3. Panimula
• Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao
mula sa pinakasimple hanggang sa
pinakakumplikado. Nagpapasya siya kung ano
at alin ang higit na mahalaga sa marami niyang
pamimilian.
• Sa kabila ng lahat, mapapansin na mayroong
kaayusan na nag-uugnay sa bawat isa. Ang
buhay ay tila isang malaking palaisipan.
• Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang
ekonomiks at ano ang kaugnayan nito sa pang-
araw-araw na pamumuhay?
4. Gawain 1: Handa Ka na Ba?
• Isang araw ng Sabado, umalis ang iyong
mga magulang at naiwan kayo ng iyong
bunsong kapatid sa bahay. Matapos
mahimbing na makatulog ang iyong
kapatid, ikaw ay naglaba at nagsaing.
Matapos ang mga gawain naisipan mong
maligo. Katatapos mo lang maligo nang
biglang mangyari ng sabay-sabay ang mga
sumusunod:
• Biglang umulan ng malakas at nakasampay
sa likod-bahay ang mga damit na iyong
nilabhan.
• Naamoy mo na nasusunog ang sinaing.
• Narinig mo na nag-ring ang iyong celphone.
• Umiyak ang iyong inaalagaang sanggol na
kapatid.
5. Ano ang iyong uunahin?
Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang
pinakahuli.
Damit na Nakasampay sa Labas
Kapatid na Umiiyak
Nasusunog na Sinaing
Nagriring na Cellphone
6. Pamprosesong Tanong
• Maaari mo bang gawin ang mga
sumusunod nang sabay-sabay?
• Ano ang batayan sa iyong
pagpilili sa kung anong gawain
ang uunahin?
7. Gawain 2: Paggawa ng Matalinong
Desisyon
Suriin angbawataytemsa unaat ikalawangkolum.Pagpasyahankung
anoangpipiliin mosaOptionAatB. Isulatsaikatlongkolumangiyong
desisyonat saika-apatna kolumangdahilanng iyongnagingpasya.
Option A Option B
Desisyon
Isulat kung A o B Dahilan
Pagpapatuloy ng pag-
aaral sa kolehiyo
Pagtatrabaho pagkatapos
ng high school
Paglalakad papunta
sa paaralan
Pagsakay ng tricycle
papunta sa paaralan
Paglalaro ng Mobile
Legends Pagpasok sa klase
Pagbababad sa
Internet Pamamasyal sa parke
Paggawa ng Tiktok
Videos Paggawa ng takdang-aralin
8. Pamprosesong Tanong
• Bakit kailangang isaalang-alang
ang mga pagpipilian sa paggawa
ng desisyon?
• Ano ang naging batayan mo sa
iyong ginawang desisyon?
Naging makatuwiran ka ba sa
iyong pasya?
9. Araw-araw, ang tao
ay laging
nahaharap sa
sitwasyong
kailangan niyang
pumili.
Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot
ng LUBOS na pakinabang.
10. Ang mabuting pasya ay
magdudulot sa tao ng
kasiyahan (satisfaction).
Ang di-mabuting pasya
ay magdudulot sa tao ng
dusa (suffering).
Ninanais ng tao ang maging masaya at
iniiwasan ang pagdurusa.
11. Kahulugan ng Ekonomiks
• Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano
tutugunan ang mga kagustuhan at
pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na
paraan.
• Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at
matalinong pagpapasya sa mga suliranin
(economist’s perspective).
• Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng
tao sa pagbuo ng matalinong desisyon.
• Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan.
13. Gawain 3: PictureAnalysis
Pag-aralanang comic strip sa ibaba at sagutinang mga
pamprosesong tanong ukol dito.
Pinagkunan:
Pugad Baboy by Pol Medina Jr.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=147861036784901&set=gm.3182660
805118929&type=3&theater&ifg=1
14. Pamprosesong Tanong
• Bakit kaya natatagalan si Debbie sa
pagpapasya kung ano ang kanyang
bibilhin?
• Bakit mahalaga na pag-isipang mabuti
kung ano ang bibilhin?
• Anong kaisipan batay sa kahulugan ng
ekonomiks ang inilalarawan ng comic
strip?
15. Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
• Bahagi na ng buhay ng tao ang
pagkakaroon ng mga choices.
Sa pagproseso ng pagpili hindi
maiiwasan ang trade-off. Ang
trade-off ay ang pagpili o
pagsasakripisyo ng isang bagay
kapalit ng ibang bagay.
Mahalaga ito sapagkat sa
pamamagitan nito ay maaaring
masuri ang mga pagpipilian sa
pagbuo ng pinakamainam na
pasya. Halimbawa, mag-aaral
ka ba o maglalaro?
16. Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
• Sa ginagawang
pagsasakriprisyo ay may
opportunity cost. Ang
opportunity cost ay tumutukoy
sa halaga ng bagay o ng best
alternative na handang ipagpalit
sa bawat paggawa ng desisyon.
Ang opportunity cost ng
paglalaro sa naunang
halimbawa ay ang halaga ng
pag-aral na ipinagpalibang
gawin.
17. Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
• Ang incentives ay tumutukoy sa bagay o
karanasan na nagiging pagganyak upang
tangkilikin ang isang kalakal o paglilingkod. Tulad
ng pag- aalok ng mas mura at magandang serbisyo
at pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa
bawat pagkonsumo ng produkto o serbisyo.
• Ang marginal thinking ay ang pagsasaalang-alang
sa karagdagang pakinabang sa pagpili ng isang
kalakal o serbisyo. Ang ibig sabihin nito ay dapat
suriin ng isang indibidwal ang karagdagang halaga,
maging ito man ay gastos o pakinabang na
makukuha mula sa gagawing desisyon.
18. Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
• Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off,
opportunity cost, incentives, at marginal
thinking ay makatutulong sa matalinong
pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat
isa sa pagbuo ng desisyon.
19. Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks
• Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay
walang katapusan.
• Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang
kagustuhan at pangangailangan ay may
hangganan.
• Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya
upang matugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan at kagustuhan gamit ang
kanyang limitadong pinagkukunang-yaman.
• Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay
nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.
20. Dibisyon ng Ekonomiks
• Maykroekonomiks (Microeconomics) ay tungkol
sa galaw at desisyon ng bawat bahay kalakal at
sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat indibidwal
na yunit – sambahayan, bahay-kalakal at industriya.
Ang mga desisyon ng bawat indibidwal ay
napakahalaga sa pag-unawa ng ekonomiya.
• Makroekonomiks (Macroeconmics) ay tumitingin
sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri
nito ang pambansang ekonomiya pati na ang
pangkahalatang antas ng presyo at pambansang
kita. Ito ay tumitingin sa kabuuan.
21.
22.
23. Ekonomiks bilang IsangAgham
Panlipunan
• Ang agham panlipunan ay isang sangay ng
kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga
pag-uugali ng tao habang siya ay nakikipag-
ugnayan sa kanyang kapwa at kapaligiran.
• Isang displina ng agham panlipunan ang
ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang
pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
25. Ang Pamamaraang Siyentipiko
Hakbang
Saklaw at
Paliwanag
Kahalagahan Halimbawa
Paglalahad
ng
Suliranin
Paglilinaw at
pagtatakda ng
katanungan nais
na sagutin.
Pagpokus
ng
pananalisik
sa isang
tiyak na
suliranin
Ano ang
ugnayan ng
presyo ng
bilihin at dami
ng bibilhin ng
mga
mamimili?
Pagbuo ng
Hypothesis
Pagbuo ng
pangunahing
paniniwala na
sasagot sa
katanungan.
Pagsubok
sa ugnayan
ng mga
piling
elemento
(variables)
ng pag-
aaral.
Maaring kapag
mataas ang
bilihin, kaunti
ang bibilhin ng
mga mamimili.
26. Ang Pamamaraang Siyentipiko
Hakbang
Saklaw at
Paliwanag
Kahalagahan Halimbawa
Pagsubok
at
Pagpapa-
tunay sa
Hypothesis
Pagkalap ng
impormasyon na
mag-uugnay sa
elemento
(variables) mula
sa pagsasaliksik
o obserbasyon.
• Pagtatala at
pagsasa-ayos ng
mga nakalap na
impormasyon.
Pagbuo ng
mataas na
kalidad ng
kaalaman.
Pagpunta sa
pamilihan at
pakikipanaya
m sa mga
mamimili
tungkol sa
hypothesis.
• Pagsusuri sa
relasyon ng
presyo at dami
ng binibili.
27. Ang Pamamaraang Siyentipiko
Hakbang
Saklaw at
Paliwanag
Kahalagahan Halimbawa
Pagbibigay
ng
Conclusion
Pormal na
pagtatakda ng
ugnayan ng mga
pinag-aaralang
elemento at
pagpapaliwanag.
Pagpapa-
totoo o
pagtanggi
(accept or
reject) ng
hypothesis.
May epekto
ang presyo ng
kalakal sa dami
na nais bilhin
ng mga
mamimili.
Paglalapat Pagsasagawa ng
natutunan sa
totoong buhay.
Matutu-
gunan ang
kagustuhan
at
panganga-
ilangan.
Pagbebenta sa
mas murang
halaga upang
mahikayat ang
mas maraming
mamimili.
28. Bilang Pagtatapos…..
• Ang pag-aaral ng ekonomiks ay
nakatutulong upang magkaroon ng
tamang pagpapasya at pagpili ang tao.
29. Isaisip:
• Ang ekonomiks ay isang sangay ng
Agham Panlipunan na nag-aaral kung
paano tutugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
gamit ang limitadong pinagkukunang-
yaman
• Ang kakapusan ay tumutukoy sa pagiging
limitado ng mga pinagkukunang yaman.
• Makakatulong sa matalinong pagpapasya
ang mga konsepto ng ekonomiks gaya ng
opportunity cost at trade-off.
30. Isaisip:
• Dahil sa kakapusan, kailangan ng tao ang
wastong pagpili sa mga bagay na nais
niyang gawin o mga produktong nais
niyang bilhin. Mahirap ang pagpili kung
parehong may positibong pakinabang ang
mga pagpipilian. Hindi kayang makuha ng
tao ang lahat ng kanyang
pangangailangan. Dahil dito, hindi
maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay
ang pagpili o ang pagsasakripisyo ng
isang bagay kapalit ng ibang bagay.
31. • Bakit mahalaga para sa mga
kabataan ang pag-aaral ng
ekonomiks?
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswisena papel. COPYAND
ANSWER. Isulat ang pangalan,lagda at ValidID number
ng magulango guardian.
33. Ano ang KAKAPUSAN ?
• Ang kakapusan (scarcity) ay ang hindi
kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang
mapunan ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao.
Dahilan ng Kakapusan
• Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-
yaman.
• Non-renewability ng ilang pinagkukunang-
yaman.
• Kawalang-hanggan ng pangangailangan ng tao.
34. Uri ng Kakapusan ayon sa kalagayan
• Pisikal na Kalagayan
• Tumutukoy sa aktwal na kawalan ng yaman na
tutugon sa mga pangangailangan ng tao.
• Dahilan ito ng limitadong pinagkukunang yaman.
• Pangkaisipan na Kalagayan
• Tumutukoy sa pagpigil ng tao na tugunan ang
pangangailangan kahit may kakayanan siya na
tugunan nito.
• Dahilan nito ang walang katapusan
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
36. Ano ang pagkakaiba ng Pangangailangan sa
Kagustuhan?
Pangangailangan Kagustuhan
• Mgabagaynalubhang
mahalagaupangang
taoaymabuhay
• Mgabagaynaginusto
lamangngtaoatmaari
itongmabuhaykahit wala
ito.
• Kungipagkakait ito,
magdudulot ito ngsakit
okamatayan.
• Angpagnanaisnatugunan
ito aybungalamangng
layawngtao.
37. Kakapusan bilang suliraning
panlipunan
• Nag-iiba ang pag-uugali ng tao
kapag hindi niya nakakamit ang
kanyang mga pangangailangan.
• Ang pag-uugali ng tao ay nagiging
hindi katanggap-tanggap.
Natututo siyang magdamot,
mandaya, magnakaw at
manlinlang sa kapwa.
• Nagiging bunga ng kakapusan
ang pagtaas ng presyo ng mga
bilihin (inflation) na nagiging
dahilan naman ng kaguluhan at
pagdurusa ng mga tao sa lipunan.