2. ANO ANG APPENDICITIS?
• Ang Appendicitis ay pamamaga o impeksyon ng
appendix, isang bahagi ng ating bituka. Ang
karamdamang ito ay isa sa pinaka-karaniwang dahilan
kung bakit inooperahan ang tao.
3. • Sapagkat ang appendix ay isang di-
kilalang bahagi ng ating katawan, ito’y
sumusulpot lamang sa usapan kung may
appendicitis, kaya kalimitan, sinasabi ng
mga nagpapakonsulta sa klinika na:
4. • “Doc, may appendix ata ako.” bagamat lahat ng
tao ay pinanganak na may appendix. Ang totoo,
inaalis ang buong appendix sa operasyon para
sa appendicitis (ang proseso ang tinatawag na
‘appendectomy’).
5. • Ngunit hindi dapat ikabahala ito ng mga na-
operahan, sapagkat ang mga katungkulan ng
appendix sa katawan ay kayang-kaya na saluhin
ng ibang bahagi ng ating “immune system”.
6. ANO ANG SANHI NG
APPENDICITIS?
• Isang kasabihan na ang sanhi ng appendicitis ay ang
paglundag, pagtalon, o ang paggawa ng anumang
aktibidades na pisikal pagkatapos kumain.
7. • Kasabihan din na ang pagkain ng
partikular na mga prutas, gaya ng
pakwan o bayabas, ang sanhi ng
Appendicitis. Ang mga ito ay walang
basihan sa mga pag-aaral tungkol sa
Appendicitis.
8. SINTOMAS NG APPENDICITIS
• Sakit ng tiyan – ito ang pinakamahalagang sintomas ng
Appendicitis. Ang sakit ng tiyan na ito ay karaniwang
naguumpisa sa gita (sa bandang itaas ng puson) at
gumagapang patungo sa kanan at ibang bahagi ng tiyan
(sa kanan ng puson)
9. • Masakit na masakit
• Mahapdi at makirot
• Sa bandang tagiliran / kanan ng puson
• Lagpas na ng 24 oras
• Hindi nawawala sa mga pain reliever
• Kawalan ng ganang kumain
• Pagsusuka at liyo
• Lagnat
• Pagtatae o pagtitibi
• Pagiging ‘kalos’ o panghihina
10. PAANO MALALAMAN KUNG TALAGA
BANG MAY APPENDICITIS?
• Ito ay maaaring matukoy at matiyak ng isang doktor, sa
pamamagitan ng pakikipag-usap sa pasyente, at sa pag-
eeksamin ng tiyan.
• Maari siyang mag-request ng laboratory examinations
gaya ng CBC (complete blood count) at urinalysis. Ang
pagsusuri gamit ng ultrasound sa tiyan ay nakakatulong
rin sa pagtukoy at pagtiyak ng diagnosis na Appendicitis.
11. BAKIT KAILANGANG OPERAHAN ANG
APPENDICITIS?
• Dahil ang impeksyon ay nasa loob ng tiyan,
kinakailangan ng surgery o pag-oopera upang alisin ang
appendix.
• Ang mga gamot, tableta man o injeksyon, ay hindi
kayang supilin ang impeksyon na ito.
• Isa pa, operasyon lamang ang tanging paraan upang
alisin kaagad ang impeksyon bago ito kumalat sa ibang
bahagi ng bituka—isang nakakatakot na kondisyon na
maaaring makasira ng bituka o ikamatay ng pasyente.
14. MAY PARAAN BA PARA MAKAIWAS SA
APPENDICITIS?
• Sa ngayon, walang paraan para umiwas sa Appendicitis,
pero sa pagpapanatiling malusog ng inyong, katawan,
mas madaling makakarecovernsa pagkakasakit gaya ng
Appendicitis at sa operasyong isasagawa para dito.