1. Filipino 8
San Jose National High School
Inihanda ni: Ma’am Jivanee
Markahan 1 Linggo 7
2. Most Essential Learning Competencies (MELCs)
F8PN-Ii-j-23
Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw
batay sa napakinggang pag-uulat
3. Punan ang patlang ng angkop na
hudyat ng sanhi at bunga batay sa
pangyayari.
1. ___________hindi nakikinig sa magulang, siya ay
napariwara.
A. Bunga nito B. Dahil C. Dahilan D.
Kaya
2. Hindi nahuhuli sa klase si Ana, __________maagang
maaga siyang gumigising.
A. bunga nito C. sa ganitong dahilan
B. dahilan D. sapagkat
7. Bahagi ng pang-araw-araw na
buhay ang masining na pagbibigay ng
opinyon o pananaw. Sa bawat
pangyayari o eksena sa ating buhay
hindi natin namamalayan na
nakapagbibigay na tayo ng sarili nating
opiniyon o pananaw.
8. Manonood ka ng telenobela, hindi mo
nagustuhan ang pangyayari, nagbigay ka ng
opinyon o pananaw mo. Nakarinig ka ng balita sa
radio habang nakikinig hindi mo namamalayang
nagbibigay ka ng opinyon o pananaw. Nguni tang
dapat na matutunan ay kung paano ang tama at
masining na paraan ng pagbibigay opinyon o
pananaw. Sa paghahayag ng opinyon o pananaw
ay gumagamit ng mga ganitong salita.
9. Bilang malayang bansa, tayo ay may
karapatang makapagpahayag ng ating
sariling pananaw o paniniwala tungkol sa
iba’t ibang isyu sa ating lipunan. Subalit dapat
nating tandaan, na ang pagpapahayag ng
paniniwala ay opinyon ay dapat dinaraan sa
responsableng pamamaraan. Ito ay dapat
ibinabahagi sa paraang sensitibo at hindi
makakasakit sa iba.
10. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbibigay ng
Opinyon o Pananaw
Sa pagbibigay ng opiniyon o pananaw
kinakailangang bigyan ng manunulat ng tuon ang
paglalahad at pagtatanggol ng isang opinyon o
pananaw sa mga mambabasa. Ang layunin ng
opinyon o pananaw ay upang kumbinsihin ang
mambabasa na magsagawa ng isang pagkilos.
Ang layunin ng manunulat ay upang kumbinsihin
ang mambabasa na sumang-ayon sa isang
opinyon o isalang-alang man lang ang pananaw
ng manunulat.
11. Kinakailangang litaw na litaw ang layunin
ng opinyon. Upang maging angkop,
kinakailangang may pagkakontrobersyal ang
mga paglalahad ng opinyon. Upang maging
angkop, kinakailangang may
pagkakontobersyal ang mga paglalahad, at
hindi batay sa isang katotohanan. Kailangan
ding masusuportahan ang opiniyon ng
ebidensya, kaysa ng isang personal na
opiniyon.
12. Makakatulong ang makaturan at
makatwirang pananalita. Iwasan ang
masyadong emosyonal o negatibong mga
salitang maaring labis na makagagalit sa
iyong mambabasa.
13. Mga pahayag na nagpapahayag ng opinyon o
pananaw:
• sa aking palagay…
• sa tingin ko…
• para sa akin…
• ang paniniwala ko…
• hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil…
14. Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang
pangungusap ay NAGSASAAD ng opinyon/
pananaw o HINDI NAGSASAAD opinyon/
pananaw.
Tuloy ang klase ngayong taon, para sa tulad
kong estudyante, isa itong magandang
balita.
SAGOT: NAGSASAAD NG OPINYON/
PANANAW.
15. Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang
pangungusap ay NAGSASAAD ng opinyon/
pananaw o HINDI NAGSASAAD opinyon/
pananaw.
Sa aking palagay, makakatulong an gating
magulang upang mas maintindihan ang mga
aralin.
SAGOT: NAGSASAAD NG OPINYON/
PANANAW
16. Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang
pangungusap ay NAGSASAAD ng opinyon/
pananaw o HINDI NAGSASAAD opinyon/
pananaw.
Mula sa datos na aking nakalap,
nakatutulong ang masusustansyang pagkain
upang maiwasan ang anumang uri ng sakit.
SAGOT: HINDI NAGSASAAD NG OPINYON/
PANANAW.
17. Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang
pangungusap ay NAGSASAAD ng opinyon/
pananaw o HINDI NAGSASAAD opinyon/
pananaw.
Batay sa pag-aaral, maaaring kumalat ang
virus lalong lalo na kung walang proteksyong
ginagamit sa katawan.
SAGOT: HINDI NAGSASAAD NG OPINYON/
PANANAW
18. Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang
pangungusap ay NAGSASAAD ng opinyon/
pananaw o HINDI NAGSASAAD opinyon/
pananaw.
Sa tingin ko, kailangan nating magtulong-
tulong upang malagpasan ang mga
problemang kinakaharap.
SAGOT: NAGSASAAD NG OPINYON/
PANANAW
19. Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang
pangungusap ay NAGSASAAD ng opinyon/
pananaw o HINDI NAGSASAAD opinyon/
pananaw.
Dahil sa matagal na pagsasara ng paaralan,
ang mga estudyante ay kanya-kanya ng
paraan upang matuto.
SAGOT: NAGSASAAD NG OPINYON/
PANANAW
20. Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang
pangungusap ay NAGSASAAD ng opinyon/
pananaw o HINDI NAGSASAAD opinyon/
pananaw.
Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, itutuloy
ang taong panuruan ngunit kaakibat nito ang
maraming paghahanda upang
masiguradong ligtas ang lahat ng mag-aaral.
SAGOT: HINDI NAGSASAAD NG OPINYON/
PANANAW
21. Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang
pangungusap ay NAGSASAAD ng opinyon/
pananaw o HINDI NAGSASAAD opinyon/
pananaw.
Maraming kabataan ngayon ang
naeengayong mag-online selling habang
walang pasok.
SAGOT: NAGSASAAD NG OPINYON/
PANANAW
22. Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang
pangungusap ay NAGSASAAD ng opinyon/
pananaw o HINDI NAGSASAAD opinyon/
pananaw.
Sa tingin ko, tama lang na pagbawalan ang
mga kabataang lumabas.
SAGOT: NAGSASAAD NG OPINYON/
PANANAW
23. Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang
pangungusap ay NAGSASAAD ng opinyon/
pananaw o HINDI NAGSASAAD opinyon/
pananaw.
Ayon sa Department of Health, kailangang
maghugas ng kamay at panatilihin ang isang
metrong pagitan upang maiwasan ang
pagkalat ng virus.
SAGOT: HINDI NAGSASAAD NG OPINYON/
PANANAW