6. PAMBUBULAS
- isang sinasadya at madalas na
malisyosong pagtatangka ng isang tao
o pangkat na saktan ang katawan o
isipan ng isa o mahigit pang biktima
sa paaralan.
7. URI NG PAMBUBULAS
1. PASALITANG PAMBUBULAS
- pagsasalita o pagsusulat ng masasamang
salita laban sa isang tao. Kasama rito ang
pangangantyaw, pangungutya, panunukso,
panlalait, pang-aasar at paninigaw.
8. URI NG PAMBUBULAS
2. SOSYAL O RELASYONAL NA PAMBUBULAS
- ito ay may layuning sirain ang reputasyon at
ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Kasama
rito ang hindi pagtanggap sa isang tao o
sadyang pang-iiwan sa kaniya sa maraming
pagkakataon.
9. URI NG PAMBUBULAS
3. PISIKAL NA PAMBUBULAS
- ito ay ang pisikal na pananakit sa isang
indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang
mga pag-aari. Kasama rito ang panununtok,
paninipa, pananampal, pangungurot at
pagkuha at pagsira ng gamit ng biktima.
10. SANHI NG PAMBUBULAS
1.KAIBAHANG PISIKAL
2.KAKAIBANG ESTILO NG PANANAMIT
3.ORYENTASYONG SEKSUWAL
4.MABABA ANG TINGIN SA SARILI
5.TAHIMIK AT LUMALAYO SA NAKARARAMI
6.WALANG KAKAYAHANG IPAGTANGGOL ANG
SARILI
11. EPEKTO NG PAMBUBULAS
1. Posibilidad na magkaroon ng labis na pagkabalisa,
kalungkutan, suliranin sa pagtulog, mababang tiwala
sa sarili, sakit ng ulo at tiyan at pangkalahatang
tensiyon.
2. Madalas na walang kaibigan o kakaunti ang
kaibigan.
3.Posibilidad na sila mismo ay maging marahas,
maaaring sa panahon ng pambubulas o sa
hinaharap.
12.
13. Gawin ito sa loob ng 10 minuto
Pangkat 1: Bumuo ng isang kanta na nagpapahiwatig ng
mga kilos upang maiwasan at masupil ang relasyonal na
pambubulas
Pangkat 2: Gumawa ng isang tula na nagpapakita ng mga
kilos upang masupil ang pisikal na pambubulas
Pangkat 3: Gumawa ng isang graphic organizer na
nagsasaad ng mga kilos upang maiwasan at mapigilan
ang pasalitang pambubulas
15. #pulotoftheday
Palagi mong gamiting gabay ang mga katagang ito:
Mahalin mo ang iyong sarili upang matutuhan mong
mahalin ang iyong kapwa, pagmamahal na
pinagniningas ng halimbawa ng tunay na
pagmamahal na ibinibigay ng Diyos. Kapag ito ay
naisapuso tiyak na hindi magtatagumpay ang
karahasan sa anumang paraan.
16. Takdang-aralin:
Bumuo ng isang Slogan na nagpapakita ng pagsuporta upang
maiwasan ang pambubulas. Sila ay mamarkahan gamit ang mga
sumusunod na kraytirya.
Halimbawa: “Pambubulas ay Iwasan Para sa Mabuting Samahan”
Kraytirya:
a. Nilalaman – 50%
b. Kaugnayan sa Paksa – 30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita – 20%