3. Ang wikang Pambansa ay ang wikang
pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang bansa.
Ang Pilipinas ay multilinggwal na bansa ay
nararapat na may wikang magsisilbing bigkis na
magbubuklod sa isang lahi. Ang Filipino bilang
Wikang Pambansa ay maraming pinagdaanan
upang maabot ang katawagang ito.
WIKANG PAMBANSA
4. Ayon sa isang linggwista na si Henry Gleason,
“Ang wika ay tumutukoy sa masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos saparaang arbitraryo na ginagamit sa
komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang
kultura.”
ANG RELASYON NG WIKA, KULTURA
AT IDENTIDAD
5. Sa lipunan, wika ang tumutulong upang labis na
magkaunawaan angmga tao sa isa’t-isa, itorin ay
mahalaga sa lipunan sapagkat gaya nga ng sabi
nila, “No man is an island.”
6. Ang wika ay nakakaapekto sa kultura, sapagkat
matutukoy o makikilala natin ang isang tao sa
kung ano angwikang kanyang ginagamit, gayun
din malalaman natin kung ano ang kultura o
etnikong kanyang pinagmulan. Hindi
maitatangging, hindi mapaghihiwalay ang wika at
kultura, dahil sumasalamin sa kultura ng isang tao
ang kanyang ginagamit na wika, may mga salita
din kasing pag-aari lamang ng isang bansa.
7. Halimbawa na lang nito ay sa Pilipinas, dito lang
sa atin ang may salitang “Po”,”Opo” at “Oho” na
naglalarawan sa kaugalian ng mga plipino bilang
sa pagiging magalang. Sa ibang probinsiya naman
gumagamit sila ng “Manong” at “Manang” kapag
mas nakakatanda sa kanila ang isang tao na sa
ibang lugar partikular sa mga taga maynila, ay
hindi na ito ginagamit o paminsan-minsan na lang
ginagamit dahil para sa karamihan hindi ito
maganda pakinggan.
8. Ayon kay Santiago, 1979, ang kultura ay ang
pangkabuuang pananaw ng mgatao sa isang
lipunan sa mundo at sakanilang kapaligiran. Ang
pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon,
uri ng pamumuhay, atiba pang mga bagay na nag-
ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng
pagkakaisa na siyang nagpapalaganap ng
kanilang pangkalahatang diwa, pananaw,
kaugalian at adhikain. (Rubrico, 2009)
9. May dalawang uri ng kultura. Ang material na
kultura at di-materyal na kultura. Binubuo ng
material na kultura ang mga bagay na nakikita at
nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mga
kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at
pagkain.
10. Samantala, ang mgakaugalian, tradisyon,
panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon,
pamahalaan at hanap-buhay ay sumasaklaw sa
di-materyal na kultura. (Delmirin, 2012).
12. Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang
anumang binibigkas o isinulat ng tao upang
maipahayag angkanyang saloobin. Ang wika ang
siyang nagbibigay pagkakataon para sa mga tao sa
iba’t-ibang lugar upang makapag-usap, upang
magkaintindihan atupang makabuo ng pagkakaisa.
Ang kultura naman ayang mga bagay na tumutukoy
sa sa pangkalahatang gawain o aktibidad ng mga sa
isang lugar. (Ignacio,
2011)
13. Kung walang wika, walang bansa sapagkat hindi
tayonakakapagusap o wala tayong komunikasyon
sa kadahilanang walang nag-uugnay sa bawat tao
sa isang bansa, walang pagkakaisa at higit sa lahat
walang mabubuong kultura. Ang wika ay ang
tagapagbigkis ng isang lipunan. (Buensuceso, et al.,
1991)
15. Ang kultura ay ang salamin ng lipunan at mabilis
itong sumasabay sa pagbabago dahil sa
globalisasyon. Kung babalikan ang ating mga
nakagawiang kultura mababatid na ito ay punong-
puno ng yaman. Nakapaloob sa yaman ng kulturang
Pilipino ay ang mga tradisyon o paniniwala na
nagpasalin-salin sa ibat ibang henerasyon
magmula sa ating mganinuno hanggang sa
kasalukuyang lahi sa ating modernong panahon.
16. Nakakatuwang sariwain ang mga kulturang dati’y
mayayaman at makabuluhan ngunit sa
kasalukuyan ay tilamabilis na nagbihis angpanahon.
Nagsulputan ang mga gawaing may makabagong
dulog at napalitan angdapting nakasanayan.
Nakapaloob sa kulturang ito ang musika, panoorin,
kasuotan, pagkain, inuminin atgadgets.
17. Pagdating sa musika kung dati’y nahihilig ang
mgaPilipino sa mga awiting-bayan gayang
kundiman nabago na rin ito sakasalukuyan
sapagkat kinagigiliwan na ng mga Pilipino angmga
makabagong awitin tulad ng Jazz, K-pop, Rap,
Regae at marami pang iba, isama pa rin ang mga
musikang Koreano, Amerikano, Tsino Afrikano at
makabagong musikang Pilipino.
18. Hindi rin mapapasubalian ang pagbabago
sapanlasa ng mga Pilipino. Marami sa atin
angnahihilig sa pagkain ng dayuhan gaya ng
hotdog, pizza, milk tea, hamburger, French fries,
chocolate milk tea, at iba pa. Marahil, epekto ng
mga nagsulputang “foreign restaurants” sa ating
bansa. Dahil dito, naisantabi na ang mga pagkaing
Pinoy.
19. May malaking pagbabago at epekto sa wika ang
pagbabago ng kultura. Sa kasalukuyan,
napakaraming bagong wika/salita na tila kabuteng
nagsulputan sa bagong henerasyon. Ayon nga sa
mga pag-aaral, ang wika ay daynamiko/nagbabago.
Sa pagdaan ng mga panahon kung ano ang uso
sumusunod din sa paggamit ng wika. Nariyan ang
jejemon, bekimon at iba pang balbal na salita na
naiimbento sakasalukuyan.
21. Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang
tabing. Ito ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyong sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil
naging pangunahing tagapamagitan para sa
pagpapakita ng mgagumagalaw na larawan ang
litratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang
tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang
angpag-aaral ng pelikula.
22. Ang paggamit ng wikang Filipino ng media ngayon,
at ang kaakibat na pagpapalaganap nito, ay hindi
dahil sa pagnanais ng media na mapalaganap ang
wikang pambansa kundi upang maabot nito ang
pinakamalawak na antas ng mga manonood at
tagapakinig, para tumaas angratings ng isang
programa, at sa gayo’y magkamal ng malaking
salapi ang mga prodyuser.
24. Ang mg indie films ay naging isang kilalang klase ng
pelikula sa Pilipinas. Ang ibig sabihin ng “indie” ay
“independent”. Angmga pelikulang ito ay gawa ng
mga tunay na director at filmmakers, pero walang
kumpanyang nag-aasikaso sa mga produksiyon
nila. Ang proseso ng paglikha ng mga pelikulang
indie ay mura at hindi magastos, hindi tulad ng mga
pelikulang gawa ng mga major film studios.
25. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa
pelikula sa bansa na ginagamit ng mgalokal na
pelikula. Ang pagdami ng mga pelikula particular
tuwing Disyembre sa kapag Metro Manila Film
Festival na sinusubaybayan ng halos lahat ng
milyong-milyong manonood ang dahilan kung
bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa
ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang
Filipino.
26. Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa
mga wikang rehiyonal. Ang madalas na exposure sa
pelikula ang isang dahilan kung bakit sinasabing
99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang
nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan
ang namulat sa wikang ito bilang kanilang unang
wika maging sa mga lugar na di- Katagalugan.
27. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ng
telebisyon, radyo, diyaryo at pelikula. Ang
pangunahing layunin ay makaakit ng mas
maraming manonood, tagapakinig o mambabasa
na makakaunawa at malilibang sa kanilang palabas,
programa at babasahin upang kumita ng malaki
29. Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang
anumang binibigkas o isinulat ng tao upang
maipahayag angkanyang saloobin. Ang wika ang
siyang nagbibigay pagkakataon para sa mga tao sa
iba’t-ibang lugar upang makapag-usap, upang
magkaintindihan at upang makabuo ng pagkakaisa.
Ang kultura naman ayang mga bagay na tumutukoy
sa sa pangkalahatang gawain o aktibidad ng mga sa
isang lugar. (Ignacio,
2011)
30. Sa pangwakas, ang wika ay balangkas ng pinili at
isinaayos na set o kabuuan ng silasalitang tunog sa
paraang arbitraryo upang magamit sa
pagpapahayag ng damdamin, kaisipan, kaugalian at
uringpamumuhay o kultura ng isang pangkat sa
isang bansa o lipunan.
32. Magkaagapay ang awit at wika sa pagbuo ng
pagkakakilanlan ng kulturang Filipino.
Maihahalintulad sa kaluluwa ng isang tao ang
ugnayan ng dalawa kahit masalimuot at hindi
eksaktong maipapaliwanag ang kahulugan nito.
Subalit sa pagpasok ng globalisasyon, unti-unting
kinakain ng wikang banyaga, maging ang mga
likhang sining sa Pilipinas kasama na ang awiting
Filipino.
34. Ayon kay P. Nilo Mangusad, isang kompositor at
propesor saConservatory of Music (Conservatory),
repleksiyonang awit ng kultura ng mamamayan
at sa pamamagitan nito, makikilala natin ang mga
Filipino.
35. “Sumasalamin ang awiting Filipino sabuhay, gawain,
kultura, pakikibaka, inspirasyon, pangyayari sa
kapaligiran, at sa nararamdamanng mga Filipino
bilang tao,” ayon kay Noel Cabangon,kilalang
kompositor sa bansa na lumilikha ng mga awiting
nasusulat sa Filipino.
36. Paliwanag naman ni Prop. Eugene De LosSantos,
nagtuturo ng Voice sa Conservatory, dumadaloy sa
awit ang wika at nagsisilbing salamin ito ng huli.
Nagsisilbi rin itong instrumento upang makita ang
mga pagbabagong nagaganap sa wika.
37. “Magandang daluyan ng wika angmusika.
Gumagamit ka ng wikang Filipino, naisasaliw ka pa
nito. Sa ganitong pamamaraan, mas mapapalapit
ka sa iyong wika, sapagkat tumatagos sa
damdamin,” ayon naman kay Cabangon.
39. Dahil sa pagbabago at pagpasokng konseptong
“popular,” hindi maiiwasang sumikat ang Filipino
pop music. “Sumisikat ito (pop music) kumpara sa
Filipino classical songs dahil mas may pera rito,”
ayon kay Prop. Rachelle Gerodias, classical singer
at nagtuturo ng Voice sa Music. “Papunta kasi ang
pop sa masa dahil patok ito at madali angpera,”
sabi niya. Aniya, ang Filipino classical songs tulad
ng kundiman ang kinikilala ng ibang bansa bilang
awiting Filipino subalit naglalaho na ito ngayon.
40. Ayon pa kay Gerodias, depende ang paggawa ng
awitin sa iyong layunin. “Kung ayaw mong kumita
ng pera, doon ka sa Filipino classical songs. Kung
gusto mo namang kumita ng pera isipin mo ang
mas malaking market, ang masa,” wika niya na
sumasang- ayon sa sinasabi ni Atalia.
42. “Malaki ang epekto ng globalisasyon sa wika at
awiting Filipino. Hindi na nga ganoon kalakas ang
ating wika sa maraming Pilipino, pinasukan pa tayo
nito. Ito ang nakakasagasa sa pag-unlad ng ating
wika at musika,” ayon kay Cabangon.
43. Ayon sa obserbasyon ni P. Mangusad, mas bilib
angmga Filipino sa mga awiting Amerikano kaysa
awiting Filipino dahil iniisip ng marami na mas
magaling ang imported kumpara sa lokal at ang
mentalidad na ito ang nagsisilbing kalaban ng
awiting Filipino.
45. Aminado ang lahat na hindi nagiging suliraninng
industriya ngmusika ang wikang ginagamit sa
awitin. Ayon sa kanila, marami namang sikat na
mga awitin dito sa bansa na nakasulat sa Filipino
subalit huwag lamang sanang maging sintunado
ang wikang Filipino sa mga awiting sariling atin
upang hindi maglaho ang pagkakakilanlan ng mga
Filipino sa kanilang mga sarili.
46. Naniniwala naman si Atalia na sa kabila ng mga
pagsubok na dinaranas ng awitin at wikang Filipino,
hindi ito mamamatay maliban na lamang kung
maglaho ang lahat ng mga Filipino sa Pilipinas.
Richard L. Rodriguez
48. Ang musika at wika ay pantao lamang. Mahirap
gunigunihin ang isang daigdig kung wala ang
alinman sa mga ito. “Kapuwa ang wika at musika ay
mga katangian ng lahing tao na waring pambuong-
daigdig,” ang sabi ng aklat na TheMusical Mind. Ang
mga ito ay mga aspekto ng ating pangangailangang
makipag-ugnayan. Kaya maaaring sabihin na, gaya
sa wika, kapag “nagsasalita” ang musika,
“nakikinig” ang ating damdamin.
49. Ang isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang
para sa ating musika ay dahil itoay ang
magpapalaganap ng pagkakaisang pambansa.
Dapat lamang at napakahalaga na magamit natin
ang ating wikang pambansa sa ating sariling
musika. Ito ay dahil nakapaloob sa ating wikang
pambansa ang sariling kulturang tinataglay na
pagkikilanlan ng ating sariling bayan, at isang
bayang maituturing na isa.
51. Pagsasalin
Ang pagsasalinay isang gawaing binubuo ng
pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na
mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa
ibang wika (Peter Newmark, 1988).
52. Pagsasalin
Dalawang wikang kasangkot sa bawat Pagsasalin
• Simulaang lengguwahe (SL, source language) na
ginagamit sa teksto ng orihinal.
• Tunguhang lengguwahe (TL, target language) na
ginagamit ng tagasalin.
53. Kahalagahan ng Pagsasalin
Mahalagang maisalin ang iba’t ibang saliksik ng
mga Pilipinong siyentipiko tungo sawikang
Pambansa upang maging aksesibol ang kaalaman
sabawat saliksik salahat ng Pilipino.
54. Katangian ng isang Tagasalin
• Sapat na kaalaman sadalawang wikang kasangkot
sa Pagsasalin.
• Sapat na kaalaman sapaksang isasalin
• Sapat na kaalaman sakultura at dalawang
bansang sangkot sa pagsasalin.
55. Mga Paraan ng Pagsasalin
Mga paraang maaaring gamitin ng isang
tagapagsalin upang maging mabunga
atmatagumpay ang kaniyang pagsasalin, Peter
Newmark (1988),
56. 1.Pagsasaling Salita-sa-Salita (One-
on- one Translation)
- literal na salin na may isa sa isang pagtutumbasan
ng salita sa salita, parirala sa parirala.
Halimbawa: A beautiful garden-isang magandang
hardin
57. 2.Naturalisasyon
- inaayon sa ortogropiya ng SL. Ang pamaraang
ito ay may pagkakahawig sa transference ngunit
dito ay inaadap muna ang normal na pagbigkas.
Halimbawa: coup d’etat-kudeta at television-
telebisyon
58. 3.Leksikal na kasingkahulugan
(Lexical Synonymy)
- ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop
na kasingkahulugan.
Halimbawa:’old’ house-‘lumang’ bahay at ‘old’
man-matandang lalaki
59. 4. Kultural na Katumbas (Cultural
Equivalent)
- itinuturing itong malapit o halos wastong salin
(approximate translation),na kung saan ang isang
kultural na salita sa SW ay isinalin sakatimbang
ding kultural na salita sa TW.
Halimbawa: American-coffee break sa English- tea
break sa Filipino-meryenda
60. 5. Adaptasyon o Panghihiram
(Transference)
- Mga hiram na salita mula sa iba’t ibang bansa.
Halimbawa: Italian-pizza sa ingles-hotdog
61. Paraphrasing
- Ang paraprasis o paraprase ay ang muling
paghahayag ng kahulugan ng isang teksto o talata
na gumagamit ng ibang mga salita. Sa madaling
sabi, ito ang pagpapakahulugan sa pamamagitan
ng ibang pangungusap o ibang mga salita.
63. Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon
ng ating gagawing pananaliksik. Ang paksa ay ang
pangunahing ediya sa gagawing pag-aaral. Sa
pipiliing paksa iikot ang nilalaman ng ating
pamanahong papel/term paper/research, at ito ang
magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay
nating datos. Mahalagang pag-planuhan nating
mabuti ang paksang nais nating pag-aralan o
saliksikin.
65. 1.Kasapatan ng datos
- Kinakaialangang may sapat na impromasyon na
tungkol sa napili mong paksa. Kapag kakaunti ang
datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa,
maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-
aaral.
66. 2. Limitasyon ng pag-aaral
- Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o
ang oras kung hanggang kailan lamang pweding
gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na
hindi kayang gawin sa loob lamangng isang
semestre kaya nangangailan ngahabang panahon
para maisakatuparan.
67. 3. Kakayahang Pinansyal
- Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang
iyong kakayahang pinansyal. May mga paksang
masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang
isang mag-aaral, maaring hindi mo matapos ang
iyong pananaliksik sapagkat ang
pinili mong paksa ay masyadong malaki ang
mailalabas na pera.
68. 4. Kabuluhan ng paksa
- Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay
napapanahon lamang, sa halip dapat ito ay
makakatulong din sa iba pang mananaliksik at
ibang tao.
69. 5. Interes ng mananaliksik
- May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang
isang bagay lahat ay gagawin mo para makuha ito.
Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain
kung ang iyong paksa ay nakabatay sa iyong
interes. Magagawa at matatapos mo ng
komportable ang iyong pag-aaral sapagkat gusto
mo ang pinili mong paksa.
71. Sarili
- Maari tayong makakuha ng paksa mula mismo
sa ating saliri. Maaring angmaging paksa natin ay
batay mismo sa ating karanasan, nabasa,
napakinggan at maging sa ating mga kaalaman
na natutunan.
72. Sarili
- Halimbawa:
ikaw ay isa sa kabataang lulong sa computer
games, maari mo itong gawing paksa sa iyong
pananaliksik para mas maalaman pa ang iyong
kondisyon o magkaroon pa ng impromasyon ukol
sa paksang ito.
73. Dyaryo at Magazine
- Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa
natin ang mganapapanahong isyu sa loob at labas
ng bansa na pwede nating pagbatayan sa pipiliin
nating paksa.
74. Radyo at TV
- Katulad sa dyaryo at magazine, natatampok
din sa mga programa ng telebisyon atradyo ang
mga napapanahong isyu sa ating lipunan. Dito,
maari dintayong makakuha ng mgaediya na
pwede nating gawing paksa sa gagawing
pananaliksik tulad ng mga impormasyon saisport,
edukasyon at maging sa mga balita.
75. Radyo at TV
- Halimbawa ng isyung napapanahon na
napapanood natin sa T.V at napapakinggan natin
sa radyo ay tungkol DROGA, DENGVAXIA, POLITIKA
at TRAIN Law.
76. Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan
- Sa pagtatanong sa kanila, maari tayong
magkaroon at makabuo ng ediya batay sa mga
impormasyong ibibigay nila patungkol sa gagawin
nating pananaliksik.
77. Internet
- Dahil sa lumalago nating teknolohiya, mas
mabilis na ang ating pangangalap ng
impormasyon. Sa pamamagitan ng pag browse sa
internet, makakakalap tayo ng mga ediya na
pwede nating gawing paksa. Maari tayong
makakuha ng paksa sa mga social media websites
tulad ng Facebook, sa paghanap ng impormasyon
sa Search Engines tuladng Google, at sa mga
online web articles na ating nababasa.
78. Aklatan
- Pwede din tayong humango ng ating paksa
mula sa Aklatan.
Magandang kumuha ngpaksa sa aklatan kung
ang nais nating maging pangunahing ediya ay
may kaugnayan sa Edukasyon atAkademya.
80. Paano nga ba natin lilimitahan ang ating paksa
at paano tayo makakagawa ng epektibong
pamagat sa ating pananaliksik? Sa paglilimita ng
paksa, maari na tayong magkaroon ng tiyak na
Pamagat kung saan dito lamang iikot sa pamagat
na ito ang ating gagawing pananaliksik.
Halimbawang Paksa: Droga -Epekto ng Droga
81. Paglilimita ng Panahon
- sa paglilimita ng panahon, pipili tayo ng taon
kung hanggang saan lamang ang sakop ng ating
pag-aaralan.
Nalimitang paksa: Epekto ng droga noong taong
2017-2018
82. Kasarian
– Lalaki o Babae ang target na respondente ng
iyong gagawing pag- aaral.
Nalimitang Paksa: Epekto ng droga sa kalalakihang
nagamit nito.
83. Edad
– Edad ng mga gagawan mo ng pag-aaral
15-18.
Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga
kabataang may edad na
84. Uri o Anyo
– Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa kalusugan
85. Lugar
– Saan isasagawa ang pananaliksik
Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa Universty of
Example, Manila
86. Pangkat o Grupo
– Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa mga mag-
aaral
87. Partikular na halimbawa o kaso
– Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga
estdyanteng nagsisimula pa lamang gumamit nito
88. Kombinasyon
– Para mas maging tiyak o partikular ang ating
paksa, maari pa nating pagsama samahin ang mga
batayan.
89. Halimbawa:
1. Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral ng University
of Example, Manila sa taong 2017-2018.
2. Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga mag-aaral
ng UOE, Manila sa taong 2017-2018. Mapapansin
mo sanalimitahan mong paksa, may nabubuo ka
nang Pamagat.
90. Pagbabalangkas
– ang balangkas ay nakasulat na plano na
nagpapakita ng mga bahagi na bubuo sa isang
sulatin. Sa pamamagitan nito, nalalaman natin
kung ano ano ang mga pangunahing ideya at
suportang ideya.
92. • Maorganisa ang mga ideya
• Matukoy ang mahahalagang detalye
• Makita ang ugnayan saisa’t isa ng mga ideya
• Malaman kung anong bahagi ng tatanggalin kung
kinakailangan
• Mapabilis ang proseso ng pagsulat
• Hindi maligaw sa pagsusulat
94. • Ang pamaksang balangkas na binubuo ng salita
o parirala
• Ginagamit naman ang pangungusap na
balangkas sa pagtukoy sa mga pangunahin
atsuportang ideya. Binubuo ito ng mga buong
pangungusap.
• May ilang gumagamit ng patalatang balangkas
upang matukoy hindi lamang ang mga
pangunahin at suportang ideya, kundi ang mga
pantulong na detalye
96. Pag-organisa nito ayon sa panahon
– Maaring ang ayos nitoay kronolohikal.
Karaniwan itong ginagamit kung ang paksa ay may
kaugnayan sa paglalahad ng kasaysayan.
97. Paraang lokihal
– Ang paksa ay nakaayos ayon sa mga ugnayn ng
mga ipinahahayag na ideya. Ginagamit ito sa
pagpapaliwanag ng konsepto.
98. Ayon sa kahalagahan ng mga ideya
– Inuuna dito ang mga mahahalagang ideya
kaysa sa mga di- gaanong mahalaga.
100. Ang pagbabalangkas ay ang proseso ng pagbuo
ng isang sistematikong estruktura o banghay ng
ideya bago simulan ang pagsulat ng isang
teksto o akda. Ito ay isang organisadong plano
na naglalaman ng pangunahing ideya, mga
pangunahing puntos, at mga suporting details
ng isang akda.
101. Mga pormat ng balangkas
– Depende sa pangangailangan, ang pormat ng
balangkas ay maaaring magtaglay ng dalawa o
tatlong lebel. Angkop ang balangkas na may
dalawang lebel kapag kailangan lamang tukuyin
ang pangkalahatang estruktura ng susulating
teksto. Angkop naman ang balangkasna may
tatlong lebel kapag kailangan nang matukoy ang
mga detalyeng susuporta sa mga ideya.
103. Pamagat
Tesis na Pangungusap
A. Pangunahing Ideya
a. Suportang Ideya b. Suportang Ideya
B. Pangunahing Ideya
a. Suportang Ideya b. Suportang Ideya
C. Pangunahing Ideya
a. Suportang Ideya b. Suportang Ideya
105. Pamagat
Tesis ng Pangungusap
1. Pangunahing Ideya
A. Suportang Ideya a. Detalye
b. Detalye
B. Suportang Ideya a. Detalye
b. Detalye
2. Pangunahing Ideya
A. Suportang Ideya a. Detalye
b. Detalye
B. Suportang Ideya a. Detalye
b. Detalye
107. • Isa sa mga sakit sa pagbabalangkas ay ang
paggamit ng SIMULA, KATAWAN at WAKAS. Iwasan
ito.
• Siguraduhing ang mga ideyang ilalagay sa
bahaging I, II, III ay mga pangunahing ideya.
• Siguraduhing parallel ang mga ideya sa gagawing
balangkas.
108. • Mahalaga ang konsistensi sa pagbabalangkas.
Maging konsistent sa paggamit ng mga bantas.
• Siguraduhing hindi bitin ang mga bahagi ng
balangkas.
110. • Ayusin ang tesis na pangungusap.
• Ayusin at ilista ang mga pangunahing ideya.
• Tiyakin ang kaayusan ng mga ideya.
• Desisyunan ang uri ng balangkas at lebel ng
balangkas.
• Isaayos ang porma
113. 1. Ang isa sa pinakamahalaga sa tao at lipunan ay
ang wika. Samantala ang wika ay nabuo para sa tao
at lipunan.
114. 2. Ang wika ay nakakaapekto sa kultura, sapagkat
matutukoy o makikilala natin ang isang tao sa kung
ano ang wikang kanyang ginagamit, gayun din
malalaman natin kung ano ang kultura o etnikong
kanyang pinagmulan.
115. 3. Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang
bansa, bayan, pook o pamayanan ay maysariling
kultura.
116. 4. May dalawang uri ng kultura. Ang material na
kultura at di-materyal na kultura.
117. 5. Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang
anumang binibigkas o isinulat ng tao upang
maipahayag ang kanyang saloobin. Ang wika ang
siyang nagbibigay pagkakataon para sa mga tao sa
iba’t-ibang lugar upang makapag-usap, upang
magkaintindihan at upang makabuo ng pagkakaisa.
118. 6. Kung walang wika, walang bansa sapagkat hindi
tayo nakakapagusap o wala tayong komunikasyon
sa kadahilanang walang nag-uugnay sa bawat tao sa
isang bansa, walang pagkakaisa at higit sa lahat
walang mabubuong kultura.
119. 7. Ang literatura ay ang salamin ng lipunan at mabilis
itong sumasabay sa pagbabago dahil sa
globalisasyon.
120. 8. Ayon nga sa mga pag-aaral, ang wika ay
daynamiko/nagbabago. Sa pagdaan ng mga
panahon kung ano ang uso sumusunod din sa
paggamit ng wika.
121. 9. Ang wikang Pambansa ay ang wikang
pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang bansa.
Ang Pilipinas ay bilinggwal na bansa ay nararapat na
may wikang magsisilbing bigkis na magbubuklod
sa isang lahi.
122. 10. Ang Pilipino bilang Wikang Pambansa ay
maraming pinagdaanan upang maabot ang
katawagang ito.
123. 11. Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang
tabing. Ito ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyong sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan.
124. 12. Ang pelikula ay mayroong sariling wika. Ang wika
ng pelikula ay mababatay sa pag-arte ng aktor na
parang nagsasalita ng personal sa tagapanood.
125. 13. Ang mg indie films ay naging isang kilalang klase
ng pelikula sa Pilipinas. Ang ibig sabihin ng “indie” ay
“independent”.
126. 14. Wikang Tagalog ang nangungunang midyum sa
pelikula sa bansa na ginagamit ng mga lokal na
pelikula.
127. 15. Magkaagapay ang awit at wika sa pagbuo ng
pagkakakilanlan ng kulturang Filipino.
128. 15. Magkaagapay ang awit at wika sa pagbuo ng
pagkakakilanlan ng kulturang Filipino.
129. 16. Ang musika at wika ay pantao lamang. Mahirap
gunigunihin ang isang daigdig kung wala ang alinman
sa mga ito.
130. 16. Ang musika at wika ay pantao lamang. Mahirap
gunigunihin ang isang daigdig kung wala ang alinman
sa mga ito.
131. 17. Ang isang paraprasis ay tipikal na
nagpapaliwanag o nagbibigay ng "liwanag" sa teksto
ipinapahayag sa pamamagitan ng ibang pananalita.
132. 18. Ang pagparaphrase ay isang gawaing binubuo
ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na
mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa
ibang wika
133. 18. Ang pagparaphrase ay isang gawaing binubuo
ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na
mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa
ibang wika
134. 18. Ang pagparaphrase ay isang gawaing binubuo
ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na
mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa
ibang wika
135. 19. Ang balangkas ay nakasulat na plano na
nagpapakita ng mga bahagi na bubuo sa isang
sulatin. Sa pamamagitan nito, nalalaman natin kung
ano ano ang mga pangunahing ideya at suportang
ideya.
136. 19. Ang balangkas ay nakasulat na plano na
nagpapakita ng mga bahagi na bubuo sa isang
sulatin. Sa pamamagitan nito, nalalaman natin kung
ano ano ang mga pangunahing ideya at suportang
ideya.
137. 20. Depende sa pangangailangan, ang pormat ng
balangkas ay maaaring magtaglay ng dalawa o
tatlong lebel.