SlideShare a Scribd company logo
1 of 45
Mga Anyo ng Panitikan
sa Social Media; at
Kasanayang Gramatikal at
Diskorsal
FILIPINO 10 KWARTER 2 – MODYUL 7
kasama si:
Ahrby-sensei
https://www.swfupdiliman.org/project/ang-matanda-at-ang-dagat/
PANITIKANG
KANLURANIN
Mitolohiya mula
sa Iceland
Dula mula sa
England, UK
Tula mula sa
England UK
Maikling
Kuwento mula sa
Amerika
Nobela mula sa
Cuba
Talumpati mula
sa Brazil
Balik-Aral:
Ibigay ang pamagat at may-akda mula sa bansang pinanggalingan nito.
Social Media
 tumutukoy sa sistema ng pakikipag-
ugnayan sa mga tao na kung saan
sila ay lumilikha, nagbabahagi, at
nakikipagpalitan ng impormasyon at
mga idea sa isang virtual na
komunidad at mga network.
Social Media
Ito ay tawag sa microblogging na serbisyong
nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na
magpadala at basahin ang mga mensahe na
kilala bilang tweets.
GAWAIN: Anech Itey?
GAWAIN: Anech Itey?
Ito ay isang website na nagbabahagi ng iba-
ibang video. Ang mga gumagamit nito ay
maaring manood at magbahagi rin ng kanilang
sariling video.
GAWAIN: Anech Itey?
Ito ay isang uri ng social media na may
serbisyong magbahagi ng kanilang larawan at
video. Pinapayagang ang mga gumagamit na
mag-edit at mag upload ng mga larawan at
maiikling video sa pamamagitan ng isang
mobile app
GAWAIN: Anech Itey?
Ito ay isang applikasyon para sa mga
mambabasa at manunulat na maglathala ng
mga bagong kuwento na nilikha ng gumagamit
sa iba’t ibang genre.
GAWAIN: Anech Itey?
Ito ay isang libreng social network na
nagbibigay-daan sa mga gumagamit na
magkaugnay-ugnay sa pamamagitan ng
pagpapadala ng mensahe, pagbabahagi ng
kanilang larawan at mga sariling sanaysay
upang ipagbigay-alam sa kanilang mga
kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
Mga salitang Nauso sa
SocMed
o Ghosting
o Pafall
o Sana all
o YOLO
o Besh
o Ganern
o Omsim
o Shookt
o Triggered
Mga salitang Nauso sa
SocMed
o “Ang ganda ng suot ko, mag-selfie nga ako.”
o “Flex ko lang itong bagong cellphone ko.”
o “Ang talino talaga niya sa klase, Lodi!”
o “Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, friendzone pa
rin ako.”
o “Pabebe naman itong babaeng ito!”
o “Hala Friend, ang ganda-ganda mo naman
ngayon. Charot!”
Anyo ng Panitikan sa Social Media
 Blog – Ito ang modernong
pamamaraan ng pagsusulat kung
saan nagbibigay ng impormasyon sa
pamamagitan ng internet sa mukha
ng mga artikulo na may iba’t ibang
mga partikular na paksa.
Anyo ng Panitikan sa Social Media
 Hugot lines – Pangungusap na
nabuo mula sa paghihinuha ng mga
sariling karanasang kadalasang
tungkol sa pag-ibig.
 “Minsan may mga taong iniiwasan
mong pansinin pero ang puso mo
gustong-gusto siyang kumustahin.”
Anyo ng Panitikan sa Social Media
 Pick-up lines/Banat – Tumutukoy
sa magiliw na paggamit ng
paghahambing upang makatawag
atensiyon sa taong pinatutungkulan
nito.
 Pwede mo ba akong samahan pumunta sa sementeryo?
Bakit? Bibisitahin lang natin iyong puso kong patay na
patay sa iyo.
Anyo ng Panitikan sa Social Media
 Vlog – Isang uri ng blog na
ginagamit ang video bilang medium.
Ito ay tinatawag na web television
Anyo ng Panitikan sa Social Media
 Fliptop – Pagsasagutan ng
dalawang magkalabang panig sa
pamamagitan ng rap o mabilis na
pananalita. Tinatawag din itong
makabagong balagtasan ng mga
kabataan
Anyo ng Panitikan sa Social Media
 Spoken word poetry – Isang anyo
ng tula na may malikhaing
pagsasaad ng kuwento o
pagsasalaysay. Ito ay malikhaing
inilalahad ng patula sa mga madla.
Anyo ng Panitikan sa Social Media
 Dagli – napakaikling kuwento na
nakapokus sa isang karanasan o
pangyayari sa buhay ng isang
tauhan. Mapapansing gahol ito sa
banghay at walang aksiyong
umuunlad kaya mga paglalarawan
lamang sa mga sitwasyon.
Ako Po’y Pitong Taong Gulang
(Dagli mula sa Rehiyon ng Isa sa mga Isla ng Caribbean)
Anonymous
Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at
nakatira ako sa isang isla sa Caribbean. Ako
po’y pitong taong gulang. Noon po’y
ipinamigay ako ng aking mahihirap na
magulang sa isang mayamang pamilyang
nakatira sa lungsod. Ngayon pong araw na
ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw,
gumising po ako ng alas singko ng umaga.
Umiigib ako ng tubig sa isang balon na
malapit sa amin
Napakahirap pong balansehin ang
mabibigat na banga sa aking ulo.
Pagkatapos po ay naghanda na ako ng
almusal at inihain ko po iyon sa pamilyang
pinaglilingkuran ko. Medyo nahuli nga po
akong ng paghahain ng almusal, kaya
pinalo po ako ng aking amo ng sinturon.
Pagkatapos po ay inihatid ko sa
paaralan ang kanilang limang taong gulang
na anak na lalaki. Sumunod po, tumulong
ako sa paghahanda at paghahain ng
tanghalian ng pamilya. Kung hindi pa po
oras ng pagkain, kailangan ko pong mamili
ng pagkain sa palengke at gawin ang mga
utos nila, asikasuhin ang apuyan, walisan
ang bakuran, labhan ang mga damit,
hugasan ang pinagkainan at linisin ang
kusina. Hinihugasan ko rin po ang mga paa
ng aking among babae. Galit na galit po
siya ngayong araw na ito at sinampal po
niya ako dahil sa galit. Sana’y hindi na po
siya galit bukas.
Ipinakain po sa akin ang kanilang
natirang pagkain, mas mabuti naman po
ito kaysa giniling na mais na kinain ko po
kahapon. Gula-gulanit po ang aking damit at
wala akong sapatos. Hindi po ako kailanman
pinayagan ng aking mga amo na ipaligo ang
tubig na iniigib ko para sa pamilya. Kagabi
po ay sa labas ako natulog, kung minsan po
ay pinatutulog nila ako sa sahig sa loob ng
bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi
ako ang mismong sumulat nito. Ayaw po
nila kasi akong payagang mag-aral.
Maging maayos po sana ang araw
ninyo. – Amelia
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
ng Dagli (Ayon kay Eros Atalia)
 Magbigay tuon lamang sa isa:
tauhan, banghay, tunggalian,
diyalogo, paglalarawan ng matinding
damdamin o tagpo.
 Magsimula lagi sa aksiyon.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
ng Dagli (Ayon kay Eros Atalia)
 Sikaping magkaroon ng twist o
punchline sa dulo
 Magpakita ng kuwento, huwag
ikuwento ang kuwento
 Gawing double blade ang pamagat
Kakayahang Gramatikal
 Ito ay tumutukoy sa kakayahang
makabuo at makaunawa nang
maayos at makabuluhang
pangungusap na naayon sa tuntunin
ng gramatika.
Kakayahang Diskorsal
 Ito ay ang komponent na
nagbibigay-kakayahang magamit
ang isang tiyak na wika sa
makabuluhang paraan.
Basahin at punahin ang talata:
“Patuloy tayong lumaban na may ngiti sa
ating mga labi. Ang pagbagsak ng ekonomiya
dahil na rin sa pagsasara ng ilan sa mga
negosyo sa buong bansa. Hindi madali ang
kinahaharap nating pagsubok sa kasalukuyan
ngunit sa pamamagitan ng pagkakaisa at
pagtutulungan mapagtatagumpayan natin ito.
Ang kahirapang nararanasan ng bawat isa at
kawalan ng ipanlalaman tiyan dahil sa
kawalan ng hanap-buhay ng mga tao. Tandaan
natin na ang isa sa mga katangiang
maipagmamalaki nating Pilipino ay ang
matatag na pagharap sa mga suliraning
dumarating. Ang lahat ay apektado sa
pandemyang kinakaharap ng lipunan sa
kasalukuyan. Malaki ang naging epekto nito
sa buhay ng mga Pilipino dahil na rin sa
kawalan ng kahandaan sa magiging dulot nito.
Sa patuloy na pagdami ng kaso ng
nagkakasakit, hindi lamang natatapos sa mga
pasyenteng dinadala sa ospital ang apektado
kundi pati na rin ang buhay ng bawat isa.”
 Tandaan, may dalawang bagay na
isinasaalang-alang upang maging
malinaw at makabuluhan ang nais
iparating na mensahe – ang
kaugnayan at kaisahan.
 Ang kaugnayan ay tumutukoy sa
kung paano nagkakaugnay-ugnay
ang kahulugan ng mga
pangungusap o pahayag sa paraang
pasalita o pasulat.
 Ang kaisahan naman ay tumutukoy
sa kung paano nagkakaugnay-ugnay
ang dalawang idea sa wastong
paggamit ng wika.
NAITAMANG TALATA
“Ang lahat ay apektado sa pandemyang
kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan.
Malaki ang naging epekto nito sa buhay ng
mga Pilipino dahil na rin sa kawalan ng
kahandaan sa magiging dulot nito. Sa patuloy
na pagdami ng kaso ng nagkakasakit, hindi
lamang natatapos sa mga pasyenteng dinadala
sa ospital ang apektado kundi pati na rin ang
buhay ng bawat isa. Ang pagbagsak ng
ekonomiya dahil na sa pagsasara ng ilan sa
mga negosyo sa buong bansa. Ang kahirapang
nararanasan ng bawat isa at kawalan ng
ipanlalaman tiyan dahil sa kawalan ng hanap-
buhay ng mga tao. Hindi madali ang
kinakaharap nating pagsubok sa kasalukuyan
ngunit sa pamamagitan ng pagkakaisa at
pagtutulungan mapagtatagumpayan natin ito.
Tandaan natin ang isa sa mga katangiang
maipagmamalaki nating Pilipino ay ang
pagiging matatag sa pagharap sa mga
suliraning dumarating. Patuloy tayong
lumaban na may ngiti sa ating mga labi.”
Performance Task: Pagsulat ng Dagli
#daglisaFil10Q2
#ahrbysensei
PAGTATAYA | 1
Ano ang tawag sa modernong pamamaraan ng
pagsusulat kung saan nagbibigay ng
impormasyon sa pamamagitan ng internet?
A. Blog
B. Fliptop
C. Hugot lines
D. Vlog
PAGTATAYA | 2
Ito ay isang anyo ng tula na may malikhaing
pagsasaad ng kuwento o pagsasalaysay na
inilalahad ng patula sa mga madla?
A. Blog
B. Hugot lines
C. Spoken word poetry
D. Vlog
PAGTATAYA | 3
“ Ang puso ay parang paminta. Buo talaga,
pilit lang dinudurog ng iba.” Ang pahayag ay
tumutukoy sa anong anyo ng panitikan sa
social media?
A. Hugot Lines
B. Pick-up lines
C. Vlog
D. Spoken word poetry
PAGTATAYA | 4
Ano ang tawag sa mga video na kalimitang
napapanood sa youtube at tinatawag din itong
web television?
A. Banat
B. Blog
C. Fliptop
D. Vlog
PAGTATAYA | 5
Ano ang tawag sa isang napakaikling kuwento
na nakapokus sa isang karanasan o pangyayari
sa buhay ng isang tauhan?
A. Banat
B. Blog
C. Dagli
D. Spoken word poetry
CREDITS: This presentation template was created by
Slidesgo, including icons by Flaticon and infographics &
images by Freepik
Salamat sa
Pakikinig!
kreislerreyesestarez@gmail.com
Maaring magtanong?

More Related Content

What's hot

Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagJuan Miguel Palero
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)GinalynMedes1
 
Nobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng TunggalianNobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng TunggalianArlyn Duque
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipinoanalyncutie
 
Sanaysay-Alegorya ng Yungib-Grade 10.pptx
Sanaysay-Alegorya ng Yungib-Grade 10.pptxSanaysay-Alegorya ng Yungib-Grade 10.pptx
Sanaysay-Alegorya ng Yungib-Grade 10.pptxRosemarieLustado
 
Mga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiyaMga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiyamenchu lacsamana
 
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptxAng Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptxMark James Viñegas
 
Pangunahing Kaisipan.pptx
Pangunahing Kaisipan.pptxPangunahing Kaisipan.pptx
Pangunahing Kaisipan.pptxFloydBarientos2
 
Takipsilim sa Dyakarta
Takipsilim sa DyakartaTakipsilim sa Dyakarta
Takipsilim sa DyakartaAlbert Doroteo
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaJenita Guinoo
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)faithdenys
 
Q1-Wk-7-Mga-Panandang-Pandiskurso.pptx
Q1-Wk-7-Mga-Panandang-Pandiskurso.pptxQ1-Wk-7-Mga-Panandang-Pandiskurso.pptx
Q1-Wk-7-Mga-Panandang-Pandiskurso.pptxPrincejoyManzano1
 

What's hot (20)

Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
 
Nobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng TunggalianNobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng Tunggalian
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
 
MITOLOHIYANG LIONGO .pptx
MITOLOHIYANG  LIONGO .pptxMITOLOHIYANG  LIONGO .pptx
MITOLOHIYANG LIONGO .pptx
 
Sanaysay-Alegorya ng Yungib-Grade 10.pptx
Sanaysay-Alegorya ng Yungib-Grade 10.pptxSanaysay-Alegorya ng Yungib-Grade 10.pptx
Sanaysay-Alegorya ng Yungib-Grade 10.pptx
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
Mga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiyaMga elemento ng mitolohiya
Mga elemento ng mitolohiya
 
Anekdota
AnekdotaAnekdota
Anekdota
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptxAng Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
Ang Kuba ng Notre Dame Nobela mula sa.pptx
 
1.3 linangin
1.3 linangin1.3 linangin
1.3 linangin
 
Lessonplan demo epiko
Lessonplan demo epikoLessonplan demo epiko
Lessonplan demo epiko
 
Pangunahing Kaisipan.pptx
Pangunahing Kaisipan.pptxPangunahing Kaisipan.pptx
Pangunahing Kaisipan.pptx
 
Takipsilim sa Dyakarta
Takipsilim sa DyakartaTakipsilim sa Dyakarta
Takipsilim sa Dyakarta
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
Filipino 9 Parabula
Filipino 9 ParabulaFilipino 9 Parabula
Filipino 9 Parabula
 
Ang Kwintas
Ang KwintasAng Kwintas
Ang Kwintas
 
Q1-Wk-7-Mga-Panandang-Pandiskurso.pptx
Q1-Wk-7-Mga-Panandang-Pandiskurso.pptxQ1-Wk-7-Mga-Panandang-Pandiskurso.pptx
Q1-Wk-7-Mga-Panandang-Pandiskurso.pptx
 

Similar to FIL 10 Q2 M7 Mga Anyo ng Panitikan sa SocMed, Kasanayang Gramatikal at Diskorsal.pptx

Aralin 1, Aralin 2, Aralin 3, Filipino10
Aralin 1, Aralin 2, Aralin 3, Filipino10Aralin 1, Aralin 2, Aralin 3, Filipino10
Aralin 1, Aralin 2, Aralin 3, Filipino10RomyRenzSano3
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - Kakapusan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - KakapusanMga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - Kakapusan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - KakapusanSophia Marie Verdeflor
 
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptxDEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptxhva403512
 
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfModyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfEmmylouMolitoPesidas
 
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomicsModyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics南 睿
 
Pagpapanatili ng yaman ng kultura't tradisyon : Mga naiambag ng kabataan
Pagpapanatili ng yaman ng kultura't tradisyon : Mga naiambag ng kabataanPagpapanatili ng yaman ng kultura't tradisyon : Mga naiambag ng kabataan
Pagpapanatili ng yaman ng kultura't tradisyon : Mga naiambag ng kabataanbenbentoki
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxEDNACONEJOS
 
Iba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong IsyuIba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong IsyuJaime jr Añolga
 
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdh
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdhDLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdh
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdhRosendaMohana
 
apyunitivaralin6-180212011118 (2).pdf
apyunitivaralin6-180212011118 (2).pdfapyunitivaralin6-180212011118 (2).pdf
apyunitivaralin6-180212011118 (2).pdfAngelle Pantig
 
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatKompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatStemGeneroso
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang Araw
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang ArawEdukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang Araw
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang ArawESMAEL NAVARRO
 
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_dionesioable
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinStemGeneroso
 
FILIPINO_5_PPT_Q4_W7_-_Opinion_O_Reaksyon_O_Ideya_Sa_Isang_Isyu_Online_Public...
FILIPINO_5_PPT_Q4_W7_-_Opinion_O_Reaksyon_O_Ideya_Sa_Isang_Isyu_Online_Public...FILIPINO_5_PPT_Q4_W7_-_Opinion_O_Reaksyon_O_Ideya_Sa_Isang_Isyu_Online_Public...
FILIPINO_5_PPT_Q4_W7_-_Opinion_O_Reaksyon_O_Ideya_Sa_Isang_Isyu_Online_Public...JedrickBayani
 
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxevafecampanado1
 

Similar to FIL 10 Q2 M7 Mga Anyo ng Panitikan sa SocMed, Kasanayang Gramatikal at Diskorsal.pptx (20)

fil10 llast topic.pptx
fil10 llast topic.pptxfil10 llast topic.pptx
fil10 llast topic.pptx
 
Aralin 1, Aralin 2, Aralin 3, Filipino10
Aralin 1, Aralin 2, Aralin 3, Filipino10Aralin 1, Aralin 2, Aralin 3, Filipino10
Aralin 1, Aralin 2, Aralin 3, Filipino10
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
Stories filipino 2 nd
Stories filipino 2 ndStories filipino 2 nd
Stories filipino 2 nd
 
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - Kakapusan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - KakapusanMga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - Kakapusan
Mga Gawain sa Ekonomiks 10: Aralin 1.2 - Kakapusan
 
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptxDEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
DEFENSE ABOUT THE CURRENT TRENDS IN OUR COMMUNITY.pptx
 
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfModyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
 
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomicsModyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
 
Pagpapanatili ng yaman ng kultura't tradisyon : Mga naiambag ng kabataan
Pagpapanatili ng yaman ng kultura't tradisyon : Mga naiambag ng kabataanPagpapanatili ng yaman ng kultura't tradisyon : Mga naiambag ng kabataan
Pagpapanatili ng yaman ng kultura't tradisyon : Mga naiambag ng kabataan
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
 
Iba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong IsyuIba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
Iba't ibang uri ng kontemporaryong Isyu
 
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdh
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdhDLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdh
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdh
 
apyunitivaralin6-180212011118 (2).pdf
apyunitivaralin6-180212011118 (2).pdfapyunitivaralin6-180212011118 (2).pdf
apyunitivaralin6-180212011118 (2).pdf
 
AP YUNIT IV ARALIN 6
AP YUNIT IV ARALIN 6AP YUNIT IV ARALIN 6
AP YUNIT IV ARALIN 6
 
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatKompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang Araw
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang ArawEdukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang Araw
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang Araw
 
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
FILIPINO_5_PPT_Q4_W7_-_Opinion_O_Reaksyon_O_Ideya_Sa_Isang_Isyu_Online_Public...
FILIPINO_5_PPT_Q4_W7_-_Opinion_O_Reaksyon_O_Ideya_Sa_Isang_Isyu_Online_Public...FILIPINO_5_PPT_Q4_W7_-_Opinion_O_Reaksyon_O_Ideya_Sa_Isang_Isyu_Online_Public...
FILIPINO_5_PPT_Q4_W7_-_Opinion_O_Reaksyon_O_Ideya_Sa_Isang_Isyu_Online_Public...
 
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
 

Recently uploaded

Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKONecelynMontolo
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxrodriguezjoelina25
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 

Recently uploaded (20)

Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 

FIL 10 Q2 M7 Mga Anyo ng Panitikan sa SocMed, Kasanayang Gramatikal at Diskorsal.pptx

  • 1. Mga Anyo ng Panitikan sa Social Media; at Kasanayang Gramatikal at Diskorsal FILIPINO 10 KWARTER 2 – MODYUL 7 kasama si: Ahrby-sensei https://www.swfupdiliman.org/project/ang-matanda-at-ang-dagat/
  • 2. PANITIKANG KANLURANIN Mitolohiya mula sa Iceland Dula mula sa England, UK Tula mula sa England UK Maikling Kuwento mula sa Amerika Nobela mula sa Cuba Talumpati mula sa Brazil Balik-Aral: Ibigay ang pamagat at may-akda mula sa bansang pinanggalingan nito.
  • 3. Social Media  tumutukoy sa sistema ng pakikipag- ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi, at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga idea sa isang virtual na komunidad at mga network.
  • 5. Ito ay tawag sa microblogging na serbisyong nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets. GAWAIN: Anech Itey?
  • 6. GAWAIN: Anech Itey? Ito ay isang website na nagbabahagi ng iba- ibang video. Ang mga gumagamit nito ay maaring manood at magbahagi rin ng kanilang sariling video.
  • 7. GAWAIN: Anech Itey? Ito ay isang uri ng social media na may serbisyong magbahagi ng kanilang larawan at video. Pinapayagang ang mga gumagamit na mag-edit at mag upload ng mga larawan at maiikling video sa pamamagitan ng isang mobile app
  • 8. GAWAIN: Anech Itey? Ito ay isang applikasyon para sa mga mambabasa at manunulat na maglathala ng mga bagong kuwento na nilikha ng gumagamit sa iba’t ibang genre.
  • 9. GAWAIN: Anech Itey? Ito ay isang libreng social network na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na magkaugnay-ugnay sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe, pagbabahagi ng kanilang larawan at mga sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
  • 10. Mga salitang Nauso sa SocMed o Ghosting o Pafall o Sana all o YOLO o Besh o Ganern o Omsim o Shookt o Triggered
  • 11. Mga salitang Nauso sa SocMed o “Ang ganda ng suot ko, mag-selfie nga ako.” o “Flex ko lang itong bagong cellphone ko.” o “Ang talino talaga niya sa klase, Lodi!” o “Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, friendzone pa rin ako.” o “Pabebe naman itong babaeng ito!” o “Hala Friend, ang ganda-ganda mo naman ngayon. Charot!”
  • 12. Anyo ng Panitikan sa Social Media  Blog – Ito ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga artikulo na may iba’t ibang mga partikular na paksa.
  • 13. Anyo ng Panitikan sa Social Media  Hugot lines – Pangungusap na nabuo mula sa paghihinuha ng mga sariling karanasang kadalasang tungkol sa pag-ibig.  “Minsan may mga taong iniiwasan mong pansinin pero ang puso mo gustong-gusto siyang kumustahin.”
  • 14. Anyo ng Panitikan sa Social Media  Pick-up lines/Banat – Tumutukoy sa magiliw na paggamit ng paghahambing upang makatawag atensiyon sa taong pinatutungkulan nito.  Pwede mo ba akong samahan pumunta sa sementeryo? Bakit? Bibisitahin lang natin iyong puso kong patay na patay sa iyo.
  • 15. Anyo ng Panitikan sa Social Media  Vlog – Isang uri ng blog na ginagamit ang video bilang medium. Ito ay tinatawag na web television
  • 16. Anyo ng Panitikan sa Social Media  Fliptop – Pagsasagutan ng dalawang magkalabang panig sa pamamagitan ng rap o mabilis na pananalita. Tinatawag din itong makabagong balagtasan ng mga kabataan
  • 17. Anyo ng Panitikan sa Social Media  Spoken word poetry – Isang anyo ng tula na may malikhaing pagsasaad ng kuwento o pagsasalaysay. Ito ay malikhaing inilalahad ng patula sa mga madla.
  • 18. Anyo ng Panitikan sa Social Media  Dagli – napakaikling kuwento na nakapokus sa isang karanasan o pangyayari sa buhay ng isang tauhan. Mapapansing gahol ito sa banghay at walang aksiyong umuunlad kaya mga paglalarawan lamang sa mga sitwasyon.
  • 19. Ako Po’y Pitong Taong Gulang (Dagli mula sa Rehiyon ng Isa sa mga Isla ng Caribbean) Anonymous
  • 20. Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa isang isla sa Caribbean. Ako po’y pitong taong gulang. Noon po’y ipinamigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang mayamang pamilyang nakatira sa lungsod. Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumising po ako ng alas singko ng umaga. Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin
  • 21. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal at inihain ko po iyon sa pamilyang pinaglilingkuran ko. Medyo nahuli nga po akong ng paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon.
  • 22. Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong gulang na anak na lalaki. Sumunod po, tumulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng pamilya. Kung hindi pa po oras ng pagkain, kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mga utos nila, asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga damit,
  • 23. hugasan ang pinagkainan at linisin ang kusina. Hinihugasan ko rin po ang mga paa ng aking among babae. Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya ako dahil sa galit. Sana’y hindi na po siya galit bukas. Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas mabuti naman po ito kaysa giniling na mais na kinain ko po
  • 24. kahapon. Gula-gulanit po ang aking damit at wala akong sapatos. Hindi po ako kailanman pinayagan ng aking mga amo na ipaligo ang tubig na iniigib ko para sa pamilya. Kagabi po ay sa labas ako natulog, kung minsan po ay pinatutulog nila ako sa sahig sa loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong sumulat nito. Ayaw po nila kasi akong payagang mag-aral.
  • 25. Maging maayos po sana ang araw ninyo. – Amelia
  • 26. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Dagli (Ayon kay Eros Atalia)  Magbigay tuon lamang sa isa: tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo, paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo.  Magsimula lagi sa aksiyon.
  • 27. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Dagli (Ayon kay Eros Atalia)  Sikaping magkaroon ng twist o punchline sa dulo  Magpakita ng kuwento, huwag ikuwento ang kuwento  Gawing double blade ang pamagat
  • 28. Kakayahang Gramatikal  Ito ay tumutukoy sa kakayahang makabuo at makaunawa nang maayos at makabuluhang pangungusap na naayon sa tuntunin ng gramatika.
  • 29. Kakayahang Diskorsal  Ito ay ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang isang tiyak na wika sa makabuluhang paraan.
  • 30. Basahin at punahin ang talata: “Patuloy tayong lumaban na may ngiti sa ating mga labi. Ang pagbagsak ng ekonomiya dahil na rin sa pagsasara ng ilan sa mga negosyo sa buong bansa. Hindi madali ang kinahaharap nating pagsubok sa kasalukuyan ngunit sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan mapagtatagumpayan natin ito. Ang kahirapang nararanasan ng bawat isa at
  • 31. kawalan ng ipanlalaman tiyan dahil sa kawalan ng hanap-buhay ng mga tao. Tandaan natin na ang isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating Pilipino ay ang matatag na pagharap sa mga suliraning dumarating. Ang lahat ay apektado sa pandemyang kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan. Malaki ang naging epekto nito sa buhay ng mga Pilipino dahil na rin sa
  • 32. kawalan ng kahandaan sa magiging dulot nito. Sa patuloy na pagdami ng kaso ng nagkakasakit, hindi lamang natatapos sa mga pasyenteng dinadala sa ospital ang apektado kundi pati na rin ang buhay ng bawat isa.”
  • 33.  Tandaan, may dalawang bagay na isinasaalang-alang upang maging malinaw at makabuluhan ang nais iparating na mensahe – ang kaugnayan at kaisahan.
  • 34.  Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung paano nagkakaugnay-ugnay ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat.
  • 35.  Ang kaisahan naman ay tumutukoy sa kung paano nagkakaugnay-ugnay ang dalawang idea sa wastong paggamit ng wika.
  • 36. NAITAMANG TALATA “Ang lahat ay apektado sa pandemyang kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan. Malaki ang naging epekto nito sa buhay ng mga Pilipino dahil na rin sa kawalan ng kahandaan sa magiging dulot nito. Sa patuloy na pagdami ng kaso ng nagkakasakit, hindi lamang natatapos sa mga pasyenteng dinadala sa ospital ang apektado kundi pati na rin ang
  • 37. buhay ng bawat isa. Ang pagbagsak ng ekonomiya dahil na sa pagsasara ng ilan sa mga negosyo sa buong bansa. Ang kahirapang nararanasan ng bawat isa at kawalan ng ipanlalaman tiyan dahil sa kawalan ng hanap- buhay ng mga tao. Hindi madali ang kinakaharap nating pagsubok sa kasalukuyan ngunit sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan mapagtatagumpayan natin ito.
  • 38. Tandaan natin ang isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating Pilipino ay ang pagiging matatag sa pagharap sa mga suliraning dumarating. Patuloy tayong lumaban na may ngiti sa ating mga labi.”
  • 39. Performance Task: Pagsulat ng Dagli #daglisaFil10Q2 #ahrbysensei
  • 40. PAGTATAYA | 1 Ano ang tawag sa modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet? A. Blog B. Fliptop C. Hugot lines D. Vlog
  • 41. PAGTATAYA | 2 Ito ay isang anyo ng tula na may malikhaing pagsasaad ng kuwento o pagsasalaysay na inilalahad ng patula sa mga madla? A. Blog B. Hugot lines C. Spoken word poetry D. Vlog
  • 42. PAGTATAYA | 3 “ Ang puso ay parang paminta. Buo talaga, pilit lang dinudurog ng iba.” Ang pahayag ay tumutukoy sa anong anyo ng panitikan sa social media? A. Hugot Lines B. Pick-up lines C. Vlog D. Spoken word poetry
  • 43. PAGTATAYA | 4 Ano ang tawag sa mga video na kalimitang napapanood sa youtube at tinatawag din itong web television? A. Banat B. Blog C. Fliptop D. Vlog
  • 44. PAGTATAYA | 5 Ano ang tawag sa isang napakaikling kuwento na nakapokus sa isang karanasan o pangyayari sa buhay ng isang tauhan? A. Banat B. Blog C. Dagli D. Spoken word poetry
  • 45. CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including icons by Flaticon and infographics & images by Freepik Salamat sa Pakikinig! kreislerreyesestarez@gmail.com Maaring magtanong?