2. Kung gusto mong maunawaan ka ng iba,
Isalin sa pinakamalinaw na paraan,
Iyong simple lang,
Walang halong pangkukunwari,
arte, at kung ano pa
Ang gusto mo lang naman,
matiyak na kahit ano pang estado o
sitwasyon niya,
Malinaw sa kanya ang gusto mong
mangyari.
Iyon ay maihatid kung sino ka.
3. YUNIT II: MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSASALIN
MGA LAYUNIN:
1. Nakapagpapahayag ng simulain ng pagsulat na may kinalaman
sa pagsulat at pagsasalin.
2. Nakapagpapaliwanag nang wastong kaalaman at kasanayan
sa pagsasaling-wika
3. Nakapagsasalin gamit ang iba’t ibang dulog sa pagsasaling-
wika.
4. Naipapakita ang kahalagahan pagsasaling-wika.
4. Kaligirang Pangkasaysayan ng Pagsasaling-Wika
Ayon kay Chaim Rabin, 1958:
• “Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang
isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa
isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa
isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.”
Ayon kay Eugene Nida, 1959/1966
• “Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa
pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas
ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una; y batay
sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.”
• “Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa
pinakamalapit na katumbas na mensahe ng tekstong isinalin
sa wika o diyalektong pinagsasalinan.”
5. Ang Kasaysayan ng
Pagsasaling-wika
Mga tagapagsaling-wika ng
bansang Europa:
Lucius Livius Andronicus-
kinikilalang unang tagasaling-wika
Sa Europa. Isinalin niya ng patula
sa Latin ang Odyssey ni Homer
noong 240 B.C..
6. Gnaeus Naevius at Ennius
(Annales)- gumawa rin ng
pagsasalin sa Latin ng mga dulang
Griyego, tulad yaong isinulat ni
Euripedes.
8. Gresya- kinikilalang sentro ng karunungan at
sibilisasyon.
Iskolar sa Syria- Isinalin nila sa wikang Arabiko sa lungsod ng
Baghdad ang mga sulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at
marami pang ibang mga kilalang pantas at manunulat.
Toledo- ipinalit sa Baghdad bilang sentro ng karunungan sa
larangan ng pagsasaling-wika.
Dalawang napatanyag na tagapagsaling-wika sa Toledo ay sina:
• Adelard – nagsalin sa Latin ng Principles ni Euclid na
noon ay naisalin na sa Arabiko.
• Retines- nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141.
Liber Gestorum et Josaphat- naging dakilang salin na kung saan
nagkaroon ng iba’t ibang salin sa iba’t ibang wika ng Europa.
Barlaan at Josaphat- isang nobela tungkol sa dalawang tauhang
uliran sa pag-uugali at maka-Diyos sina Barlaan at Josaphat.
9. Dakong ikalabindalawang siglo
sinasabing nagsimula ang pagsasalin ng
Bibliya.
John Wycliffe- kauna-unahang nagsalin
ng Bibliya sa wikang Ingles noong
ikalabing-apat na siglo.
11. Jacques Amyot- isang Obispo sa Auxerre
na tinaguriang “Prinsipe ng Pagsasaling-
wika”. - Lives of Famous Greeks and
Romans ni Plutarch, 1559
12. Ang Inglatera ay nakilala naman noong
1467-1553. Narito ang kanilang tagapag-
salin:
John Bourchier noong 1467-1553,
tagapagsalin ng Chronicles ni Froissart.
17. Noong ika-17 siglo, si John Dryden
ang kauna-unahang kumilala na
ang pagsasaling-wika ay isang
sining.
18. Mga salin ni Alexander Pope:
• Homer sa salitang Ingles
• Iliad noong 1715-1720
• Odyssey noong 1725
19. Mga salin ni William Cowper:
• Homer sa salitang Ingles
• Odyssey noong 1791
20. August Wilhelm Von Schlegel-
nagsalin sa mga gawa ni
Shakespeare sa Aleman
21. Noong 1792, si Alexander Tytler ay
naglathala ng isang namumukod
na aklat na pinamagatang Essay on
the Principles of Translation.
22. Essay on the Principles of Translation
• Ang salin ay kailangang katulad ng orihinal sa diwa.
• Ang istilo at paraan ng pagsulat ay kailangang katulad ng
sa orihinal.
• Ang isang salin ay kailangang magtaglay ng ‘luwag at
dulas’ ng pananalitang tulad ng sa orihinal upang hangga’t
maaari ay magparang orihinal .
24. Fritz Gerald -nagsikap na mapanatili ang likas na kagandahang
pang-estetiko na siyang kinagigiliwan ng mga mambabasa ng
Rubaiyat of Omar Khayam ng mga Persyano, ang saling
nangingibabaw sa lahat at maaaring naging dakilang salin.
25. 1861….
Matthew Arnold- nagsalin sa On
Translating Homer. Naniniwala
siyang dapat ang isang salin ay
magtaglay ng bisa ng katulad sa
orihinal. Ang pagsasalin salita-sa-
salita o ang labis na katapatan sa
pagsasalin ay hindi kasinghalaga ng
pagpapanatili ng bisang pang
estetiko sa orihinal.
26. Francis William Newman ay isa sa
mga nagsalin ng Homer. Ayon kay
Newman ang salin ay “kailangan
matapat sa orihinal, kailangang
madama ng bumabasa na ang
kanyang binabasa ay isang salin at
hindi orihinal”.
27. Ika-20 Siglo
-Naging karaniwan na lamang ang pagsasalin
1919..
• Ritchie at Moore ay nagpalathala ng artikulo na
nagsasabing ang tunay na panitikan ng Pransya ay hindi
lubusang maaabot sa pamamagitan lamang ng mga salin.
Sa kasalukuyan, halos lahat ng bansa sa daigdig ay patuloy
sa pagsasalin sa kani-kanilang wika sa layuning maihatid sa
nakakaraming mambabasa ang makabagong pananaw sa
panitikan. Nagkakaroon din ng pagsasalin upang ipaabot ang
bagong kaalaman at karunungan sa ibat’ ibang bansa.
28. KASAYSAYAN NG PAGSASALIN SA BIBLIYA
Dalawang kadahilan ng pagsasalin ng Bibliya:
1. Sapagkat ang paksa sa Bibliya, lalo na ang Matandang Tipan, ay
tumatalakay sa tao- sa kanyang pinagmulan, sa kanyang layunin at
sa kanyang destinasyon. Sa loob ng ‘di na halos mabilang na
henerasyon, ang Bibliya ang siyang nagiging sanggunian ng tao
hinggil sa katuturan ng kanyang pagkabuhay. Sa mga dahon din ng
Bibliya, hinahanap ng tao ang mga panuntunang dapat niyang sundin
upang mabigyan-katuturan ang kanyang pagkabuhay sa daigdig na
ito. Kaya nga’t masasabing ang mga doktrinang nasasaad sa Bibliya ay
nakakahubog nang malaki sa katauhan ng isang tao. Ito ang dahilan
kung bakit itinuturing na naiiba ang Bibliya sa ibang aklat.
29. 2. Ang ikalawang dahilan kung bakit naiiba ang
Bibliya sa karaniwan sa larangan ng pagsasaling-
wika ay ang di-mapasusubliang kataasan ng uri
ng pagkakasulat nito.
Mahabang panahon na rin naman ang
nakaraan ngunit hanggang sa panahong ito, sa
daigdig ng mga Kristiyano, ay itinuturing pa ring
totoo at di-mapasusubalian, kundi man sagrado,
ang mga nasusulat sa Banal na Kasulatan o Bibliya.
30. Ang Bibliyang kinagisnan natin, gaya ng pagkakaalam natin,
kahit sa anong wika nasusulat, ay isang salin. Ang orihinal na manuskrito
o teksto nito ay sinasabing wala na. May mga patibay na ang nakatalang
kauna-unahang teksto ng Matandang Tipan na nasusulat sa wikang
Aramaic ng Ebreo ay naging laganap noong mga unang siglo, A.D.
Naniniwala ang marami na rito buhat ang salin ni Origen sa wikang
Griyego noong ikatlong siglo na nakilala sa tawag na Septuagint, gayon
din ang salin sa Latin ni Jerome noong ikaapat na siglo.
Si Jerome ay isa sa iilan-ilang kinikilalang pinakamahusay na
tagasalin sa Bibliya noong kanyang kapanahunan. Ang kanyang Vulgate na
salin sa Latin ng Bibliya ay matagal din panahon naging popular.
Dinadakilang salin ng Bibliya: ang kay Jerome sa Latin, ang kay Luther sa
Aleman, at kay Haring James sa Ingles (ng Inglatera) sa lalong kilala sa
taguring Authorized Version.
31. John Wycliffe- Kauna-unahang nagsalin ng Bibliya sa Ingles noong Ikalabing-apat na siglo
(Dalawa ang isinagawang nitong pagsasalin, noong 1382 at 1390 na inedit ni
John Purvey.
-Siya ang unang nagmungkahi na kailangang magkaroon ng salin sa Ingles
ang Bibliya para sa mga taong hindi marunong ng Latin.
William Tyndale (1526) -nagsalin ng Bibliya sa Ingles buhat sa wikang Griyego na salin
naman ni Erasmus. Ang salin ni Tyndale ay naiiba sa ibang salin dahil sa masalimuot na
mga talababa o notasyon.
Noong 1530 ay lumitaw naman ang salin buhat sa Ebreo ni Pentateuch.
Sa katotohanan ay hindi natapos ni Tyndale ang kanyang pagsasalin ng Matandang
Tipan. Ito ay ipinagpatuloy ni John Rogers na gumamit ng sagisag-panulat na Thomas
Matthew. Noong 1537 ay nagpugay sa madla ang saling ito. Makaraan ang dalawang
taon, ito ay nirebisa ni Richard Taverner.
Nagkaroon ng kautusan noong 1538 na ang lahat ng simbahan ay dapat
magkaroon ng isang Bibliya upang magamit ng lahat. Upang matugunan ang
pangangailangang ito ay muling nirebisa ni Coverdale ang Bibliya ni Matthew. Ang
nirebisang Bibliya na naging popular nang mahabang panahon sapagkat ito’y nagtataglay
ng mga Salmo.
32. Ang dakilang Geneva Bible ay lumitaw noong
1560. Ito’y isinagawa nina William Whittingham at John
Knox at iba pa upang makatulong sa pagpapalaganap ng
Protestantismo. Ito rin ang Bibliyang tinaguriang Breeches
Bible dahil sa bahaging sumusunod sa Genesis III,
7:’……and they sewed fig-tree leaves together and made
themselves breeches’.
Nang mga panahong iyon ay nagkaroon na rin ng
pagtatangka ang mga Katolikong Romano na magkaroon
ng sarili nilang Bibliya. Ang unang Bibliya ay nakilala sa
tawag na Douai Bible. Ang bagong Tipan ay nilathala
diumano sa Rheims noong 1582, at ang Matandang Tipan
naman ay noong 1609.
33. Noong 1603, si Haring James ay nagdaos ng isang
kumperensya na dinaluhan ng mga arsobispo at iba pang pari
sa Hampton. Apatnapu’t pitong arsobispo at pari ang hinirang
ni Haring James upang bumuo ng lupon na siyang gagawa ng
isang salin ng Bibliya na higit na maayos kaysa mga naunang
salin. Ang ginamit ng lupon bilang pinakasaligang salin ay ang
Bishop’s Bible at ang mga sanggunian naman ay ang ibang
mga saling nabanggit sa itaas, gayondin naman ang mga
teksto sa Griyego at Ebreo. Naging panuntunan ng lupon,
batay sa kagustuhan ni Haring James, na ang kanilang
isasagawang pagsasalin ay kailangang maging matapat sa
orihinal na diwa at kahulugan ng Banal na kasulatan. Dito nga
nakilala ang tinatawag na Authorized Version na naging
malaganap at popular at waring hindi malalampasan pa ng
ibang susunod na salin habang ang wikang Ingles ay buhay.
Noong 1870 ay nagmungkahi si Obispo Winchester na rebisahin ang
Authorized Version. Tumagal ng labinlimang taon ang pagrebisa sa Authorized
Version. Noong 1881 ay inilimbag ang nirebisang salin nito na nakilala sa tawag
na English Revised Version.
34. Nagkaroon pa rin ng pagsasalin sa Bibliya sa
paniniwala:
a. Walang kasiyahan at naghahangad ng higit
na Mabuti;
b. Ang kagustuhan magsaliksik;
c. Ang maiwasto ang mga maling
pagpapakahulugan sa diwa ng ilang bahagi
ng orihinal.
35. Hindi matatawaran ang kakayahan at kahusayan ng mga
tagapagsalin ng Bibliya, subalit ang kakayahang ito ay malimit pagkunutan
ng noo ng ibang pangkat dahil sa katotohanang may kahirapang
magkaroon ng mapagbabatayang orihinal na bersyon teksto sa wikang
Ebreo. Ang kalimitang napasasakamay ng mga tagapagsalin ay hindi na
mga orihinal kundi mga salin na rin ng salin ng salin at ang mga ito’y
karaniwang nagkakaiba-iba ng pakahulugan sa ilang bahagi ng Bibliya.
Ang isang tagasaling-wika sa kasalukuyan, samakatuwid, ay nagkakasya na
lamang sa mga salin, (kung ikailang salin ay hindi na matiyak). Sa mga
bahaging nagkakaiba ng diwa ang mga sangguniang ginagamit ang
tagasaling-wika ay pumipili na lamang ng isa sa mga salin na iniisip niya
na siya ang tama. Kung minsan naman ay gumagawa siya ng kanyang
sariling pagpapakahulugan.
Ang maituturing na pinakahuling salin ng Bibliya sa taong 1970 ay
ang The New English Bible na inilimbag ng Oxford University Press. Ito ay
20 taong pinagtiyagaang ihanda ng itinuturing ng simbahang Orthodox na
pinakadalubhasang pangkat ng mga tagasaling-wika at mga iskolar.
36. Ang New English Bible ay isinalin nang tuwiran mula sa
orihinal na mga katitikang Ebreo at Griyego sa liwanag ng pinakahuli
at mapananaligang tuklas ng mga mananaliksik. Sa mga pangkat ng
mga nagsitulong sa pagsasalin ay kabilang ang mga sumusunod:
•Baptist Union of Great Britain & Ireland Church of England
•Church of Scotland
• Church in England & Wales
•Irish Council of Churches
•Presbyterian Church of England
•British Foreign Bible Society
•National Bible Society
•National Bible Society of Scotland
•Roman Catholic Hierarchies in England & Scotland
37. TATLONG DAHILAN KUNG BAKIT NAPAGKAISAHANG MULING
ISALIN ANG BIBLIYA:
1.) Marami nang mga natuklasan ang mga archeologist o arkeologo
na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming bahagi ng mga salin;
2.) Nitong mga huling araw ay higit na naging marubdob ang pag-
aaral sa larangan ng lingguwistika. Di matatawaran ang naitutulong
ng karunungan sa lingguwistika sa pagpapalinaw ng maraming
malabong bahagi ng Bibliya.
3.) Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi
na halos maunawaan ng kasalukuyang mambabasa, bukod sa kung
minsan ay iba na ang inihahatid sa diwa.
HALIMBAWA: Old English Bible: How can this be....when I have no
husband? New English Bible: How can this be..... I am still a virgin.