2. Ang katapatan ng isang tao ay lubusan lamang
niyang maipapamalas sa pamamagitan ng pagsasakilos at
pagsasabuhay ng kaniyang sinasabi. Maituturing din siya
bilang tapat kung hindi siya magsisinungaling kailanman,
hindi siya kukuha ng bagay na hindi niya pag-aari, at
hindi siya manloloko o manlilinlang ng kaniyang kapwa sa
ano mang paraan. Ito ay nag-uugat sa pagkakaayon ng
kaniyang isip sa katotohanan.
Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay
pagpapatunay ng pagkakaroon ng commitment sa
katotohanan at pagkakaroon ng mabuti at matatag na
konsiyensiya. Nilalayon din nitong maibigay kung ano ang
nararapat sa kapwa habang nagsisilbing gabay ang diwa
3. Tatlong maliliit na huwarang asal o behavior
patterns:
1. Paggawa ng tama at mabuting pagpapasiya at
paninindigan sa mga ito o decisiveness
2. Pagiging bukas sa kapwa sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng sarili nang may lakip na moral na
awtoridad o moral authority at pagtanggap ng sariling
pagkakamali o openness and humility
3. Pagyakap sa katotohanan sa lahat ng iniisip at
ginagawa o sincerity o honesty
4. Ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng katapatan ay
magsisilbing daan tungo sa ganap na pagkamit ng birtud
na ito. Ito rin ang magsisilbing batayan ng pagkakaroon ng
tiwala na marapat na umiiral sa mga kasapi ng lipunan. Ito
ang siyang magbubuklod at magpapatatag sa anumang
samahan. Dahil sa birtud na ito, maipapamalas ng tao ang
kaniyang tunay na sarili sa kaniyang kapwa , ,
at nang walang kahit na anumang takot o pag-
iimbot. Maiiwasan na rin ang pagkakaroon ng duda sa
integridad at pagkakaisa dahil ang bawat isa ay
nagagawang bantayan ang kani-kaniyang sarili laban sa
panlilinlang, pagtatago, at pagpapanggap.