2. PAGPAPAHAYAG GAMIT ANG IDYOMA
Idyoma
o sawikaiin,ito ay pagpapahayag na
ang kahulugan ay hindi komposisyonal
sa ibang salita, hindi binubuo ng
tumpak na kahulugan ang mga kanya-
kanyang salita na nabuo.
3. MGA HALIMBAWA NG IDYOMA
Alog na ang baba- matanda na.
Umuulan Lalaki at Babae- Maraming lalaki at
babae.
Nagbibilang ng poste - walang trabaho
Kaaning itik- api-apihan
Isulat sa tubig- kalimutan
Usad pagong- mabagal kumilos
Nakalutang sa ulap- masaya
May bulsa sa balat- kuripot
Ginintuang pusa- mabuting kalooban
Pusong bakal- di marunong magpatawad
4. Balat sibuyas- mabilis masaktan
Malaki ang ulo- mayabang
Itaga sa bato-ilagay sa isip.
Buwayang lubog- taksil sa kapwa.
Pagpaging Alimasag- walang alam.
Putok sa buho- ampon
Kusang palo- sariling sipag
Kutong lupa- bulakbol
Bahag ang buntot- Duwag
Kapilas ng buhay- Asawa
Tagong bayawak- madaling makita sa
pangungubli.
5. KAHULUGAN NG TAYUTAY
Ang tayutay ay salita o isang pahayag
na ginamit upang bigyang-diin ang
isang kaisipan o damdamin.
Sinasadya ng pagpapahayag na
gumamit ng talinghaga o di
karaniwang salita o paraan ng
pagpapahayag upang bigyang diin ang
kaniyang saloobin.
6. IBAT-IBANG URI NG TAYUTAY
1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na
paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang:
tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-,
sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito
ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na
nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang
kahalintulad.
7. 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang
bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang
mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas
ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag
nakagalitan.
8. 2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na
paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing
na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag
o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay
tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking
pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero
9. 4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
3. Personipikasyon o Pagsasatao –
Ginagamit ito upang bigyang-buhay,
pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino,
gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad
ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at
pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa
Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
10. 2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng
hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap
4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang
aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng
kapighatian.
11. 4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit,
Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis.
6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay
lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o
kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking
kaibigan.
3. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
4. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si
Seman.
12. 7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang
paggamit ng mga salitang kung ano ang
tunog ay siyang
kahulugan.ONOMATOPOEIA sa Ingles
Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong
kawayan, halumigmig nitong hangin, ay
bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong
gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na
tinanggap.
13. 8. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke -
isang bagay, konsepto kaisipan, isang
bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng
taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay
alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay
Romeo.