiabot ang aming taos –
pusong pasasalamat sa iyong
mga magulang o guardian na
iyong kasama.