SlideShare a Scribd company logo
1 of 22
Download to read offline
Department of Education
Region III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO
Self-Instructional Packets (SIPacks)
Ikaapat na Markahan - Unang Linggo
*Maaaring sagutin ang mga gawain sa EsP ayon sa itinakdang oras ng inyong
paaralan
PANGKALAHATANG PANUTO
Sa mag-aaral:
Sa iyong pagbabasa, isaisip mo na ang mga ginawang SIPacks na ito ay
makapagbibigay ng dagdag-kaalaman at impormasyon sa iyo bilang mag-aaral.
Lilinangin din ng mga aralin ang iyong kasanayan na nakabatay sa
Mungkahing Timeline sa Pagsagot ng SIPacks sa ESP 10
BAWAT LINGGO
Unang
Araw
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula
ng bagong aralin
Alalahanin
Sagutan
B. Paghahabi ng layunin sa aralin
(Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo?)
Basahin
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Sagutan
Ikalawang
Araw
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #1 (Paglinang ng Kaalaman,
Kakayahan, at Pag-unawa)
Sagutan
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad
ng bagong kaalaman #2 (Integration of GMRC)
Sagutan
Ikatlong
Araw
F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim)
Basahin at
Unawain
Ikaapat
na Araw
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na
buhay (Pagsasabuhay)
Sagutan
H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang
Konsepto)
Pag-isipan
Ikalimang
Araw
I. Pagtataya ng Araling Natutuhan
(Pagganap/Pagninilay)
Sagutan
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin
Sagutan ayon sa
pangangailangan
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto o MELCs. May mga nakatakdang
gawaing iyong sasagutin sa bawat pahina para sa isang linggong aralin.
Para malubos ang paggamit sa mga kagamitang pagkatuto (SIPacks),
isaalang-alang ang sumusunod na paalala:
1. Huwag madaliin ang pagbabasa. Unawaing mabuti ang aralin.
2. Alamin sa iyong guro kung sa mga SIPacks sasagot o gagamit ng sagutang
papel.
Kung hindi susulatan ang mga SIPacks sundin ang panuto 3 & 4
3. Isulat mo ang lahat ng iyong sagot sa ISANG BUONG PILAS NG PAPEL ng PAD
PAPER (one whole sheet) bilang SAGUTANG PAPEL (Answer Sheet)
4. Isulat mo ang sumusunod na impormasyon sa iyong SAGUTANG PAPEL bago
sumagot sa mga gawain.
a. Ang Iyong Buong Pangalan (mag-aaral) e. Bilang ng Kwarter
b. Ang Iyong Antas at Pangkat f. Linggo ng Pagsagot
c. Asignatura at Petsa ng Pagsagot
d. Pangalan ng Iyong Guro sa Nasabing
Asignatura
g. Bilang ng Gawain, Pamagat at
Bilang ng mga Aytem
Narito ang isang halimbawang ilustrasyon ng mga panuto sa itaas:
5. Tandaan mo na ang lahat ng mga gawaing iyong sasagutin ay magsisilbing
awtput at ibibigay sa iyong guro sa nasabing asignatura para iwasto at itala sa
class record.
6. Kapag nahihirapan o mayroong hindi maintindihan makipag-ugnayan sa iyong
guro sa EsP.
7. Higit sa lahat, ialay sa Panginoon ang lakas at talino na ibibigay mo sa pagsagot
sa mga aralin.
Buong Pangalan: (Hal. Juan P. Dela Cruz) Asignatura: (Hal. ESP 6) Kwarter: (Hal. 3)
Antas at Pangkat: (Hal. 6 Bonifacio) Pangalan ng Guro: (Hal. Lucia Santos)
Linggo ng Pagsagot: (Hal. Unang Linggo) Petsa ng Pagsagot: (Hal. Feb. 22-26, 2021)
Gawain Bilang __
1.
2.
3.
4.
Gawain Bilang __
1.
2.
3.
Ikaapat na Markahan – Unang Linggo
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu sa paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakagagawa ng posisyon tungkol sa isang isyu sa
paggamit ng kapangyarihan o pangangalaga sa kapaligiran.
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (MELCs)
1. Natutukoy ang mga isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kapaligiran (EsP10PIIVc-14.1)
2. Nasusuri ang mga isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kapaligiran (EsP10PIIVc-14.2)
II. NILALAMAN
Paksa: Paninindigan sa Tamang Paggamit ng Kapangyarihan at
Pangangalaga sa Kapaligiran
Kaugnay na Pagpapahalaga: Pagtitipid, Kabutihan, at Integridad
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
Brizuela, Mary Jean B., et al. Department of Education. Edukasyon sa
Pagpapakatao, Kaganitan ng Mag-aaral: Material DepEd 5th
Floor
Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City. 2015.
pp. 209-234
Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020-
2021. Accessed on May 10, 2020.
https://www.depedclick.com/2020/05mostessential-learning-
competencies_1.html
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
IV. PAMARAAN
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin o Pagsisimula ng Bagong Aralin
Noong nakaraang taon, dumating ang dalawang nakapipinsalang bagyo, ang
bagyong Rolly at Ulysses. Gayundin, pumutok ang bulkang Taal ng Pilipinas na may
kasamang lindol at abo. Lubhang maraming naapektuhan at nasira sa mga
pangyayaring ito sa ating bansa. Bakit nga ba nangyayari ito? Naitanong mo siguro
sa iyong sarili ito, kawakasan na ba ng mundo? Galit na ba sa atin ang Inang
Kalikasan?
Ito ay dahil sa maling pagtrato sa Inang Kalikasan. Marahil narinig mo na ang
katagang ito: “Mabubuhay ang kalikasan kahit wala ang tao, ngunit hindi kayang
mabuhay ng tao kung wala ang kalikasan.” Ano-ano ang mga gawi natin noon na
nagdudulot nang matinding tag-init, mga pag-ulang nauuwi sa pagbaha, malalakas
na bagyo, at iba pa? Kung gayon, mayroon pa bang pagkakataon upang maitama
ang mga nakagawian natin? Ayaw mo bang maging plant lovers na rin upang
maibsan ang sakit na nararamdaman ng kalikasan?
Kung ikaw ay bibigyan ng kapangyarihan, ano ang gusto mo at bakit? Paano
mo mapatutunayan na magagamit mo ito nang mabuti? Makadaragdag ka pa ba sa
mga isyung napapaloob sa paggamit ng kapangyarihan? Mainam na hindi ang iyong
sagot, dahil bilang isang mamamayan sa bansa may responsibilidad tayo na bigyang
pansin at resolusyon ang mga ito.
Sa gitna ng mga pangyayaring nauukol sa kalikasan at kapangyarihan na
ating nararanasan, mahalagang masagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit
kailangang suriin at tukuyin ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan? Ano ang magiging posisyon mo sa mga isyung ito?
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
(Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo)
Sa SIPacks na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1. natutukoy ang mga isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kapaligiran;
2. nasusuri ang mga isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kapaligiran; at
3. naipaliliwanag ang mga isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kapaligiran.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin (Pagtuklas ng Dating
Kaalaman)
Gawain 1: Siyasatin Mo!
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel kung ikaw ay
sang-ayon o hindi sang-ayon sa mga pahayag at ibigay ang iyong dahilan.
Pahayag Sang-ayon o
Hindi sang-ayon
Paliwanag o
Dahilan
1. Kayang mabuhay ng tao kahit wala ang
kalikasan.
2. Ang bawat bagay na wala ng halaga ay
kadalasang itinatapon na lamang ito.
3. Ang ilegal na pagputol ng mga puno ay
makapagdudulot ng malaking epekto
sa ating kapaligiran at kalikasan.
4. Ang polusyon sa hangin, tubig, at lupa ay
nakadaragdag ng resistensya sa katawan
lalo na kapag marumi ang hangin.
5. Pinagkalooban ng Diyos ang bansang
Pilipinas ng napakagandang yamang lupa
at yamang tubig.
6. Ang pagkawala ng ilang mga likas na
yamang tubig na kailangan ng mga tao
para sa kanilang ikinabubuhay ay sanhi ng
maingat at responsableng pangingisda.
7. Malaki ang naitutulong ng mga nakatayong
subdivision, golf courses, mga hotel,
expressways, at matataas na gusali sa
kalikasan at kapaligiran.
8. Ang komersyalismo at urbanisasyon ay
maaaring iugnay sa konsyumerismo dahil
sa paniniwalang mabuti para sa tao ang
gumugol nang gumugol para sa mga
materyal na bagay at serbisyo.
9. Ang climate change ay nagdudulot ng
global warming.
10. Sa pagdami ng mga pagnanais at
pagkagusto ng tao lalo na sa mga
materyal na bagay, naapektuhan niya
nang lubusan ang kaniyang kapaligiran at
kalikasan.
Matapos ang pagsusuri sa mga pahayag, subukan mo namang bigyang
paliwanag ang sitwasyon. Pagpasiyahan mo kung sang-ayon ka o hindi gamit
ang sumusunod na tanong.
1. Tama kaya ang mga naging sagot mo? Pangatwiranan.
2. Ano ang mga batayan mo sa pagsang-ayon o hindi-pagsang-ayon
sa mga pahayag na nabanggit?
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #1 (Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa)
Gawain 2: Suri-larawan
Panuto: Mula sa mga kartung pang-editoryal o editorial cartooning na nasa ibaba,
bumuo ng tig-iisang talata na mayroong limang pangungusap. Ipaliwanag kung
ano ang gustong ipabatid na mensahe. Gawin ito sa sagutang papel. 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Kartung pang-editoryal 1 – Paliwanag:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Kartung pang-editoryal 2 – Paliwanag:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Kartung pang-editoryal 3 – Paliwanag:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Mula sa mga sinuring kartung pang-editoryal, sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Sa palagay mo, bakit mo nasabing ang mga gawaing ito ay mga isyu na may
kaugnayan sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang mga isyung naipakita sa mga
larawan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano maiibsan ng mundo ang mga
suliranin o isyu na naipakita at nararanasan natin hanggang ngayon?
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan
#2 (Integration of GMRC)
Bakit mahalaga ang integridad, kabutihan, at pagtitipid? Kailangan ba ng
mga tao ang mga pagpapahalagang ito?
Ang integridad ay katapatan. Sa diksyunaryo, ipinaliwanag ang
kahulugan nito bilang “kalagayan ng tao na kung saan siya ay buo, iisa, o
kumpleto ang kaniyang pagkatao.” Kung ano ang kaniyang sinasabi, iyon din ang
kaniyang ginagawa. Kung ano siya sa publiko, ganoon din siya sa pribadong
buhay o sa lugar na walang nakakikita. Ang mabubuting sinasabi ng mga tao
patungkol sa kaniya ay ganoon din ang sinasabi ng kaniyang mga kasambahay.
Siya ay iisang tao maging saan man at anomang sitwasyon ang kaniyang
makaharap. Siya ay bukas na aklat; walang itinatago; at walang kinatatakutan.
May ilang tao na ang tingin sa integridad ay listahan ng bawal gawin at dapat
gawin ngunit ang integridad ay higit kaysa listahan.
Ang integridad ay pagpapakatao. Ito ay ang iyong pagka-sino na binubuo
mo tungo sa iyong pagiging personalidad. Kung sino ka, iyon ang iyong gagawin.
Pinag-iisa nito ang iyong sinasabi at ginagawa. Mahalaga ang mga ito sa pagbuo
ng sarili tungo sa kaganapan ng pagkatao.
Naririto ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang integridad at kabutihan:
1. nagbibigay-galang sa iyong sarili;
2. bibigyan ka ng iyong kapuwa ng paggalang at pagkakatiwalaan ka ng
ibang tao; at
3. ang taong may integridad ay madaling makaimpluwensiya.
Ang paggamit ng kapangyarihan at pera ng ibang indibidwal para sa
pansariling benepisyo ay isa rin sa pangunahing dahilan kung bakit hindi matigil-
tigil ang problema ng bansa sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran.
Gawain 3: Pagsusuri ng Kaso
Panuto: Pag-aralan ang mga isyung napapaloob sa paggamit ng kapangyarihan.
Pumili lamang ng isa. Sagutin ang mga tanong at ibigay ang mga resolusyon dito.
Gawin ito sa sagutang papel.
Unang kaso
Mungkahing resolusyon sa kaso:
A.
________________________________________________________________
B.
________________________________________________________________
Ikalawang kaso
Dahil sa takot ni Tolits na matalo sa barangay eleksyon, siya ay nagbigay
ng frozen goods, isang libong piso, at gift certificate na nagkakahalaga ng
dalawang daang piso sa isang fast food restaurant sa panahon ng kampanya sa
eleksyon o electoral campaign.
Tanong:
a. Anong isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan ang naipakita sa
sitwasyon?
b. Nabigyan ba ng sapat na katuwiran ni Tolits ang kaniyang ginawang
pandaraya? Bakit?
c. Sa iyong palagay, ibebenta mo ba ang iyong boto? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
Nangangailangan ng isang empleyado ang isang departamento sa isang
ahensya sa gobyerno. Lahat ng mga aplikante ay dumaan sa tamang proseso.
Pagdating sa paglalaan ng posisyon, pinili ng pinakamataas sa ahensya ang
aplikante na nasa huling ranggo dahil kamag-anak niya pala ito.
Tanong:
a. Anong isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan ang naipakita sa
sitwasyon?
b. Makaturangan ba ang pagpili sa isang kwalipikadong aplikante? Bakit?
c. Anong kaukulang hakbang ang gagawin mo kung ikaw ay kasama sa mga
aplikante?
Mungkahing resolusyon sa kaso:
A.
________________________________________________________________
B.
________________________________________________________________
Ikatlong kaso
Mungkahing resolusyon sa kaso:
A.
________________________________________________________________
B.
________________________________________________________________
Kraytirya 10 8 5
Kaalaman /
Pag-unawa
- Malalim ang pag-
unawa sa kaso na
binibigyang
resolusyon.
- Nakaangkla sa moral
na batayan ang
ibinigay na resolusyon.
- Katamtaman ang
lalim ng pag-unawa sa
kasong binibigyang
resolusyon.
- May pinagbatayan
ang ibinigay na
resolusyon.
- Mababaw ang pag-
unawa sa kaso na
binibigyang resolusyon.
- Walang pinagbatayan
ang ibinigay na
resolusyon.
Organisasyon Maayos at malinaw
ang pagkakabuo at
pagkakalahad ng
resolusyon.
Hindi gaanong maayos
at malinaw ang
pagkakabuo at
pagkakalahad ng
resolusyon.
May kalabuan ang
pagkakabuo at
pagkakalahad ng
resolusyon.
Kabuuang puntos: /20
May isang organisasyon sa isang barangay na may layuning bigyang
pansin ang mga baradong kanal sa kanilang lugar upang maiwasan ang
pagbaha tuwing may dumarating na bagyo. Sila ay gumawa ng budget proposal
at inaprubahan ng punong barangay. Nagtataka ngayon ang Komisyon sa Audit
o Commission on Audit kung bakit ang laki ng gastos nito sapagkat nakita ang
halagang Php 1,750,000.00. Sa bandang huli nakita na ang mga materyales ay
dumoble ang mga presyo nito.
Tanong:
a. Anong isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan ang naipakita sa
sitwasyon?
b. Makatuwiran ba ang pahayag sa itaas? Paano ito nakaapekto sa pondo ng
bayan?
c. May posibilidad bang gawin mo rin ito? Bakit?
F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim)
KALIKASAN
Ano ba ang kalikasan? Ano ang kahalagahan nito sa atin bilang tao?
Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may
buhay o wala. Ito ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang
uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki. Maituturing ding bahagi ng
kalikasan ang lahat ng salik na siyang nagbibigay-daan o tumutugon sa mga
pangangailangan ng mga nilalang na may buhay upang ipagpatuloy ang kanilang
buhay. Kabilang dito ang hangin, lupa, tubig, at iba pang mga anyo nito. May buhay
man o wala, kapag sumusuporta sa pagpapatuloy ng buhay ng mga nabubuhay na
nilalang ay maituturing na bahagi ng kalikasan.
Ang kalikasan ay kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay patuloy na mabuhay.
Samakatuwid, tayo ay binubuhay ng kalikasan kung kaya’t binigyan Niya tayong
lahat ng tungkulin at pananagutang ito’y ating igalang at pangalagaan. Sabi nga sa
Compendium on the Social Doctrine of the Church, sa bahaging may kaugnayan sa
kalikasan, ang ugnayan natin o kaya’y tungkulin sa kalikasan ay makikita sa kung
ano ang ugnayan natin sa ating kapuwa at sa Diyos. Sa pagdaan ng mga panahon,
mukhang nag-iba ang pagtingin at pagtrato ng mga tao sa kahalagahan ng
kalikasan. Ang tao ay nagpatuloy sa walang habas na paninira sa pag-aakalang siya
ay may karapatan sa kalikasan. Minaltrato ng tao ang kalikasan. Ginawa niyang
sentro ang kaniyang sarili sa lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa pananaw na ito,
inabuso ng tao ang kalikasan.
Ano-ano bang pang-aabuso ang ginawa ng tao sa kalikasan? Ano-anong
paglabag sa pangangalaga sa kalikasan ang isinagawa at patuloy na isinasagawa
ng tao na nagbunga ng unti-unting pagkasira ng kalikasan?
Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan
Kung mapapansin natin ang kasalukuyang panahon, may pagkakaiba ba ito
sa nakaraan? Marahil, pareho ang magiging sagot natin, Oo, napakalaki ng
pagkakaiba. Napakainit ng panahon, hindi na mawari kung kailan ang tag-init at tag-
ulan, kabi-kabila ang mga trahedyang hindi inaasahang mangyayari, mula sa di-
inaasahang pagputok ng bulkan (Mt. Pinatubo, taong 1991), sa mga biglaang
pagguho ng lupa (St. Bernard, Leyte 2006), mga pagbaha maging sa sentro ng
bansa (Yolanda 2013), ang paglamon ng karagatan sa mga dalampasigan at
kalupaan (Ulysses 2020), at iba pang mga pangyayari na kumitil ng maraming buhay
ng tao at pagkawasak ng ari-arian. Naitanong mo na ba kung bakit may mga
nakagugulat na pangyayaring ganito ngayong mga panahon?
Ano kaya ang dahilan ng mga nakagugulat na pangyayaring ito? Anong mga
gawain kaya ang nagawa ng tao upang ang mga ito ay maganap? Sa karamihan ng
mga trahedyang pangkalikasan, malinaw na may kinalaman ang mga gawain ng tao.
Maraming mga pagmaltrato at paglabag ang ginagawa ng tao na tuwirang taliwas sa
pangangalaga sa kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito at pagkatapos ay suriin mo
ang iyong sarili kung kabilang ka sa kabataan na gumagawa rin ng mga ito.
1. Maling pagtatapon ng basura.
Dahil sa walang habas na pagtatapon ng basura, nagbabara ang mga daanan ng
tubig, kung kaya’t kapag dumating ang malakas na ulan, di maiiwasan ang pagbaha.
Dagdag pa rito ang paglaganap ng mga sakit.
Ang mga anyong tubig na sumusuporta sa buhay ay unti-unting nasisira at
dumurumi kung kaya’t ang layunin nitong magamit para ipagpatuloy ang buhay, hindi
na minsan nasusuportahan. Dahil sa maling pagtapon ng basura, maraming mga
bahagi ng kalikasan ay unti-unting nawawalan ng saysay.
Ikaw, paano mo itinatapon ang iyong mga basura? Saan mo ito itinatapon?
Maayos ba ang pagtatapong isinasagawa mo?
2. Iligal na pagputol ng mga puno.
Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang tagapagbigay sa atin ng
napakahalagang hangin na ating hinihinga upang mabuhay tayo at iba pang mga
hayop.
Ang patuloy na pagputol ng mga puno lalo na iyong mga walang permiso o
iligal ay may malaking epekto sa ating kapaligiran at kalikasan. Ang kadalasang pag-
ulan na nagdudulot ng mga pagbaha ay bunga ng walang habas na pagputol ng
mga puno at hindi pagpapalit ng bagong halaman sa mga naputol na puno. Wala na
kasi ang mga malalaking ugat na sumisipsip ng tubig. Gayundin naman, sa mga
buwan ng tag-init ay nagkukulang ang supply ng tubig. Kadalasan ito rin ay nauuwi
sa pagbitak ng mga lupa na nagiging sanhi upang ang mga pananim ay matuyo.
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa.
Ang dalawang suliraning nabanggit sa itaas ay nagdudulot ng polusyon. Ang
hangin na ating nilalanghap, ang tubig na iniinom at kailangan sa kalinisan at ang
lupang sumusuporta sa mga halaman ay unti-unting dumurumi dahil na rin sa maling
gawain ng mga tao. Ito ay ang malawakang polusyon na siyang nagpabago sa
kondisyon ng hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao upang mabuhay.
Karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman ang polusyon tulad ng
respiratory diseases, sakit sa digestive tract, sakit sa balat, at marami pang iba.
Kapag ang mga ito ay hindi naagapan, maaaring maging sanhi ng kamatayan lalo na
kapag marumi na ang hanging nilalanghap.
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa
kagubatan.
Ang Pilipinas ay napagkalooban ng Diyos ng isang napakagandang
kagubatang tropikal. Ngunit maraming uri ng hayop at halaman ang nagiging
threatened, endangered, at ang pinakamalala sa lahat ay ang kanilang extinction.
Dahil dito, ang balanse ng kalikasan (balance of nature) ay unti-unti na ring
nawawala. Maraming uri ng mga hayop at halaman na may mahalagang papel na
ginagampanan lalo sa pagkontrol ng iba pang uri ng hayop at halaman ang unti-unti
nang nawawala.
5. Malabis at mapanirang pangingisda.
Ang Pilipinas ay nabiyayaan din ng mayamang karagatan at iba pang anyong
tubig. Iba’t ibang uri ng isda ang naninirahan dito kung kaya nga’t maraming lugar
dito sa atin ang umaasa sa pangingisda bilang kanilang ikinabubuhay. Subalit ang
yamang dagat na ito ay unti-unti na ring nauubos dahil sa hindi matigil na cyanide
fishing, dynamite fishing, at sistemang muro-ami na pumipinsala hindi lamang sa
mga isda kundi maging sa kanilang natural habitat o tirahan.
Ang malabis at mapanirang pangingisda ay nagbubunga ng pagkawala ng
mga likas na yamang kailangan ng mga tao para sa kanilang ikinabubuhay.
6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at
quarrying.
Dahil sa hindi na mabilang na mga lupang sakahan ang hindi na tinatamnan
dahil ginawa ng subdivision, golf courses, mga hotel, expressways, nagkakaroon ng
kakulangan sa suplay ng bigas, asukal, at iba pa. Bumababaw ang mga ilog at
dagat, at nagkakaroon ng pagguho dahil sa maling sistema na patagong ginagawa
ng mga kumpanyang tulad ng pagpapasabog ng mga bundok upang makakuha ng
marmol, ang paghuhukay sa mga dalampasigan upang makakuha ng black sand,
ang pagtatapon ng mga debris ng mga pabrikang nagpoproseso ng ginto, nickel, at
mga yamang mineral sa mga yamang tubig ng bansa.
7. Global warming at climate change.
Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na
nagdudulot ng matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima ay ang
tinatawag na climate change. Ang patuloy naman na pagtaas ng temperatura bunga
ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon dioxide sa ating
atmospera ay tinatawag na global warming. Ang global warming ay nagdudulot ng
climate change. Ito ay sa paraang patuloy na pag init ng panahon na nakaaapekto
sa kondisyon hindi lamang ng atmospera kundi gayundin sa mga glacier at iceberg
na lumulutang sa mga dagat ng mundo. Dahil sa matinding init, unti-unting
nalulusaw ang mga glacier at iceberg na nauuwi sa pagtaas ng lebel ng tubig sa
dagat, mga pagbaha, at matinding pag-ulan. Ang global warming naman ay
nagdudulot ng mahahabang tag-init na nauuwi sa malawakang tagtuyot o El Nino o
kaya naman ay malawakan at matagal na pag-ulan o La Nina.
8. Komersiyalismo at urbanisasyon.
Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na
nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay
pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Ang
urbanisasyon naman ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan na mailalarawan
sa pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at condominium units. Ang
dalawang ito ay maaaring iugnay sa konsyumerismo na isang paniniwala na mabuti
para sa tao ang gumasta nang gumasta para sa mga materyal na bagay at serbisyo.
Dahil sa mga paniniwalang ito, nawala sa isipan ng tao na pangalagaan ang
kanilang kapaligiran. Sa pagdami ng mga ninanais ng tao lalo na tungkol sa mga
materyal na bagay, nakalimutan na niyang naapektuhan ang kaniyang kapaligiran at
kalikasan.
Nakita natin ang mga pinakamalalaki at napapanahong problema sa ating
kalikasan at ang mga epekto nito sa atin. Mayroon pa bang ibang epektong
nagaganap sa maling pagtrato sa kalikasan?
Kung ang mundo ay itinuturing nating ina, ano ang gagawin mo sa kaniya?
Sasaktan mo ba siya? Sisirain mo ba ang kaniyang pagkatao? Puputulin mo ba ang
kaniyang mga kamay at paa? Aalipustahin mo ba siya sa pamamagitan ng kawalang
paggalang sa kaniya?
Sabi nga ni Santo Papa Benedicto XVI, “ang planetang hindi mo isinalba ay
ang mundong hindi mo na matitirahan.” Kung kaya’t sa maliit na paraan, gawin natin
ang maaari nating magawa upang pangalagaan at mailigtas ang ating kalikasan, ang
ating mundo.
KAPANGYARIHAN
Gagamitin mo ba sa mabuti o tungo sa kabutihan ang iyong kapangyarihan?
Ang kapangyarihan ay kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya,
kapasidad upang maka-impluwensiya sa saloobin at pag-uugali ng iba, at lumikha ng
panukala na makabubuti sa lahat. Maipamamalas ito sa pamamagitan ng posisyon
organisasyon at pagiging lider ng isang grupo.
Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan
1. Korapsyon.
Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera. Tumutukoy ito sa
espiritwal o moral na kawalan ng kalinisan at paglihis sa anumang kanais-nais na
asal. Ang taong may malinis na puso at tapat ang talagang karapat-dapat magsilbi
sa lipunan. Maipakikita ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo at pag-iwas sa
pandaraya.
2. Pakikipagsabwatan (Kolusyon).
Ito ay iligal na pandadaya o panloloko, halimbawa ay ang pagtatakda ng mga
presyo, limitahan ang mga oportunidad, pagtatakda ng sahod, mga kickback,
pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng iligal na panghihimasok sa proseso ng
isang halalan at sa pagbilang ng boto, pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali,
pagbili o panunuhol ng mga botante. Nangyayari ang mga gawaing ganito dahil sa
kagustuhan ng isang tao na mapaunlad ang pansariling kapakanan. Bakit nga ba
maraming nakatataas sa lipunan ang gumagawa ng mga ganitong bagay? Bakit mali
ang mga ganitong gawain? Paano kaya ito maiiwasan?
3. Ang bribery o panunuhol.
Ito ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o
regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap. Ang mga suhol na ito ay bahagi
ng pagtatakip sa ginawang katiwalian ng isang taong may puwesto sa pamahalaan.
Ito ay isang krimen. Ang iba pang mga halimbawa nito ay pagbibigay ng malaking
tip, regalo, diskuwento (discount), libreng tiket, pagkain, espesyal na anunsiyo,
pamamasyal sa iba’t ibang lugar, kickback/payback, paglalaan ng malaking pondo
sa isang proyekto, magandang alok sa kontrata, donasyon, mga kampanya para sa
kontribusyon, fundraising at sponsorship, lihim na komisyon at promosyon (mataas
na posisyon o ranggo).
4. Ang kickback.
Ito ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong itinalaga
sa kaniya. Isang halimbawa nito ang paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa
isang negosyante na magbigay ng trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na
kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo. Mayroon ding mga
katiwalian sa ating pansariling buhay. Ang mga pangyayaring nagaganap sa ating
lipunan ay isang malinaw na repleksiyon ng iba’t ibang pansariling katiwalian. Ang
pagiging tagapangalaga ng dignidad ng tao ay dapat maging permanenting bahagi
ng ating pakikipagkapuwa. Ito rin ay isang panghabambuhay na proseso ng
pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan.
5. Ang nepotismo.
Ito ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sa pamahalaan, maging
pambansa at sa alin mang sangay o ahensiya nito, kabilang ang mga korporasyon
na ari o kontrolado ng pamahalaan, na igagawad sa kamag-anak na hindi dumaraan
sa tamang proseso.
Mahalagang mapangalagaan ng bawat mamamayan ang kagalingang moral
ng lipunan. Matatandaan na ang pinagmumulan at tanging layunin ng pamumuhay
sa lipunan ay nag-uugat sa pangangalaga at pag-unlad ng bawat tao. Isang
malaking kabiguan ng lipunan kung ang kaniyang sitwasyong ginagalawan ay
kinapapalooban ng mga seryoso at malalang sakit ng kawalan ng disiplina at
moralidad. Pangarap ng bawat mamamayan, lalong lalo na ang kabataang katulad
mo, na mamulat sa isang disenteng uri ng pamumuhay sa pamayanan. Ang disente
at maayos na lipunan ay hindi lamang pinapangarap kundi pinagsisikapang
maisabuhay.
Ayon kay Mahatma Gandhi na nagsasabing “Kung gusto mo ang pagbabago
at kung gusto mo ng mas maayos na buhay, dapat simulan mo ito sa iyong sarili.”
Kung sisikapin ng bawat isa na magbago, unti-unting magbabago ang ating lipunan.
Kapag tinanggal mo ang mga kasamaan sa sarili mo, ay matatanggal din ang
kasamaan ng lipunan. Ikaw, kaya mo bang simulan ito sa buhay mo?
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang Araw-Araw na Buhay (Pagsasabuhay)
Gawain 4: Awit Suriin.
Panuto: Basahin at unawain ang mga awitin sa ibaba na may kaugnayan sa
kapangyarihan at kalikasan. Kung may internet, maari itong pakinggan sa YouTube.
Sagutin ang mga tanong upang masuri ang konteksto, nilalaman, at mensahe. Gawin ito
sa sagutang papel.
A.
Kapangyarihan
Ben & Ben
https://youtu.be/-V329Zx1cAU
Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
'Di naman kami nagkulang
Sa aming pag-uunawa
'Di ka namin isusuka
Kung hindi ka pa sukdulan
Huwag niyong tapakan
Ang katarungan
Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak
Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat
Ibon na may layang lumipad
'Di mo na makukulong
Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
Magwawagi, ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak
Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat
Katotohanan ang dapat mamuno
Sa namumuno sa mamamayan
Makatarungan ang dapat mamuno
Sa namumuno sa mamamayan
Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat
B.
Kalikasan at Pag-ibig
Crystal Kayte Valdez
https://youtu.be/8Gn6_p63Noo
Ihip ng hangin sa akin sa akin dumarampi
Huni ng ibon na parang ako ay inaawitan may
kapayapaan
Sa bughaw na kalangitan ako’y nakatingin
Tanging dalangin wag sanang maglaho ang lahat ng ito
O kay sarap pagmasdan mga puno’t mga halaman
Mga bulaklak at makulay na kapaligiran
Ating pagmasdan taglay nitong kagandahan
Ating pag-ingatan ang regalo ng Diyos sa ati’y iniwan
Kalikasan, kayamanan
Wag hayaang masira na lang
Kalikasan, pangalagaan
Mananatili kung may pag-ibig
O kay bigat sa dibdib tao ay nagpabaya
Ang ganda nitong mundo unti-unting nabubura, nawawala
Ating pagmasdan taglay nitong kagandahan
Ating pag-ingatan ang regalo ng Diyos sa ati’y iniwan
Kalikasan, kayamanan
Wag hayaang masira na lang
Kalikasan, pangalagaan
Mananatili kung may pag-ibig ka lang
Sa bughaw na kalangitan ako’y nakatingin
Tanging dalangin wag sanang maglaho
Sa silong ng langit ang obra ng Diyos na kanyang iniwan
Kalikasan, kayamanan
Mananatili kung may pag-ibig ka lang
H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto)
Gawain 5: Kompletuhin Mo!
Panuto: Ano-anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang
gawain at tekstong iyong binasa? Pumili ng isang isyu na kaugnay sa paggamit ng
kapangyarihan at gayundin sa pangangalaga sa kapaligiran. Gamit ang
konseptong iyong natutuhan, buuin ang graphic organizer sa ibaba.
Mga Pagsusuri: Kapangyarihan
Ben & Ben
Kalikasan at Pag-ibig
Crystal Kayte Valdez
1. Para kanino nilikha o binuo
ang awitin?
2.  Ano kaya ang dahilan bakit binuo ng
kompositor ang awiting ito?
3. Anong linya sa awitin ang kumurot sa
iyong puso sa pagiging isang
mamamayang Pilipino? Bakit?
4. Anong linya sa awitin ang nagpapakita
ng problema na kinakaharap natin sa
nakaraan hanggang ngayon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Bilang isang kabataang Pilipino, ano-
anong hakbang ang kaya mong gawin
upang masolusyunan ang problemang
napukaw sa awitin na isinulat mo sa
bilang 4?
6. Magbigay ng isang pangungusap na
adbokasiya ukol sa nabasang awitin o
napakinggan.
Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao:
1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto
sa modyul na ito?
I. Pagtataya ng Araling Natutuhan (Pagganap/Pagninilay)
Gawain 6: Patunayan ang Galing!
A. Panuto: Tukuyin ang detalye o kaisipang hinihingi ng bawat tanong. Isulat ang
letra ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Nitong nakaraang taon, lumabas ang alegasyon na ang mga miyembro ng Philippine
Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay nagkaisang magbulsa ng humigit
kumulang na 15-bilyong piso mula sa pagpapatong ng sobrang pondo sa proposal
para sa iba’t ibang proyekto ng nasabing ahensiya. Sapagkat tumutukoy ito sa
kawalan ng moral na kalinisan, ito ay matatawag na:
a. Kickback c. Korapsyon
b. Kolusyon d. Nepotismo
Napiling isyu na kaugnay
sa paggamit ng
kapangyarihan:
Mga
maaring
solusyon:
Napiling isyu na kaugnay
sa pangangalaga sa
kapaligiran:
1. 2. 3.
4. 5.
Mga
maaring
solusyon:
Kaugnayan ng bawat isa:
 
1. 2. 3.
4. 5.
2. Ikaw ay boboto sa darating na eleksyon sa 2022. Sino sa sumusunod na kandidato
ang hindi dapat iboto dahil sa kanilang aksyong may kaugnayan sa bribery o
panunuhol?
a. Si Senator Rhizza Cuevas na nagbibigay ng 1000 pesos na ayuda kada
pamilyang nasalanta ng Bagyong Ulysses.
b. Si President Elmer Dizon na inihalal bilang mga sekretraya ng iba’t ibang
ahensiya ang kaniyang mga kamag-anak nang hindi ipinadaan sa tamang
proseso.
c. Si Presidential candidate Peppa Pig na umiikot sa mga presinto ng botohan
upang magbigay ng t-shirt kung saan naka-print ang kaniyang pangalan at
mayroong naka-stapler na 500 pesos sa loob nito.
d. Lahat ng nabanggit
3. Ang global warming at climate change ay dalawang terminolohiyang pareho at walang
pinagkaiba ang dalawang ito. Ang pangungusap na ito ay:
a. Tama
b. Mali, dahil ang global warming ay nagdudulot ng climate change.
c. Mali, dahil ang climate change ay nagdudulot ng global warming.
d. Wala sa naibanggit
4. 95% ng mga coral reef ng ating bansa ay naglaho na ayon sa mga
pag- aaral. Malaking bahagi nito ay isinisisi sa mapanirang pangingisda. Alin sa
sumusunod ang HINDI halimbawa ng nakapipinsalang epekto ng malabis at
mapanirang pangingisda?
a. Dahil sa masaganang daloy ng mapanirang pangingisda, nagtayo ng negosyo
si Aling Hannah sa tabing dagat.
b. Namalengke si Aling Nena ng isdang hindi niyang namalayang may halong
kemikal dulot ng mapanirang pangingisda. Nang kaniyang ihain ito at
napagsaluhan ng kaniyang pamilya, sila ay nalason sa isdang kanilang kinain.
c. Sumisisid si Carlo sa tabing dagat upang isagawa ang muro-ami. Dudurugin
niya ang coral reef nang bigla siyang tinangay ng malakas na alon. Kinabukasan,
nakita ang naanod niyang bangkay sa tabing-dagat.
d. Naglalayag ang dalawang barko sa karagatan nang biglang naisipan ng
mangingisdang maghagis ng dinamita sa tubig. Hindi nito namalayan, kaniyang
nahagis ang dinamita sa kabilang barko. Dahil dito, sumabog ang kabilang barko.
5. Dalawang supertyphoon, ang Rolly at Ulysses ang naranasan
ng Pilipinas nitong nakaraang taon. Sa maraming bahagi ng Pilipinas, nagdulot ito ng
matinding pagbaha. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing sanhi ng matinding
pagbaha?
a. Malakas talaga ang pag-ulan dahil sa climate change kaya madalas ang
pagbaha.
b. Agad-agad gumuguho ang lupa dahil marami na rito ang ginawang minahan at
quarry.
c. Dahil sa iligal na pagputol ng puno, walang nagpapataba at nagpapatibay sa
ating lupain kaya nagbabara ang mga kanal at gumuguho ang lupa.
d. Dahil sa pagkaubos ng species ng halaman, kakaunting uri na lamang ng mga
halaman ang nagpapatibay at nagpapataba sa lupa kaya hindi na ito makapit.
6. Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita
ng labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga
materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Alin sa sumusunod ang
halimbawa ng nakapipinsalang epekto ng komersiyalismo sa kalikasan?
a. Dahil sa komersiyalismo, hindi na iniisip ng mga tao ang kapakanan ng
kanilang kapuwa.
b. Dahil sa komersiyalismo, dumarami ang demand o suplay sa produksyon dahil
sa kagustuhan at pangangailangan ng mga tao.
c. Dahil sa komersiyalismo, ang nagiging basehan ng mga tao sa kapangyarihan
at tagumpay ay pera at ang kayang bilhin nito.
d. Lahat ng nabanggit
7. Binili ni Aling Puring Samia ang 1000 ektaryang lupain sa Nueva Ecija para gawing
subdivision. Dahil lubog sa utang ang mga magsasaka rito, kanilang ibinenta ang
lupain kay Aling Puring. Ang lupaing ito ay isang malaking bahagi ng plantasyon ng
bigas sa Rice Capital ng Pilipinas. Alin sa sumusunod ang HINDI nakapipinsalang
epekto ng sitwasyong ito?
a. Maraming Pilipino ang matutuwa dahil mayroong subdivision.
b. Malaking bahagdan ng pinagkukunan ng bigas ang mababawasan.
c. Posibleng gumuho ang lupang karatig nito dahil sa maraming ipatatayong
residensyal na estruktura sa subdivision na ito.
d. Wala sa nabanggit
8. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa nakapipinsalang epekto ng iligal na pagputol
ng kahoy?
a. Tuwing tag-init, aasahan na ito ay magdudulot ng kakulangan sa supply ng
tubig.
b. Mababawasan ang polusyon dahil walang punong may dahon na malalagas sa
paligid.
c. Lalago ang produksyon ng papel, kahoy, at iba pa dahil sa kahoy na nakuha
mula sa ilegal na pagputol ng kahoy.
d. Tuwing gabi, mababawasan ang mga kaso ng aksidente dahil mas maluwag
ang mga highway dahil sa kawalan ng puno.
7. Ang City of San Fernando, Pampanga ay tinaguriang isa sa mga “Most-Business
Friendly City” sa buong Pilipinas. Dahil dito, maraming lupain ang inilaan para sa
pagpapatayo ng mga gusali para sa mg establisimyento. Bilang konsehal ng San
Fernando, ano ang iyong magagawa para sa bayan mo?
a. Ipasara ang mga establisimento at ipagawang taniman ang lupain nito.
b. Mag-post sa social media para malaman ng lahat ang nangyayari sa City of
San Fernando, Pampanga.
c. Iwasan ang pagtatangkilik sa mga lokal na produkto para malimitahan ang mga
tumatayong negosyo sa lokal.
d. Umapela sa lokal na pamahalaan na magsagawa ng ordinansa na kailangang
magtanim ng halaman ang bawat establisimyentong kukuha ng mayor’s permit.
8. Ikaw ay boboto sa darating na eleksyon nitong 2022. Nakita mo ang isang kandidato
para sa pagiging Presidente. Inabutan ka niya ng limandaang piso ngunit kabayaran
nito ang pagboto sa kaniya. Ang sitwasyon na ito ay halimbawa ng:
a. Kickback c. Nepotismo
b. Korapsyon d. Panunuhol
B. Panuto: Tukuyin kung anong isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kapaligiran ang naipakita sa sumusunod na pangungusap.
Gamitin ang mga isyung nasa loob ng kahon bilang gabay sa pagsagot. Letra
lamang ang iyong isusulat sa sagutang papel.
A. Maling pagtapon ng
basura
B. Polusyon ng Tubig C. Malabis at mapanirang
pangingisda
D. Quarrying E. Ilegal na pagputol ng puno F. Polusyon ng Lupa
G. Pagko-convert ng
lupang sakahan
H. Global warming at climate
change
I. Polusyon ng Hangin
J. Pagkakaubos ng
natatanging species ng
hayop at halaman sa
kagubatan
K. Ilegal na pagmimina L. Komersiyalismo at
Urbanisasyon
M. Korapsyon N. Kickback O. Pakikipagsabwatan
P. Nepotismo Q. Bribery / Panunuhol
1. Ang kanal sa Brgy. Sindalan ay nagbara dahil sa dahon at basurang nakakalat
sa daan.
2. Labintatlong minero ang nasawi sa loob ng minahan dahil mahigit na sa
kapasidad ng bundok ang kanilang nabutasan.
3. Ang mga minero ay inatasang magmina ng higit sa 2,000 na kilo ng Iron,
10,000 kilo ng Copper, 5,000 kilo ng Aluminum at 1,000 kilo ng Gold dahil sa
labis na demand para sa bagong iPhone 12.
4. Dumadalas ang pagdating ng mga bagyo at irregular na pagbabago sa ating
atmospera.
5. Ang isang pangulo ay pumipili ng mga sekretarya ng bawat ahensiya dahil
kamag-anak niya ang mga ito.
6. Nagbigay ng pera ang isang mayamang negosyante sa pulis kapalit ng pagsira
ng ebidensya.
7. Dahil sa Red Tide, maraming yamang-dagat ang natatagpuang patay sa
tabing dagat.
8. Makikita na 95% ng mga coral reef ng Pilipinas ay nasira.
9. Tuwing tag-init, makikita na nabibiyak ang lupain sa kalsada.
10. 10,894 ang namatay noong 2018 dahil sa Lung Cancer. Nakukuha ang Lung
Cancer sa malabisang paninigarilyo.
11. Dahil kulang na ang sakahan ng bigas sa PIlipinas, napagpasyahan na tayo
ay mag-iimport mula sa ibang bansa.
12. Nagkasundo ang Judge at ang prosecutor sa isang presyo upang maipanalo
ang isang kaso.
13. Nagpatong ang doctor ng tatlong daang piso kada SINOVAC vaccine na
kaniyang ibubulsa.
14. Napipilitang mag-migrate ang iba’t ibang uri ng hayop dahil sa sobrang daming
basura sa isang lugar.
15. Ito ay ilegal na pondong ibinibigay sa isang opisyal kapalit ng ibang
transaksyon.
F. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation
Gawain 7: Suriin mong Mabuti!
Panuto: Humanap ng napapanahong balita ukol sa mga isyu na may kaugnayan sa
paggamit ng kapangyarihan o pangangalaga sa kapaligiran. Pumili lamang ng isa.
Basahin at suriin nang mabuti ang balita. Gamit ang talahanayan, tukuyin ang
layunin, paraan o pagpipilian, sirkumstansiya, at kahihinatnan sa bawat balita. Isulat
ang iyong sagot sa loob ng bawat opsiyon. Gawin ito sa sagutang papel.
Unang napapanahong balita:
Opsiyon 1 Opsiyon 2 Opsiyon 3
Layunin
Mga Paraan/
Pagpipilian
Sirkumstansiya
Kahihinatnan
Isyu na kaugnay sa pangangalaga sa kapaligiran o kapangyarihan:
Pamagat ng balita:
Nilalaman/buod ng balita:

More Related Content

What's hot

suliranin at solusyon sa edukasyon
suliranin at solusyon sa edukasyonsuliranin at solusyon sa edukasyon
suliranin at solusyon sa edukasyonalleyahRivera
 
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El FilibusterismoKaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismomenchu lacsamana
 
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''Rey Reyes Jr.
 
Kabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El FilibusterismoKabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El FilibusterismoLyca Mae
 
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at KaralitaanEl Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at KaralitaanSungwoonie
 
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10jessacada
 
SCIENCE GRADE 10 LEARNER'S MODULE
SCIENCE GRADE 10 LEARNER'S MODULESCIENCE GRADE 10 LEARNER'S MODULE
SCIENCE GRADE 10 LEARNER'S MODULEPRINTDESK by Dan
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 4
ESP Learners Module Grade 10 Unit 4ESP Learners Module Grade 10 Unit 4
ESP Learners Module Grade 10 Unit 4Ian Jurgen Magnaye
 
Ahensya nng pamahalaan at tungkulin
Ahensya nng pamahalaan at tungkulinAhensya nng pamahalaan at tungkulin
Ahensya nng pamahalaan at tungkulinNers Iraola
 
Filipino el filibusterismo quiz
Filipino  el filibusterismo quizFilipino  el filibusterismo quiz
Filipino el filibusterismo quizEemlliuq Agalalan
 
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me TangereMga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me TangereMaybelyn Catindig
 
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINOANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINOMiss Ivy
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10Sophia Marie Verdeflor
 
Technical terms used in research
Technical terms used in researchTechnical terms used in research
Technical terms used in researchEspie Abaquita
 
Grade 10 Science Module (1st Quarter)
Grade 10 Science Module (1st Quarter)Grade 10 Science Module (1st Quarter)
Grade 10 Science Module (1st Quarter)Luwen Borigas
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagJuan Miguel Palero
 
Sinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianSinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianHannah Dionela
 

What's hot (20)

suliranin at solusyon sa edukasyon
suliranin at solusyon sa edukasyonsuliranin at solusyon sa edukasyon
suliranin at solusyon sa edukasyon
 
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El FilibusterismoKaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
 
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
 
Grade 10 Science Second Quarter
Grade 10 Science Second QuarterGrade 10 Science Second Quarter
Grade 10 Science Second Quarter
 
Kabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El FilibusterismoKabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El Filibusterismo
 
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at KaralitaanEl Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
 
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
 
SCIENCE GRADE 10 LEARNER'S MODULE
SCIENCE GRADE 10 LEARNER'S MODULESCIENCE GRADE 10 LEARNER'S MODULE
SCIENCE GRADE 10 LEARNER'S MODULE
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 4
ESP Learners Module Grade 10 Unit 4ESP Learners Module Grade 10 Unit 4
ESP Learners Module Grade 10 Unit 4
 
Ahensya nng pamahalaan at tungkulin
Ahensya nng pamahalaan at tungkulinAhensya nng pamahalaan at tungkulin
Ahensya nng pamahalaan at tungkulin
 
Talambuhay
TalambuhayTalambuhay
Talambuhay
 
Filipino el filibusterismo quiz
Filipino  el filibusterismo quizFilipino  el filibusterismo quiz
Filipino el filibusterismo quiz
 
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me TangereMga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
 
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINOANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
 
Technical terms used in research
Technical terms used in researchTechnical terms used in research
Technical terms used in research
 
claim of value
claim of valueclaim of value
claim of value
 
Grade 10 Science Module (1st Quarter)
Grade 10 Science Module (1st Quarter)Grade 10 Science Module (1st Quarter)
Grade 10 Science Module (1st Quarter)
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
 
Sinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianSinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalian
 

Similar to Wk1_Q4_EsP10.pdf

DLL-G5-Q1-WK-1-SEPT.12-16 (1).docx
DLL-G5-Q1-WK-1-SEPT.12-16 (1).docxDLL-G5-Q1-WK-1-SEPT.12-16 (1).docx
DLL-G5-Q1-WK-1-SEPT.12-16 (1).docxCristhelMacajeto2
 
Aralin 1 llllllllllllllllllllllllllllllllllllllll
Aralin 1 llllllllllllllllllllllllllllllllllllllllAralin 1 llllllllllllllllllllllllllllllllllllllll
Aralin 1 llllllllllllllllllllllllllllllllllllllllRholdanAurelio1
 
DLP Q1- Suliraning Pangkapaligiran 2.docx
DLP Q1- Suliraning Pangkapaligiran 2.docxDLP Q1- Suliraning Pangkapaligiran 2.docx
DLP Q1- Suliraning Pangkapaligiran 2.docxyeshuamaeortiz
 
weekly lesson plan
weekly lesson planweekly lesson plan
weekly lesson planMEENAPEREZ1
 
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docxdaily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docxFidel Dave
 
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdfEsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdfIreneSantos71
 
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2 (1).docx
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2 (1).docxGrade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2 (1).docx
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2 (1).docxOrlynAnino1
 
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2.docx
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2.docxGrade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2.docx
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2.docxOrlynAnino1
 
Day 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDay 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDixieRamos2
 
Day 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docxDay 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docxDixieRamos2
 
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd Quarter
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd QuarterAraling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd Quarter
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd QuarterHonneylouGocotano1
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfReinNalyn
 
week42.docx in edukasyon sa pagpapakatao
week42.docx in edukasyon sa pagpapakataoweek42.docx in edukasyon sa pagpapakatao
week42.docx in edukasyon sa pagpapakataoSARAHMAEMERCADO1
 
Grade 4-1 q2 w3.docx
Grade 4-1 q2 w3.docxGrade 4-1 q2 w3.docx
Grade 4-1 q2 w3.docxssuserda25b51
 

Similar to Wk1_Q4_EsP10.pdf (20)

DLL-EsP-10-CMRM (2).docx
DLL-EsP-10-CMRM (2).docxDLL-EsP-10-CMRM (2).docx
DLL-EsP-10-CMRM (2).docx
 
DLL-G5-Q1-WK-1-SEPT.12-16 (1).docx
DLL-G5-Q1-WK-1-SEPT.12-16 (1).docxDLL-G5-Q1-WK-1-SEPT.12-16 (1).docx
DLL-G5-Q1-WK-1-SEPT.12-16 (1).docx
 
Aralin 1 llllllllllllllllllllllllllllllllllllllll
Aralin 1 llllllllllllllllllllllllllllllllllllllllAralin 1 llllllllllllllllllllllllllllllllllllllll
Aralin 1 llllllllllllllllllllllllllllllllllllllll
 
DLP Q1- Suliraning Pangkapaligiran 2.docx
DLP Q1- Suliraning Pangkapaligiran 2.docxDLP Q1- Suliraning Pangkapaligiran 2.docx
DLP Q1- Suliraning Pangkapaligiran 2.docx
 
weekly lesson plan
weekly lesson planweekly lesson plan
weekly lesson plan
 
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docxdaily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
 
week 1.docx
week 1.docxweek 1.docx
week 1.docx
 
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdfEsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
 
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2 (1).docx
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2 (1).docxGrade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2 (1).docx
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2 (1).docx
 
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2.docx
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2.docxGrade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2.docx
Grade 6 DLL ESP 6 Q1 Week 2.docx
 
Day 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDay 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docx
 
DLL_ESP-5_Q1_W1.docx
DLL_ESP-5_Q1_W1.docxDLL_ESP-5_Q1_W1.docx
DLL_ESP-5_Q1_W1.docx
 
DLL ESP 9.docx
DLL ESP 9.docxDLL ESP 9.docx
DLL ESP 9.docx
 
COT DLP AP6 Q4 Climate Change
COT DLP AP6 Q4 Climate ChangeCOT DLP AP6 Q4 Climate Change
COT DLP AP6 Q4 Climate Change
 
Day 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docxDay 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docx
 
arpan10.docx
arpan10.docxarpan10.docx
arpan10.docx
 
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd Quarter
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd QuarterAraling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd Quarter
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd Quarter
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
 
week42.docx in edukasyon sa pagpapakatao
week42.docx in edukasyon sa pagpapakataoweek42.docx in edukasyon sa pagpapakatao
week42.docx in edukasyon sa pagpapakatao
 
Grade 4-1 q2 w3.docx
Grade 4-1 q2 w3.docxGrade 4-1 q2 w3.docx
Grade 4-1 q2 w3.docx
 

Wk1_Q4_EsP10.pdf

  • 1. Department of Education Region III DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO Self-Instructional Packets (SIPacks) Ikaapat na Markahan - Unang Linggo *Maaaring sagutin ang mga gawain sa EsP ayon sa itinakdang oras ng inyong paaralan PANGKALAHATANG PANUTO Sa mag-aaral: Sa iyong pagbabasa, isaisip mo na ang mga ginawang SIPacks na ito ay makapagbibigay ng dagdag-kaalaman at impormasyon sa iyo bilang mag-aaral. Lilinangin din ng mga aralin ang iyong kasanayan na nakabatay sa Mungkahing Timeline sa Pagsagot ng SIPacks sa ESP 10 BAWAT LINGGO Unang Araw A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin Alalahanin Sagutan B. Paghahabi ng layunin sa aralin (Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo?) Basahin C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Pagtuklas ng Dating Kaalaman) Sagutan Ikalawang Araw D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa) Sagutan E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kaalaman #2 (Integration of GMRC) Sagutan Ikatlong Araw F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim) Basahin at Unawain Ikaapat na Araw G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Pagsasabuhay) Sagutan H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto) Pag-isipan Ikalimang Araw I. Pagtataya ng Araling Natutuhan (Pagganap/Pagninilay) Sagutan J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin Sagutan ayon sa pangangailangan Edukasyon sa Pagpapakatao 10
  • 2. Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto o MELCs. May mga nakatakdang gawaing iyong sasagutin sa bawat pahina para sa isang linggong aralin. Para malubos ang paggamit sa mga kagamitang pagkatuto (SIPacks), isaalang-alang ang sumusunod na paalala: 1. Huwag madaliin ang pagbabasa. Unawaing mabuti ang aralin. 2. Alamin sa iyong guro kung sa mga SIPacks sasagot o gagamit ng sagutang papel. Kung hindi susulatan ang mga SIPacks sundin ang panuto 3 & 4 3. Isulat mo ang lahat ng iyong sagot sa ISANG BUONG PILAS NG PAPEL ng PAD PAPER (one whole sheet) bilang SAGUTANG PAPEL (Answer Sheet) 4. Isulat mo ang sumusunod na impormasyon sa iyong SAGUTANG PAPEL bago sumagot sa mga gawain. a. Ang Iyong Buong Pangalan (mag-aaral) e. Bilang ng Kwarter b. Ang Iyong Antas at Pangkat f. Linggo ng Pagsagot c. Asignatura at Petsa ng Pagsagot d. Pangalan ng Iyong Guro sa Nasabing Asignatura g. Bilang ng Gawain, Pamagat at Bilang ng mga Aytem Narito ang isang halimbawang ilustrasyon ng mga panuto sa itaas: 5. Tandaan mo na ang lahat ng mga gawaing iyong sasagutin ay magsisilbing awtput at ibibigay sa iyong guro sa nasabing asignatura para iwasto at itala sa class record. 6. Kapag nahihirapan o mayroong hindi maintindihan makipag-ugnayan sa iyong guro sa EsP. 7. Higit sa lahat, ialay sa Panginoon ang lakas at talino na ibibigay mo sa pagsagot sa mga aralin. Buong Pangalan: (Hal. Juan P. Dela Cruz) Asignatura: (Hal. ESP 6) Kwarter: (Hal. 3) Antas at Pangkat: (Hal. 6 Bonifacio) Pangalan ng Guro: (Hal. Lucia Santos) Linggo ng Pagsagot: (Hal. Unang Linggo) Petsa ng Pagsagot: (Hal. Feb. 22-26, 2021) Gawain Bilang __ 1. 2. 3. 4. Gawain Bilang __ 1. 2. 3.
  • 3. Ikaapat na Markahan – Unang Linggo I. LAYUNIN A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran. B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakagagawa ng posisyon tungkol sa isang isyu sa paggamit ng kapangyarihan o pangangalaga sa kapaligiran. C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (MELCs) 1. Natutukoy ang mga isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran (EsP10PIIVc-14.1) 2. Nasusuri ang mga isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran (EsP10PIIVc-14.2) II. NILALAMAN Paksa: Paninindigan sa Tamang Paggamit ng Kapangyarihan at Pangangalaga sa Kapaligiran Kaugnay na Pagpapahalaga: Pagtitipid, Kabutihan, at Integridad III. KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian Brizuela, Mary Jean B., et al. Department of Education. Edukasyon sa Pagpapakatao, Kaganitan ng Mag-aaral: Material DepEd 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City. 2015. pp. 209-234 Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020- 2021. Accessed on May 10, 2020. https://www.depedclick.com/2020/05mostessential-learning- competencies_1.html Edukasyon sa Pagpapakatao 10
  • 4. IV. PAMARAAN A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin o Pagsisimula ng Bagong Aralin Noong nakaraang taon, dumating ang dalawang nakapipinsalang bagyo, ang bagyong Rolly at Ulysses. Gayundin, pumutok ang bulkang Taal ng Pilipinas na may kasamang lindol at abo. Lubhang maraming naapektuhan at nasira sa mga pangyayaring ito sa ating bansa. Bakit nga ba nangyayari ito? Naitanong mo siguro sa iyong sarili ito, kawakasan na ba ng mundo? Galit na ba sa atin ang Inang Kalikasan? Ito ay dahil sa maling pagtrato sa Inang Kalikasan. Marahil narinig mo na ang katagang ito: “Mabubuhay ang kalikasan kahit wala ang tao, ngunit hindi kayang mabuhay ng tao kung wala ang kalikasan.” Ano-ano ang mga gawi natin noon na nagdudulot nang matinding tag-init, mga pag-ulang nauuwi sa pagbaha, malalakas na bagyo, at iba pa? Kung gayon, mayroon pa bang pagkakataon upang maitama ang mga nakagawian natin? Ayaw mo bang maging plant lovers na rin upang maibsan ang sakit na nararamdaman ng kalikasan? Kung ikaw ay bibigyan ng kapangyarihan, ano ang gusto mo at bakit? Paano mo mapatutunayan na magagamit mo ito nang mabuti? Makadaragdag ka pa ba sa mga isyung napapaloob sa paggamit ng kapangyarihan? Mainam na hindi ang iyong sagot, dahil bilang isang mamamayan sa bansa may responsibilidad tayo na bigyang pansin at resolusyon ang mga ito. Sa gitna ng mga pangyayaring nauukol sa kalikasan at kapangyarihan na ating nararanasan, mahalagang masagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit kailangang suriin at tukuyin ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan? Ano ang magiging posisyon mo sa mga isyung ito? B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo) Sa SIPacks na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1. natutukoy ang mga isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran; 2. nasusuri ang mga isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran; at 3. naipaliliwanag ang mga isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran.
  • 5. C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin (Pagtuklas ng Dating Kaalaman) Gawain 1: Siyasatin Mo! Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel kung ikaw ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa mga pahayag at ibigay ang iyong dahilan. Pahayag Sang-ayon o Hindi sang-ayon Paliwanag o Dahilan 1. Kayang mabuhay ng tao kahit wala ang kalikasan. 2. Ang bawat bagay na wala ng halaga ay kadalasang itinatapon na lamang ito. 3. Ang ilegal na pagputol ng mga puno ay makapagdudulot ng malaking epekto sa ating kapaligiran at kalikasan. 4. Ang polusyon sa hangin, tubig, at lupa ay nakadaragdag ng resistensya sa katawan lalo na kapag marumi ang hangin. 5. Pinagkalooban ng Diyos ang bansang Pilipinas ng napakagandang yamang lupa at yamang tubig. 6. Ang pagkawala ng ilang mga likas na yamang tubig na kailangan ng mga tao para sa kanilang ikinabubuhay ay sanhi ng maingat at responsableng pangingisda. 7. Malaki ang naitutulong ng mga nakatayong subdivision, golf courses, mga hotel, expressways, at matataas na gusali sa kalikasan at kapaligiran. 8. Ang komersyalismo at urbanisasyon ay maaaring iugnay sa konsyumerismo dahil sa paniniwalang mabuti para sa tao ang gumugol nang gumugol para sa mga materyal na bagay at serbisyo. 9. Ang climate change ay nagdudulot ng global warming. 10. Sa pagdami ng mga pagnanais at pagkagusto ng tao lalo na sa mga materyal na bagay, naapektuhan niya nang lubusan ang kaniyang kapaligiran at kalikasan.
  • 6. Matapos ang pagsusuri sa mga pahayag, subukan mo namang bigyang paliwanag ang sitwasyon. Pagpasiyahan mo kung sang-ayon ka o hindi gamit ang sumusunod na tanong. 1. Tama kaya ang mga naging sagot mo? Pangatwiranan. 2. Ano ang mga batayan mo sa pagsang-ayon o hindi-pagsang-ayon sa mga pahayag na nabanggit? D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 (Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa) Gawain 2: Suri-larawan Panuto: Mula sa mga kartung pang-editoryal o editorial cartooning na nasa ibaba, bumuo ng tig-iisang talata na mayroong limang pangungusap. Ipaliwanag kung ano ang gustong ipabatid na mensahe. Gawin ito sa sagutang papel.                              Kartung pang-editoryal 1 – Paliwanag: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________
  • 7. Kartung pang-editoryal 2 – Paliwanag: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________
  • 8. Kartung pang-editoryal 3 – Paliwanag: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ Mula sa mga sinuring kartung pang-editoryal, sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Sa palagay mo, bakit mo nasabing ang mga gawaing ito ay mga isyu na may kaugnayan sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran? Ipaliwanag ang iyong sagot. 2. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang mga isyung naipakita sa mga larawan? Ipaliwanag ang iyong sagot. 3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano maiibsan ng mundo ang mga suliranin o isyu na naipakita at nararanasan natin hanggang ngayon? E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Integration of GMRC) Bakit mahalaga ang integridad, kabutihan, at pagtitipid? Kailangan ba ng mga tao ang mga pagpapahalagang ito? Ang integridad ay katapatan. Sa diksyunaryo, ipinaliwanag ang kahulugan nito bilang “kalagayan ng tao na kung saan siya ay buo, iisa, o kumpleto ang kaniyang pagkatao.” Kung ano ang kaniyang sinasabi, iyon din ang kaniyang ginagawa. Kung ano siya sa publiko, ganoon din siya sa pribadong buhay o sa lugar na walang nakakikita. Ang mabubuting sinasabi ng mga tao patungkol sa kaniya ay ganoon din ang sinasabi ng kaniyang mga kasambahay. Siya ay iisang tao maging saan man at anomang sitwasyon ang kaniyang makaharap. Siya ay bukas na aklat; walang itinatago; at walang kinatatakutan. May ilang tao na ang tingin sa integridad ay listahan ng bawal gawin at dapat gawin ngunit ang integridad ay higit kaysa listahan. Ang integridad ay pagpapakatao. Ito ay ang iyong pagka-sino na binubuo mo tungo sa iyong pagiging personalidad. Kung sino ka, iyon ang iyong gagawin. Pinag-iisa nito ang iyong sinasabi at ginagawa. Mahalaga ang mga ito sa pagbuo ng sarili tungo sa kaganapan ng pagkatao. Naririto ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang integridad at kabutihan: 1. nagbibigay-galang sa iyong sarili; 2. bibigyan ka ng iyong kapuwa ng paggalang at pagkakatiwalaan ka ng ibang tao; at 3. ang taong may integridad ay madaling makaimpluwensiya. Ang paggamit ng kapangyarihan at pera ng ibang indibidwal para sa pansariling benepisyo ay isa rin sa pangunahing dahilan kung bakit hindi matigil- tigil ang problema ng bansa sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran.
  • 9. Gawain 3: Pagsusuri ng Kaso Panuto: Pag-aralan ang mga isyung napapaloob sa paggamit ng kapangyarihan. Pumili lamang ng isa. Sagutin ang mga tanong at ibigay ang mga resolusyon dito. Gawin ito sa sagutang papel. Unang kaso Mungkahing resolusyon sa kaso: A. ________________________________________________________________ B. ________________________________________________________________ Ikalawang kaso Dahil sa takot ni Tolits na matalo sa barangay eleksyon, siya ay nagbigay ng frozen goods, isang libong piso, at gift certificate na nagkakahalaga ng dalawang daang piso sa isang fast food restaurant sa panahon ng kampanya sa eleksyon o electoral campaign. Tanong: a. Anong isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan ang naipakita sa sitwasyon? b. Nabigyan ba ng sapat na katuwiran ni Tolits ang kaniyang ginawang pandaraya? Bakit? c. Sa iyong palagay, ibebenta mo ba ang iyong boto? Ipaliwanag ang iyong sagot. Nangangailangan ng isang empleyado ang isang departamento sa isang ahensya sa gobyerno. Lahat ng mga aplikante ay dumaan sa tamang proseso. Pagdating sa paglalaan ng posisyon, pinili ng pinakamataas sa ahensya ang aplikante na nasa huling ranggo dahil kamag-anak niya pala ito. Tanong: a. Anong isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan ang naipakita sa sitwasyon? b. Makaturangan ba ang pagpili sa isang kwalipikadong aplikante? Bakit? c. Anong kaukulang hakbang ang gagawin mo kung ikaw ay kasama sa mga aplikante?
  • 10. Mungkahing resolusyon sa kaso: A. ________________________________________________________________ B. ________________________________________________________________ Ikatlong kaso Mungkahing resolusyon sa kaso: A. ________________________________________________________________ B. ________________________________________________________________ Kraytirya 10 8 5 Kaalaman / Pag-unawa - Malalim ang pag- unawa sa kaso na binibigyang resolusyon. - Nakaangkla sa moral na batayan ang ibinigay na resolusyon. - Katamtaman ang lalim ng pag-unawa sa kasong binibigyang resolusyon. - May pinagbatayan ang ibinigay na resolusyon. - Mababaw ang pag- unawa sa kaso na binibigyang resolusyon. - Walang pinagbatayan ang ibinigay na resolusyon. Organisasyon Maayos at malinaw ang pagkakabuo at pagkakalahad ng resolusyon. Hindi gaanong maayos at malinaw ang pagkakabuo at pagkakalahad ng resolusyon. May kalabuan ang pagkakabuo at pagkakalahad ng resolusyon. Kabuuang puntos: /20 May isang organisasyon sa isang barangay na may layuning bigyang pansin ang mga baradong kanal sa kanilang lugar upang maiwasan ang pagbaha tuwing may dumarating na bagyo. Sila ay gumawa ng budget proposal at inaprubahan ng punong barangay. Nagtataka ngayon ang Komisyon sa Audit o Commission on Audit kung bakit ang laki ng gastos nito sapagkat nakita ang halagang Php 1,750,000.00. Sa bandang huli nakita na ang mga materyales ay dumoble ang mga presyo nito. Tanong: a. Anong isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan ang naipakita sa sitwasyon? b. Makatuwiran ba ang pahayag sa itaas? Paano ito nakaapekto sa pondo ng bayan? c. May posibilidad bang gawin mo rin ito? Bakit?
  • 11. F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim) KALIKASAN Ano ba ang kalikasan? Ano ang kahalagahan nito sa atin bilang tao? Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala. Ito ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki. Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik na siyang nagbibigay-daan o tumutugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang na may buhay upang ipagpatuloy ang kanilang buhay. Kabilang dito ang hangin, lupa, tubig, at iba pang mga anyo nito. May buhay man o wala, kapag sumusuporta sa pagpapatuloy ng buhay ng mga nabubuhay na nilalang ay maituturing na bahagi ng kalikasan. Ang kalikasan ay kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay patuloy na mabuhay. Samakatuwid, tayo ay binubuhay ng kalikasan kung kaya’t binigyan Niya tayong lahat ng tungkulin at pananagutang ito’y ating igalang at pangalagaan. Sabi nga sa Compendium on the Social Doctrine of the Church, sa bahaging may kaugnayan sa kalikasan, ang ugnayan natin o kaya’y tungkulin sa kalikasan ay makikita sa kung ano ang ugnayan natin sa ating kapuwa at sa Diyos. Sa pagdaan ng mga panahon, mukhang nag-iba ang pagtingin at pagtrato ng mga tao sa kahalagahan ng kalikasan. Ang tao ay nagpatuloy sa walang habas na paninira sa pag-aakalang siya ay may karapatan sa kalikasan. Minaltrato ng tao ang kalikasan. Ginawa niyang sentro ang kaniyang sarili sa lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa pananaw na ito, inabuso ng tao ang kalikasan. Ano-ano bang pang-aabuso ang ginawa ng tao sa kalikasan? Ano-anong paglabag sa pangangalaga sa kalikasan ang isinagawa at patuloy na isinasagawa ng tao na nagbunga ng unti-unting pagkasira ng kalikasan? Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan Kung mapapansin natin ang kasalukuyang panahon, may pagkakaiba ba ito sa nakaraan? Marahil, pareho ang magiging sagot natin, Oo, napakalaki ng pagkakaiba. Napakainit ng panahon, hindi na mawari kung kailan ang tag-init at tag- ulan, kabi-kabila ang mga trahedyang hindi inaasahang mangyayari, mula sa di- inaasahang pagputok ng bulkan (Mt. Pinatubo, taong 1991), sa mga biglaang pagguho ng lupa (St. Bernard, Leyte 2006), mga pagbaha maging sa sentro ng bansa (Yolanda 2013), ang paglamon ng karagatan sa mga dalampasigan at kalupaan (Ulysses 2020), at iba pang mga pangyayari na kumitil ng maraming buhay ng tao at pagkawasak ng ari-arian. Naitanong mo na ba kung bakit may mga nakagugulat na pangyayaring ganito ngayong mga panahon? Ano kaya ang dahilan ng mga nakagugulat na pangyayaring ito? Anong mga gawain kaya ang nagawa ng tao upang ang mga ito ay maganap? Sa karamihan ng mga trahedyang pangkalikasan, malinaw na may kinalaman ang mga gawain ng tao. Maraming mga pagmaltrato at paglabag ang ginagawa ng tao na tuwirang taliwas sa pangangalaga sa kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito at pagkatapos ay suriin mo ang iyong sarili kung kabilang ka sa kabataan na gumagawa rin ng mga ito.
  • 12. 1. Maling pagtatapon ng basura. Dahil sa walang habas na pagtatapon ng basura, nagbabara ang mga daanan ng tubig, kung kaya’t kapag dumating ang malakas na ulan, di maiiwasan ang pagbaha. Dagdag pa rito ang paglaganap ng mga sakit. Ang mga anyong tubig na sumusuporta sa buhay ay unti-unting nasisira at dumurumi kung kaya’t ang layunin nitong magamit para ipagpatuloy ang buhay, hindi na minsan nasusuportahan. Dahil sa maling pagtapon ng basura, maraming mga bahagi ng kalikasan ay unti-unting nawawalan ng saysay. Ikaw, paano mo itinatapon ang iyong mga basura? Saan mo ito itinatapon? Maayos ba ang pagtatapong isinasagawa mo? 2. Iligal na pagputol ng mga puno. Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang tagapagbigay sa atin ng napakahalagang hangin na ating hinihinga upang mabuhay tayo at iba pang mga hayop. Ang patuloy na pagputol ng mga puno lalo na iyong mga walang permiso o iligal ay may malaking epekto sa ating kapaligiran at kalikasan. Ang kadalasang pag- ulan na nagdudulot ng mga pagbaha ay bunga ng walang habas na pagputol ng mga puno at hindi pagpapalit ng bagong halaman sa mga naputol na puno. Wala na kasi ang mga malalaking ugat na sumisipsip ng tubig. Gayundin naman, sa mga buwan ng tag-init ay nagkukulang ang supply ng tubig. Kadalasan ito rin ay nauuwi sa pagbitak ng mga lupa na nagiging sanhi upang ang mga pananim ay matuyo. 3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa. Ang dalawang suliraning nabanggit sa itaas ay nagdudulot ng polusyon. Ang hangin na ating nilalanghap, ang tubig na iniinom at kailangan sa kalinisan at ang lupang sumusuporta sa mga halaman ay unti-unting dumurumi dahil na rin sa maling gawain ng mga tao. Ito ay ang malawakang polusyon na siyang nagpabago sa kondisyon ng hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao upang mabuhay. Karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman ang polusyon tulad ng respiratory diseases, sakit sa digestive tract, sakit sa balat, at marami pang iba. Kapag ang mga ito ay hindi naagapan, maaaring maging sanhi ng kamatayan lalo na kapag marumi na ang hanging nilalanghap. 4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan. Ang Pilipinas ay napagkalooban ng Diyos ng isang napakagandang kagubatang tropikal. Ngunit maraming uri ng hayop at halaman ang nagiging threatened, endangered, at ang pinakamalala sa lahat ay ang kanilang extinction. Dahil dito, ang balanse ng kalikasan (balance of nature) ay unti-unti na ring nawawala. Maraming uri ng mga hayop at halaman na may mahalagang papel na ginagampanan lalo sa pagkontrol ng iba pang uri ng hayop at halaman ang unti-unti nang nawawala.
  • 13. 5. Malabis at mapanirang pangingisda. Ang Pilipinas ay nabiyayaan din ng mayamang karagatan at iba pang anyong tubig. Iba’t ibang uri ng isda ang naninirahan dito kung kaya nga’t maraming lugar dito sa atin ang umaasa sa pangingisda bilang kanilang ikinabubuhay. Subalit ang yamang dagat na ito ay unti-unti na ring nauubos dahil sa hindi matigil na cyanide fishing, dynamite fishing, at sistemang muro-ami na pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang natural habitat o tirahan. Ang malabis at mapanirang pangingisda ay nagbubunga ng pagkawala ng mga likas na yamang kailangan ng mga tao para sa kanilang ikinabubuhay. 6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying. Dahil sa hindi na mabilang na mga lupang sakahan ang hindi na tinatamnan dahil ginawa ng subdivision, golf courses, mga hotel, expressways, nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas, asukal, at iba pa. Bumababaw ang mga ilog at dagat, at nagkakaroon ng pagguho dahil sa maling sistema na patagong ginagawa ng mga kumpanyang tulad ng pagpapasabog ng mga bundok upang makakuha ng marmol, ang paghuhukay sa mga dalampasigan upang makakuha ng black sand, ang pagtatapon ng mga debris ng mga pabrikang nagpoproseso ng ginto, nickel, at mga yamang mineral sa mga yamang tubig ng bansa. 7. Global warming at climate change. Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot ng matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag na climate change. Ang patuloy naman na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera ay tinatawag na global warming. Ang global warming ay nagdudulot ng climate change. Ito ay sa paraang patuloy na pag init ng panahon na nakaaapekto sa kondisyon hindi lamang ng atmospera kundi gayundin sa mga glacier at iceberg na lumulutang sa mga dagat ng mundo. Dahil sa matinding init, unti-unting nalulusaw ang mga glacier at iceberg na nauuwi sa pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, mga pagbaha, at matinding pag-ulan. Ang global warming naman ay nagdudulot ng mahahabang tag-init na nauuwi sa malawakang tagtuyot o El Nino o kaya naman ay malawakan at matagal na pag-ulan o La Nina. 8. Komersiyalismo at urbanisasyon. Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Ang urbanisasyon naman ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan na mailalarawan sa pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at condominium units. Ang dalawang ito ay maaaring iugnay sa konsyumerismo na isang paniniwala na mabuti para sa tao ang gumasta nang gumasta para sa mga materyal na bagay at serbisyo. Dahil sa mga paniniwalang ito, nawala sa isipan ng tao na pangalagaan ang kanilang kapaligiran. Sa pagdami ng mga ninanais ng tao lalo na tungkol sa mga
  • 14. materyal na bagay, nakalimutan na niyang naapektuhan ang kaniyang kapaligiran at kalikasan. Nakita natin ang mga pinakamalalaki at napapanahong problema sa ating kalikasan at ang mga epekto nito sa atin. Mayroon pa bang ibang epektong nagaganap sa maling pagtrato sa kalikasan? Kung ang mundo ay itinuturing nating ina, ano ang gagawin mo sa kaniya? Sasaktan mo ba siya? Sisirain mo ba ang kaniyang pagkatao? Puputulin mo ba ang kaniyang mga kamay at paa? Aalipustahin mo ba siya sa pamamagitan ng kawalang paggalang sa kaniya? Sabi nga ni Santo Papa Benedicto XVI, “ang planetang hindi mo isinalba ay ang mundong hindi mo na matitirahan.” Kung kaya’t sa maliit na paraan, gawin natin ang maaari nating magawa upang pangalagaan at mailigtas ang ating kalikasan, ang ating mundo. KAPANGYARIHAN Gagamitin mo ba sa mabuti o tungo sa kabutihan ang iyong kapangyarihan? Ang kapangyarihan ay kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya, kapasidad upang maka-impluwensiya sa saloobin at pag-uugali ng iba, at lumikha ng panukala na makabubuti sa lahat. Maipamamalas ito sa pamamagitan ng posisyon organisasyon at pagiging lider ng isang grupo. Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan 1. Korapsyon. Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera. Tumutukoy ito sa espiritwal o moral na kawalan ng kalinisan at paglihis sa anumang kanais-nais na asal. Ang taong may malinis na puso at tapat ang talagang karapat-dapat magsilbi sa lipunan. Maipakikita ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo at pag-iwas sa pandaraya. 2. Pakikipagsabwatan (Kolusyon). Ito ay iligal na pandadaya o panloloko, halimbawa ay ang pagtatakda ng mga presyo, limitahan ang mga oportunidad, pagtatakda ng sahod, mga kickback, pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng iligal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan at sa pagbilang ng boto, pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagbili o panunuhol ng mga botante. Nangyayari ang mga gawaing ganito dahil sa kagustuhan ng isang tao na mapaunlad ang pansariling kapakanan. Bakit nga ba maraming nakatataas sa lipunan ang gumagawa ng mga ganitong bagay? Bakit mali ang mga ganitong gawain? Paano kaya ito maiiwasan? 3. Ang bribery o panunuhol. Ito ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap. Ang mga suhol na ito ay bahagi ng pagtatakip sa ginawang katiwalian ng isang taong may puwesto sa pamahalaan. Ito ay isang krimen. Ang iba pang mga halimbawa nito ay pagbibigay ng malaking
  • 15. tip, regalo, diskuwento (discount), libreng tiket, pagkain, espesyal na anunsiyo, pamamasyal sa iba’t ibang lugar, kickback/payback, paglalaan ng malaking pondo sa isang proyekto, magandang alok sa kontrata, donasyon, mga kampanya para sa kontribusyon, fundraising at sponsorship, lihim na komisyon at promosyon (mataas na posisyon o ranggo). 4. Ang kickback. Ito ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong itinalaga sa kaniya. Isang halimbawa nito ang paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang negosyante na magbigay ng trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo. Mayroon ding mga katiwalian sa ating pansariling buhay. Ang mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan ay isang malinaw na repleksiyon ng iba’t ibang pansariling katiwalian. Ang pagiging tagapangalaga ng dignidad ng tao ay dapat maging permanenting bahagi ng ating pakikipagkapuwa. Ito rin ay isang panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan. 5. Ang nepotismo. Ito ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sa pamahalaan, maging pambansa at sa alin mang sangay o ahensiya nito, kabilang ang mga korporasyon na ari o kontrolado ng pamahalaan, na igagawad sa kamag-anak na hindi dumaraan sa tamang proseso. Mahalagang mapangalagaan ng bawat mamamayan ang kagalingang moral ng lipunan. Matatandaan na ang pinagmumulan at tanging layunin ng pamumuhay sa lipunan ay nag-uugat sa pangangalaga at pag-unlad ng bawat tao. Isang malaking kabiguan ng lipunan kung ang kaniyang sitwasyong ginagalawan ay kinapapalooban ng mga seryoso at malalang sakit ng kawalan ng disiplina at moralidad. Pangarap ng bawat mamamayan, lalong lalo na ang kabataang katulad mo, na mamulat sa isang disenteng uri ng pamumuhay sa pamayanan. Ang disente at maayos na lipunan ay hindi lamang pinapangarap kundi pinagsisikapang maisabuhay. Ayon kay Mahatma Gandhi na nagsasabing “Kung gusto mo ang pagbabago at kung gusto mo ng mas maayos na buhay, dapat simulan mo ito sa iyong sarili.” Kung sisikapin ng bawat isa na magbago, unti-unting magbabago ang ating lipunan. Kapag tinanggal mo ang mga kasamaan sa sarili mo, ay matatanggal din ang kasamaan ng lipunan. Ikaw, kaya mo bang simulan ito sa buhay mo?
  • 16. G. Paglalapat ng Aralin sa Pang Araw-Araw na Buhay (Pagsasabuhay) Gawain 4: Awit Suriin. Panuto: Basahin at unawain ang mga awitin sa ibaba na may kaugnayan sa kapangyarihan at kalikasan. Kung may internet, maari itong pakinggan sa YouTube. Sagutin ang mga tanong upang masuri ang konteksto, nilalaman, at mensahe. Gawin ito sa sagutang papel. A. Kapangyarihan Ben & Ben https://youtu.be/-V329Zx1cAU Akala niyo ba, ang kapangyarihan Ay nasa inyo? Sino ba kayo? 'Di naman kami nagkulang Sa aming pag-uunawa 'Di ka namin isusuka Kung hindi ka pa sukdulan Huwag niyong tapakan Ang katarungan Akala niyo ba, ang kapangyarihan Ay nasa inyo? Sino ba kayo? Magwawagi ang katotohanan Ang kadiliman ay ibabagsak Nagsisilbi ka dapat Nagsisilbi ka dapat Ibon na may layang lumipad 'Di mo na makukulong Akala niyo ba, ang kapangyarihan Ay nasa inyo? Sino ba kayo? Magwawagi, ang katotohanan Ang kadiliman ay ibabagsak Nagsisilbi ka dapat Nagsisilbi ka dapat Katotohanan ang dapat mamuno Sa namumuno sa mamamayan Makatarungan ang dapat mamuno Sa namumuno sa mamamayan Nagsisilbi ka dapat Nagsisilbi ka dapat B. Kalikasan at Pag-ibig Crystal Kayte Valdez https://youtu.be/8Gn6_p63Noo Ihip ng hangin sa akin sa akin dumarampi Huni ng ibon na parang ako ay inaawitan may kapayapaan Sa bughaw na kalangitan ako’y nakatingin Tanging dalangin wag sanang maglaho ang lahat ng ito O kay sarap pagmasdan mga puno’t mga halaman Mga bulaklak at makulay na kapaligiran Ating pagmasdan taglay nitong kagandahan Ating pag-ingatan ang regalo ng Diyos sa ati’y iniwan Kalikasan, kayamanan Wag hayaang masira na lang Kalikasan, pangalagaan Mananatili kung may pag-ibig O kay bigat sa dibdib tao ay nagpabaya Ang ganda nitong mundo unti-unting nabubura, nawawala Ating pagmasdan taglay nitong kagandahan Ating pag-ingatan ang regalo ng Diyos sa ati’y iniwan Kalikasan, kayamanan Wag hayaang masira na lang Kalikasan, pangalagaan Mananatili kung may pag-ibig ka lang Sa bughaw na kalangitan ako’y nakatingin Tanging dalangin wag sanang maglaho Sa silong ng langit ang obra ng Diyos na kanyang iniwan Kalikasan, kayamanan Mananatili kung may pag-ibig ka lang
  • 17. H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto) Gawain 5: Kompletuhin Mo! Panuto: Ano-anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang gawain at tekstong iyong binasa? Pumili ng isang isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at gayundin sa pangangalaga sa kapaligiran. Gamit ang konseptong iyong natutuhan, buuin ang graphic organizer sa ibaba. Mga Pagsusuri: Kapangyarihan Ben & Ben Kalikasan at Pag-ibig Crystal Kayte Valdez 1. Para kanino nilikha o binuo ang awitin? 2.  Ano kaya ang dahilan bakit binuo ng kompositor ang awiting ito? 3. Anong linya sa awitin ang kumurot sa iyong puso sa pagiging isang mamamayang Pilipino? Bakit? 4. Anong linya sa awitin ang nagpapakita ng problema na kinakaharap natin sa nakaraan hanggang ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot. 5. Bilang isang kabataang Pilipino, ano- anong hakbang ang kaya mong gawin upang masolusyunan ang problemang napukaw sa awitin na isinulat mo sa bilang 4? 6. Magbigay ng isang pangungusap na adbokasiya ukol sa nabasang awitin o napakinggan.
  • 18. Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao: 1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito? I. Pagtataya ng Araling Natutuhan (Pagganap/Pagninilay) Gawain 6: Patunayan ang Galing! A. Panuto: Tukuyin ang detalye o kaisipang hinihingi ng bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Nitong nakaraang taon, lumabas ang alegasyon na ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay nagkaisang magbulsa ng humigit kumulang na 15-bilyong piso mula sa pagpapatong ng sobrang pondo sa proposal para sa iba’t ibang proyekto ng nasabing ahensiya. Sapagkat tumutukoy ito sa kawalan ng moral na kalinisan, ito ay matatawag na: a. Kickback c. Korapsyon b. Kolusyon d. Nepotismo Napiling isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan: Mga maaring solusyon: Napiling isyu na kaugnay sa pangangalaga sa kapaligiran: 1. 2. 3. 4. 5. Mga maaring solusyon: Kaugnayan ng bawat isa:   1. 2. 3. 4. 5.
  • 19. 2. Ikaw ay boboto sa darating na eleksyon sa 2022. Sino sa sumusunod na kandidato ang hindi dapat iboto dahil sa kanilang aksyong may kaugnayan sa bribery o panunuhol? a. Si Senator Rhizza Cuevas na nagbibigay ng 1000 pesos na ayuda kada pamilyang nasalanta ng Bagyong Ulysses. b. Si President Elmer Dizon na inihalal bilang mga sekretraya ng iba’t ibang ahensiya ang kaniyang mga kamag-anak nang hindi ipinadaan sa tamang proseso. c. Si Presidential candidate Peppa Pig na umiikot sa mga presinto ng botohan upang magbigay ng t-shirt kung saan naka-print ang kaniyang pangalan at mayroong naka-stapler na 500 pesos sa loob nito. d. Lahat ng nabanggit 3. Ang global warming at climate change ay dalawang terminolohiyang pareho at walang pinagkaiba ang dalawang ito. Ang pangungusap na ito ay: a. Tama b. Mali, dahil ang global warming ay nagdudulot ng climate change. c. Mali, dahil ang climate change ay nagdudulot ng global warming. d. Wala sa naibanggit 4. 95% ng mga coral reef ng ating bansa ay naglaho na ayon sa mga pag- aaral. Malaking bahagi nito ay isinisisi sa mapanirang pangingisda. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng nakapipinsalang epekto ng malabis at mapanirang pangingisda? a. Dahil sa masaganang daloy ng mapanirang pangingisda, nagtayo ng negosyo si Aling Hannah sa tabing dagat. b. Namalengke si Aling Nena ng isdang hindi niyang namalayang may halong kemikal dulot ng mapanirang pangingisda. Nang kaniyang ihain ito at napagsaluhan ng kaniyang pamilya, sila ay nalason sa isdang kanilang kinain. c. Sumisisid si Carlo sa tabing dagat upang isagawa ang muro-ami. Dudurugin niya ang coral reef nang bigla siyang tinangay ng malakas na alon. Kinabukasan, nakita ang naanod niyang bangkay sa tabing-dagat. d. Naglalayag ang dalawang barko sa karagatan nang biglang naisipan ng mangingisdang maghagis ng dinamita sa tubig. Hindi nito namalayan, kaniyang nahagis ang dinamita sa kabilang barko. Dahil dito, sumabog ang kabilang barko. 5. Dalawang supertyphoon, ang Rolly at Ulysses ang naranasan ng Pilipinas nitong nakaraang taon. Sa maraming bahagi ng Pilipinas, nagdulot ito ng matinding pagbaha. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing sanhi ng matinding pagbaha? a. Malakas talaga ang pag-ulan dahil sa climate change kaya madalas ang pagbaha. b. Agad-agad gumuguho ang lupa dahil marami na rito ang ginawang minahan at quarry.
  • 20. c. Dahil sa iligal na pagputol ng puno, walang nagpapataba at nagpapatibay sa ating lupain kaya nagbabara ang mga kanal at gumuguho ang lupa. d. Dahil sa pagkaubos ng species ng halaman, kakaunting uri na lamang ng mga halaman ang nagpapatibay at nagpapataba sa lupa kaya hindi na ito makapit. 6. Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita ng labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng nakapipinsalang epekto ng komersiyalismo sa kalikasan? a. Dahil sa komersiyalismo, hindi na iniisip ng mga tao ang kapakanan ng kanilang kapuwa. b. Dahil sa komersiyalismo, dumarami ang demand o suplay sa produksyon dahil sa kagustuhan at pangangailangan ng mga tao. c. Dahil sa komersiyalismo, ang nagiging basehan ng mga tao sa kapangyarihan at tagumpay ay pera at ang kayang bilhin nito. d. Lahat ng nabanggit 7. Binili ni Aling Puring Samia ang 1000 ektaryang lupain sa Nueva Ecija para gawing subdivision. Dahil lubog sa utang ang mga magsasaka rito, kanilang ibinenta ang lupain kay Aling Puring. Ang lupaing ito ay isang malaking bahagi ng plantasyon ng bigas sa Rice Capital ng Pilipinas. Alin sa sumusunod ang HINDI nakapipinsalang epekto ng sitwasyong ito? a. Maraming Pilipino ang matutuwa dahil mayroong subdivision. b. Malaking bahagdan ng pinagkukunan ng bigas ang mababawasan. c. Posibleng gumuho ang lupang karatig nito dahil sa maraming ipatatayong residensyal na estruktura sa subdivision na ito. d. Wala sa nabanggit 8. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa nakapipinsalang epekto ng iligal na pagputol ng kahoy? a. Tuwing tag-init, aasahan na ito ay magdudulot ng kakulangan sa supply ng tubig. b. Mababawasan ang polusyon dahil walang punong may dahon na malalagas sa paligid. c. Lalago ang produksyon ng papel, kahoy, at iba pa dahil sa kahoy na nakuha mula sa ilegal na pagputol ng kahoy. d. Tuwing gabi, mababawasan ang mga kaso ng aksidente dahil mas maluwag ang mga highway dahil sa kawalan ng puno. 7. Ang City of San Fernando, Pampanga ay tinaguriang isa sa mga “Most-Business Friendly City” sa buong Pilipinas. Dahil dito, maraming lupain ang inilaan para sa pagpapatayo ng mga gusali para sa mg establisimyento. Bilang konsehal ng San Fernando, ano ang iyong magagawa para sa bayan mo?
  • 21. a. Ipasara ang mga establisimento at ipagawang taniman ang lupain nito. b. Mag-post sa social media para malaman ng lahat ang nangyayari sa City of San Fernando, Pampanga. c. Iwasan ang pagtatangkilik sa mga lokal na produkto para malimitahan ang mga tumatayong negosyo sa lokal. d. Umapela sa lokal na pamahalaan na magsagawa ng ordinansa na kailangang magtanim ng halaman ang bawat establisimyentong kukuha ng mayor’s permit. 8. Ikaw ay boboto sa darating na eleksyon nitong 2022. Nakita mo ang isang kandidato para sa pagiging Presidente. Inabutan ka niya ng limandaang piso ngunit kabayaran nito ang pagboto sa kaniya. Ang sitwasyon na ito ay halimbawa ng: a. Kickback c. Nepotismo b. Korapsyon d. Panunuhol B. Panuto: Tukuyin kung anong isyung kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran ang naipakita sa sumusunod na pangungusap. Gamitin ang mga isyung nasa loob ng kahon bilang gabay sa pagsagot. Letra lamang ang iyong isusulat sa sagutang papel. A. Maling pagtapon ng basura B. Polusyon ng Tubig C. Malabis at mapanirang pangingisda D. Quarrying E. Ilegal na pagputol ng puno F. Polusyon ng Lupa G. Pagko-convert ng lupang sakahan H. Global warming at climate change I. Polusyon ng Hangin J. Pagkakaubos ng natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan K. Ilegal na pagmimina L. Komersiyalismo at Urbanisasyon M. Korapsyon N. Kickback O. Pakikipagsabwatan P. Nepotismo Q. Bribery / Panunuhol 1. Ang kanal sa Brgy. Sindalan ay nagbara dahil sa dahon at basurang nakakalat sa daan. 2. Labintatlong minero ang nasawi sa loob ng minahan dahil mahigit na sa kapasidad ng bundok ang kanilang nabutasan. 3. Ang mga minero ay inatasang magmina ng higit sa 2,000 na kilo ng Iron, 10,000 kilo ng Copper, 5,000 kilo ng Aluminum at 1,000 kilo ng Gold dahil sa labis na demand para sa bagong iPhone 12. 4. Dumadalas ang pagdating ng mga bagyo at irregular na pagbabago sa ating atmospera. 5. Ang isang pangulo ay pumipili ng mga sekretarya ng bawat ahensiya dahil kamag-anak niya ang mga ito. 6. Nagbigay ng pera ang isang mayamang negosyante sa pulis kapalit ng pagsira ng ebidensya.
  • 22. 7. Dahil sa Red Tide, maraming yamang-dagat ang natatagpuang patay sa tabing dagat. 8. Makikita na 95% ng mga coral reef ng Pilipinas ay nasira. 9. Tuwing tag-init, makikita na nabibiyak ang lupain sa kalsada. 10. 10,894 ang namatay noong 2018 dahil sa Lung Cancer. Nakukuha ang Lung Cancer sa malabisang paninigarilyo. 11. Dahil kulang na ang sakahan ng bigas sa PIlipinas, napagpasyahan na tayo ay mag-iimport mula sa ibang bansa. 12. Nagkasundo ang Judge at ang prosecutor sa isang presyo upang maipanalo ang isang kaso. 13. Nagpatong ang doctor ng tatlong daang piso kada SINOVAC vaccine na kaniyang ibubulsa. 14. Napipilitang mag-migrate ang iba’t ibang uri ng hayop dahil sa sobrang daming basura sa isang lugar. 15. Ito ay ilegal na pondong ibinibigay sa isang opisyal kapalit ng ibang transaksyon. F. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation Gawain 7: Suriin mong Mabuti! Panuto: Humanap ng napapanahong balita ukol sa mga isyu na may kaugnayan sa paggamit ng kapangyarihan o pangangalaga sa kapaligiran. Pumili lamang ng isa. Basahin at suriin nang mabuti ang balita. Gamit ang talahanayan, tukuyin ang layunin, paraan o pagpipilian, sirkumstansiya, at kahihinatnan sa bawat balita. Isulat ang iyong sagot sa loob ng bawat opsiyon. Gawin ito sa sagutang papel. Unang napapanahong balita: Opsiyon 1 Opsiyon 2 Opsiyon 3 Layunin Mga Paraan/ Pagpipilian Sirkumstansiya Kahihinatnan Isyu na kaugnay sa pangangalaga sa kapaligiran o kapangyarihan: Pamagat ng balita: Nilalaman/buod ng balita: