Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
PRINTABLE ANNEX 4 Consent Narration.pdf
1. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Kung nahihirapan tayong unawain
ang konsepto ng
“Consent” o “Pagpayag”
1
2. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Sa halip na isipin natin na ito’y
pagpayag sa pakikipagtalik o sex,
isipin na lang muna natin na
tayo ay magtitimpla ng kape
para sa isang tao.
2
3. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Sabi mo sa kanya,
“Halika ka magkape tayo.
Gusto mo ba?”
3
4. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
“Gusto ko! Sige magkape tayo.
Salamat.”
Dahil sa nagtanong ka
at pumayag siya,
alam mong gusto niya ring magkape.
4
5. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Pero kung sinabi mo sa kanya,
“Halika, kape tayo?”
“Hmm… hindi ako sigurado.…”
5
6. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Pwede mo siyang timplahan o hindi
timplahan ng kape.
Maging handa ka lang
kasi baka hindi niya inumin ang
kapeng tinimpla mo.
6
7. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Mahalagang tandaan ito:
huwag mo siyang puwersahing
uminom ng kape.
Hindi dahil sa ikaw ang nagtimpla ng
kape, pwede mo na siyang pilitin
uminom ng kape.
7
8. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
At kapag sinabi ng tao,
“Naku, huwag na.”
Huwag mo siyang
pagtimplahan ng kape.
Basta, huwag mong siyang timplahan,
huwag mo siyang piliting magkape.
8
9. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Huwag ka ring magalit o mairita
kung ayaw niyang magkape.
Ayaw niyang magkape, di ba?
9
10. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Maaaring sabihin ng tao,
“Naku nag-abala ka pa,
sige kape tayo.”
Pero noong dumating ang kape,
nagbago ang isip niya.
10
11. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
“Pasensya na, ayaw ko nang
magkape.”
Syempre nakakairita ito dahil nag-
abala ka sa pagtitimpla,
pero wala siyang obligasyon na
inumin ang kape.
Kanina gusto niya ng kape,
pero ngayon ayaw na niya.
11
12. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
May mga tao talagang nagbabago
ang isip habang ikaw ay abala sa
pagtitimpla ng kape.
Okey lang kung magbago
ang isip ng tao.
Huwag mo ipagpilitang ipainom ang
kapeng tinimpla mo.
12
13. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
At kapag walang malay ang bisita,
huwag mo siyang titimplahan ng kape.
Ang taong walang malay ay hindi
pwedeng magkape.
Kasi hindi sila makakasagot sa tanong na,
“Gusto mo bang magkape?”
Kasi nga, wala siyang malay.
13
14. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Maaaring gising siya noong tinanong
mo siya kung gusto niyang magkape,
at sumagot siya, “Sige, kape tayo.”
Pero habang nagtitimpla ka,
nakatulog siya at wala na siyang
malay nang matapos ka.
14
15. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Ilayo mo na lang ang kape sa kanya.
Tiyakin mong ligtas ang taong
walang malay.
Napakahalagang tandaan ito:
huwag mong ipilit na painumin
siya ng kape.
Sa simula gusto niya pero ang taong
walang malay hindi pwedeng magkape.
15
16. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Kung ang inalok natin ay
pumayag magkape,
sinimulang ininom ang kape,
tapos nakatulog siya
bago matapos ang kape,
huwag mong puwersahang
ipainom sa kanya ang kape.
16
17. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Ilayo ang kape sa kanya.
Tiyakin na ligtas siya dahil ang
taong walang malay
hindi pwedeng magkape.
17
18. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Kung may nagsabi sa iyo noong
nakaraang Sabado na
gusto niyang magkape.
18
19. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Hindi ibig sabihin nito ay
gusto niyang pagtimplahan
mo siya ng kape sa lahat ng oras.
19
20. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Hindi rin ibig sabihin na
pumunta ka sa bahay nila
nang walang pasabi,
magtimpla ka ng kape,
piliting siyang uminon ng kape
at sabihing…
“Sabi mo noong Sabado
gusto mong magkape, di ba?”
20
21. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
O kaya naman
magising siyang pinipilit mong
ipainom sa kanya ang kape,
“Di ba gusto mong magkape
kagabi pa?”
21
22. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Kung naunawaan natin na
hindi dapat pinupwersang painumin ng
kape ang mga taong ayaw magkape;
At naunawaan natin kung kailan hindi
puwedeng magkape ang mga tao;
Dapat nauunawaan din natin na ganito
ring pagdating sa pakikipagtalik o sex.
22
23. NARRATION (Consent: Parang nagtitimpla ka lang ng kape)
Sa pagtitimpla man ng kape
o sa sex,
kailangan lagi ang
“consent” o “pagpayag.”
23