1. Kabanata 23: Masayang nagkita-kita ang mga dalaga’t binata sa pistang pambukid ni
Ibarra. Sumakay sila sa dalawang malaking bangkang magkakabit. Nagtungo sila sa unang
baklad upang kumuha ng mga isdang kanilang lulutuin. Gayon na lamang ang pagtataka
nila nang walang isdaang baklad.
Kabanata 62: Ang balitang nalunod si Ibarra’y tuluyang pumaram sa pagnanais ni Maria
Clara na makibaka, maghintay at magtiwala. Sa pagdadalamhati ng dalaga, ipinagtapat ni
Padre Damaso ang dahilan ng pag –ayaw niya kay Ibarra. Para sa dalaga, ngayong wala na
ang binata, ang tanging nalalabi sa kanya ay ang kumbento o ang kamatayan.
Kabanata 63: Muling nagkatagpo ang mag – inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit na
pagkikita. Kung kailan nagising ang nagugulping isipan ni Sisa sa pagkakilala sa anak na si
Basilio, saka naman siya pinanawan ng buhay. Si Elias man ay binawian din ng buhay na di
namasdan ang pagsikat ng araw sa kanyang bayan.