2. EKO-KUWENTO
Anumang isinasalaysay o
ikinukuwento na may kaugnayan sa
kalikasan at tao, may masinop na
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
ay eko-kuwento. Maaari itong halaw sa
tunay na karanasan at pangyayari o
imahinasyon lamang.
5. “Si Abakita”
by Fe Bermiso
Ayon sa Lolo at Lola na tagakuwento, si Abakita ay
anak ng isang doktor.
Nang isinilang si Abakita, isang diwata ang kumuha sa
kanya at pinalitan lamang ng katawan ng saging. Naniwala
naman ang ina na ang kanyang anak ay patay na.
Ibinigay lahat ng diwata ang mga pangangailangan ni
Abakita. Lumaki na siya ngayon at mas lalong luminaw ang
kanyang balat sa bahagi ng kanyang puwet.
6. Isang araw, nang ang mag-asawa ay nagbabakasyon
sa lugar kung saan nakatira si Abakita at ang kanyang ama-
amahan, may nakita silang isang bata na naliligo sa ilog.
Mayamaya, nakita nilang muntik nang nalunod ang bata.
Agad silang pumunta sa sapa upang iligtas ang bata. Nang
pinunit nila ang damit nito, nakita nila ang balat na katulad
na katulad ng balat ng kanilang namatay na anak.
Pinaghinalaan ng mag-asawa na ang niligtas nilang bata ay
ang kanilang sariling anak. Hinayaan nilang makauwi siya sa
kanilang bahay at bumalik sa lugar na iyon upang
imbistigahan kung totoo bang namatay na nga ang kanilang
anak.
7. May pinag-atasan ang ama sa paghukay ng kabaong ng bata.
Natuklasan nilang wala naman palang laman ang kabaong. Sa
pagtataka, bumalik sila sa lugar kung saan nakita nila ang bata.
Nang dumating sila, ang taong kumuha kay Abakita ay natakot.
Tinanong nila ang diwata kung nandoon ba ang bata. Ngunit sinagot
niya ito na walang bata sa lugar niya. Pinilit talaga ng ama na
pumasok sa bahay ng diwata. Ilang sandal, nagtaka nalang ang
batang si Abakita kung bakit may kaguluhan. Nakita niya ang taong
sumagip sa kanya at mabilis niyang niyakap ito at nagsabing
“Maraming salamat!”. Niyakap din ng magasawa si Abakita. Nang
nakita ito ng diwata, umiyak siya. Pagkatapos nito, sinabi niya ang
buong katotohanan tungkol sa bata. Sinabi niya na kinua niya si
Abakita nang isinilang ito at nilinlang lamang sila upang hindi
malaman na inagaw sa kanila ang bata.
8. Umiyak ang bata at nag iyakan silang lahat. Ipinagtapat
ng diwata kay Abakita na hindi siya ang tunay na magulang
nito. Habang umiiyak, niyakap ni Abakita ang kanyang ama-
amahan.
Pauwi na sana ang mag-asawa nang bigla silang
tinawag ng bata at nagsabing hintayin siya. Paharap sila sa
anak habang tumatakbo itong papunta sa kanila. Niyakap
nila ang bata at isinama nila ito sa kanilang bahay. Doon
natapos ang kuwento ni Abakita.
10. “Ang Buhay ni Bungkasanon”
Ni Fe Bermiso
Noong unang panahon mayroong mga ulila na nakatira sa
Yagkawan. Iyon ang pangalan ng ilog, ang malaking ilog. Ang
lugar na iyon ay likas pa sa kagubatan. May limang
magkakapatid sa lugar na iyon, isang lalaki at apat na babae.
Ang lalaki ay nagngangalang Yagtaw, siya ang pangalawa sa
pinakamatanda at ang kanilang bunso ay si Bungkasanon.
Si Yagtaw na nagbibinata na ay tumatayong ama at
kapatid. Isa sa mga naglilinis ng likas na yaman sa kagubatan,
tinutulungan siya ng kanyang dalawang kapatid na nagdadalaga
na rin sa pagtatanim ng mga halamang ugat.
11. Ginagaya ni Yagtaw ang kanyang ama na gumagamit
ng mga harang dahil ang kanyang ama ay mahilig pumunta
sa kagubatan kaya hindi sila nauubusan ng ulam. Kapag
hindi sila nakakahuli ng unggoy ay nanghuhuli sila ng manok
gamit ang bitag.Nanghuhuli rin sila ng baboy ramo sa
pamamagitan ng harang. Matiwasay ang kanilang
pamumuhay dahil sila lang ang nakatira sa lugar na iyon.
Lumipas ang mga taon si Yagtaw ay nag-asawa na at ang
kanyang mga kapatid ay nagsipag-asawa na rin at dinala
nan g kani – kanilang mga asawa.
12. Samantala si Bungkasano ay hindi pa nakapag-asawa
kaya siya ay naiwan sa lugar na iyon at nakatira siya sa
bahay ni Yagtaw Sa kasamaang palad, pinagtrabaho siya ni
Yagtaw nang sobra-sobra. Siya na ang pumupunta sa bukid
para magtanim ng mga halamang- ugat at palay kung
mayroon man. Sa madaling sabi, lahat ng trabaho sa bahay
man at bukirin ay siya na ang pinagagawa. Hindi na rin kasi
makapagtrabaho ang asawa ni Yagtaw dahil sa mga maliliit
na anak nito.
13. Tahimik lang si Bungkasanon, kahit gaano man siya
kapagod. Hindi mo pa rin makikita sa kanya na siya ay
pagod na pagod na.
Makakayanan ko ang pagod pero hindi ang kalupitan
ng asawa ni Yagtaw sa akin. Sinabi k okay Yagtaw kung
pwede akong pumunta kina Mainay na nasa malapitan.
14. Si Mainay ay tiyuhin ni Bungkasanon. Ito ay may anak
na kasing edad ni Bungkasanon. Sa parehong dahilan, si
Bungkasanon ay nagtatrabaho pa rin nang mahirap sa
kadahilanang ang anak ni Mainay ay hindi sanay sa trabaho.
Isang araw si Bungkasanon ay inutusan upang magtanim ng
kamoteng kahoy, hindi siya kumain ng almusal at naglakad
papunta sa bukid upang magtanim. Siya ay tumungo
papunta sa ilog Adgawan dahil nahalina siya sa tubig na
napakamalinaw. Kahit maghulog ka ng karayom ay makikita
mo pa rin ito.
15. Nakayuko ang ulo niya habang naglalakad at tumutulo
ang luha dahil sa nararamdamang awa sa kanyang sarili.
Habang siya’y bumabagtas sa kabilang ilog, nagulantang
siya sa Agila na lumilipad sa may ilog. Nang siya’y lumingon
ay lumipad ang agila palayo sa tubig at nakita niyang tangay
nito ang isang isda, hawak ng agila sa kanyang kuko.
Sinigawan niya ang ibon at binitawan ng ibon ang sinabing
isda. Nagmamadaling pumunta sa tubig si Bungkasanon at
masayang sinalo ang isda.
16. Nang makarating siya sa sakahan ng halamang ugat
ay naghukay siya ng halamang ugat at ito’y niluto at hiniwa
ang isda at kinain iyon. Pagkatapos kumain naghukay ulit
siya ng halamang ugat at dinala ito kasama ang isda sa
kanilang bahay.
17. Dalawang taon siyang nagdusa dahil sa masamang
pakikisama ng kanyang tiyahin sa kanya, pero dumating ang
araw na may taong galing sa Sagunto na nagkagusto sa
kanya at pinakasalan siya nito at dinala sa Sagunto. Isang
ulirang maybahay at mabuting ina sa kanyang mga anak.
Dati siyang manggagamot pero Kristiyano ang kanyang
dalawang anak. Pinagtulungan nilang ipaliwanag sa Ina ang
makukuhang benipisyo ng isang tao kung siya’y maniniwala
sa Diyos. Pagkatapos niyang tanngapin ang Diyos ay
namatay siya pagkalipas ng isang taon dahil sa katandaan.