Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Isip at kilos loob, gagamitin ko
1.
2. Ang tao, ang hayop, at ang halaman, ay tatlong uri
na nilikha ng Panginoon na may buhay sa mundo. Ang
bawat isa ay biniyayaan ng kakayahan at mga katangiang
nagpapangibabaw at nagpapabukod-tangi sa kaniya sa
iba pang nilikha ng Panginoon.
3. Ang isip ay may kakayahang
mag-isip, maghusga,
mangatwiran, magsuri, at
umunawa ng kahulugan ng mga
bagay at pangyayari sa paligid.
4. Ang puso ay bumabalot sa pagkatao ng tao. Dito
nagbubuhat ang pasiya at damdamin, at dito rin
hinuhubog ang katauhan ng tao. Ang kabutihan at
kasamaan ay dito nagmumula.
5. Ang kamay o katawan ay sumisimbolo sa
panghawak, paggalaw, pandama at
pakikipagtalastasan (pasulat o pasalita). Hindi sapat
na matukoy lamang ang iba-ibang bahagi ng
katawan, bagkus ay nauunawaan ng tao ang mga
gamit nito.
Ang katawan ay mahalagang bahagi ng pagkatao
dahil ito ay ginagamit upang ipahayag ang nilalaman
ng isip at puso sa konkretong paraan. Ito ang daan sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
6. Sa kabilang dako, ang kilos-loob ay
ang kakayahang makaalam, pumili,
magpasiya, at maisakatuparan nang malaya
ang kaniyang layunin o gawaing pinili.
Ang tunguhin ng kilos loob ay
kabutihan. Ito ay umaayon lamang sa
ibinibigay na impormasyon ng isip. Ang kilos-
loob ay naiimpluwensiyahan ng isip
sapagkat hindi niya gugustuhin ang isang
bagay na hindi lubusang nauunawaan. Dahil
dito, ang kilos-loob ang nagbibigay ng
kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili
ng layuning nais niyang gawin.
7. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng wastong pagpapasiya ay
umaayon sa pagkakaunawa ng isip. Kaya kailangan ng tao ang lubusang
pang-unawa sa sitwasyon upang makapagbigay at makagawa ng angkop
na pagpapasiya. Ganoon pa man, ang kahinaan sa pagpapsiya ay dapat
tanggapin ngunit dapat linangin, upang magampanan at maisakatuparan
ng bawat isa ang kani-kaniyang tunguhin.
8. Ang bawat nilalang ay may tungkuling alamin,
palaganapin, paunlarin, at gawing ganap ang isip at kilos-loob.
Narito ang ilan sa mga ito:
1. Pangalagaan ang isip at kilos-loob upang hindi masira ang tunay na
layunin kung bakit ipinagkaloob ito ng Panginoon sa tao.
2. Paggamit ng isip sa pagkalap o pagkuha ng kaalaman at karunungan
upang mkaintindi ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa
pagpapaunlad ng pagkatao.
3. Pagpapamalas ng wastong katauhang pagpapahalaga(human values).