SlideShare a Scribd company logo
1 of 4
BIDASARI
(Epikong Mindanao)
Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang
buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.
Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at
maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao
upang magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumkain ng tao.
Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay
nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito
naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.
May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman
at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo
pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.
Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari.
Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin
naman ng sultan ng :
mahal na mahal ka sa akin.
Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan:
Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin?
Ang naging tugon ng Sultan ay:
Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.
Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang
matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay
lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama.
Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag
si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung
araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang
magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang
buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi
niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya
hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila
Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging
reyna.
Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat.
Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati,
anak ng sultan at sultana ng Kembayat.
1 | E p i k o n g M U S L I M
Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-
kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si
Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-
magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang
kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.
DARANGAN
(Epikong Maranao)
Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe
Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na
higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe
Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kayang
makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.
Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo nang makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking
buwaya na pumatay sa ilang taong bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.
Napakalakas niya!
ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya.
Paano na kaya ang isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng mga diyos!
sabi naman ng isa.
Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw!
sabi ng pinuno ng bayan.
Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang
pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay
naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas
kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit
kaharian.
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari.
Nagkaroon ng protesta sa mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong
mamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.
Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas kaya niya tayong protektahan laban sa mga kaaway!
sabi ng isang matanda sa pamilihan.
Sang-ayon ako sa iyo,
sagot ng matandang lalaki.
Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil si
Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.
Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi
niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian.
Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay
ng bawat mamamayan!
Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe
Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang
2 | E p i k o n g M U S L I M
babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa
kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.
Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na
nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha.
Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang mayroong nakakahawang sakit. Lahat
ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa
takot na baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang
kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay.
INDARAPATA AT SULAYMAN
(Epikong Mindanao)
Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at
mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas
ng kaharian ng Mantapuli.
Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman
upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman,
nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko
ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay."
Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya
pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni
Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.
Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw.
Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito
sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.
Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay
nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang
nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad
nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.
Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman
at alam niyang namatay si Sulayman.
Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang
napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita.
Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis si
Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan
niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap
ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.
Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya
ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang
ibon.
Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong
nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si
Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa
ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng
pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.
3 | E p i k o n g M U S L I M
BANTUGAN
(Epikong Mindanao)
Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't
maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na
ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay
parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng
Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si
Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang
loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang
pangyayari kay Haring Madali.
Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si
Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan.
Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring
Madali.
Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali.
Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si
Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit
nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni
Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang
inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw si Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at
iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng
mahabang panahon.
4 | E p i k o n g M U S L I M

More Related Content

What's hot

Tulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga ManoboTulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga ManoboEllebasy Tranna
 
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaranAralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaranJenita Guinoo
 
Ang alamat ng pilipinas panghalip
Ang alamat ng pilipinas panghalipAng alamat ng pilipinas panghalip
Ang alamat ng pilipinas panghalipherculesvalenzuela
 
Alamat ng mayon
Alamat ng mayonAlamat ng mayon
Alamat ng mayonAnnex
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)naomimikaelbalderama
 
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw o tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw  o tinatawag na Zamboanga PeninsulaRehiyon IX Kanlurang Mindanaw  o tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw o tinatawag na Zamboanga PeninsulaSharlynOmay
 
alamat ng daragang magayon
alamat ng daragang magayonalamat ng daragang magayon
alamat ng daragang magayonzellebatalon
 
Pagsunud sunod ng mga Pangyayari
Pagsunud sunod ng mga PangyayariPagsunud sunod ng mga Pangyayari
Pagsunud sunod ng mga PangyayariKristine Laxa
 
Xenang
XenangXenang
Xenangdemi20
 

What's hot (17)

Tulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga ManoboTulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga Manobo
 
1.aklat prinsipe
1.aklat prinsipe1.aklat prinsipe
1.aklat prinsipe
 
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaranAralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
Aralin 1.3 ang unang hari ng bembaran
 
Ang alamat ng pilipinas panghalip
Ang alamat ng pilipinas panghalipAng alamat ng pilipinas panghalip
Ang alamat ng pilipinas panghalip
 
Alamat ng mayon
Alamat ng mayonAlamat ng mayon
Alamat ng mayon
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
 
Alamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang MayonAlamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang Mayon
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
 
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw o tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw  o tinatawag na Zamboanga PeninsulaRehiyon IX Kanlurang Mindanaw  o tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw o tinatawag na Zamboanga Peninsula
 
alamat ng daragang magayon
alamat ng daragang magayonalamat ng daragang magayon
alamat ng daragang magayon
 
Pagsunud sunod ng mga Pangyayari
Pagsunud sunod ng mga PangyayariPagsunud sunod ng mga Pangyayari
Pagsunud sunod ng mga Pangyayari
 
Indarapatra at Sulayman
Indarapatra at SulaymanIndarapatra at Sulayman
Indarapatra at Sulayman
 
Alamat ni daragang magayon pagsusuri
Alamat ni daragang magayon pagsusuriAlamat ni daragang magayon pagsusuri
Alamat ni daragang magayon pagsusuri
 
Tulalang
TulalangTulalang
Tulalang
 
Xenang
XenangXenang
Xenang
 
Alamat ng Kulay
Alamat ng KulayAlamat ng Kulay
Alamat ng Kulay
 
Alamat ng singsing
Alamat ng singsingAlamat ng singsing
Alamat ng singsing
 

Similar to Epikong mindanao4

Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)
Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)
Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)vaneza22
 
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptx
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptxFILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptx
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptxLalainGPellas
 
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaCherry Javier
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02Ryan Pallorina
 
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3asa net
 
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxEDNACONEJOS
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosAi Sama
 
Lesson-2-Representative-of-Different-Regions.pptx
Lesson-2-Representative-of-Different-Regions.pptxLesson-2-Representative-of-Different-Regions.pptx
Lesson-2-Representative-of-Different-Regions.pptxKevinKregelCampollo1
 
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docxAng Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docxEDNACONEJOS
 
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga PeninsulaRehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga PeninsulaShar Omay
 
Week 1 no. 5 literary texts
Week 1 no. 5 literary textsWeek 1 no. 5 literary texts
Week 1 no. 5 literary textsRiza Velasco
 
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docxFILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docxEnilrihsAvlasEbaf
 
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang Pinoy
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang PinoyGrade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang Pinoy
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang PinoyMerra Mae Ramos
 

Similar to Epikong mindanao4 (20)

Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)
Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)
Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)
 
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptx
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptxFILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptx
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptx
 
Bantugan.pdf
Bantugan.pdfBantugan.pdf
Bantugan.pdf
 
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
 
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
 
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
 
EPIKO-BANTUGAN.ppt
EPIKO-BANTUGAN.pptEPIKO-BANTUGAN.ppt
EPIKO-BANTUGAN.ppt
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng Utos
 
Rehiyon IV A at B
Rehiyon IV A at BRehiyon IV A at B
Rehiyon IV A at B
 
Lesson-2-Representative-of-Different-Regions.pptx
Lesson-2-Representative-of-Different-Regions.pptxLesson-2-Representative-of-Different-Regions.pptx
Lesson-2-Representative-of-Different-Regions.pptx
 
Indarapatra at sulayman
Indarapatra at sulaymanIndarapatra at sulayman
Indarapatra at sulayman
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
 
week 4 fil 7.pptx
week 4 fil 7.pptxweek 4 fil 7.pptx
week 4 fil 7.pptx
 
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docxAng Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx
 
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga PeninsulaRehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
 
Week 1 no. 5 literary texts
Week 1 no. 5 literary textsWeek 1 no. 5 literary texts
Week 1 no. 5 literary texts
 
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docxFILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
 
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang Pinoy
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang PinoyGrade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang Pinoy
Grade 8 St. Veronica Group 2 Mga Panitikang Pinoy
 

More from Darell Lanuza

Buwan ng wikang pambansa
Buwan ng wikang pambansaBuwan ng wikang pambansa
Buwan ng wikang pambansaDarell Lanuza
 
Morning prayer june 30, 2017
Morning prayer june 30, 2017Morning prayer june 30, 2017
Morning prayer june 30, 2017Darell Lanuza
 
Year end report in himig concordians sy 2016 2017
Year end report in himig concordians sy 2016 2017Year end report in himig concordians sy 2016 2017
Year end report in himig concordians sy 2016 2017Darell Lanuza
 
Sustainable development goals 2017
Sustainable development goals 2017Sustainable development goals 2017
Sustainable development goals 2017Darell Lanuza
 
Sustainable development goals 2017
Sustainable development goals 2017Sustainable development goals 2017
Sustainable development goals 2017Darell Lanuza
 

More from Darell Lanuza (7)

News report
News reportNews report
News report
 
Buwan ng wikang pambansa
Buwan ng wikang pambansaBuwan ng wikang pambansa
Buwan ng wikang pambansa
 
Morning prayer june 30, 2017
Morning prayer june 30, 2017Morning prayer june 30, 2017
Morning prayer june 30, 2017
 
Year end report in himig concordians sy 2016 2017
Year end report in himig concordians sy 2016 2017Year end report in himig concordians sy 2016 2017
Year end report in himig concordians sy 2016 2017
 
Sustainable development goals 2017
Sustainable development goals 2017Sustainable development goals 2017
Sustainable development goals 2017
 
Sustainable development goals 2017
Sustainable development goals 2017Sustainable development goals 2017
Sustainable development goals 2017
 
4
44
4
 

Recently uploaded

kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang MarkahanLornaBragaisBorbe
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...LlemorSoledSeyer1
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 

Recently uploaded (20)

kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 

Epikong mindanao4

  • 1. BIDASARI (Epikong Mindanao) Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy. Ang salaysay ng Bidasari ay ganito: Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumkain ng tao. Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog. May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang. Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng : mahal na mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana. Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari. Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari. Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari. Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna. Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat. 1 | E p i k o n g M U S L I M
  • 2. Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang- kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang- magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa. DARANGAN (Epikong Maranao) Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan. Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo nang makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na pumatay sa ilang taong bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos. Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya. Paano na kaya ang isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng mga diyos! sabi naman ng isa. Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng pinuno ng bayan. Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian. Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe. Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas kaya niya tayong protektahan laban sa mga kaaway! sabi ng isang matanda sa pamilihan. Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid. Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian. Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan! Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang 2 | E p i k o n g M U S L I M
  • 3. babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan. Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha. Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang mayroong nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay. INDARAPATA AT SULAYMAN (Epikong Mindanao) Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli. Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay." Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris. Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada. Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay. Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman. Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan. Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon. Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan. 3 | E p i k o n g M U S L I M
  • 4. BANTUGAN (Epikong Mindanao) Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali. Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali. Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw si Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon. 4 | E p i k o n g M U S L I M