PANUNURING
PAMPANITIKAN
Bb. Mary Kristine D. Sesno
AB601 Panitikang Panlipunan
MGA PANANALIG SA PAGSUSURI
1
PANUNURING PAMPANITIKAN
BAYOGRAPIKAL
PANUNURING PAMPANITIKAN
1. Bayograpikal
o Kung may unang dapat mabatid ang isang mambabasa ng
panitikan, ito ang buhay ng may-akda. Hindi sapat na mabatid ng
mambabasa ang pangalan at talaan ng mga akdang naisulat ng
may-akda, manapa'y higit na mahahalagang matuklasan at
maunawaan ang katauhan o personalidad nito. Napakahalaga ng
pagbabahagi ng kamalayan ng manunulat sa mga mambabasa
upang lalong matugunan ang maraming katanungang taglay ng
isang akda, na tanging ang may-akda lamang ang makasasagot.
PANUNURING PAMPANITIKAN
1. Bayograpikal
Sa paggamit ng dulog bayograpikal, kinakailangang bigyang-pansin ng mag-aral o
mananaliksik ang ilang kondisyong nito:
 Ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito'y hindi dapat ipagpalit sa pagtalakay sa
buhay ng makata o manunulat.
 Sa teoryang bayograpikal, ang pagpapasiya sa binasang akda ay hindi kapintasan o
kahinaan ng may- akda.
 Kung naging mapangahas man ang may-akda sa paglalantad ng ilang bahagi ng
kanyang buhay, isipin na lamang na ang mga ito'y makapagdaragdag sa ikaaangat ng
kasiningan ng akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Historikal
PANUNURING PAMPANITIKAN
2. Historikal
 Sinasaklaw ng teoryang historikal ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa mga
aspektong nagpapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong
politikal na nakapaloob sa akda, at ang tradisyon at kombensyong nagpapalutang
sa.akda. Napakahalagang matuklasan sa dulog na ito ang pwersang pangkapaligiran
at panlipunan na may malaking impluwensiya sa buhay ng manunulat.
 Sa dulog na historikal, may mahalagang papel na ginagampanan ang institusyon sa
pagbibigay-daan sa uri ng panitikang susulatin ng may-akda kung kaya't ang
pagsusuri ay nakatuon sa puwersa o lakas sa paraan at istruktura ng institusyon.
PANUNURING PAMPANITIKAN
KLASISISMO
PANUNURING PAMPANITIKAN
3. Klasisismo
 Naiiba, natatangi, at may sariling pananaw sa daigdig at sa'sining ang dulog na
klasismo. Umusbong at lumaganap sa Grecia bago pa man isinilang si Kristo, higit na
nakilala ang dulog na ito dahil sa mga uri ng dulang itinanghal sa panahong iyon:
trahedya at komedya. Nagsimula ring sumigla ang kasaysayan, pilosopiya, tula at
retorika. Nang sumapit naman ang Gintong Panahon noong taong 80 B.C.,nabigyan
ng mataas na pagpapahalaga ang panulaan na kinabibilangan ng epiko, satiriko at
mga tulang liriko at pastoral.
 Nang sumibol ang Panahon ng Pilak ay nagbagong hugis ang panitikan dahil
umusbong ang hindi lamang ang prosa at bagong komedya kundi pati na ang
talambuhay, liham, gramatika, pamumuna at panunuring pampanitikan.
PANUNURING PAMPANITIKAN
3. Klasisismo
 Pinaniniwalaan dulog na ito na dahil walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao kung
kaya't ibig nitong makalaya sa kinabibilangang daigdig. lpinahahayag ng tao na kahit
hinahangad niya ang kanyang kalayaan, naniniwala siyang hindi siya maihihiwalay sa
daigdig nang walang pagbabagong magaganap sa kanyang kalikasan. Pinaniniwalaan ng
dulog na klasismo na kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay, nng pisikal na bagay
at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain. Dahil kinikilala ng mga klasista ang daigdig ng
espiritu, mahalaga para sa kanila na mabigyan ng bagong hugis ang <'Spiritu. Mahalaga
ring maisabuhay ang isang dakilang kaisipan sa isang dakilang katawan.
 Sa paggamit ng wika, matipid sa salita ang klasismo. Bukod sa maingat sa pagsasalita at
pagpapahayag ng damdamin, hindi angkop sa mga klasista ang paggamit ng mga salitang
balbal o iyong mga nagpapahayag ng labis na emosyon.
 Ang ilang sa mga katangian ng mga akdang klasiko ay ang mga sumusunod: (1)
pagkamalinaw, (2) pagkamarangal, (3) pagkapayak, (4) pagkamatimpi, (5) pagkaobhetibo,
(6) pagkakasunud-sunod, at (7) pagkakaroon ng hangganan.
PANUNURING PAMPANITIKAN
HUMANISMO
PANUNURING PAMPANITIKAN
4. Humanismo
 Hanggang ngayon ay nagtataka ang ilan sa mga kritiko sa pagkakasilang ng
Renacimiento (Renaissance) o Muling Pagsilang sa Italya dahil wala naman daw
malaking pagbabagong naganap kung ang pag-uusapan ay ang kabihasnan. Ang
tanging naganap ay ang pagsulpot ng bourgeois o ang panggitnang uri ng sining.
lpinalalagay ng mga nakararami na ang dapat itawag sa panahong ito ay transisyon sa
pag-sulong ng daigdig tungo sa makabagong panahon.
 Ang humanismo ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsilang. Ang pokus sa dulog na
ito ay ang tao, at ang taong nakatuntong ng pag-aaral at kinilala ng kultura ay
maituturing na sibilisado. Ang humuhubog at lumilinang sa tao ay tinatawag namang
humanismo.
PANUNURING PAMPANITIKAN
4. Humanismo
Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan
ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob
sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at
kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahayag ni
Protagoras (Villafuerte, 1988):
“Ang panitikan ng mga humanista ay nakasulat sa wikang
angkop sa akdang susulatin… Ito’y nagtataglay ng
magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong
kaisipan, nakaaaliw at nagpapahalaga sa katotohanan.”
PANUNURING PAMPANITIKAN
ROMANTISISMO
PANUNURING PAMPANITIKAN
5. Romantisismo
 Natuklasang ang romantisismo ay umusbong sa Europa noong ikalawang hati ng
ikalabing-walong dantaon, na ipinalalagay ng maraming kritiko na kabaligtaran ng
klasismo. Ito'y itinuring na isang kilusang sumabay sa paglaganap ng agham at
pilosopiya sa daigdig.
 Dalawa ang uri ng romantisismo: romantisismong tradisyunal at romantisismong
rebolusyonaryo. Ang una'y di dumadakila sa halagang pantao samantalang ang huli'y
lumulutang ang pagkamasariling karakter ng isang tauhan.
PANUNURING PAMPANITIKAN
5. Romantisismo
 Romantiko ang itinawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng Romantisismo dahil ang mga sanaysay, tula at maikling kuwento na
naisulat nang panahong iyon ay may pagka-romantiko ang paksa, tema at istilo.
Naniniwala ang mga romantisista sa lipunan na makatao, demokratiko at patuloy sa
pag-unlad.
 Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng mga romantisista para mabatid ang
nakakubling katotohanan, kabutihan at kagandahan. Pinaniniwalaan din nilang
inspirasyon at imahinasyon ang tanging bumubuo sa pagiging totoo at maganda ng
isang akda. Sa pamamagitan nito, nabubuhay nang akda sapagkat nabibigyan ng
bagong sigla ang mga mambabasa sa akdang pinagtutuunan nila ng pansin.
PANUNURING PAMPANITIKAN
REALISMO
PANUNURING PAMPANITIKAN
6. Realismo
 Katotohanan kaysa kagandahan. Ito ang ipinaglalaban ng clulog na realismo.
Sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ayon sa mga realista ay dapat maging
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
 Sa mga realista, higit nilang kinikilingan ang uri ng paksa ng isang akda kaysa paraan
ng paglalahad nito. Dahil dito, hindi katakataka kung ang maging paksa ng mga
akdang ,nakatotohanan ay nakapokus sa paksang sosyo- politikal, kalayaan at
katarungan para sa mga naaapi. Hindi rin katakata kung ang paksang malaganap sa
mga akdang nagpapakita ng realismo ay nauukol sa kahirapan, kamangmangan,
karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, knwalan ng katarungan, prostitusyon atbp.
PANUNURING PAMPANITIKAN
6. Realismo
May mga simulain o prinsipyong nais ipahatid sa tao ng
mga realista:
Walang hanggan ang pagbabago.
Katotohanan ang una’t huling hantungan ninuman.
Hindi magaganap ang palsipikasyon ng tao sa realidad
ng lipunan.
Pagtatala ng iba’t ibang mukhang ang buhay.
PANUNURING PAMPANITIKAN
6. Realismo
o Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.
o Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay
at lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang
isasagawang paglalarawan o paglalahad.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Layunin ng Realismo:
o Ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda
sa kanyang lipunan.
o Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng
may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang
sinulat.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Istilo ng Realismo:
o Ang teksto ay tumatalakay sa mga suliranin sa mundo at
ang kanilang pinag-ugatan.
o Inilalantad ang mga katotohanan sa pamamagitan ng mga
paksa at salitang karaniwan ngunit gumagamit ng
matapang kung hindi man mapangahas na paraan.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Istilo ng Realismo:
o Binibigyang-buhay ang mga tauhang nakikisangkot,
nanunuligsa o nanghihikayat upang mapabuti at maiangat
ang kalagayan ng tao sa lipunan. Kadalasang paksain ang
karanasan ng mga mahihirap, pagiging bulag ng
katarungan, paglabag sa karapatan at ang tunggalian ng
iba’t ibang uri ng tao sa lipunan.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Istilo ng Realismo:
o Ang awtor ay malaya at walang kinikilingan sa paglalantad
ng buong katotohanan.
o PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen,
bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon,
atb.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Sa pagsusuri ng akdang Realismo:
o Sinusuri ang akda batay sa mga pangyayaring hango sa
realidad tulad na lamang ng mga suliranin sa lipunan,
pagnanakaw, kahirapan, pangungurakot, mga
pangyayaring kahindik-hindik, masaya, malungkot at lahat
ng realidad sa buhay ng tao.
PANUNURING PAMPANITIKAN
FORMALISMO
PANUNURING PAMPANITIKAN
7. Formalismo
 Kung paanong naging tanyag sa panunuring pampanitikan ang dulog formalisino ay
dahil na rin sa dami ng mga pagsusuring ginamitan ng ganitong pagdulog. Maraming
mananaliksik at kritiko ang nakatuklas sa pinag•ugatan ng teoryang ito, kabilang ang
mga isinulat ni Coleridge na itinuturing niyang ''buhay" dahil sa kaisahang nakapaloob
dito.
 Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng
pagsusuring formalistiko. Hindi binibigyang diin sa teoryang ito ang buhay ng may-
akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan at lalong walang mababanaag na
implikasyong sosyolohikal, politikal, sikolohikal at ekonomikal. Samakatuwid, ang
pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito.
PANUNURING PAMPANITIKAN
7. Formalismo
 Ang tunguhin ng dulog na ito ay matukoy ang (1) nilalaman,
(2) kaanyuan o kayarian at (3) paraan ng pagkakasulat ng
akda.
 Kaugnay nito, napakahalaga ang teksto sa paggamit ng
dulog rla formalismo. Katunayan, kailangang masuri ang
tema o paksa ng akda, ang sensibilidad ng mga tauhan at
pag-uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora,
imahen at iba pang elemento ng akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN
SIKO-
ANALALITIKO
PANUNURING PAMPANITIKAN
8. Siko-Analitiko
 May malaking impluwensiya ang pahayag ni Freud na "tanging ang ekonomiya
lamang ang motibo ng lipunan" sa dulog siko-analitiko. Ang pahayag na ito ay
may kinalaman sa paniniwalang naghahanap-buhay tayo para lamang lasapin
ang sarap ng buhay at nagkaroon lamang ng kaganapan ang pagiging isang
tao bunga ng kanyang kamalayan sa mga nagaganap sa kanyang buhay.
 Ito ay ang pagtutukoy at pag-uugnay ng malay at di-malay na isipan ng isang
tao o karakter. Sa siko-analitikong kritisismo ay binibigyang kahulugan ang
mga simbolo o pangyayari sa pamamagitan ng paghanap ng koneksyon sa
nakaraan at kasalukuyan. Ang dulogna ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng
nakaraan ng tao dahil ito ang bumubuo ng kanyang kaanyuan or “the child is
the father to the man,” ayon kay Sigmund Freud
PANUNURING PAMPANITIKAN
EKSISTENSYALISM
O
PANUNURING PAMPANITIKAN
9. Eksistensyalismo
 Sa huling bahagi ng ikalawang dekada ng nakaraang dantaon sumilang ang dulog na
eksistensyalismo. Ang ilang kritiko ay nagpapalagay na isa lamang paniniwala ang dulog
na ito.
 Kalayaan at awtentiko ang tanging kinikilala ng dulog na nksistensyalismo. Sa pananaw na
ito, kitang-kita ng tao ang proseso ng pagiging tao upang mabuhay.
 Walang tiyak na simulain ang eksistensyalismo. Maihahambing ang dulog na ito sa
romantisismo dahil sa nahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o
ekspresyon. Maihahambing din ito sa modernismo dahil nagpipilit itong magwasak o
magpawalang-halaga sa kasaysayan.
PANUNURING PAMPANITIKAN
9. Eksistensyalismo
o Nagbibigay diin sa kalayaang pantao at kanyang pananagutan.
o Hindi ito naniniwala na ang tao ay bahagi ng isang daigidig na may
sistema.
o Ang tao ay ganap na malaya at nasa sa kanya ang paggamit ng
kalayaang ito sa pamamaraang makabuluhan at may pananagutan.
Sa kabuuan, ang tao rin ang may gawa sa kanyang sarili.
PANUNURING PAMPANITIKAN
9. Eksistensyalismo
o Dahil bukas ang Eksistensyalismo sa mga posibilidad,
posibleng maraming magkakatunggaling direksyon ang
puntahan ng pananaw na ito. Isang direksyon ay ang theistic o
paniniwalang may Diyos o isang makapangyarihang nilalang
na nag-uugnay sa lahat ng nilalang. Maaari ring puntahan ng
Eksistensyalismo ay ang atheistic o ang paniniwalang ang tao
ay may walang hanggang kalayaan.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Layunin ng Eksistensyalismo:
o Ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon
para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
PANUNURING PAMPANITIKAN
Istilo ng Eksistensyalismo:
o Ang tauhan sa akda ay malayang pumipili at magpasya
sa sariling kahihinatnan o kapalaran.
o Nagpapahayag ito ng mahalagang paksain: ang
konkretong buhay at pakikihamok ng indibidwal
PANUNURING PAMPANITIKAN
Istilo ng Eksistensyalismo:
o Pinakaprominenteng tema ay ang “pagpili” ang kalayaan
nitong pumili ay ang pinakakakaibang katangian ng
sangkatauhan.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Sa pagsusuri ng akdang Eksistensyalismo:
o Sa mga akdang pampanitikan, tulad ng nobela, ang
Eksistensyalismo ay nakikita sa mga tauhan o karakter na
may kalayaang pumili para sa kanilang sarili. Taglay ng
mga tauhang ito ang katatagan o kung minsan ay
kahinaan, upang hamunin o tanggapin ang resulta ng
kanilang kalayaang pinili.
PANUNURING PAMPANITIKAN
FEMENISMO
PANUNURING PAMPANITIKAN
10. Femenismo
 Lumitaw ang feminismo dahil na rin sa paniniwala ng knramihan na ang panitikan ay
nasa kamay lamang ng mga l1tlaking manunulat. Bukod dito, ang mga babae sa
panitikan uy inilalarawan ng ilang manunulat na lalaki bilang mahina; marupok,
tatanga-tanga, sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan, at masama.
Kitang-kita sa mga akda ng mga lalaking manunulat ang paglaganap ng opresyon sa
kababaihan.
 Pinaniniwalaan sa dulog na ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga inidibidwal
na di-kapantay ng kalalakihan gaya nang nais patunayan sa kilusang itinatag ni
Simone de Beauviour na sinusugan naman ni Virginia Woolf.
PANUNURING PAMPANITIKAN
10. Femenismo
 Sa ating bansa, ang mga kinikilalang manunulat na feminista tulad nina Genoveva
Edroza-Matute, Lualhati Bautista, Ruth Elynia Mabanglo, Lilia Quindoza Santiago,
Joice Barrios at iba pa, ay tunay na nangahas na magpalaganap ng kaisipang ng mga
manunulat na babae na nagnanais na palayain ang diwa at damdaming nagpupuyos
sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan. Sila ang mga feministang manunulat
na nagtatampok ng kanilang mga akda tulad ng pagtatampok ng mga akdang- isinulat
ng mga kalalakihan.
IBA PANG MGA DULOG
PANUNURING PAMPANITIKAN
Imahismo
Ito ang dulog na lumaganap sa mga panulaan sa Great
Britain at North America sa pagitan ng mga taong 1909 at
1918. Ayon kay T. E. Hulme, ang tula ay kailangang
magbawas ng mga di kailangang mga salita at sa halip ay
ilarawan ang paksa o diwa ng tula sa pamamagitan ng
mga imahen. Layunin ng dulog imahismo na mailarawan
nang ganap ang isang paksa, mailahad nang walang
pagkiling at malayang makapamili ng mga larawang
maikikintal sa isip ng nagbabasa. Ang mga natural na
bagay sa paligid ay siyang pinaKamabisang gamiting
simbolo para sa dulog na ito.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Naturalismo
Halos nakakatulad din ito ng dulog realismo sapagkat
ang dulog naturalismo ay nakatuon sa mga bagay na
may kaugnayan sa likas na kapaligiran. Sa
papamagitan ng dulog na itio, inilalahad ang mga
bagay-bagay na may kaugnayan sa doktrina o
pilosopiya tungkol sa biyolohikal at sosyal na
katangian ng kapaligiran upang makapamili ng paraan
ng pamumuhay ang tao at magkaroon ng malayang
pagpapasya.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Artketipal
 lbinatay ang dulog arketipal sa sikolohiya ni Carl Jung na
naniniwalana mayroong dalawang antas ang ating kamalayan: ang
personal na nagtatago ng mga alaala ng nakaraang pangyayari sa
buhay at ang arketipal na nag-iingat naman ng mga pinagsama-
samang alaala na nakapaloob sa mga imaheat iba pang mga
simbolismo. Kumukuha karaniwan ng mga simbolismo o imahe sa
mga kwentong hango sa mitolohiya, epiko, o maging sa Bibliya.
 Sa dulog na ito, sinusuri ang paggamit ng mga simbolismo upang
maipahayag ang mga kaisipan na may kaugnayan sa naging
karanasan ng mga tauhan sa isang akda. Karaniwan ang nababasa
natin ang ang mga kinakatawan ng mga simbolong tulad ng kalapati,
tanikala, timbangan, kandila, sulo, at iba pa.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Sosyolohikal
 Binibigyang tuon sa pagsusuri ng dulog sosyolohikal ang kalagayan ng
mga panlipunang institusyon gaya ng pamahalaan, pamilya, paaralan at
iba pang mga nasasangkot sa lipunan. inasaklaw ang internal at
external na pagsusuri ng akdang binabasa na may partikular na
katangiang humubog sa pagkatao.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Dekonstruksyon
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspeto na bumubuo
sa tao at sa mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang pilosopo at manunulat
na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumualt
kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang
kabuuan ng pagkatao at mundo.
 Ito ay batay sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang teksto
dahil ang wika ay hindi matatag at nagbabago. Higit na mahalaga ang
mambabasa kaysa sa may-akda sa pagtiyak ng kahulugan ng teksto.
 Layunin ng pag-aanalisa ang paglalantad sa mga magkakasalungat na
kahulugan o implikasyon ng teksto at ng mga salita at pangungusap.

MGA DULOG SA PANUNURING PAMPANITIKAN.ppt

  • 1.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Bb. Mary KristineD. Sesno AB601 Panitikang Panlipunan
  • 2.
    MGA PANANALIG SAPAGSUSURI 1
  • 3.
  • 4.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 1. Bayograpikal oKung may unang dapat mabatid ang isang mambabasa ng panitikan, ito ang buhay ng may-akda. Hindi sapat na mabatid ng mambabasa ang pangalan at talaan ng mga akdang naisulat ng may-akda, manapa'y higit na mahahalagang matuklasan at maunawaan ang katauhan o personalidad nito. Napakahalaga ng pagbabahagi ng kamalayan ng manunulat sa mga mambabasa upang lalong matugunan ang maraming katanungang taglay ng isang akda, na tanging ang may-akda lamang ang makasasagot.
  • 5.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 1. Bayograpikal Sapaggamit ng dulog bayograpikal, kinakailangang bigyang-pansin ng mag-aral o mananaliksik ang ilang kondisyong nito:  Ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito'y hindi dapat ipagpalit sa pagtalakay sa buhay ng makata o manunulat.  Sa teoryang bayograpikal, ang pagpapasiya sa binasang akda ay hindi kapintasan o kahinaan ng may- akda.  Kung naging mapangahas man ang may-akda sa paglalantad ng ilang bahagi ng kanyang buhay, isipin na lamang na ang mga ito'y makapagdaragdag sa ikaaangat ng kasiningan ng akda.
  • 6.
  • 7.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 2. Historikal Sinasaklaw ng teoryang historikal ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa mga aspektong nagpapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong politikal na nakapaloob sa akda, at ang tradisyon at kombensyong nagpapalutang sa.akda. Napakahalagang matuklasan sa dulog na ito ang pwersang pangkapaligiran at panlipunan na may malaking impluwensiya sa buhay ng manunulat.  Sa dulog na historikal, may mahalagang papel na ginagampanan ang institusyon sa pagbibigay-daan sa uri ng panitikang susulatin ng may-akda kung kaya't ang pagsusuri ay nakatuon sa puwersa o lakas sa paraan at istruktura ng institusyon.
  • 8.
  • 9.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 3. Klasisismo Naiiba, natatangi, at may sariling pananaw sa daigdig at sa'sining ang dulog na klasismo. Umusbong at lumaganap sa Grecia bago pa man isinilang si Kristo, higit na nakilala ang dulog na ito dahil sa mga uri ng dulang itinanghal sa panahong iyon: trahedya at komedya. Nagsimula ring sumigla ang kasaysayan, pilosopiya, tula at retorika. Nang sumapit naman ang Gintong Panahon noong taong 80 B.C.,nabigyan ng mataas na pagpapahalaga ang panulaan na kinabibilangan ng epiko, satiriko at mga tulang liriko at pastoral.  Nang sumibol ang Panahon ng Pilak ay nagbagong hugis ang panitikan dahil umusbong ang hindi lamang ang prosa at bagong komedya kundi pati na ang talambuhay, liham, gramatika, pamumuna at panunuring pampanitikan.
  • 10.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 3. Klasisismo Pinaniniwalaan dulog na ito na dahil walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao kung kaya't ibig nitong makalaya sa kinabibilangang daigdig. lpinahahayag ng tao na kahit hinahangad niya ang kanyang kalayaan, naniniwala siyang hindi siya maihihiwalay sa daigdig nang walang pagbabagong magaganap sa kanyang kalikasan. Pinaniniwalaan ng dulog na klasismo na kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay, nng pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain. Dahil kinikilala ng mga klasista ang daigdig ng espiritu, mahalaga para sa kanila na mabigyan ng bagong hugis ang <'Spiritu. Mahalaga ring maisabuhay ang isang dakilang kaisipan sa isang dakilang katawan.  Sa paggamit ng wika, matipid sa salita ang klasismo. Bukod sa maingat sa pagsasalita at pagpapahayag ng damdamin, hindi angkop sa mga klasista ang paggamit ng mga salitang balbal o iyong mga nagpapahayag ng labis na emosyon.  Ang ilang sa mga katangian ng mga akdang klasiko ay ang mga sumusunod: (1) pagkamalinaw, (2) pagkamarangal, (3) pagkapayak, (4) pagkamatimpi, (5) pagkaobhetibo, (6) pagkakasunud-sunod, at (7) pagkakaroon ng hangganan.
  • 11.
  • 12.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 4. Humanismo Hanggang ngayon ay nagtataka ang ilan sa mga kritiko sa pagkakasilang ng Renacimiento (Renaissance) o Muling Pagsilang sa Italya dahil wala naman daw malaking pagbabagong naganap kung ang pag-uusapan ay ang kabihasnan. Ang tanging naganap ay ang pagsulpot ng bourgeois o ang panggitnang uri ng sining. lpinalalagay ng mga nakararami na ang dapat itawag sa panahong ito ay transisyon sa pag-sulong ng daigdig tungo sa makabagong panahon.  Ang humanismo ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsilang. Ang pokus sa dulog na ito ay ang tao, at ang taong nakatuntong ng pag-aaral at kinilala ng kultura ay maituturing na sibilisado. Ang humuhubog at lumilinang sa tao ay tinatawag namang humanismo.
  • 13.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 4. Humanismo Naniniwalaang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahayag ni Protagoras (Villafuerte, 1988): “Ang panitikan ng mga humanista ay nakasulat sa wikang angkop sa akdang susulatin… Ito’y nagtataglay ng magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaaaliw at nagpapahalaga sa katotohanan.”
  • 14.
  • 15.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 5. Romantisismo Natuklasang ang romantisismo ay umusbong sa Europa noong ikalawang hati ng ikalabing-walong dantaon, na ipinalalagay ng maraming kritiko na kabaligtaran ng klasismo. Ito'y itinuring na isang kilusang sumabay sa paglaganap ng agham at pilosopiya sa daigdig.  Dalawa ang uri ng romantisismo: romantisismong tradisyunal at romantisismong rebolusyonaryo. Ang una'y di dumadakila sa halagang pantao samantalang ang huli'y lumulutang ang pagkamasariling karakter ng isang tauhan.
  • 16.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 5. Romantisismo Romantiko ang itinawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Romantisismo dahil ang mga sanaysay, tula at maikling kuwento na naisulat nang panahong iyon ay may pagka-romantiko ang paksa, tema at istilo. Naniniwala ang mga romantisista sa lipunan na makatao, demokratiko at patuloy sa pag-unlad.  Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng mga romantisista para mabatid ang nakakubling katotohanan, kabutihan at kagandahan. Pinaniniwalaan din nilang inspirasyon at imahinasyon ang tanging bumubuo sa pagiging totoo at maganda ng isang akda. Sa pamamagitan nito, nabubuhay nang akda sapagkat nabibigyan ng bagong sigla ang mga mambabasa sa akdang pinagtutuunan nila ng pansin.
  • 17.
  • 18.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 6. Realismo Katotohanan kaysa kagandahan. Ito ang ipinaglalaban ng clulog na realismo. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ayon sa mga realista ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.  Sa mga realista, higit nilang kinikilingan ang uri ng paksa ng isang akda kaysa paraan ng paglalahad nito. Dahil dito, hindi katakataka kung ang maging paksa ng mga akdang ,nakatotohanan ay nakapokus sa paksang sosyo- politikal, kalayaan at katarungan para sa mga naaapi. Hindi rin katakata kung ang paksang malaganap sa mga akdang nagpapakita ng realismo ay nauukol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, knwalan ng katarungan, prostitusyon atbp.
  • 19.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 6. Realismo Maymga simulain o prinsipyong nais ipahatid sa tao ng mga realista: Walang hanggan ang pagbabago. Katotohanan ang una’t huling hantungan ninuman. Hindi magaganap ang palsipikasyon ng tao sa realidad ng lipunan. Pagtatala ng iba’t ibang mukhang ang buhay.
  • 20.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 6. Realismo oMahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. o Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad.
  • 21.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Layunin ngRealismo: o Ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. o Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
  • 22.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Istilo ngRealismo: o Ang teksto ay tumatalakay sa mga suliranin sa mundo at ang kanilang pinag-ugatan. o Inilalantad ang mga katotohanan sa pamamagitan ng mga paksa at salitang karaniwan ngunit gumagamit ng matapang kung hindi man mapangahas na paraan.
  • 23.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Istilo ngRealismo: o Binibigyang-buhay ang mga tauhang nakikisangkot, nanunuligsa o nanghihikayat upang mapabuti at maiangat ang kalagayan ng tao sa lipunan. Kadalasang paksain ang karanasan ng mga mahihirap, pagiging bulag ng katarungan, paglabag sa karapatan at ang tunggalian ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan.
  • 24.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Istilo ngRealismo: o Ang awtor ay malaya at walang kinikilingan sa paglalantad ng buong katotohanan. o PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atb.
  • 25.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Sa pagsusuring akdang Realismo: o Sinusuri ang akda batay sa mga pangyayaring hango sa realidad tulad na lamang ng mga suliranin sa lipunan, pagnanakaw, kahirapan, pangungurakot, mga pangyayaring kahindik-hindik, masaya, malungkot at lahat ng realidad sa buhay ng tao.
  • 26.
  • 27.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 7. Formalismo Kung paanong naging tanyag sa panunuring pampanitikan ang dulog formalisino ay dahil na rin sa dami ng mga pagsusuring ginamitan ng ganitong pagdulog. Maraming mananaliksik at kritiko ang nakatuklas sa pinag•ugatan ng teoryang ito, kabilang ang mga isinulat ni Coleridge na itinuturing niyang ''buhay" dahil sa kaisahang nakapaloob dito.  Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuring formalistiko. Hindi binibigyang diin sa teoryang ito ang buhay ng may- akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan at lalong walang mababanaag na implikasyong sosyolohikal, politikal, sikolohikal at ekonomikal. Samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito.
  • 28.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 7. Formalismo Ang tunguhin ng dulog na ito ay matukoy ang (1) nilalaman, (2) kaanyuan o kayarian at (3) paraan ng pagkakasulat ng akda.  Kaugnay nito, napakahalaga ang teksto sa paggamit ng dulog rla formalismo. Katunayan, kailangang masuri ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad ng mga tauhan at pag-uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen at iba pang elemento ng akda.
  • 29.
  • 30.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 8. Siko-Analitiko May malaking impluwensiya ang pahayag ni Freud na "tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan" sa dulog siko-analitiko. Ang pahayag na ito ay may kinalaman sa paniniwalang naghahanap-buhay tayo para lamang lasapin ang sarap ng buhay at nagkaroon lamang ng kaganapan ang pagiging isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa mga nagaganap sa kanyang buhay.  Ito ay ang pagtutukoy at pag-uugnay ng malay at di-malay na isipan ng isang tao o karakter. Sa siko-analitikong kritisismo ay binibigyang kahulugan ang mga simbolo o pangyayari sa pamamagitan ng paghanap ng koneksyon sa nakaraan at kasalukuyan. Ang dulogna ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng nakaraan ng tao dahil ito ang bumubuo ng kanyang kaanyuan or “the child is the father to the man,” ayon kay Sigmund Freud
  • 31.
  • 32.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 9. Eksistensyalismo Sa huling bahagi ng ikalawang dekada ng nakaraang dantaon sumilang ang dulog na eksistensyalismo. Ang ilang kritiko ay nagpapalagay na isa lamang paniniwala ang dulog na ito.  Kalayaan at awtentiko ang tanging kinikilala ng dulog na nksistensyalismo. Sa pananaw na ito, kitang-kita ng tao ang proseso ng pagiging tao upang mabuhay.  Walang tiyak na simulain ang eksistensyalismo. Maihahambing ang dulog na ito sa romantisismo dahil sa nahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon. Maihahambing din ito sa modernismo dahil nagpipilit itong magwasak o magpawalang-halaga sa kasaysayan.
  • 33.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 9. Eksistensyalismo oNagbibigay diin sa kalayaang pantao at kanyang pananagutan. o Hindi ito naniniwala na ang tao ay bahagi ng isang daigidig na may sistema. o Ang tao ay ganap na malaya at nasa sa kanya ang paggamit ng kalayaang ito sa pamamaraang makabuluhan at may pananagutan. Sa kabuuan, ang tao rin ang may gawa sa kanyang sarili.
  • 34.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 9. Eksistensyalismo oDahil bukas ang Eksistensyalismo sa mga posibilidad, posibleng maraming magkakatunggaling direksyon ang puntahan ng pananaw na ito. Isang direksyon ay ang theistic o paniniwalang may Diyos o isang makapangyarihang nilalang na nag-uugnay sa lahat ng nilalang. Maaari ring puntahan ng Eksistensyalismo ay ang atheistic o ang paniniwalang ang tao ay may walang hanggang kalayaan.
  • 35.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Layunin ngEksistensyalismo: o Ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
  • 36.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Istilo ngEksistensyalismo: o Ang tauhan sa akda ay malayang pumipili at magpasya sa sariling kahihinatnan o kapalaran. o Nagpapahayag ito ng mahalagang paksain: ang konkretong buhay at pakikihamok ng indibidwal
  • 37.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Istilo ngEksistensyalismo: o Pinakaprominenteng tema ay ang “pagpili” ang kalayaan nitong pumili ay ang pinakakakaibang katangian ng sangkatauhan.
  • 38.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Sa pagsusuring akdang Eksistensyalismo: o Sa mga akdang pampanitikan, tulad ng nobela, ang Eksistensyalismo ay nakikita sa mga tauhan o karakter na may kalayaang pumili para sa kanilang sarili. Taglay ng mga tauhang ito ang katatagan o kung minsan ay kahinaan, upang hamunin o tanggapin ang resulta ng kanilang kalayaang pinili.
  • 39.
  • 40.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 10. Femenismo Lumitaw ang feminismo dahil na rin sa paniniwala ng knramihan na ang panitikan ay nasa kamay lamang ng mga l1tlaking manunulat. Bukod dito, ang mga babae sa panitikan uy inilalarawan ng ilang manunulat na lalaki bilang mahina; marupok, tatanga-tanga, sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan, at masama. Kitang-kita sa mga akda ng mga lalaking manunulat ang paglaganap ng opresyon sa kababaihan.  Pinaniniwalaan sa dulog na ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga inidibidwal na di-kapantay ng kalalakihan gaya nang nais patunayan sa kilusang itinatag ni Simone de Beauviour na sinusugan naman ni Virginia Woolf.
  • 41.
    PANUNURING PAMPANITIKAN 10. Femenismo Sa ating bansa, ang mga kinikilalang manunulat na feminista tulad nina Genoveva Edroza-Matute, Lualhati Bautista, Ruth Elynia Mabanglo, Lilia Quindoza Santiago, Joice Barrios at iba pa, ay tunay na nangahas na magpalaganap ng kaisipang ng mga manunulat na babae na nagnanais na palayain ang diwa at damdaming nagpupuyos sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan. Sila ang mga feministang manunulat na nagtatampok ng kanilang mga akda tulad ng pagtatampok ng mga akdang- isinulat ng mga kalalakihan.
  • 42.
  • 43.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Imahismo Ito angdulog na lumaganap sa mga panulaan sa Great Britain at North America sa pagitan ng mga taong 1909 at 1918. Ayon kay T. E. Hulme, ang tula ay kailangang magbawas ng mga di kailangang mga salita at sa halip ay ilarawan ang paksa o diwa ng tula sa pamamagitan ng mga imahen. Layunin ng dulog imahismo na mailarawan nang ganap ang isang paksa, mailahad nang walang pagkiling at malayang makapamili ng mga larawang maikikintal sa isip ng nagbabasa. Ang mga natural na bagay sa paligid ay siyang pinaKamabisang gamiting simbolo para sa dulog na ito.
  • 44.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Naturalismo Halos nakakatuladdin ito ng dulog realismo sapagkat ang dulog naturalismo ay nakatuon sa mga bagay na may kaugnayan sa likas na kapaligiran. Sa papamagitan ng dulog na itio, inilalahad ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa doktrina o pilosopiya tungkol sa biyolohikal at sosyal na katangian ng kapaligiran upang makapamili ng paraan ng pamumuhay ang tao at magkaroon ng malayang pagpapasya.
  • 45.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Artketipal  lbinatayang dulog arketipal sa sikolohiya ni Carl Jung na naniniwalana mayroong dalawang antas ang ating kamalayan: ang personal na nagtatago ng mga alaala ng nakaraang pangyayari sa buhay at ang arketipal na nag-iingat naman ng mga pinagsama- samang alaala na nakapaloob sa mga imaheat iba pang mga simbolismo. Kumukuha karaniwan ng mga simbolismo o imahe sa mga kwentong hango sa mitolohiya, epiko, o maging sa Bibliya.  Sa dulog na ito, sinusuri ang paggamit ng mga simbolismo upang maipahayag ang mga kaisipan na may kaugnayan sa naging karanasan ng mga tauhan sa isang akda. Karaniwan ang nababasa natin ang ang mga kinakatawan ng mga simbolong tulad ng kalapati, tanikala, timbangan, kandila, sulo, at iba pa.
  • 46.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Sosyolohikal  Binibigyangtuon sa pagsusuri ng dulog sosyolohikal ang kalagayan ng mga panlipunang institusyon gaya ng pamahalaan, pamilya, paaralan at iba pang mga nasasangkot sa lipunan. inasaklaw ang internal at external na pagsusuri ng akdang binabasa na may partikular na katangiang humubog sa pagkatao.
  • 47.
    PANUNURING PAMPANITIKAN Dekonstruksyon  Anglayunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspeto na bumubuo sa tao at sa mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumualt kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagkatao at mundo.  Ito ay batay sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang teksto dahil ang wika ay hindi matatag at nagbabago. Higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may-akda sa pagtiyak ng kahulugan ng teksto.  Layunin ng pag-aanalisa ang paglalantad sa mga magkakasalungat na kahulugan o implikasyon ng teksto at ng mga salita at pangungusap.

Editor's Notes

  • #2 NOTE: To change the image on this slide, select the picture and delete it. Then click the Pictures icon in the placeholder to insert your own image.