2. Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang
bansa, bayan, pook, o pamayanan, ay may sariling kultura. Ang
kultura sa payak na kahulugan ay ang karunungan, sining,
literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga
taong nananahanan sa isang pamayanan. Ang bawat pangkat ng
mga taong may sariling kultura ay lumilinang ng isang wikang
angkop sa kanilang pangangailangan. Sa wikang ito nasasalamin
ang mga mithiin at lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan o
salaoobin, pilosopiya, kaalaman, at katarungan, moralidad,
paniniwala at kaugalian ng mga mamamayan.
3. Anupat ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang
kinabubuhulan nito. Magagamit din ang isang wikang hindi katutubo sa
isang pamayanan ngunit itoy hindi magiging kasimbisa sa wikang likas sa
nasasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari ay malimit
sa mga bansang nasasakop ng ibang bansa. Natural lamang na pairalin
ng mananakop ang kanyang sariling wika sa nasasakupan.
4. Nang masakop naman ng America ang Pilipinas ay ang wikang
Ingles naman ang pinairal ng mga mananakop ng mga Amerikano. At
hanggang sa kasulukuyan, kahit tayo’y malaya na, may nananatili parin
sa wikang Ingles sa ating bansa sapagkat nagagamit ito ng mga
Pilipinong tulay sa pakikipag-ugnayang panlabas at sa pagdukal ng
karunungan. Sapagkat ang edukasyon ng mga Pilipino ay sa
pamamagitan ng wikang Ingles natatamo, hindi kataka-taka kung Ingles
na rin ang magiging wika ng batas, pamahalaan, ng komersyon at
Industriya.
Subalit mapapansin sa sa kabila ng mga napakaabang kalagayan
ng wikang Pilipino sa kanyang sariling tahanan ay patuloy parin itong
lumalaganap hindi lang sa mga nakatataas ng kalagayan sa lipunan,
kundi sa nakakaraming masang Pilipino.