3. 1. Kilala ba ninyo ang nasa larawan?
2. Siya ba ay isang bayani?
3. Saang lugar siya ipinanganak?
4. Sino ang kanyang unang guro?
5. May alam pa ba kayo tungkol kay Dr. Jose Rizal?
6. Gusto ba ninyong malaman ang iba pang
talambuhay ng ibang bayani?
4. Pagpapaunlad sa Talasalitaan:
1. Tribu
pangkasaysayan o pangkaunlarang tinatawag bilang isang
pangkat na panlipunan na umiiral bago pa man ang pag-
unlad ng, o nasa labas ng estado.
2. Payapa
tahimik
3. Saplad (dam)
isang istrukturang naglalayong harangan ang daloy ng
tubig at iniipon ito sa isang lugar upang magamit sa iba’t-
ibang aplikasyon
6. Macli-ing Dulag: Tagapagtanggol ng Kapaligiran
Marahil ay hindi mo pa naririnig ang pangalang
Macli-ing Dulag. Hindi kasi siya bukambibig ng mga tao,
di tulad ng mga pangalan ng mga artista at pulitiko sa
ating bansa. Taliwas sa buhay ng mga kilalang taong
nabanggit, si Macli-ing Dulag ay sa bundok naninirahan.
Kabilang siya sa tribu ng mga Kalinga na nakatira sa
kabundukan ng Cordillera. Hindi siya nakapag-aral kaya
hindi siya marunong bumasa’t sumulat. Ang alam lang
niya’y ilagda ang kanyang pangalan.
7. Ngunit para sa mga
taga-Kalinga, si Macli-ing
Dulag ay isang bayaning
nagtanggol at nagbuwis ng
buhay para sa kanila at sa
kanilang lupain, Narito ang
kanyang kasaysayan:
8. Simula pa noong 1966, si Macli-ing na ang kapitan del
baryo ng kanyang mga katribu. Sa kanyang pamumuno ay
naging tahimik at payapa ang pamumuhay ng mga Kalinga.
Nagsimula ang pagbabago sa tahimik na lupain ng mga
Kalinga noong 1974, nang may dumating na pangkat ng mga
kinakatawan ng gobyerno sa kanilang lugar upang suriin ang
kanilang lupain. Sinabi ng namumuno sa pangkat; “May
bagong proyekto ang gobyerno. Magtatayo kami rito ng
saplad (dam) para magkaroon ng elektrisidad dito at sa mga
karatig-bayan. Lalo kayong uunlad! Pero kailangan namin
ang tulong ninyo.”
9. Pinaliwanag ng mga bisita na kailangang
lumipat sa ibang lugar ang mga Kalinga dahil
masasakop ng itatayong saplad ang lupain nila.
Nang marinig ni Macli-ing ang pahayag na ito,
agad niyang naisip ang magiging bunga nito sa
kanyang mga kasama at sa kapaligiran.
Magkakaroon na sila ng elektrisidad ngunit
mawawala naman ang lupain nila pati na ang
kabuhayan nila na galing sa pagtatanim.
10. Ang kanilang lupain ang
tanging kayamanan na
ipapamana sa kanilang mga
anak. Dahil ditto, tinutulan
ni Macli-ing ang proyekto.
Ngunit hindi nagging madali
ang pakikipaglaban niya.
Sinimulan siya suhulan ng
mga taong may kaugnayan
sa proyekto.
11. Sa isang pagtitipon, inabutan
ng isang sobre si Macli-ing. Ganito
ang sinabi niya; “ Dalawa lamang
ang maaaring laman ng sobreng
ito, sulat o pera. Komo di naman
ako marunong bumasa, nasisiguro
kong hindi ito sulat. Ang pera
naman ay ibinibigay sa isang tao
na may ipinagbibili. Sa ganang
akin, wala akong ipinagbibili.”
12. Inalok din si Macli-ing ng trabaho ng mga
nagnanais na magpatayo ng saplad. Tinanggihan din
niya ito. Marami pa silang magagandang bagay na pilit
na ibinibigay kay Macli-ing ngunit naging matatag ito sa
pagtanggi. Hanggang sa maubos ang pasensya ng mga
taong gobyerno at gumamit ng dahas ang mga ito.
Noong 1977, hinuli si Macli-ing at ang ilan niyang
mga kasamahan. Sila’y ikinulong ng dalawang buwan.
Ngunit sa kabila nito ay patuloy ang pagtutol ni Macli-
ing sa proyekto at hinadlangan ito sa tulong ng mga
karatig tribu.
13. Nagwakas lamang ang pakikipaglaban ni Macli-ing
noong gabi ng Abril 24, 1980. Sinalakay ng mga di-
kilalang lalaki ang kanilang lugar. Sampung punglo ang
itinanim ng mga ito sa katawan ng magiting na pinuno.
Namatay ni Macli-ing na ipinaglalaban ang kanilang
lupain at ang karapatan ng kanyang mga anak at mga
apo sa lupang pinagmumulan ng kanilang
ikinabubuhay.
Ilan pa kaya ang tulad ni Macli-ing, na kahit hindi
nakapag-aral ay may malinaw na pang-unawa sa
karapatan.
14. 1. Paano nagsimula ang problema ng mga
Kalinga sa pamumuno ni Macli-ing?
2. Bakit hindi tinanggap ni Macli-ing ang
sobre na ibinigay sa kanya?
3. Paano pinatunayan ni Macli-ing ang
pagiging matatag na pinuno?
Mga Tanong:
15. Pag-aral ang pangungusap at pag-isipan ang
mga salitang may salungguhit
1. “Ang mga taong may maitim na budhi ay laging
nagbabalak ng kasamaan para sa kapwa.”
2. “Ang mga taong may ginintuang puso ay laging
gumagawa ng kabutihan sa kapwa.”
16. Gawin Natin:
_____1. Bukambibig
_____2. Nangalod ang tuhod
_____3. Suhulan
_____4. Maubos ang pasensya
_____5. Gumamit ng dahas
_____6. Patay gutom
_____7. Sumakabilang-buhay
_____8. May bukas pa
_____9. Makulimlim ang mukha
_____10. Kagubatang lungsod
Panuto: Pagtapatin ang matalinghagang salita sa nabasang kwento
a. Daanin sa puwersa
b. Magalit
c. Kilala, sikat
d. Bigyan ng pera o iba pang
bagay
e. Laging sinasabi
f. Natakot
g. May pag-asa
h. Malungkot
i. Mahirap ang buhay sa lungsod
j. Nagdarahop
k. Namatay na
17. Panuto: Bilugan ang kahulugan ng mga idyomatikong pananalitang may
salungguhit.
Pagtataya
1. Marami sa mga artista ang mababaw ang luha.
a. mahirap umiyak c. iyak ng iyak
b. madaling umiyak d. ayaw umiyak
2. May mabulaklak na landas ang masisipag at matitiyagang mag-aaral.
a. may mga bulaklak c. mabulaklak na daan
b. mayamang kaibigan d. magandang hinaharap
18. 3. Pinarangalan sa klase ang batang may utak.
a. matalino c. malusog
b. may kaya d. malaki
4. Si G. Joel Tolosa ang haligi ng tahanan.
a. matanda c. kuya
b. bunso d. ama
5. May uod sa katawan ang batang palipat-lipat ng kanyang upuan.
a. madaldal c. tahimik
b. malikot d. masipag
19. Takdang-aralin
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng bawat matalinghagang salita.
1. Malikot ang kamay
2. Matalim ang dila
3. Mainit ang ulo
4. Magdildil ng asin
5. May-kaya sa buhay