SlideShare a Scribd company logo
1 of 22
Download to read offline
KAPAG MAGSISIMULA NA akong
magkuwento tungkol sa aming mga bahay, hihinto
sa paglalaro sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-Tim.
Uupo sila sa aking harapan at makikinig sa
aking kuwento. Kapag ipinakikita ko na ang aming
mga bahay, nanlalaki ang kanilang mga mata. Di
sila makapaniwala.
Maraming-marami kaming bahay, Kahit pa
pagsama-samahin ang lahat ng bahay ng
sinumang mayayaman, walang tatalo sa dami ng
aming bahay.
“Panahon pa ng Kastila itinayo ang aming
unang bahay. Namamangha ang mg taong
dumaraan dito. Parang nababalot ito ng hiwaga.
Buo pa rin ang mga kapis nitong
bintana. May bubong itong sintaas ng
kapilya. Gustong kong maupo sa
hagdanan nitong kahoy, para akong
bumabalik sa lumang panahon,” una
kong kuwento.
“Sana magkaroon kami ng
ganyang bahay,” sabi ni
Lara.
“Nasa gitna ng kagubatan ang pangalawa naming
bahay. Kahit sa malayo, kitang-kita itong parang
puting palasyo. Sa loob, makikita ang malaking
hagdanang pabilog, patungo sa ituktok. Malalaki
ang bintana nitong salamin. Gustong-gusto kong
pumunta sa ituktok nito, tanaw ko ang malawak na
kagubatan,” sunod kong kuwento.
“Yan ang pangarap kong bahay!” singit ni Ningning.
“Nasa ituktok naman ng bundok ang sunod naming
bahay. Maraming tao ang namamangha kung paanong
naitayo ito sa ituktok ng bundok. Gawa ito sa bato kaya di
ito kayang tangayin ng bagyo. Sa pagtulog, hinehele pa
ako ng huni ng mga ibon,” sunod kong kuwento.
“Naku! Magkaroon sana kami ng bahay sa
ituktok ng bundok para di na kami bahain,”
sabat ni Kekek.
“Mayroon din kaming bahay
na nakaharap sa dagat. Ito ang bahay
naming may pinakamaraming
kuwarto. May sarili akong kuwarto.
May kuwarto para sa aking mga
damit, sapatos, at laruan. May sariling
kuwarto ang aking mga magulang at
si Yeye. May kuwarto para sa aming
mga bisita,” ipinagmalaki ko sa kanila.
“Gusto ko ring magkaroon ng sariling
kuwarto. Ang sikip kasi ng tulugan namin,”
sabi naman Tim-Tim.
“May bahay rin kaming kasama
ng iba pang bahay ng mayayaman.
Kahit nasa siyudad, tahimik pa rin ito.
May pader itong mataas.
May guwardiyang laging nakabantay.
Pero mga kilalang tao lang ang nakapapasok
dito. Kapag mainit ang panahon, may swimming
pool na puwedeng paglanguyan,” painggit ko.
May bahay raw palang may swimming pool pa.
Pangarap nilang lahat na makapunta sa aming
mga bahay.
Marami pa akong kuwento tungkol sa iba pa naming bahay.
May bahay-kubo kaming napalilibutan ng malawak na lupain,
punong-kahoy, gulayan, at pastulan ng mga hayop. May duyan akong
itinali sa punong mangga. May pahingahan kaming kubo na nasa itaas
ng punong akasya. May bahay kaming nasa mataas na bilding na abot-
langit. Kompleto ito ng mga gamit. Kapag nandito ako, parang bahay-
bahayan na lang ang mga bahay sa ibaba. Isang dangkal na lang ang
mga gusali, tulay, at dagat. Parang naglalakad na langgam ang mga tao
sa liit. Sa sobrang taas ng aming bahay, parang palito ng posporo ang
mga poste ng koryente.
May bahay rin kami sa lugar na laging malamig.
Napalilibutan ito ng mga bulaklak at matandang puno ng pino.
Kapag mainit sa iba naming bahay, dito kami pumupunta.
Gustong-gusto ko itong bahay namin dahil parang laging Pasko.
Lagi akong nakasuot ng pangginaw.
Ako na talaga ang batang may pinakamaraming bahay!
Di nagsasawa sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-tim sa aking
mga kuwento. Sabik na sabik lagi sila sa mga bagong dagdag na
bahay sa aking kuwento. Sa bawat araw, pinipilit kong madagdagan
ang aming bahay para may bago akong kuwento sa kanila.
Sana, maisama ko sila sa aming bahay.
Isang hapon, umulan nang malakas. Tuwang-tuwa ako.
Maya-maya , narinig ko na ang
tawag nina Lara, Ningning, Kekek, at
Tim-tim.
“Koko! Koko! Halika na, ligo tayo sa ulan!” aya nila sa akin.
Naligo kami sa ulan. Tumapat sa alulod ng mga bahay. Nagtampisaw
sa biglang luminis sa kanal. Masaya kaming magkakaibigan.
Walang tigil ang ulan. Umuulan ng matulog ako, at nang
magising ako, umuulan pa rin.
Nag-alala sina Nanay at Tatay, pati si Yeye na kahapon lang ay
tuwang-tuwa sa maliit na ilog sa loob ng aming bahay.
Biglang tumaas ang tubig sa loob ng bahay. Natakot kaming
lahat!
“Mang Ruben! Aling Nene! Sumama na kayo sa basketball court!
Mas ligtas tayo roon!” aya ng aming kapit-bahay.
Sa pagmamadali nina Tatay at Nanay, wala kaming nadalang
gamit. Agad kaming pumunta sa basketball
court bago pa lumubog sa tubig ang bahay
namin.
“Buti’t walang nangyaring masama sa atin,” sabi ni Tatay.
“Pa’no na ang ating bahay?”pag-aalala ni Nanay.
“Kuya, giniginaw ako,” bulong ni Yeye sa akin.
Naawa ako kay Yeye. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Maraming pamilya sa basketball court. Buti na lang, may
nagpahiram sa amin ng damit, kumot, at banig. May nagbigay
ng mainit na noodles, tinapay at kape. Ilang araw rin kaming
tumira sa basketball court.
“Paano na ang aming bahay? Saan na kami titira?”
sunod-sunod kong tanong.
Paghupa ng baha, bumalik kami sa aming bahay pero wala na
kaming nadatnan. Puwede pala kaming mawalan ng bahay?
Nag-iiyak si Nanay.
Tinangay ng baha ang aming bahay pati ang mga bahay na
ginupit at idinikit ko sa aking notbuk.
“Makakagawa uli tayo ng bago nating
bahay,” sabi ni Tatay.
Nakita ko uli ang kasipagan ni Tatay. Wala siyang tigil sa
pangangariton. Lahat ng puwedeng gawing bubong, dingding, sahig, at
bintana ng aming bahay, pinupulot niya-karton, tabla, kahoy, yero,
sirang gulong, pako, at alambre.
Nagtulong sina Tatay at Nanay, pati kami ni Yeye sa paggawa
ng aming bahay. Si Nanay ang taga-hawak. Si Tatay ang taga-pukpok.
Kami naman ni Yeye ang taga-abot ng kahoy.
Unti-unti, nagkaroon ng bubong, dingding, sahig, bintana at pinto
ang aming bahay.
Isang araw nang umuwi si Tatay, nakita ko uli ang tambak na
diyaryo at makukulay na magasin sa kanyang kariton.
Gusto ko sanang buklatin uli ang mga ito para gupitin ang
magagandang bahay na aking nakikita. Gusto ko uling magdikit ng
mga bahay sa aking bagong biling notbuk.
Gusto kong magkuwento uli kina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-
Tim ng tungkol sa aming mga bahay. Gusto ko uling maging batang
may pinakamaraming bahay.
Pero may mas mahalagang dapat gawin kaysa naiisip ko.
Kailangan akong tumulong kina Tatay at Nanay. Kailangan kong
alagaan at pasayahin si Yeye para mawala na ang takot niya sa
baha.
Isa pa, alam kong di na rin interesado sina Lara, Ningning,
Kekek, at Tim-Tim sa aking kuwento. Nawalan din sila ng bahay.
Tiyak na mas gusto nilang marinig ang aking kuwento tungkol
sa aming totoong bahay. Kung paano namin itong nagawa nina Tatay,
Nanay, at Yeye.
Tiyak na mas gusto nilang makita ang aming bagong bahay.
Tiyak na may mga kuwento rin sina Lara, Ningning, Kekek, at
Tim-Tim tungkol sa kanilang mga bahay. Gusto kong marinig ang
kanilang mga kuwento. Ako naman ang makikinig sa kanila.
Kahit nawala ang aking mga bahay, nagpapasalamat pa rin ako
dahil kasama ko pa rin sina Tatay, Nanay, Yeye, at ang aking mga
kaibigan.
Puwedeng mawala ang lahat na
bagay sa akin pero di ang aking
mahal na pamilya at ang
aking mga kaibigan .

More Related Content

What's hot

Yunit 1 mga pangangailangan ng pamilya
Yunit 1 mga pangangailangan ng pamilyaYunit 1 mga pangangailangan ng pamilya
Yunit 1 mga pangangailangan ng pamilyaLorelynSantonia
 
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng PilipinasPagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng PilipinasLorelynSantonia
 
Salitang Kilos na Nagsasaad ng Panahon(Naganap at Kagaganap)
Salitang Kilos na Nagsasaad ng Panahon(Naganap at Kagaganap)Salitang Kilos na Nagsasaad ng Panahon(Naganap at Kagaganap)
Salitang Kilos na Nagsasaad ng Panahon(Naganap at Kagaganap)Johdener14
 
LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS
LIKAS NA YAMAN NG PILIPINASLIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS
LIKAS NA YAMAN NG PILIPINASAlice Bernardo
 
Mga Tuntunin ng Pamilya Ko
Mga Tuntunin ng Pamilya KoMga Tuntunin ng Pamilya Ko
Mga Tuntunin ng Pamilya KoNeilfieOrit2
 
Mga Gawain sa Tahanan
Mga Gawain sa TahananMga Gawain sa Tahanan
Mga Gawain sa TahananMAILYNVIODOR1
 
PANGHALIP PANAKLAW
PANGHALIP PANAKLAWPANGHALIP PANAKLAW
PANGHALIP PANAKLAWJohdener14
 
Mga Bagay na Nanatili at Nagbago sa Aking Komunidad
Mga Bagay na Nanatili at Nagbago sa Aking KomunidadMga Bagay na Nanatili at Nagbago sa Aking Komunidad
Mga Bagay na Nanatili at Nagbago sa Aking KomunidadRitchenMadura
 
Kaantasan ng Pang- uri
Kaantasan ng Pang- uriKaantasan ng Pang- uri
Kaantasan ng Pang- uriMAILYNVIODOR1
 
Katangiang Heograpikal ng Pilipinas
Katangiang Heograpikal ng PilipinasKatangiang Heograpikal ng Pilipinas
Katangiang Heograpikal ng PilipinasLea Perez
 
KAANTASAN NG PANG-URI
KAANTASAN NG PANG-URIKAANTASAN NG PANG-URI
KAANTASAN NG PANG-URIJohdener14
 
Epp IV Agriculture
Epp IV AgricultureEpp IV Agriculture
Epp IV AgricultureAileenHuerto
 
Hekasi: TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS
Hekasi: TOPOGRAPIYA NG PILIPINASHekasi: TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS
Hekasi: TOPOGRAPIYA NG PILIPINASDaryl May Esmasin
 
ANG_NAWAWALANG_KUTING SPRINGBOARD.pptx
ANG_NAWAWALANG_KUTING SPRINGBOARD.pptxANG_NAWAWALANG_KUTING SPRINGBOARD.pptx
ANG_NAWAWALANG_KUTING SPRINGBOARD.pptxPaulineErikaCagampan
 
Ang panahon at klima 3
Ang panahon at klima 3Ang panahon at klima 3
Ang panahon at klima 3NeilfieOrit2
 

What's hot (20)

Yunit 1 mga pangangailangan ng pamilya
Yunit 1 mga pangangailangan ng pamilyaYunit 1 mga pangangailangan ng pamilya
Yunit 1 mga pangangailangan ng pamilya
 
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng PilipinasPagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
 
Salitang Kilos na Nagsasaad ng Panahon(Naganap at Kagaganap)
Salitang Kilos na Nagsasaad ng Panahon(Naganap at Kagaganap)Salitang Kilos na Nagsasaad ng Panahon(Naganap at Kagaganap)
Salitang Kilos na Nagsasaad ng Panahon(Naganap at Kagaganap)
 
LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS
LIKAS NA YAMAN NG PILIPINASLIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS
LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS
 
Klima sa Pilipinas
Klima sa PilipinasKlima sa Pilipinas
Klima sa Pilipinas
 
Mga Tuntunin ng Pamilya Ko
Mga Tuntunin ng Pamilya KoMga Tuntunin ng Pamilya Ko
Mga Tuntunin ng Pamilya Ko
 
Mga Gawain sa Tahanan
Mga Gawain sa TahananMga Gawain sa Tahanan
Mga Gawain sa Tahanan
 
PANGHALIP PANAKLAW
PANGHALIP PANAKLAWPANGHALIP PANAKLAW
PANGHALIP PANAKLAW
 
Panghalip pananong
Panghalip pananongPanghalip pananong
Panghalip pananong
 
Mga Bagay na Nanatili at Nagbago sa Aking Komunidad
Mga Bagay na Nanatili at Nagbago sa Aking KomunidadMga Bagay na Nanatili at Nagbago sa Aking Komunidad
Mga Bagay na Nanatili at Nagbago sa Aking Komunidad
 
Kaantasan ng Pang- uri
Kaantasan ng Pang- uriKaantasan ng Pang- uri
Kaantasan ng Pang- uri
 
Katangiang Heograpikal ng Pilipinas
Katangiang Heograpikal ng PilipinasKatangiang Heograpikal ng Pilipinas
Katangiang Heograpikal ng Pilipinas
 
KAANTASAN NG PANG-URI
KAANTASAN NG PANG-URIKAANTASAN NG PANG-URI
KAANTASAN NG PANG-URI
 
Epp IV Agriculture
Epp IV AgricultureEpp IV Agriculture
Epp IV Agriculture
 
PPT ESP 5 Q3.pptx
PPT ESP 5 Q3.pptxPPT ESP 5 Q3.pptx
PPT ESP 5 Q3.pptx
 
Hekasi: TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS
Hekasi: TOPOGRAPIYA NG PILIPINASHekasi: TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS
Hekasi: TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS
 
ANG_NAWAWALANG_KUTING SPRINGBOARD.pptx
ANG_NAWAWALANG_KUTING SPRINGBOARD.pptxANG_NAWAWALANG_KUTING SPRINGBOARD.pptx
ANG_NAWAWALANG_KUTING SPRINGBOARD.pptx
 
Hand puppet
Hand puppetHand puppet
Hand puppet
 
Ang panahon at klima 3
Ang panahon at klima 3Ang panahon at klima 3
Ang panahon at klima 3
 
Pang - ukol
Pang - ukolPang - ukol
Pang - ukol
 

More from LeshlieOrdonio2

BIAS AND PREJUDICE [Autosaved].pptx
BIAS AND PREJUDICE [Autosaved].pptxBIAS AND PREJUDICE [Autosaved].pptx
BIAS AND PREJUDICE [Autosaved].pptxLeshlieOrdonio2
 
bias and prejudice (2).pptx
bias and prejudice (2).pptxbias and prejudice (2).pptx
bias and prejudice (2).pptxLeshlieOrdonio2
 
TEACHING-ACTIVE-READING-STRATEGIES-AMIDST-PANDEMIC.ppt
TEACHING-ACTIVE-READING-STRATEGIES-AMIDST-PANDEMIC.pptTEACHING-ACTIVE-READING-STRATEGIES-AMIDST-PANDEMIC.ppt
TEACHING-ACTIVE-READING-STRATEGIES-AMIDST-PANDEMIC.pptLeshlieOrdonio2
 

More from LeshlieOrdonio2 (6)

BIAS AND PREJUDICE [Autosaved].pptx
BIAS AND PREJUDICE [Autosaved].pptxBIAS AND PREJUDICE [Autosaved].pptx
BIAS AND PREJUDICE [Autosaved].pptx
 
bias and prejudice (2).pptx
bias and prejudice (2).pptxbias and prejudice (2).pptx
bias and prejudice (2).pptx
 
LITERARY DEVICES.pptx
LITERARY DEVICES.pptxLITERARY DEVICES.pptx
LITERARY DEVICES.pptx
 
Mood and Tone ppt.ppt
Mood and Tone ppt.pptMood and Tone ppt.ppt
Mood and Tone ppt.ppt
 
TEACHING-ACTIVE-READING-STRATEGIES-AMIDST-PANDEMIC.ppt
TEACHING-ACTIVE-READING-STRATEGIES-AMIDST-PANDEMIC.pptTEACHING-ACTIVE-READING-STRATEGIES-AMIDST-PANDEMIC.ppt
TEACHING-ACTIVE-READING-STRATEGIES-AMIDST-PANDEMIC.ppt
 
DOMAINS.pdf
DOMAINS.pdfDOMAINS.pdf
DOMAINS.pdf
 

Recently uploaded

Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfAizaStamaria3
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxDonnaMaeSuplagio
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxAman119787
 
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..junielleomblero
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfAizaStamaria3
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTrojelbartolome23
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxMartin M Flynn
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptSJCOJohnMichaelDiez
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapdhanjurrannsibayan2
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxPaulineMae5
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxCristyJoySalarda
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxfranciscagloryvilira1
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKALovellAzucenas
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxjohnarveedomingo278
 

Recently uploaded (20)

Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 

Ang Batang May Maraming Bahay.pdf

  • 1.
  • 2.
  • 3. KAPAG MAGSISIMULA NA akong magkuwento tungkol sa aming mga bahay, hihinto sa paglalaro sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-Tim. Uupo sila sa aking harapan at makikinig sa aking kuwento. Kapag ipinakikita ko na ang aming mga bahay, nanlalaki ang kanilang mga mata. Di sila makapaniwala. Maraming-marami kaming bahay, Kahit pa pagsama-samahin ang lahat ng bahay ng sinumang mayayaman, walang tatalo sa dami ng aming bahay. “Panahon pa ng Kastila itinayo ang aming unang bahay. Namamangha ang mg taong dumaraan dito. Parang nababalot ito ng hiwaga.
  • 4. Buo pa rin ang mga kapis nitong bintana. May bubong itong sintaas ng kapilya. Gustong kong maupo sa hagdanan nitong kahoy, para akong bumabalik sa lumang panahon,” una kong kuwento. “Sana magkaroon kami ng ganyang bahay,” sabi ni Lara.
  • 5. “Nasa gitna ng kagubatan ang pangalawa naming bahay. Kahit sa malayo, kitang-kita itong parang puting palasyo. Sa loob, makikita ang malaking hagdanang pabilog, patungo sa ituktok. Malalaki ang bintana nitong salamin. Gustong-gusto kong pumunta sa ituktok nito, tanaw ko ang malawak na kagubatan,” sunod kong kuwento.
  • 6. “Yan ang pangarap kong bahay!” singit ni Ningning. “Nasa ituktok naman ng bundok ang sunod naming bahay. Maraming tao ang namamangha kung paanong naitayo ito sa ituktok ng bundok. Gawa ito sa bato kaya di ito kayang tangayin ng bagyo. Sa pagtulog, hinehele pa ako ng huni ng mga ibon,” sunod kong kuwento.
  • 7. “Naku! Magkaroon sana kami ng bahay sa ituktok ng bundok para di na kami bahain,” sabat ni Kekek.
  • 8. “Mayroon din kaming bahay na nakaharap sa dagat. Ito ang bahay naming may pinakamaraming kuwarto. May sarili akong kuwarto. May kuwarto para sa aking mga damit, sapatos, at laruan. May sariling kuwarto ang aking mga magulang at si Yeye. May kuwarto para sa aming mga bisita,” ipinagmalaki ko sa kanila. “Gusto ko ring magkaroon ng sariling kuwarto. Ang sikip kasi ng tulugan namin,” sabi naman Tim-Tim.
  • 9. “May bahay rin kaming kasama ng iba pang bahay ng mayayaman. Kahit nasa siyudad, tahimik pa rin ito. May pader itong mataas. May guwardiyang laging nakabantay. Pero mga kilalang tao lang ang nakapapasok dito. Kapag mainit ang panahon, may swimming pool na puwedeng paglanguyan,” painggit ko. May bahay raw palang may swimming pool pa. Pangarap nilang lahat na makapunta sa aming mga bahay.
  • 10. Marami pa akong kuwento tungkol sa iba pa naming bahay. May bahay-kubo kaming napalilibutan ng malawak na lupain, punong-kahoy, gulayan, at pastulan ng mga hayop. May duyan akong itinali sa punong mangga. May pahingahan kaming kubo na nasa itaas ng punong akasya. May bahay kaming nasa mataas na bilding na abot- langit. Kompleto ito ng mga gamit. Kapag nandito ako, parang bahay- bahayan na lang ang mga bahay sa ibaba. Isang dangkal na lang ang mga gusali, tulay, at dagat. Parang naglalakad na langgam ang mga tao sa liit. Sa sobrang taas ng aming bahay, parang palito ng posporo ang mga poste ng koryente.
  • 11. May bahay rin kami sa lugar na laging malamig. Napalilibutan ito ng mga bulaklak at matandang puno ng pino. Kapag mainit sa iba naming bahay, dito kami pumupunta. Gustong-gusto ko itong bahay namin dahil parang laging Pasko. Lagi akong nakasuot ng pangginaw. Ako na talaga ang batang may pinakamaraming bahay!
  • 12. Di nagsasawa sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-tim sa aking mga kuwento. Sabik na sabik lagi sila sa mga bagong dagdag na bahay sa aking kuwento. Sa bawat araw, pinipilit kong madagdagan ang aming bahay para may bago akong kuwento sa kanila. Sana, maisama ko sila sa aming bahay. Isang hapon, umulan nang malakas. Tuwang-tuwa ako. Maya-maya , narinig ko na ang tawag nina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-tim.
  • 13. “Koko! Koko! Halika na, ligo tayo sa ulan!” aya nila sa akin. Naligo kami sa ulan. Tumapat sa alulod ng mga bahay. Nagtampisaw sa biglang luminis sa kanal. Masaya kaming magkakaibigan. Walang tigil ang ulan. Umuulan ng matulog ako, at nang magising ako, umuulan pa rin.
  • 14. Nag-alala sina Nanay at Tatay, pati si Yeye na kahapon lang ay tuwang-tuwa sa maliit na ilog sa loob ng aming bahay. Biglang tumaas ang tubig sa loob ng bahay. Natakot kaming lahat! “Mang Ruben! Aling Nene! Sumama na kayo sa basketball court! Mas ligtas tayo roon!” aya ng aming kapit-bahay. Sa pagmamadali nina Tatay at Nanay, wala kaming nadalang gamit. Agad kaming pumunta sa basketball court bago pa lumubog sa tubig ang bahay namin.
  • 15. “Buti’t walang nangyaring masama sa atin,” sabi ni Tatay. “Pa’no na ang ating bahay?”pag-aalala ni Nanay. “Kuya, giniginaw ako,” bulong ni Yeye sa akin. Naawa ako kay Yeye. Niyakap ko siya ng mahigpit.
  • 16. Maraming pamilya sa basketball court. Buti na lang, may nagpahiram sa amin ng damit, kumot, at banig. May nagbigay ng mainit na noodles, tinapay at kape. Ilang araw rin kaming tumira sa basketball court. “Paano na ang aming bahay? Saan na kami titira?” sunod-sunod kong tanong.
  • 17. Paghupa ng baha, bumalik kami sa aming bahay pero wala na kaming nadatnan. Puwede pala kaming mawalan ng bahay? Nag-iiyak si Nanay. Tinangay ng baha ang aming bahay pati ang mga bahay na ginupit at idinikit ko sa aking notbuk. “Makakagawa uli tayo ng bago nating bahay,” sabi ni Tatay.
  • 18. Nakita ko uli ang kasipagan ni Tatay. Wala siyang tigil sa pangangariton. Lahat ng puwedeng gawing bubong, dingding, sahig, at bintana ng aming bahay, pinupulot niya-karton, tabla, kahoy, yero, sirang gulong, pako, at alambre. Nagtulong sina Tatay at Nanay, pati kami ni Yeye sa paggawa ng aming bahay. Si Nanay ang taga-hawak. Si Tatay ang taga-pukpok. Kami naman ni Yeye ang taga-abot ng kahoy. Unti-unti, nagkaroon ng bubong, dingding, sahig, bintana at pinto ang aming bahay.
  • 19. Isang araw nang umuwi si Tatay, nakita ko uli ang tambak na diyaryo at makukulay na magasin sa kanyang kariton. Gusto ko sanang buklatin uli ang mga ito para gupitin ang magagandang bahay na aking nakikita. Gusto ko uling magdikit ng mga bahay sa aking bagong biling notbuk.
  • 20. Gusto kong magkuwento uli kina Lara, Ningning, Kekek, at Tim- Tim ng tungkol sa aming mga bahay. Gusto ko uling maging batang may pinakamaraming bahay. Pero may mas mahalagang dapat gawin kaysa naiisip ko. Kailangan akong tumulong kina Tatay at Nanay. Kailangan kong alagaan at pasayahin si Yeye para mawala na ang takot niya sa baha.
  • 21. Isa pa, alam kong di na rin interesado sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-Tim sa aking kuwento. Nawalan din sila ng bahay. Tiyak na mas gusto nilang marinig ang aking kuwento tungkol sa aming totoong bahay. Kung paano namin itong nagawa nina Tatay, Nanay, at Yeye.
  • 22. Tiyak na mas gusto nilang makita ang aming bagong bahay. Tiyak na may mga kuwento rin sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-Tim tungkol sa kanilang mga bahay. Gusto kong marinig ang kanilang mga kuwento. Ako naman ang makikinig sa kanila. Kahit nawala ang aking mga bahay, nagpapasalamat pa rin ako dahil kasama ko pa rin sina Tatay, Nanay, Yeye, at ang aking mga kaibigan. Puwedeng mawala ang lahat na bagay sa akin pero di ang aking mahal na pamilya at ang aking mga kaibigan .