PANANALIKSIK
Filipino sa Piling Larangan Akademik
PANANALIKSIK
Ayon kay Vizcarra (2003), ang
pananaliksik ay isang sistematiko,
kontrolado, empiriko, at kritikal na pag-
imbestiga sa haypotetikal na pahayag
tungkol sa inaakalang relasyon o
ugnayan ng mga natural na penomenon.
PANANALIKSIK
Ayon kay Atienza (1996), ang
pananaliksik ay matiyaga, maingat,
sistematiko, mapanuri, at kritikal na
pagsisiyasat o pag- aaral tungkol sa
isang bagay, konsepto, kagawian,
problema, isyu, o aspekto ng kultura at
lipunan.
LAYUNIN NG
PANANALIKSIK
LAYUNIN
Ginagamit ang pananaliksik upang:
• Maging solusyon sa mga suliranin;
• Makadiskubre ng mga bagong kaalaman, konsepto,
at impormasyon;
• Makita ang kabihasnan na umiiral ng isang bagay;
• Umunlad ang sariling kaalaman ng mga mag-aaral
at
• Mapalawak na kaalaman ng mga mag-aaral.
URI NG
PANANALIKSIK
URI
• Qualitative
• Pag-aaral ng Kaso
• Pangkasaysayan
• Phenomenological
URI
• Quantitative
• Palarawan
• Eksperimental
PAGPILI NG PAKSA
SA PANANALIKSIK
PAKSA
• Kasapatan ng Datos
• Limitasyon ng panahon
• Kakayahang Pinansiyal
• Kabuluhan ng Paksa
• Interes ng Mananaliksik
KATANGIAN NG
ISANG MABUTING
PANANALIKSIK
KATANGIAN
Ayon kina Bernales et al., ang isang mabuting
pananaliksik ay nararapat magtaglay ng mga sumusunod:
• Ang katangian ay sistematik.
• Ang pananliksik ay kontrolado
• Ang panaliksik ay empirikal.
• Ang pananaliksik ay mapanuri.
• Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.

Pananaliksik

Editor's Notes

  • #6 -Napaka halaga ng pananaliksik hindi lamang sa mga magaaral kundi sa iba’t-ibang uri ngtao. Saklaw nito ang napakaraming benepisyo para sa ikabubuti ng pamumuhay ng tao sa iba’t ibang larangan.
  • #11 Pagpili ng Paksa Kasapatan ng Datos Kailangang may kasapatan ng literatura hinggil sa paksang pipiliin . Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung manilan – ngilan pa lamang ang mga abeylabol na datos hinggil doon Limitasyon ng panahon May mga paksa na nangangailangan ng mahabang panahon . Subalit mas mainam kung ang pananaliksik ay may itinakdang panahon upang ito ay tapusin nang matamo ang minimithing kasagutan o resulta para sa kapakinabangan ng mga susunod na mananaliksik . Kakayahang Pinansyal . Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa . May mga paksang mangangailangan ng malaking gastusin , at kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik , mas mainam kung ang pipiliing paksa ay naaayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik . Kabuluhan ng Paksa Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan . Samakatwid , kailangang pumili ng paksang hindi lamang napapanahon , kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang tao . Interes ng Mananaliksik magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng ga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya kailangang pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya .
  • #13  Ang pananaliksik ay sistematiko. Ito ay sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso na nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anuman na naglalayong matuklasan ang bagay na hinahanapan ng kasagutan. 2. Ito ay hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano ito nang mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta ng isinasagawang pag-aaral. Ang napiling suliranin ay binibigyan ng pagpapaliwanag, kinikilala at pinipili ang mga baryabol. Ipinakikita rito na kapag ang lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong haypotesis. Ang mga empirikal na datos ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng kongklusyon.